Share

4

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-11-04 12:23:15

AURORA

Makalipas ang dalawang araw, halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko nang makauwi ako sa mansyon. Maghapon akong nasa paaralan at sunod-sunod ang mga gawaing ipinagawa sa amin ng mga propesor. May mga aktibidad kaming kailangang tapusin, may mga babasahing kailangan kong aralin, at may mga takdang-araling kailangan kong ipasa. Bukod pa roon, kailangan din naming mag-ambagan para sa isang gawain sa klase.

“Hay naku! Parang ayoko ng mag-aral mama!” sigaw ko sa kawalan.

Hindi ko naman problema ang pag-aaral. Gusto kong matapos ang kolehiyo dahil iyon ang pangarap ni Mama para sa akin. Ang problema lang, limitado ang pera ko. Kahit may trabaho ako sa mansyon, hindi pa rin ako komportableng humingi ng pera kay Uncle Vaughn para sa mga gastusin ko sa paaralan. Ayokong isipin niyang sinasamantala ko ang kabutihan niya.

Pagpasok ko sa mansyon, inilapag ko ang bag ko sa tabi ng sofa at napaupo ako. Hindi ko na muna inisip ang mga kailangan kong gawin sa bahay. Gusto ko lang magpahinga kahit ilang minuto bago ako magpalit ng damit at tumulong sa mga gawaing-bahay.

“Aurora?”

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Uncle Vaughn. Nasa may hagdan siya at tila kagagaling lamang sa kanyang opisina. Nakasuot siya ng pantalon at puting polo, at hawak ang kanyang telepono.

“Uncle Vaughn,” bati ko habang pilit na ngumiti.

“Bakit parang pagod na pagod ka? Galing ka ba sa school?”

“Opo. Ang dami po naming ginawa ngayong araw.”

Lumapit siya sa sofa at naupo sa kabilang bahagi. “May problema ba? Kanina ka pa parang hindi mapakali.”

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko naman gustong magreklamo, pero dahil tinanong niya ako, naisip kong sabihin ang totoo.

“May ambagan po kasi kami sa school. May gagawin kaming project at kailangan naming magbigay ng pera para sa mga materyales. Tapos may iba pa po kaming kailangang bilhin para sa klase. Hindi ko po alam kung saan ko kukunin ang pambayad.”

“Magkano ang kailangan mo?”

Napatingin ako sa kanya. “Hindi ko pa po alam ang eksaktong halaga, pero kailangan ko po ng pera para sa ambagan at iba pang gastusin.”

“Magkano ang kailangan mo ngayon?”

“Mga ilang libo po siguro. Hindi ko pa po talaga nakukuwenta.”

Tumango siya at inilabas ang kanyang wallet. Hindi ko inaasahang may gagawin siya, kaya nagulat ako nang kumuha siya ng ilang perang papel at iniabot iyon sa akin.

“Uncle Vaughn, ano po iyan?”

“Twenty thousand. Gamitin mo para sa mga kailangan mo sa school.”

Napatingin ako sa perang nasa kamay niya. Hindi ako agad nakapagsalita. Dalawampung libo iyon, at hindi ko inaasahang ganoon kalaki ang ibibigay niya sa akin.

“Uncle Vaughn, sobra naman po ito. Hindi ko naman po kailangan ng ganito karaming pera!”

“Kung may matira, itabi mo para sa susunod mong gastusin. Hindi mo kailangang mag-alala sa bawat ambagan sa school. Basta sabihin mo sa akin kung may kailangan ka.”

Napangiti ako nang malaki. Hindi ko mapigilang mapahawak sa pera habang paulit-ulit na tinitingnan ang halaga nito. Para akong nabunutan ng tinik dahil hindi ko na kailangang mag-isip kung paano ko mababayaran ang ambagan namin.

“Uncle Vaughn!” napasigaw ako sa tuwa. “Maraming-maraming salamat po! Hindi ninyo alam kung gaano ninyo ako natulungan!”

Natawa siya sa reaksyon ko. “Dahan-dahan lang. Baka marinig ka ng buong mansyon.”

“Pasensya na po! Sobrang saya ko lang po talaga. Akala ko kailangan ko pang maghanap ng paraan para makakuha ng pambayad.”

“Wala kang kailangang ikahiya, Aurora. Nag-aaral ka at kailangan mo ang pera. Gamitin mo nang maayos.”

“Opo. Pangako po, hindi ko sasayangin. Salamat talaga, uncle! Yehey!”

Napatalon ako sa sobrang tuwa hanggang sa mapansin ko ang mata niyang nakatuon sa dibdib ko. Doon ko napagtanto na umaalog pala ng husto ang su so ko dahil sa pagtalon na ginaww ko. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang tumigil ako sa pagtalon. At ako naman ay napatikhim.

Maingat kong inilagay ang pera sa loob ng bag ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan nang sapat. Simula nang umalis ako sa bahay ni Tatay, marami akong kinailangang harapin. Pero sa bawat pagkakataong nahihirapan ako, naroon si Uncle Vaughn para tulungan ako.

“May kinain ka na ba?” tanong niya.

“Hindi pa po. Gusto ko lang munang magpahinga.”

“Magpahinga ka muna. Ipagpahanda kita ng pagkain.”

“Hindi na po, Uncle Vaughn. Ako na lang po ang maghahanda. Kailangan ko rin pong tumulong sa mga gawain dito.”

“Hindi mo kailangang gawin ang lahat ngayong pagod ka. May mga tauhan naman tayo rito.”

Napangiti ako. “Opo, pero gusto ko pa rin pong tumulong.”

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Bago ako umakyat sa kuwarto, muli akong humarap sa kanya.

“Maraming salamat po ulit, Uncle Vaughn. Hindi ko po makakalimutan ang tulong ninyo.”

“Walang anuman, Aurora.”

Umakyat ako sa kuwarto na may malaking ngiti sa labi. Hindi ko na kailangang mag-alala tungkol sa ambagan namin.

Pero hindi ko maiwasang maisip ang mata ni uncle sa su so ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   8

    AURORAPagbalik ko sa mansyon ni uncle Vaughn, hindi ko maiwasang mapangisi habang naaalala ang nangyari sa bahay ni Papa. Nasa isip ko pa rin ang mukha ni Verly nang sipain ko siya at suntukin. Matagal ko nang gustong ipakita sa kaniya na hindi na ako ang dating Aurora na kaya niyang apihin at takutin. “Ano ka ngayon, Verly? Putangina mo,” natatawa kong bulong.Hindi man nito mababawi ang lahat ng sakit na idinulot niya sa akin at kay Mama, kahit paano ay nakaramdam ako ng kaunting ginhawa.“Bakit ka nakangisi?”Napalingon ako sa boses ni unvle6 Vaughn. Nasa sala siya, nakaupo sa sofa habang may hawak na ilang dokumento. Nakatingin siya sa akin, tila nagtataka sa ngiti ko.“Wala po, Uncle Vaughn,” sagot ko, pero hindi ko na napigilan ang muling pagngiti.“Mukhang may magandang nangyari. Hindi ka naman ganiyan kapag umuuwi ka mula sa bahay ng papa mo.”Umupo ako sa kabilang sofa at inilapag ang bag ko sa tabi. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikuwento ang nangyari, pero dahil siya na

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   7

    AURORASumunod na araw, nagtungo ulit ako sa bahay ni Papa. Wala naman akong balak makipag-usap sa kaniya nang matagal. Gusto ko lang kunin ang ilan sa mga gamit kong naiwan. At siguraduhing wala nang mahalagang bagay na kailangan kong balikan. Kahit matagal ko nang tinanggap na hindi na ako bahagi ng buhay niya, may mga bagay pa rin akong kailangang ayusin.Pagdating ko sa bahay, agad kong napansin ang dalawang batang babae na naglalaro sa sala. Pareho silang may mahabang buhok at mapuputing damit. Nang makita nila ako, tumigil sila sa paglalaro at nagkatinginan.Mga anak ni Verly.Anim at walong taong gulang pa lamang sila, at wala silang kinalaman sa ginawa ng kanilang ina. Hindi ko sila sinisi sa lahat ng nangyari. Gayunman, hindi ko rin maikakailang masakit para sa akin na makita silang malayang nakatira sa bahay na minsan kong itinuring na tahanan.“Nasaan si Papa?” tanong ko sa kanila.Hindi sila sumagot. Sa halip, nagpatuloy lang sila sa paglalaro na para bang hindi nila ako

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   6

    AURORAHindi agad ako nakasagot nang marinig ko ang tanong ni Uncle Vaughn. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Hindi naman bago sa akin ang pag-aalala niya o ang pagiging malapit niya sa akin. Ilang beses na niya akong tinulungan mula nang dumating ako sa mansyon, pero ngayon ay iba ang pakiramdam ko.“Puwede ba kitang yakapin para gumaan ang loob ko kahit sandali?” ulit niya.Tumango ako ng marahan. “O-Opo, Uncle Vaughn.”Lumapit siya at niyakap ako. Sa una ay nanatili akong tahimik, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga kamay ko. Nang maramdaman kong nakapalibot ang mga bisig niya sa akin, saka ko siya niyakap pabalik. Gusto ko lamang siyang pagaanin ang loob dahil alam kong nasasaktan siya sa mga nangyayari sa kanila ni Tita Alexa.Pero habang tumatagal ang yakap, may kakaibang init na naman akong naramdaman.Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Hindi naman ako sanay sa ganito. Wala pa akong naging kasintahan, at wala pa akong karanasan sa mga bagay na maaaring magd

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   5

    VAUGHN HERMOSA Nasa sala ako nang marinig kong bumaba si Alexa mula sa ikalawang palapag. Hawak niya ang kanyang handbag at maleta. At habang naglalakad ay abala siya sa pagtingin sa telepono. Hindi na bago sa akin ang ganoong eksena. Ilang beses na siyang umalis nang hindi man lang ako kinakausap nang maayos, pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayang magkunwaring wala akong nararamdaman.“May biyahe ka na naman?” tanong ko habang nakaupo sa sofa.Hindi siya agad sumagot. Ipinatong niya ang handbag sa mesa at inayos ang hawak niyang telepono bago ako nilingon.“Vaughn, napag-usapan na natin ito. Aalis ako papuntang ibang bansa. May kailangan akong asikasuhin doon.”“Negosyo na naman ba ang dahilan mo?”“Bakit? Ano bang problema kung aalis ako?”Tiningnan ko ang maleta niya.“Wala naman. Ang problema ko lang, lagi kang umaalis at hindi mo man lang ako kinukuhang kasama. Kung negosyo ang pakay mo, bakit hindi mo ako isama? Mag-asawa tayo, Alexa.”Napailing siya na para bang nakari

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   4

    AURORAMakalipas ang dalawang araw, halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko nang makauwi ako sa mansyon. Maghapon akong nasa paaralan at sunod-sunod ang mga gawaing ipinagawa sa amin ng mga propesor. May mga aktibidad kaming kailangang tapusin, may mga babasahing kailangan kong aralin, at may mga takdang-araling kailangan kong ipasa. Bukod pa roon, kailangan din naming mag-ambagan para sa isang gawain sa klase.“Hay naku! Parang ayoko ng mag-aral mama!” sigaw ko sa kawalan.Hindi ko naman problema ang pag-aaral. Gusto kong matapos ang kolehiyo dahil iyon ang pangarap ni Mama para sa akin. Ang problema lang, limitado ang pera ko. Kahit may trabaho ako sa mansyon, hindi pa rin ako komportableng humingi ng pera kay Uncle Vaughn para sa mga gastusin ko sa paaralan. Ayokong isipin niyang sinasamantala ko ang kabutihan niya.Pagpasok ko sa mansyon, inilapag ko ang bag ko sa tabi ng sofa at napaupo ako. Hindi ko na muna inisip ang mga kailangan kong gawin sa bahay. Gusto ko lang magpahin

  • Gaano Kasarap Ang Bawal   3

    AURORAHindi ko alam kung bakit hindi mawala sa isip ko ang yakap ni Uncle Vaughn. Ilang oras na ang nakalipas mula nang maghiwalay kami sa pasilyo, pero hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang kakaibang init na naramdaman ko habang nakayakap siya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng katawan ko. Hindi naman iyon ang unang pagkakataong may yumakap sa akin, at hindi rin naman bago sa akin ang pagiging malapit sa isang taong itinuturing kong pamilya.Pero iba ang pakiramdam ko kanina. Parang may gumapang na hindi maipaliwanag na init sa katawan ko.Napahiga ako nang patihaya at inayos ang unan sa ilalim ng ulo ko. Sinubukan kong isipin ang mga kailangan kong gawin sa susunod na araw, pero bumabalik pa rin ang alaala ng pagyakap niya sa akin. Naaalala ko ang mukha niyang malungkot matapos ang pagtatalo nila ni Tita Alexa, at ang paraan ng pagtingin niya sa akin nang magpasalamat siya. Hindi ko alam kung bakit tila may kung anong gumugulo sa isip ko.“T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status