로그인Napuno ng excitement ang mga tao sa buong silid ng VIP room 1 nang ianunsyo sa buong palapag ang pag-bid ng sampung milyon para sa agarwood. “Boss, nahanap ko na.” saad ng tauhan maya-maya kay Jace pagkabalik nito.Mabilis ang pagtalima ng tauhan pabalik sa VIP room 2.“Sino?” tanong ni Nadeleine, na bahagyang napahiya nang hindi magtagumpay sa pagbid, kitang kita sa kaniyang mukha ang hindi kaaya-ayang ekspresyon.Hindi naman siya pinansin ng tauhan dahil diretso itong nag-report kay Jace na kaniyang boss. “Si Leana Stephens ang buyer na nasa kabilang silid. Siya ang CEO ng Stephens Group of Companies.” “Stephens Group of Companies?” napaisip ng malalim si Jace habang nilalaro ang bracelet na mahigpit na nakakabit sa kaniyang pulso. Bahagyang naningkit ang kaniyang mga mata. “Bakit naman niya bibilhin ang agarwood na iyon?” tanong muli ni Jace.“Iyan po…ang hindi ko alam, boss.” saad ng tauhan.Maganda ang reputasyon ng kumpanya ng mga Stephens sa buong manila. Na tila ba dahil s
Mukhang nasa edad na bente pa lamang ang lalaki, inosente ang mukha nito ngunit kitang kita ang nakasabit na hugis bungo sa kaniyang leeg, labis na hindi tumutugma sa kaniyang itsura."Magandang araw sa inyong lahat. Ngayon ay sisimulan na natin ang pinaka-highlight ng araw na ito. Alam ko naman na marami sa inyo ang pumunta dahil dito. Kaya naman hindi ko na ito patatagalin pa kaya't diretsuhin na natin."Lumabas ang dalawang napakagandang modelo na mukhang nasa mga 1.7 na metro ang tangkad, may kanya-kanyang dalang tray at saka sabay na inangat ang pulang tela na nakatakip rito.Isang bagay na kahawig ng karne at kabute ang lumitaw sa harap ng lahat. “Isang kilong Agarwood. 'Yong nagbebenta na mismo ang lumapit sa akin para maki-usap na ibenta ko ito ngayon. Ang unang bid ay magsisimula sa dalawang milyon! At bawat bid ay tataas dapat ng isang daang libong piso.”Matagal nang naninirahan sa siyudad si Nadeleine, ngunit ngayon lang niya nakita nang personal ang ma-alamat na Agarwoo
"Kung ayaw mo namang tanggapin ang regalo ko , e 'di hindi ko rin puwedeng tanggapin ito." ani Nissy. Ayaw man niya ay maingat pa rin niyang inilapag ang bracelet sa mesa at itinulak pabalik kay Cailyn, kahit na halata namang gustong gusto niya iyon dahil hindi matanggal ang tingin niya rito.Tumaas ang dalawang kilay ni Cailyn, pagkatapos ay tumigil ang mga mata niya na parang mga bituin sa medyo namumulang mga pisngi at umaasang tingin ni Nissy. Pagkalipas ng ilang saglit ay napabuntong hininga na lamag si Cailyn at saka tumango na tila wala namang magawa."Sige na nga." ani Cailyn.Sakto naman na pumasok ang adviser ng klase pagkatapos sumang-ayon ni Cailyn sa gustong mangyari ni Nissy. Lumapit ang guro sa harapan at saka kinatok ang mesa na naroon. Nagkalasan lahat ng mga estudyante na parang mga ibon na nagliparan pabalik sa kani-kanilang upuan.Nagsimula ang guro sa pagpapaliwanag ng mga paalala para sa simula ng klase. Sa kalagitnaan ng klase ay bila na lamang nanginig ang telep
PUMASOK SI Cailyn sa loob ng silid ng Class A, katabi lamang iyon ng silid ng Class B.Nanlaki naman ang mga mata ni Aina at nalaglag ang panga nang makita ang silid na pinasukan ni Cailyn."S-si Cailyn... s-siya ang tinutukoy sa forum? Pero paanong... p-paano naging ganon kataas ang grado niya sa exam..." saad ni Aina.Hindi naman umimik si Fayra, tila ayaw na nitong magsalita dahil sa labis na inis.Oo nga pala. Naalala ni Fayra na sobrang galing ni Cailyn noong nasa elementarya pa ito. Lagi itong nangunguna sa buong batch nila. 'Tsaka lang naman pumantay kay Fayra ang grado ni Cailyn nang tumungtong sila ng high school, pero tuwing ipinapaliwanag ni Fayra ang mga tanong na nasa exam kay Cailyn ay palagi na lang nitong natatantsa nang tama.Pinag-uusapan ng lahat sa buong silid ng Class A ang bagong estudyante na lilipat sa klase nila. Bihira lang kasi silang mag-aral nang sabay-sabay kaya sa oras na iyon ay puro kwentuhan at bulungan ang laman ng buong silid nila. Hanggag sa nakit
Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng fo
Sa pagkakalam ni Cailyn ay napakahigpit ng patakaran sa Philippine Science High School. At ang pagtanggap nito sa kaniya bilang isang senior transfer ay isa nang malaking paglabag sa mga panuntunan. Ano bang klaseng 'background' ang mayroon si Jace para hayaan siya nitong pumili ng mismong klase na gusto niya?"Cailyn Avensa." tawag ng head ng teaching department sa kaniya bago pa man siya makasagot sa mensahe ni Jace. Mukhang tapos na nitong i-check ang kaniyang mga marka sa pagsusulit kasama ang iba pang mga guro. Tumayo si Cailyn at saka naglakad palapit sa kinaroroonan ng guro nang may mayabang na tindig.---BIGLANG MAY LUMITAW na anonymous post sa online forum ng eskuwelahan."Putek, yung bagong transferee nakakuha ng perfect score sa entrance exam tapos napunta pa sa Class A!"Noong una ay halos wala namang pumapansin sa pot na iyon, pero nang nagsimula anang dumami ang mga nagbibigay ng kaniya-kaniyang komento sa post na iyon ay unti-unti na itong umakyat sa pinaka-top 3 ng f
Narinig na rin iyon ng homeroom teacher mula sa Class S at hindi rin nito naitago ang nararamdamang inggit."Si Fayra ba ang irerekomenda sa People's Art Theater sa manila? Grabe, ang galing naman! Sobrang dami na rin kasing post online tungkol doon sa school forum. Magiging isa ka ng big star home
NAMUMUKOD TANGI sa kalsada ang bagong bili na Bentley ni Harvey Avensa na kulay sapphire blue.Maraming mga magulang ang napapalingon roon, may halong kuryosidad at inggit sa mga mata habang nakatutok ang mga tingin sa direksiyon nila. Samantalang malapad naman ang ngiti nina Harvey at Fayra na nas
"Napaka-bless niyo po talaga Mr. Avensa at may anak po kayo na napakabait. Isa po talaga si Fayra sa mga may matataas na grado sa klase namin, at maraming estudyante rin po ang tumitingala sa kaniya. Ibabalita ko po kaagad sa iba ang tungkol sa magandang balita na 'to bukas sa morning assembly nami
Sinulyapan ni Jace ang mga paper bags na bitbit ni Kian. Lahat ng iyon ay may mga tatak na gustong-gusto ng mga kababaihan. Ipinilipit niya ang kaniyang mga labi bago muling nagsalita."Ayos lang naman sa mga babae ang maraming damit." ani Jace sa mababa at malambing na boses."Sabagay," sabi naman







