Share

Amiel Robles 141

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-10-27 22:14:09

Napakunot ang noo ko. “May backup ka pang nalalaman?”

“Hindi ako ang gumawa ng backup kundi ang mismong security team,” paliwanag ni Micah. “Na-recover nila ang kopya mula sa secure archive. Ang ginawa ko lamang ay ipaalam sa kanila na may posibleng pagtatangka ng pag-alis ng ebidensya at hiniling ko na panatilihin itong buo para sa imbestigasyon.”

Mabilis kong tiningnan ang guwardiya. “Totoo ba ang sinasabi niya?”

“Opo, sir,” pagpapatunay ng guwardiya. “Nang sabihin po ni Miss Micah na may hin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 141

    Napakunot ang noo ko. “May backup ka pang nalalaman?”“Hindi ako ang gumawa ng backup kundi ang mismong security team,” paliwanag ni Micah. “Na-recover nila ang kopya mula sa secure archive. Ang ginawa ko lamang ay ipaalam sa kanila na may posibleng pagtatangka ng pag-alis ng ebidensya at hiniling ko na panatilihin itong buo para sa imbestigasyon.”Mabilis kong tiningnan ang guwardiya. “Totoo ba ang sinasabi niya?”“Opo, sir,” pagpapatunay ng guwardiya. “Nang sabihin po ni Miss Micah na may hinala siyang may mga file na pilit tinatanggal, agad kaming nagsagawa ng system audit. Nakatagpo kami ng backup kopya sa aming main server. At ang mga napanood ninyo ngayon ay ang mga kopyang beripikado at aprubado ng aming security supervisor.”Hindi na ako nakapagsalita. Parang may bumara sa lalamunan ko.Naalala ko noong mga panahong iyon. Nang araw na sabihin sa akin ni Audrey na wala na kaming aasahang makikitang CCTV footage dahil sirang-sirang talaga ang mga ito, buong-puso akong naniwala s

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 140

    “Bago tayo magpatuloy sa iba pang dokumento,” kalmado ngunit matigas na wika ni Mommy Rendy, “gusto ko munang linawin ang isa pang mahalagang bahagi ng usaping ito.”Naramdaman kong biglang nanigas ang buong katawan ni Audrey sa tabi ko. Parang binuhusan ito ng malamig na tubig.Napansin ko ang reaksiyong iyon, ngunit bago pa man ako makapagtanong o makapagsalita, biglang nagliwanag ang malaking screen sa unahan at lumitaw ang isang pamilyar na kuwarto—ang security room ng kumpanya.May mahabang mesa roon, ilang computer monitor, at isang lalaking naka-uniporme na nakaupo sa harap ng mga ito. Kilala ko ang guwardiyang iyon; ilang beses ko na siyang nakita sa lobby noong bumababa ako, bagama't hindi ko man lang naabala na alamin ang pangalan niya.Sa simula ng video, pumasok si Audrey sa loob ng silid na may dalang isang supot ng pagkain mula sa isang sikat na fast-food chain.Lumapit siya rito nang nakangiti. “Kuya, nagdala ako ng konting meryenda para sa iyo. Alam kong mahaba pa ang

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 139

    Nang magsimulang magliwanag ang malaking screen sa harapan, lumitaw ang isang opisyal na petsa mula sa mga nakaraang linggo. Kasunod nito ang pangalan ng aming departamento. At pagkatapos ay nagsimulang umandar ang isang maikling video.Sa unang mga segundo, hindi ko agad naintindihan ang eksenang nakikita ko. Isang pamilyar na bahagi lamang ito ng opisina, kuha mula sa mataas na anggulo ng CCTV. Si Audrey ang nakikita rito, nakaupo sa kanyang swivel chair habang walang-pakundangang inaayos ang sarili niyang mga kuko.Sa paligid niya, abalang-abala ang ilang empleyado sa harap ng kani-kanilang computer at tambak na dokumento.Makalipas ang ilang sandali, isang babaeng empleyado na may dalang makapal na folder ang nag-aalinlangang lumapit sa kanya.“Miss Audrey, ito na po ang mga dokumentong kailangan ninyong i-review para sa hapon.”Hindi man lamang nag-abawang tumingala si Audrey. “Iwan mo na lang diyan sa tabi.”“Pero po, kailangan na itong maipasa bago magtanghali sa legal departme

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 138

    “Bago tayo magpatuloy,” malamig at pormal na wika ni Mommy Rendy, “gusto kong linawin ang isang mahalagang bagay. Hindi ito pagpupulong para manghusga nang walang batayan. At lalong hindi ito tungkol sa kung sino ang mas pinapaboran o gusto ni Amiel sa kanilang dalawa.”Tumalas ang tingin niya kay Audrey.“Hindi ito tungkol sa personal ninyong relasyon.”Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin sa akin. “Ito ay tungkol sa integridad ng trabaho, propesyonal na pag-uugali, at mga seryosong pangyayaring hindi na natin maaaring balewalain pa.”“Pero kung ganoon, bakit kailangan pang isama rito si Micah?” pagmamatigas ko.“Dahil may mga opisyal na pahayag siyang inihain na kailangan niyang patunayan, at may mga paratang din tungkol sa kanya na kailangang suriin ng board. Kung totoong may nangyaring pambubully at pang-aabuso, dapat itong imbestigahan nang patas. At kung may mga empleyadong nag-abuso sa kanilang kapangyarihan, dapat din itong malaman.”“Kung totoo ngang patas kayo, bakit para

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 137

    Sa pagkakataong ito, bahagyang umangat ang kilay ni Micah. “Ako?”“Oo, ikaw. Simula nang dumating ka, palagi mong pinagmumukhang walang alam si Audrey. Palagi kang naghahanap ng paraan para ipahiya siya. At ngayong wala ka na sa opisina, mukhang hindi ka pa rin kuntento—kailangan mo pang impluwensiyahan ang mga empleyado para lahat sila ay tumalikod sa amin!”Dahan-dahang isinara ni Micah ang folder sa harap niya. “May ebidensiya ka ba sa mga paratang mo, Amiel?”Lalong umakyat ang dugo ko sa ulo. “Hindi mo na kailangang magkunwari pa! Alam kong matagal mo nang gustong sirain ang relasyon namin ni Audrey.”“Amiel, wala akong kinalaman—”“Tumigil ka!” putol ko. “Hindi ko na kailangan ang mga palusot mo.”Sa tabi ko, napasinghap si Audrey. “Amiel, huwag ka nang makipagtalo,” sabi niya sa nanginginig at mahinang boses. “Baka lalo lang silang magalit sa akin...”Pagkatapos ay dahan-dahan siyang humarap sa buong silid.“Pakiusap po... kung may nagawa man akong mali, sabihin ninyo sa akin n

  • From Maid to Billionaire's Wife   Amiel Robles 136

    Pagbukas ng elevator, agad akong lumabas. Hindi ko na hinintay na tuluyang bumukas ang pinto bago ako humakbang.Nasa dulo ng mahabang pasilyo ang boardroom. Bukas nang bahagya ang pinto nito, at may dalawang security personnel na nakatayo sa magkabilang gilid. Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa ng mga guwardiya sa isang simpleng pagpupulong ng pamilya at mga empleyado.“Bakit may mga guwardiya rito?” tanong ko habang naglalakad.“Hindi ko rin alam, Amiel,” mahinang sagot ni Audrey.Masyado siyang mabilis sumagot.Lumingon ako sa kanya. “May sinabi ba sa iyo ang Mommy ko tungkol dito?”Umiling agad siya. “Wala. Bakit naman niya ako kakausapin kung lagi naman niya akong minamaliit at ayaw makita?”Hindi na ako nagtanong pa. Muling umakyat ang init sa ulo ko sa pag-aakalang isa na naman itong palabas na pakana ng Mommy ko. Hindi ba sapat na pinatawag niya ang mga tauhan ko? Kailangan pa ba niyang tipunin ang lahat para lang ipahiya ako sa pamamahala ko?Huminga

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 3: Linlang

    “TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 2: Unang Trabaho

    POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 1: Honey Moon

    PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 5: Pagtakas

    HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status