Share

2

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-11-04 12:09:08

AURORA

Mula nang makarating ako sa mansyon ni Uncle Vaughn, pakiramdam ko ay may malaking bigat na nawala sa dibdib ko. Hindi ko na kailangang makasama si Tatay sa iisang bahay, hindi ko na kailangang makita si Verly, at hindi ko na kailangang magkunwaring maayos ang lahat kahit alam kong hindi na maibabalik ang dating pamilya namin. Masakit pa rin ang nangyari kay Mama, pero kahit papaano, nagkaroon ako ng pagkakataong lumayo sa mga taong nagpapaalala sa akin ng lahat ng iyon.

Nakahiga ako sa kama habang pinagmamasdan ang malawak na silid na ibinigay sa akin. Hindi ko inasahang magiging ganito kaluwag ang kuwartong tutuluyan ko. May sariling banyo, malaking aparador, at bintanang tanaw ang hardin. Hindi ko naman kailangan ng ganitong kaginhawahan, pero nagpapasalamat ako dahil hindi ako pinatira ni Uncle Vaughn sa isang sulok lamang ng mansyon. Ipinakita niya sa akin na tinatanggap niya ako bilang bahagi ng pamilya, kahit pa ang kapalit nito ay ang pagtatrabaho ko bilang kasambahay.

Inayos ko ang mga gamit ko sa aparador at nagpalit ng damit. Bago ako tuluyang lumabas, sinigurado kong malinis ang kama at maayos ang mga gamit ko. Ayokong isipin ni Uncle Vaughn na hindi ko pinahahalagahan ang kabutihang ipinakita niya sa akin. Sa ngayon, kailangan kong magtrabaho at mag-ipon. Gusto kong makabalik sa pag-aaral at matapos ang kursong pinapangarap ko para kay Mama.

Pagdating ko sa kusina, nadatnan ko si Aling Mila na nag-aayos ng mga pinggan. Siya ang nagpakilala sa akin sa ilang tauhan ng mansyon at nagturo kung saan nakalagay ang mga panlinis. Ipinaliwanag niya rin kung aling mga silid ang kailangan kong asikasuhin at kung alin ang hindi ko dapat pasukin nang walang pahintulot.

“Dito ka muna sa sala, Aurora. Punasan mo ang mga mesa at ayusin ang mga unan sa sofa. Pagkatapos, puwede mong linisin ang pasilyo sa ikalawang palapag. Huwag kang magmadali. Mas mabuti nang maayos ang trabaho kaysa minamadali,” sabi niya.

“Opo, Aling Mila. Gagawin ko po,” sagot ko.

Habang naglilinis ako sa sala, napansin ko ang mga larawan ng pamilya Hermosa na nakasabit sa dingding. May mga larawan si Uncle Vaughn kasama ang kanyang mga magulang at ilang kamag-anak. Sa isa sa mga larawan, nakatayo siya sa tabi ni Tita Alexa. Maganda ang asawa niya, elegante ang pananamit, at mukhang bagay na bagay sa isang lalaking namamahala sa malaking kompanya.

Naisip ko kung gaano kaiba ang buhay nila sa buhay ko. Mayaman si Uncle Vaughn at may lahat ng bagay na maaaring gustuhin ng isang tao, pero hindi ibig sabihin noon ay wala na siyang problema. Hindi ko pa alam kung ano ang tunay na takbo ng pagsasama nila ni Tita Alexa. Alam ko lamang na mag-asawa sila at kailangan kong igalang ang kanilang pribadong buhay.

Nang matapos ko ang sala, umakyat ako sa ikalawang palapag. Habang pinupunasan ko ang pasilyo, narinig ko ang mga boses mula sa silid nina Uncle Vaughn at Tita Alexa. Hindi ko sinasadyang makinig, pero malinaw ang kanilang pagtatalo dahil bahagyang nakabukas ang p***o.

“Alexa, ilang araw na kitang hinihintay na magkaroon ng oras para sa atin. Kahit isang hapunan lang na hindi ka nakatutok sa telepono o sa mga negosyo mo, hindi mo magawa,” narinig kong sabi ni Uncle Vaughn.

“Vaughn, alam mong marami akong inaasikaso. Hindi naman puwedeng iwan ko na lang ang lahat dahil gusto mong magkasama tayo,” sagot ni Tita Alexa.

“Hindi ko hinihinging iwan mo ang trabaho mo. Ang hinihingi ko lang ay kaunting oras para sa asawa mo. Hindi ba puwedeng kahit sa bahay, makausap kita nang maayos?”

“Busy ako sa negosyo. May mga bagay akong kailangang asikasuhin at hindi ko puwedeng ipagpaliban ang mga iyon. Sana maintindihan mo naman.”

“Matagal na kitang iniintindi, Alexa. Pero pakiramdam ko, kahit anong gawin ko, hindi mo na ako pinapansin.”

Hindi ko na narinig ang kasunod dahil umatras ako palayo sa p***o. Hindi ko gustong mahuli silang nakikinig ako sa kanilang pag-aaway. Nagpatuloy ako sa paglilinis sa kabilang bahagi ng pasilyo, pero hindi ko maiwasang isipin ang lungkot sa boses ni Uncle Vaughn.

Ilang sandali pa ay bumukas ang p***o. Lumabas si Tita Alexa habang hawak ang kanyang bag at cellphone. Hindi niya ako pinansin sa una, ngunit nang mapadaan siya sa akin ay saglit siyang huminto.

“Bago ka pumasok sa kuwarto namin, siguraduhin mong may pahintulot ka,” malamig niyang sabi.

“Opo, Tita Alexa. Nasa pasilyo lang po ako at naglilinis,” sagot ko.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago nagpatuloy sa paglalakad. Narinig ko ang mga yabag niya sa hagdan hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng mansyon. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, pero malinaw na hindi siya nagmamadaling bumalik sa silid nila.

Ilang minuto ang lumipas bago muling bumukas ang p***o ng kuwarto. Lumabas si Uncle Vaughn na nakakunot ang noo at tila pagod na pagod. Hindi siya agad tumingin sa akin. Huminto siya sa may pasilyo at inilagay ang isang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.

“Uncle Vaughn,” tawag ko nang makita kong napansin niya ako. “Ayos lang po ba kayo?”

Napatingin siya sa akin. Sinubukan niyang ngumiti, pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

“Ayos lang ako, Aurora. Huwag mo nang isipin iyon. Ipagpatuloy mo lang ang trabaho mo.”

Tumango ako, pero hindi ako agad bumalik sa paglilinis. Hindi ko gustong manghimasok sa problema nilang mag-asawa, pero hindi ko rin kayang balewalain ang lungkot na nakita ko sa mukha niya. Siya ang tumulong sa akin nang wala akong ibang malapitan. Kahit paano, gusto kong iparamdam sa kanya na may taong handang makinig.

“Kung may problema po kayo, puwede naman kayong magkuwento sa akin,” sabi ko. “Hindi ko po alam kung ano ang nangyari, pero parang mabigat ang pakiramdam ninyo.”

Napabuntong-hininga siya at bahagyang umiling. “Wala kang kailangang alalahanin. Problema naming mag-asawa iyon.”

“Naiintindihan ko po. Hindi ko naman kayo pipilitin. Gusto ko lang pong sabihin na hindi ninyo kailangang magkunwaring ayos kayo kung hindi naman.”

Matagal siyang nakatingin sa akin. Sa pagkakataong iyon, hindi ko nakita ang CEO na sanay magbigay ng utos sa mga empleyado niya. Ang nakita ko ay isang lalaking tila pagod na sa kakahintay ng oras at atensiyon mula sa taong dapat sana ay pinakamalapit sa kanya.

“Salamat, Aurora,” sabi niya. “Minsan, mas madali pang makipag-usap sa isang taong hindi naman bahagi ng problema.”

“Puwede po kayong magpahinga muna. Ako na po ang bahala sa paglilinis dito.”

“Trabaho mo ang paglilinis, pero hindi ibig sabihin na kailangan mong alalahanin pati ang nararamdaman ko.”

“Hindi naman po mahirap makinig.”

Bahagya siyang natawa, at kahit maikli lamang iyon, nakatulong para mawala ang bigat sa mukha niya. Lumapit ako at kinuha ang basahan na hawak ko kanina. Inilapag ko iyon sa maliit na mesa sa tabi namin.

“Gusto ninyo po ba ng kape? Puwede ko kayong ipaghanda.”

“Hindi na kailangan. Gusto ko lang munang mapag-isa.”

“Okay po. Kung ganoon, ipagpapatuloy ko na lang po ang trabaho ko.”

Nagsimula akong umatras, ngunit bago pa ako tuluyang makalayo ay tinawag niya ako. Huminto ako at humarap sa kanya.

“Aurora, salamat sa pag-aalala. Alam kong marami ka ring pinagdaraanan, pero nagawa mo pa ring isipin ang ibang tao.”

“Malaki po ang naitulong ninyo sa akin, Uncle Vaughn. Kaya kung may magagawa po ako para gumaan ang pakiramdam ninyo, gusto ko pong gawin iyon.”

Hindi na siya sumagot. Sa halip, lumapit siya at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya dahil hindi ko inaasahang yayakapin niya ako. Saglit akong nanatiling nakatayo, bago ko marahang itinaas ang mga kamay ko at niyakap din siya bilang pasasalamat.

Ngunit habang nakayakap ako sa kanya, may kakaibang init akong naramdaman. Hindi iyon katulad ng init na nararamdaman ko kapag pagod ako sa trabaho. Parang bigla akong nawalan ng alam kung ano ang dapat kong gawin. Napansin ko ang lapit ng katawan niya at ang bigat ng mga bisig niyang nakapalibot sa akin.

Dahan-dahan akong humiwalay, pero nanatili ang tingin niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siya si Uncle Vaughn, ang lalaking tumanggap sa akin sa mansyon at tumulong sa akin nang wala akong ibang malapitan. Wala akong dahilan para makaramdam ng ganitong kalituhan.

“Uncle Vaughn…” mahina kong tawag.

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang kakaibang init na nararamdaman ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   8

    AURORAPagbalik ko sa mansyon ni uncle Vaughn, hindi ko maiwasang mapangisi habang naaalala ang nangyari sa bahay ni Papa. Nasa isip ko pa rin ang mukha ni Verly nang sipain ko siya at suntukin. Matagal ko nang gustong ipakita sa kaniya na hindi na ako ang dating Aurora na kaya niyang apihin at takutin. “Ano ka ngayon, Verly? Putangina mo,” natatawa kong bulong.Hindi man nito mababawi ang lahat ng sakit na idinulot niya sa akin at kay Mama, kahit paano ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa.“Bakit ka nakangisi?”Napalingon ako sa boses ni unvle6 Vaughn. Nasa sala siya, nakaupo sa sofa habang may hawak na ilang dokumento. Nakatingin siya sa akin, tila nagtataka sa ngiti ko.“Wala po, Uncle Vaughn,” sagot ko, pero hindi ko na napigilan ang muling pagngiti.“Mukhang may magandang nangyari. Hindi ka naman ganiyan kapag umuuwi ka mula sa bahay ng papa mo.”Umupo ako sa kabilang sofa at inilapag ang bag ko sa tabi. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikuwento ang nangyari, pero dahil siya na

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   7

    AURORASumunod na araw, nagtungo ulit ako sa bahay ni Papa. Wala naman akong balak makipag-usap sa kaniya nang matagal. Gusto ko lang kunin ang ilan sa mga gamit kong naiwan. At siguraduhing wala nang mahalagang bagay na kailangan kong balikan. Kahit matagal ko nang tinanggap na hindi na ako bahagi ng buhay niya, may mga bagay pa rin akong kailangang ayusin.Pagdating ko sa bahay, agad kong napansin ang dalawang batang babae na naglalaro sa sala. Pareho silang may mahabang buhok at mapuputing damit. Nang makita nila ako, tumigil sila sa paglalaro at nagkatinginan.Mga anak ni Verly.Anim at walong taong gulang pa lamang sila, at wala silang kinalaman sa ginawa ng kanilang ina. Hindi ko sila sinisi sa lahat ng nangyari. Gayunman, hindi ko rin maikakailang masakit para sa akin na makita silang malayang nakatira sa bahay na minsan kong itinuring na tahanan.“Nasaan si Papa?” tanong ko sa kanila.Hindi sila sumagot. Sa halip, nagpatuloy lang sila sa paglalaro na para bang hindi nila ako

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   6

    AURORAHindi agad ako nakasagot nang marinig ko ang tanong ni Uncle Vaughn. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Hindi naman bago sa akin ang pag-aalala niya o ang pagiging malapit niya sa akin. Ilang beses na niya akong tinulungan mula nang dumating ako sa mansyon, pero ngayon ay iba ang pakiramdam ko.“Puwede ba kitang yakapin para gumaan ang loob ko kahit sandali?” ulit niya.Tumango ako ng marahan. “O-Opo, Uncle Vaughn.”Lumapit siya at niyakap ako. Sa una ay nanatili akong tahimik, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga kamay ko. Nang maramdaman kong nakapalibot ang mga bisig niya sa akin, saka ko siya niyakap pabalik. Gusto ko lamang siyang pagaanin ang loob dahil alam kong nasasaktan siya sa mga nangyayari sa kanila ni Tita Alexa.Pero habang tumatagal ang yakap, may kakaibang init na naman akong naramdaman.Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Hindi naman ako sanay sa ganito. Wala pa akong naging kasintahan, at wala pa akong karanasan sa mga bagay na maaaring magd

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   5

    VAUGHN HERMOSA Nasa sala ako nang marinig kong bumaba si Alexa mula sa ikalawang palapag. Hawak niya ang kanyang handbag at maleta. At habang naglalakad ay abala siya sa pagtingin sa telepono. Hindi na bago sa akin ang ganoong eksena. Ilang beses na siyang umalis nang hindi man lang ako kinakausap nang maayos, pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayang magkunwaring wala akong nararamdaman.“May biyahe ka na naman?” tanong ko habang nakaupo sa sofa.Hindi siya agad sumagot. Ipinatong niya ang handbag sa mesa at inayos ang hawak niyang telepono bago ako nilingon.“Vaughn, napag-usapan na natin ito. Aalis ako papuntang ibang bansa. May kailangan akong asikasuhin doon.”“Negosyo na naman ba ang dahilan mo?”“Bakit? Ano bang problema kung aalis ako?”Tiningnan ko ang maleta niya.“Wala naman. Ang problema ko lang, lagi kang umaalis at hindi mo man lang ako kinukuhang kasama. Kung negosyo ang pakay mo, bakit hindi mo ako isama? Mag-asawa tayo, Alexa.”Napailing siya na para bang nakari

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   4

    AURORAMakalipas ang dalawang araw, halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko nang makauwi ako sa mansyon. Maghapon akong nasa paaralan at sunod-sunod ang mga gawaing ipinagawa sa amin ng mga propesor. May mga aktibidad kaming kailangang tapusin, may mga babasahing kailangan kong aralin, at may mga takdang-araling kailangan kong ipasa. Bukod pa roon, kailangan din naming mag-ambagan para sa isang gawain sa klase.“Hay naku! Parang ayoko ng mag-aral mama!” sigaw ko sa kawalan.Hindi ko naman problema ang pag-aaral. Gusto kong matapos ang kolehiyo dahil iyon ang pangarap ni Mama para sa akin. Ang problema lang, limitado ang pera ko. Kahit may trabaho ako sa mansyon, hindi pa rin ako komportableng humingi ng pera kay Uncle Vaughn para sa mga gastusin ko sa paaralan. Ayokong isipin niyang sinasamantala ko ang kabutihan niya.Pagpasok ko sa mansyon, inilapag ko ang bag ko sa tabi ng sofa at napaupo ako. Hindi ko na muna inisip ang mga kailangan kong gawin sa bahay. Gusto ko lang magpahin

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   3

    AURORAHindi ko alam kung bakit hindi mawala sa isip ko ang yakap ni Uncle Vaughn. Ilang oras na ang nakalipas mula nang maghiwalay kami sa pasilyo, pero hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang kakaibang init na naramdaman ko habang nakayakap siya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng katawan ko. Hindi naman iyon ang unang pagkakataong may yumakap sa akin, at hindi rin naman bago sa akin ang pagiging malapit sa isang taong itinuturing kong pamilya.Pero iba ang pakiramdam ko kanina. Parang may gumapang na hindi maipaliwanag na init sa katawan ko.Napahiga ako nang patihaya at inayos ang unan sa ilalim ng ulo ko. Sinubukan kong isipin ang mga kailangan kong gawin sa susunod na araw, pero bumabalik pa rin ang alaala ng pagyakap niya sa akin. Naaalala ko ang mukha niyang malungkot matapos ang pagtatalo nila ni Tita Alexa, at ang paraan ng pagtingin niya sa akin nang magpasalamat siya. Hindi ko alam kung bakit tila may kung anong gumugulo sa isip ko.“T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status