LOGINIlang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari sa paghahanap nila. Pagod na rin sila, masakit na ang mga paa at binti nilang maglakad nang maglakad.
“Daig ko pa ang nag-exercise. Sobrang sakit na ng mga hita at binti ko. Kaya niyo pa bang maglakad?” reklamo ni Kaye. Nagrereklamo siya sa sakit ng mga binti niya pero masaya siyang samahan ang kaibigan niya.
Tahimik lang silang dalawa habang nasa byahe. Hindi na rin kinausap ni Kian si Ayesha dahil hindi naman ito interesado na kausapin siya. Siguro nga ay kailangan niya na lang tanggapin na wala talagang nararamdaman si Ayesha para sa kaniya. Ayaw niya namang pilitin itong mahalin din siya pabalik.Makalipas ang halos isang oras na byahe nila ay nakarating na rin sila sa isang chef ng hotel. Nauna nang lumabas si Ayesha at pumasok ng lobby. Nakasunod naman si Kian sa likod niya.Tahimik lang silang dalawa habang nasa loob ng elevator dahil may mga kasabay din silang iba. Ngayon pa lang pinagsisisihan ni Ayesha na pumayag siyang samahan si Kian. Hindi sana niya mararamdaman ang ganito, masyadong awkward sa pagitan nila ni Kian. Mapapanis na rin ang laway niya dahil hindi siya nagsasalita. Ayaw niya namang kausapin si Kian dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig niya.
Tulalang nakatingin sa kawalan si Ayesha. Maingay ang paligid niya pero para bang nasa loob ng tubig ang boses ng mga ito.“Ayesha, Ayesha,” bahagyang niyugyog ni Arianne ang balikat ni Ayesha kaya nagising ito sa pagde-daydream niya.“Ha?” tanong niya dahil wala siyang narinig sa sinasabi ni Arianne. Ngumiti naman si Arianne.“I’m asking you what you think would look best for my wedding gown?” ulit ni Arianne sa tanong niya. Napapatikhim na lang si Ayesha saka niya pinulot ang isang magazine sa center table nila. Isa-isa niyang tiningnan ang mga sample gown dun pero hindi rin niya alam ang sasabihin niya.“Kung ano sa tingin mo ang pakiramdam mo ay ikaw ang pinakamaganda.” Sagot ni Ayesha.“Are you okay?” n
Ayaw sanang pumasok ni Ayesha sa kompanya dahil ayaw niyang makita si Kian pero kailangan. Isang linggo siyang hindi pumasok dahil sa paghahanap niya sa ama ng anak niya. Nasa loob na ng elevator si Ayesha at paulit-ulit na hinihiling na sana ay nasa labas ng kompanya si Kian ngayon, na sana ay wala itong gagawin sa office niya.Nang bumukas ang pintuan ay napabuntong hininga siya. Hindi pa niya nakikita ang office ni Kian pero malakas na ang kabog ng dibdib niya. Bigla rin siyang nilamig sa sobrang kaba. Nanginginig na rin ang mga kamay niya.Habang naglalakad siya papuntang office niya ay para bang nakaibabaw ang mga paa niya sa ere. Hindi niya maramdaman ang bawat hakbang niya. Nang makapasok siya ng office niya ay saka lang siya nakahinga ng maluwag.Ano na lang ang magiging buhay niya sa araw-araw lalo na ngayong alam na nilang dalawa ni Ki
Bumalik si Ayesha sa hotel room nila. Tulala pa rin siya. Sa dami ng nangyayari para bang blangko na rin ang isip niya. Marami siyang iniisip pero para bang wala na siyang naiisip. Hindi naman siya nilapitan ng mga kaibigan niya. Hinayaan nilang mapag-isa si Ayesha sa balcony ng hotel room nila.Naihatid na rin nila si Arianne sa hotel nila ni Kian.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kaye nang makaupo siya sa sofa.“Kahit na hindi ako ang nasa sitwasyon ni Ayesha parang nahihirapan din ako. Isipin mo, they like each other pero wala silang magawa sa mga nararamdaman nila dahil magkapatid sila, ikakasal na rin si Kian pero tingnan mo kung paano guluhin ng langit ang mga buhay nila.” Nai-stress na saad ni Kaye saka siya napapailing.Tiningnan naman ni Lalaine si Ayesha na nasa balcon
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Ayesha kay Kian. Nagulat naman si Kian pero pakiramdam niya deserve niya ang sampal na yun. Kulang pa sa mga panahon na pinabayaan niya si Ayesha at si Zayn kung siya nga ang ama ni Zayn.Hindi pa nakontento si Ayesha sa isang sampal kay Kian. Sinampal niya pa ito sa kabilang pisngi dahil sa galit niya hanggang sa hinampas-hampas niya na si Kian sa dibdib habang umiiyak.Hindi naman siya pinigilan ni Kian. Buong pusong tinanggap ni Kian ang bawat hampas ni Ayesha sa kaniya.“I’m sorry,” mahina nang saad ni Kian. Humahagulgol naman si Ayesha dahil all this time, nasa harap niya na pala ang lalaking hinahanap niya. Ang lalaking pinagkamalan ng anak niya na daddy nito, ay siya naman pala.“Tang ina mo, Kian. Napakagago mo. Bakit ba pilit mong ginugu
Napatayo na rin si Kaye at Lalaine ng marinig nila ang boses ng kaibigan nila. Hindi pa man sila nakakalapit kay Kian at Ayesha ng marinig din nila ang sinabi ng babaeng nasa front desk. Maging sila ay nagulat at hindi makapaniwala sa narinig habang si Kian naman ay naguguluhan pa rin.Anong kinalaman niya sa paghahanap ni Ayesha?Hindi na makapagsalita si Ayesha dahil para bang nagkaroon ng pagbabara sa lalamunan niya. Mahigpit na hinawakan ni Ayesha ang papel na ibinigay sa kaniya.“Ano bang nangyayari, Ayesha? Ano bang sinasabi ng babaeng yun?” tanong ni Kian. Itinago ni Ayesha ang papel na hawak niya sa likod niya. Gusto na rin sanang hilain ni Kaye si Ayesha para makaalis na sila pero pinigilan siya ni Lalaine.“Huwag ka ng mangialam sa kanila. Kung tama man ang hinala natin, sila na an
Hindi na nakaabot sa meeting si Ayesha kaya nagtungo na lang siya sa office ni Kian. Ngayon alam niya na kung anong dahilan bakit mainit ang ulo ni Kian kanina. Tungkol pala sa project ang sinasabi nito sa secretary niya.Hindi na kumatok si Ayesha sa pintuan. Binuksan niya na lang ang pintuan ng o
Sa huli ay pumayag si Ayesha sa gusto ni Kian. Nagpaalam kaagad si Ayesha sa pamilya niya lalo na sa anak niya na mawawala siya ng tatlong araw.“Kasama mo po si daddy?” tanong ni Zayn habang naggagayak si Ayesha.“Oo baby, so don’t worry about me, okay?”“Hindi po ba ako pwedeng sumama, mommy?” na
Iniharap ni Nick ang laptop niya kay Ayesha saka siya nagsalita.“We need at least 20 million for the campaign.” Anas ni Nick saka siya ngumiti. Napakunot naman ng noo si Ayesha habang nakatingin siya sa screen ng laptop.Napabuntong-hininga si Ayesha.“Grabe, Nick,” wika niya habang napapailing. “
Nagbubulungan ang mga empleyado nang pumasok kinabukasan si Kian. Alam nilang lahat ang nangyayari sa kompanya at ang pag-alis kay Kian bilang CEO. “Ang gwapo pa naman niya. Crush na crush ko pa naman siya.” Tila nanghihinayang na sambit ng isang empleyado nang daanan ni Kian ang mga ito. “Pansam







