Share

Ika-labing-siyam na Bahagi

- 19 -

Patago kaming lumabas ng palasyo ng Emperador. Marami akong alam na mga lagusan, mula pa sa pagkabata, noong madalas kaming tumakas ng aking mga nakatatandang mga kapatid upang maglaro sa hardin.

Nagsuot si Marius ng tunikang itim na may mataas na kuwelyo upang itago ang mga h***k ko sa kaniyang leeg, ako naman ay itim din ang suot, isang simpleng tunika. Parehas kaming nagsuot ng balabal at nagpataw ng mahika sa aming sarili upang makahalubilo kami sa mga tao sa kapitolyo nang hindi nakikilala.

“Nakikita mo ba ang lugar na iyon?” turo ko kay Marius na nakatakip ang balabal sa ulo upang maitago ang kaniyang maskara. “Napaka sarap ng tinda nilang kakanin sa lugar na iyon.”

Isang simpleng maskarang kahoy lang ang suot niya, upang hindi makaagaw-pansin. Inakay ko siya papunta roon para bumili ng ilang pagkain.

“Taga saan po kayo?” tanong sa akin ng binatang nagtitinda roon. “Kadadating lang ba

psynoid_al

≧◠0◠≦✌ votes and reviews, please!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status