تسجيل الدخولMADISON'S POV:Sunud-sunod na katok sa pinto ng sa pintø ang narinig ko, mula dito sa loob ng opisina.Dahilan para mapaangat ang tingin ko, mula sa monitor patungo dito. “Come in!" Saka nito pinihit ang seradura at humahangos na nilapitan ako ni Tessa, isa sa mga barista ko dito sa cafe.“Oh! Anong nangyari ba’t parang natataranta ka?" nakakunot-noong saad ko."Eh kasi ma’am, may isang customer na pinapatanong kung sinong may-ari nitong cafe. Parang hindi nasiyahan sa kape na tinimpla ko.” saad niya na para bang dinaig pa ang constipated.Napabuntong-hininga ako saka hinilot ang sentido ko. Sumasakit pa naman ang ulo ko ngayon at puson dahil nereregla ako, kaya wala ako sa mood makipag kapwa-tao. Pero kailangan kong harapin ang customer dahil kung hindi, magkakaproblema talaga."Sige na, pupunta na ako pakisabi sa customer.” utos ko."Noted ma’am!” saka siya dali-daling lumabas ng opisina ko.Pinaraanan ko muna ang kulay mustard kong sleeveless semi formal dress gamit ang palad ko.
MADISON'S POV: Matutulog na lang ako pero bigla kong narinig na parang may tumutugtog ng gitara sa kung saan. Napakunot-noo ako. “Sino naman kayang magpapatugtog nang ganitong oras?" Tumunog ang cellphone ko kaya inabot ko ito sa bedside table at sinagot ang tawag nang hindi chine-check ang caller ID. "Hello, sino ‘to?” tanong ko saka niyakap ang unan ko. "Sweetheart, look outside the window.” malambing na saad niya. Dahilan para maglakad ako papalapit sa may bintana saka hinawi ang kurtina at sumilip sa labas. Bumungad sa akin si Zachary na nakatayo habang hawak ang isang gitara at may dalawa siyang kasama na may hawak na ilaw. Natutop ko ang bibig ko saka niya ako kinawayan. Mabilis na kinuha ko ang aking itim na roba saka isinuot at lumabas patungo sa may hardin. “Flowers for you, mi lady." sabay bigay niya sa isang bugkos ng tulips na inabot sa kanya ng kanyang tauhan. Sumilay ang isang malapad na ngiti sa aking labi saka ko tinanggap ang bulaklak na ibinigay niya. Pagk
MADISON'S POV: “Ihahanda ni Attorney Lopez ang complaint at mga kinakailangang dokumento. Isusumite ang reklamo sa prosecutor para sa kaukulang proseso.” paliwanag ni Zach. “Thank you, Zach…” sabay buntong-hininga ko. "Nakakapagod din pala yung ganto ‘no? Yung paulit-ulit na laman ka ng korte para lang pagbayaran ng mga nagkasala sayo ang nagawa nilang kasalanan.” "Naiintindihan kita, Maddy. Pwede mo akong maging rant buddy kapag nabibigatan ka na.” sabay abot niya sa kamay ko at pinisil niya ito ng marahan. Halos gawin ng tirahan ni Zachary ang cafe ko dahil pagkatapos niya sa trabaho, diretso na siya rito para samahan at tulungan ako para sa kaso. “Ma’am, excuse me po." saka pa-cute na inipit ng isa sa babae kong barista ang buhok niya sa kanyang tenga, habang nakatingin kay Zachary ng malagkit. Habang si Zach ay walang pakialam sa paligid niya kundi ako lang. Nilingon ko siya saka napataas ang kilay ko. “Ano yon?" “Mayro'n pong nagpapabigay sa inyo nitong package. Bayad na
MADISON'S POV:“Lumabas ka riyan, Madison!” sigaw ng isang tinig na halos mag histerikal na.Bigla akong nakarinig ng sunud-sunod na pagkatok sa pinto. Dahilan para umangat ang ulo ko, mula sa monitor patungo roon.“Pasok!" saad ko.Pagpihit ng pinto ay bumungad sa akin ang isa sa mga barista ko na halatang kabado base sa ekspresyon ng kanyang mukha."Ma’am, may nanggugulo po sa loob ng cafe. Nagpakilala na ina niyo raw siya.” problemadong saad niya habang napapakamot ulo.Napakunot-noo ako, may hinala na ako kung sino siya. "Lalabas na ako.” "Sige po ma’am.” saka na siya lumabas ng opisina ko.Paglabas ko ay tama nga ako. "Anong ginagawa niyo rito? At anong karapatang niyong manggulo sa mismong cafe ko?” malamig na saad ko sa pamilyang matagal ko nang kinalimutan na nag-eexist sa buhay ko. "Sheena, lagyan niyo muna ng close ang cafe.” utos ko."Masusunod po!” saad niya."Ma’am, Sir. Pasensya na po, bibigyan ko na lang kayo ng discount next time na mag purchase kayo ng kape. I’m sor
MADISON'S POV: “Maddy, kailangan ang statement mo para mapatunayan na nagkasala talaga sila.” saad ni Zachary. "Okay, tara na?” aya ko. Dinalaw niya ako nang umaga na yon sa mismong cafe ko at as usual ay may bulaklak na naman siyang ibinigay. Hinarap ko ang manager ng cafe. "Stella, ikaw na muna ang bahala rito. May mahalaga akong aasikasuhin.” saad ko. "Noted ma’am! Ingat po kayo.” nakangiting saad niya. "Thanks! Aalis na kami.” saad ko. Paglabas ng cafe ay nagtungo kami sa parking lot. Saka sumakay sa sasakyan ni Zachary at pinaandar niya ito saka minaneho patungo sa presinto. Makaraan ang tatlong pung minuto ay huminto ang sasakyan sa presinto kung nasaan sina Brandon at Megan. Nadatnan ko sila na nasa magkabilang selda, na para sa pambabae at panlalaki. Agad na napatayo sila nang makita ako. “Hoy, Madison! Palabasin mo kami rito. Ikaw ang dapat makulong pero bakit binabaligtad mo pa kami?" nagngingitngit sa galit na saad ni Megan habang matalim ang tingin sa akin. “Goo
MADISON'S POV:“Tulungan niyo kami! Gustong kidnap-pin ng babaeng ‘to ang anak ko!" sabay turo niya sa akin habang hawak niya ang kamay ng kanyang anak.Dahilan para magbulungan ang mga tao sa paligid habang tinitingnan ako, nang may halong panghuhusga sa paraan ng pagtitig nila.Napabuga ako ng hangin. “Seriously? Pwede pa nga kitang idemanda dahil sa paninirang puri mo sa akin." sabay ngisi ko.“Oh? Talaga? May pruweba na nga ako eh, sino sa tingin mong papaniwalaan ng mga tao sa ating dalawa ha?" paghahamon niya.“Bakit hindi mo tanungin ang anak mo, kung sino sa atin ang nagsasabi ng totoo? Ang mga bata, hindi marunong magsinungaling." malamig na saad ko.Dahilan para lingunin niya ang kanyang anak saka ko nakita kung paano niya hawakan ng mahigpit ang maliit na kamay niya.“Magsabi ka ng totoo Chloe! Diba gusto ka niyang kunin sa akin?" mahinang saad niya pero may kasamang pananakot.Dahilan para magsimulang humikbi na naman ang bata. “A-Aray! Mommy…Masakit po.” "Ano ba Megan! N







