تسجيل الدخولInihatid na ni Kian si Ayesha sa bahay nila. Hindi na muna nila sinundan si Nick sa hospital kahit na gustong-gustong puntahan ni Ayesha. Madilim ang mukha ni Ayesha at salubong ang mga kilay niya.“He saves us. Gusto ko lang namang malaman ang kalagayan niya. Ilang beses ko bang sasabihin sayong okay lang ako?” Hindi pa rin tumitigil si Ayesha pagkatapos nilang magtalo ni Kian.“Kalalabas mo lang ng hospital, Ayesha. Ilang beses ko rin ba sasabihin sayo na hindi tayo lulubayan ng panganib? Bakit hindi mo na lang ako intindihin? Kaligtasan mo ang iniisip ko for heaven’s sake! Wala akong oras sa pagtatantrums mo. Magalit ka sa akin kung gusto mo, magtampo ka go on. Hindi kita pipigilan pero kailangan kitang pigilan na pumunta ng hospital. Paano kung nasa paligid lang natin ang gustong pumatay sa atin? Oo, nahuli nila ang driver pero hindi mauubusan ng tauhan si Uncle Rafael! Mas mabuting manatili ka muna sa bahay. Hangga’t papalapit tayo nang papalapit sa katotohanan, hindi titigil si
Inilalagay na ni Kian sa bag ang mga gamit nila ni Ayesha. Inaalalayan naman ng isang nurse si Ayesha dahil nagbibihis pa ito.“Are you sure you’re okay now?” tanong ni Kian dahil mas mabuti ng magstay sila sa hospital masiguro niya lang na okay ang mag-ina niya.“Okay naman na ako. Tumigil naman na rin ang pagdurugo. Doctor na rin naman na ang nagsabi na pahinga na lang sa bahay ang kailangan ko. Huwag ka ng masyadong mag-alala dahil may personal doctor naman ang pamilya natin.” Napabuntong hininga na lang si Kian at pinagpatuloy niya na ang paglalagay ng mga gamit nila sa bag.Nang maayos niya na ang bill nila ay lumabas na rin sila ng kwarto. Nakakapaglakad na rin ng maayos si Ayesha.“Isang linggo ka munang magpapahinga sa bahay ha? Hayaan mo na muna ang mga trabaho mo sa kompanya. Ako na ang bahala sa mga iiwan mo.”“Pero hindi ba at busy ka rin? Iuwi mo na lang kaya sa bahay ang mga paperworks ko at dun ko gawin?” Mariing tiningnan ni Kian sa mga mata si Ayesha. Napapatikhim na
Nang malaman ni Emma ang nangyari sa anak niya ay mabilis niya itong pinuntahan sa hospital.“Oh my God! What happened dear?” nag-aalala niyang tanong. Ibinaba niya ang mga pagkain na dala niya saka niya niyakap si Ayesha.“Can you please convince her to rest for a while?” ani ni Kian. “She’s stress at nakakaapekto yun sa baby namin.” Dagdag niya. Napabuntong hininga si Emma saka siya kumalas sa yakap at tiningnan si Ayesha.“Bakit hindi ka na lang muna magpahinga sa bahay? Paano kung may mangyari sayo at sa baby mo dahil sa sobrang pagod mo? I know, hindi mo gustong mangyari yun.”“Pakiramdam ko kasi kapag nasa bahay lang ako at naghihintay ng balita lalo akong mai-stress.”“No, you need to rest. Huwag matigas ang ulo mo, Ayesha. Kapag nakalabas ka dito, sa bahay ka na muna. Hindi pwedeng ipilit mo ang gusto mo. Hihintayin mo pa bang may mangyari sa baby mo bago ka makinig sa akin?” Panenermon ni Emma. Napapabuntong hininga na lang si Ayesha. Mukhang wala na siyang magagawa kundi ang
Mariing ipinikit ni Ayesha ang mga mata niya habang pilit na pinapaalis ni Nick ang mga reporters. Hindi sila makaalis dahil sa mga nakaharang na paparazzi sa harap nila.“Paalisin niyo sila!” sigaw ni Nick sa mga guard na wala ring laban sa dami ng mga paparazzi na gustong makakuha ng impormasyon mula kay Ayesha.“Stop,” mahinang sambit ni Ayesha na unti-unti nang nanghihina pero wala pa ring nakikinig sa kanila.Mas lalo pang nagsiksikan ang mga tao sa paligid nila.“Ms. Ayesha, answer us!”“What is happening to you? Are you okay?” Patuloy na tanong ng mga ito.“Ano ba! Tumigil na kayo. Kailangan namin siyang idala sa hospital!” sigaw na rin ni Shane na nag-aalala na para sa boss niya.“Ayesha?” Ani ni Nick nang maramdaman niyang lalong nanghihina si Ayesha. “Oh shit! Padaanin niyo kami! This is not the right time para tanungin niyo siya!” Nanggagalaiti nang sigaw ni Nick.“Oh my God,” mahinang usal ni Shane at tila nanlamig ang katawan niya ng makita niya ang kulay pulang likido na
Nilapitan ni Ayesha si Kian saka ito bahagyang nginitian.“Okay ka lang?” tanong niya. Huminga ng malalim si Kian saka siya tumango.“Huwag mo akong alalahanin. Iniisip ko lang, kung nakuha na ni Uncle Rafael ang mga files na hawak ni Michael. Sigurado akong nilinis niya na yun, sinunog o itinapon kung saan. Kung nalinis na ni Uncle Rafael ang lahat ng ebidensya laban sa kaniya, saan pa tayo kukuha? Hindi naman natin siya pwedeng paalisin ng basta-basta sa kompanya dahil marami na rin siyang kakampi sa mga board members.” Problemadong wika ni Kian.Gusto niya ng matapos ang lahat ng nangyayari sa kompanya para makapagfocus na siya sa pamilya niya.“Makakahanap din tayo. Mapapaalis din natin siya sa kompanya kaya huwag kang masyadong mag-isip nang mag-isip. Kahit kailan, hindi nananalo ang kasamaan. Sa mga nakalipas na taon na nakasama ko siya sa kompanya, wala naman akong nakitang maling ginagawa niya kaya bakit niya ito ginagawa ngayon?” Naguguluhang tanong ni Ayesha. Sa mga tanong n
Pakiramdam ni Ayesha ay wala ng katapusan ang problemang nangyayari sa pamilya nila. Sa halip na nagfofocus sila sa issue ng pamilya nila at mapag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni Kian, kailangan nilang unahin ang nangyayari sa kompanya.Lahat sila ay nakaupo sa sala. Tahimik at para bang nagpapakiramdamanan. Ramdam nila ang tension at kaba dahil sa dalawang pulis at isang imbestigador na nagpunta ng bahay nila.“Officer,” malamig na panimula ni Dexter, “you said you found something about the truck driver?” Pareho namang tumango ang dalawang pulis.“Lumabas na po kasi ang final autopsy report.” Lahat sila ay nakatutok sa mga pulis. Sigurado silang hindi pupunta ang mga ito sa bahay nila kung wala silang mahalagang sasabihin tungkol sa nangyaring aksidente kay Michael.Sila na mismo ang nagsabi na isasarado na ang kaso dahil aksidente lang ang nangyari. Pinagsalikop ni Ayesha ang mga kamay niya dahil kinakabahan na siya. Pakiramdam niya ay may mali at kung tama nga ang hinala nil
Galit na galit na nagwala si Rafael sa loob ng office niya. Nanggagalaiti siya sa galit at inis. Kung pwede niya lang suntukin sa mukha ang pamangkin niya, ginawa niya na sana pero kinokontrol niya ang sarili niya dahil hindi pwedeng siya ang mapaalis sa kompanya.Humugot ng malalim na buntong hini
Matapos ang pag-uusap nila ni Kian ay tila gumaan ng kaunti ang dibdib ni Ayesha. Masyado lang sigurong mataas ang pride ni Kian. Kahit na alam nitong nagkamali siya, ayaw pa rin niyang aminin at ayaw niyang humingi ng tulong sa iba.Kung sabagay, bakit pa nga ba siya hihingi ng tulong kung kayang
Nilalaro ni Ayesha ang ballpen sa mga daliri niya. Wala na siyang balita sa project. Gusto niya sanang magtanong pero baka makatanggap lang siya ng galit.“Bahala na siya sa buhay niya. Kung alam niya naman ang ginagawa niya then good for him.” Anas niya na naman sa sarili niya. Pinilit niyang ibal
“Working malamang,” masungit na sagot ni Ayesha saka siya naunang naglakad patungong elevator. Sumunod naman si Kian sa kaniya. Pareho silang tahimik habang nasa loob ng elevator. Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa pero okay na rin si Ayesha na may kasama siyang lalabas ng kom







