LOGINMarielle’s POV
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Ang huling naalala ko ay ang mainit na yakap ng estrangherong lalaki, ang mabibigat niyang halik, at ang paraan ng pagtitig niya sa akin na tila ba kaya niyang basahin ang lahat ng sakit na pilit kong itinatago. Ngunit paggising ko kinabukasan, wala na siya. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko habang umaalingawngaw ang matinding sakit ng ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong hindi iyon ang apartment ni Ryan. Masyadong malaki. Masyadong elegante. Masyadong mamahalin. Napabangon ako agad mula sa kama nang mapansin kong tanging puting kumot lamang ang nakatakip sa hubad kong katawan. Biglang bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Ang mapusok na halik. Ang mainit niyang palad sa bewang ko. Ang paraan ng marahan niyang pagbanggit sa pangalan ko habang magkadikit ang aming mga katawan. Napakagat ako sa labi habang mabilis na bumilis ang tibok ng puso ko. “Diyos ko…” mahina kong bulong. Ano ang ginawa ko? Ipinagkaloob ko ang sarili ko sa isang estranghero. At mas masakit—ginawa ko iyon dahil gusto kong takasan ang sakit na iniwan ni Ryan. Mabilis kong pinulot ang mga nagkalat kong damit sa sahig habang pilit inaalala ang mukha ng lalaking kasama ko kagabi. Malamig ang kanyang mga mata ngunit may kakaibang init kapag nakatingin siya sa akin. Nakakatakot. Pero strangely safe. Napalunok ako. Hindi ko dapat iniisip iyon. Hindi ko dapat maalala ang paraan ng paghaplos at paghalik niya sa balat ko na tila ba mahalagang bagay ako. Dahil ang totoo? Isa akong babaeng iniwan. Niloko. At pinalitan. Napasinghap ako nang mapansin ang isang maliit na note sa bedside table. Drink this before leaving. Katabi noon ang isang baso ng tubig at gamot para sa hangover. Hindi ko alam kung bakit, pero lalong sumikip ang dibdib ko. Kahit simpleng bagay lang iyon… ramdam ko ang pag-aalaga. Bagay na matagal ko nang hindi nararamdaman kay Ryan. Mabilis kong iniwas ang isip ko roon at nagmadaling umalis ng condo unit. Ngunit paglabas ko ng building, tila muling bumagsak ang buong mundo ko. Dahil bumungad agad sa cellphone ko ang mahigit tatlumpung missed calls ni Ryan. At sunod-sunod na messages. Ryan: Nasaan ka? Ryan: Bakit hindi ka umuwi kagabi? Ryan: Sagutin mo ako, Marielle. Napatawa ako nang mapait. Ngayon niya ako hinahanap? Pagkatapos niya akong lokohin? Nanginginig ang mga daliri kong tinawagan ko siya. Mabilis siyang sumagot. “Marielle! Where the hell are you?!” galit niyang bungad. Napapikit ako. Dati, konting sigaw lang niya umiiyak na agad ako. Pero ngayon… Parang may namatay na sa loob ko. “Bakit?” malamig kong tanong. “Concerned ka?” “Umuwi ka na rito. Kailangan nating mag-usap.” Napatawa ako habang pilit pinipigilan ang luha. “Mag-usap? Tulad ng pakikipag-usap mo habang pinapakasalan mo si Roxanne?” Biglang natahimik si Ryan. At ang katahimikang iyon ang tuluyang sumira sa natitirang pag-asa ko. “Totoo pala…” nanginginig kong bulong. “Marielle, listen to me—” “Eight years, Ryan!” sigaw ko habang tuluyang bumagsak ang luha ko. “Walong taon kitang minahal!” Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga sa kabilang linya. “It’s complicated.” Napatawa ako nang malakas. Complicated? Ganito lang pala kadaling ipaliwanag ang panloloko. “May anak tayo…” umiiyak kong saad. “Paano mo nagawa sa amin ‘to?” “Ginawa ko ‘to para sa future natin.” Parang may humampas sa buong pagkatao ko. Future? Pinagpalit niya kami para sa pera at koneksyon ng babaeng pinakasalan niya. “Hindi mo na kailangang magsinungaling,” malamig kong sabi. “Piliin mo na lang maging masaya sa bago mong buhay.” “Hindi gano’n kadali!” “Madali lang, Ryan,” putol ko. “Kasi ginawa mo na.” At tuluyan kong pinatay ang tawag. Tuluyan na rin akong napaupo sa gilid ng kalsada habang umiiyak. Pakiramdam ko wala nang natira sa akin. Paano ko haharapin si Mikayla? Paano ko ipapaliwanag sa anak ko na may iba nang pamilya ang daddy niya? Napahawak ako sa dibdib ko habang hirap huminga. Masakit. Sobrang sakit. Ngunit bago pa ako tuluyang malunod sa pag-iyak, may humintong itim na luxury car sa harap ko. Unti-unting bumaba ang tinted window. At doon ko muling nakita ang pares ng malamig ngunit mapanganib na mga mata. Ang estrangherong lalaki mula kagabi. Napatigil ang paghinga ko. Naka-formal suit siya ngayon, mas lalo tuloy naging dominante ang aura niya. Napalunok ako habang dire-diretso lamang ang titig niya sa akin. “Get in,” malamig niyang utos. Nangunot ang noo ko. “H-Ha?” “Umiiyak ka sa gilid ng kalsada,” aniya habang walang emosyon ang mukha. “You’re attracting attention.” Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. “Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Ngunit bago pa ako makaalis ay bumukas ang pinto ng sasakyan. At lumabas siya. Mas lalo akong natulala sa tangkad at lakas ng presensya niya. Lumapit siya sa akin hanggang sa naamoy ko ang mamahalin niyang pabango. “Marielle.” Parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang marinig ko ang pangalan ko mula sa kanyang labi. “Hindi mo ako kilala,” mahina kong sabi. Tinitigan niya ako nang diretso. “Then let me change that.”Giovanni's POV Pinindot ko ang send bago marahang ibinulsa ang cellphone. "Handa na akong makipagkita. Tapusin na natin ito nang maayos. Wala nang paligoy-ligoy." Ilang segundo akong nanatiling nakatitig sa madilim na bintana bago dahan-dahang huminga. Alam kong mababasa niya ang mensaheng iyon. At mas lalo kong alam na hindi niya hahayaang matapos ang lahat sa simpleng pag-uusap. Kung may isang taong hindi marunong sumuko, si Miranda iyon. Sigurado akong may inihanda na naman siyang patibong. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako ang lalaking dating takot harapin ang sarili kong nakaraan. Hindi na ako nag-iisa. Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, may pamilya na akong ipinaglalaban. Narinig ko ang marahang yabag ni Marielle sa likuran ko. Huminto siya sa tabi ko at marahang hinawakan ang braso ko. "Sino ang kausap mo?" mahina niyang tanong. Lumingon ako at sinalubong ang nag-aalala niyang mga mata. "Si Miranda." Bahagya siyang natigilan. "Nag-message ako. S
Marielle's POVTahimik akong nakatayo sa may bintana ng pasilyo habang pinagmamasdan si Giovanni sa ibaba.Dati, palagi siyang may itinatagong bahagi ng sarili niya. Kahit gaano kami kalapit, pakiramdam ko ay may isang pinto na hindi niya kailanman hinayaang mabuksan.Pero ngayon...Wala na ang pintong iyon.Nakatayo siya sa gitna ng bulwagan, napapalibutan ng kanyang mga tauhan. Kalmado ang boses niya, pero sapat na iyon para mapatahimik ang lahat."Walang sasantuhin," sabi niya. "Kapag may nagtaksil, ako mismo ang haharap sa kanya."Walang umimik.Tahimik na tumango ang mga lalaki bago isa-isang umalis.Tahimik lang akong nakatingin hanggang sa mapansin niya ako.Sa sandaling nagtama ang mga mata namin, tila nawala ang mabigat na ekspresyon sa mukha niya. Bumalik ang pamilyar na lambing na ako lang ang nakakakita.Iniwan niya ang mga tauhan niya at agad na umakyat."Kanina ka pa ba riyan?" tanong niya paglapit.Tumango ako."Hindi ka ba natakot?"Napangiti ako nang bahagya."Kung da
Giovanni's POVNakatayo ako sa gitna ng opisina habang sunod-sunod na nagbibigay ng utos sa telepono."Doblehin ang bantay sa lahat ng entrance.""Siguraduhing gumagana ang bawat camera.""Walang papasok at walang lalabas nang hindi dumadaan sa security.""At tandaan n'yo—walang pagkain, parsela, o kahit anong delivery ang tatanggapin nang hindi muna sinusuri."Isa-isang sumagot ang mga tauhan ko bago ko tinapos ang tawag kay Luca.Hindi na ako papayag na maulit ang nangyari.Isang pagkakamali lang ang kailangan para masira ang lahat ng pinoprotektahan ko.Pagharap ko, nakita ko si Marielle na tahimik na nakasandal sa may pintuan. Kanina pa pala siya roon.Ngumiti siya nang bahagya."Natapos ka na?"Tumango ako. "Oo."Lumapit siya hanggang sa magkalapit na kami."Pwede ba kitang tanungin?""Siyempre."Huminga muna siya nang malalim."Kailangan ko bang malaman ang lahat ng plano mo?" tanong niya. "Ayokong dumating sa puntong may mangyari na lang bigla, tapos saka ko lang malalaman."Hi
Marielle's POVKakarating lang namin sa mansyon nang madaling-araw. Bitbit pa rin namin ang init at katahimikan ng gabing magkasama kami. Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming nangyari, inisip kong baka puwede na kaming huminga kahit sandali.Pero mali ako.Pagpasok namin sa opisina ni Giovanni, pareho kaming napatigil.May isang puting sobre na nakapatong sa ibabaw ng mesa, eksaktong ibabaw ng mga dokumentong kanina lang naming inayos. Walang pangalan. Walang tatak. Pero may kakaibang bigat itong dala na agad kong naramdaman.Tahimik na lumapit si Giovanni at dinampot ang sobre.Habang binubuksan niya iyon, napansin kong tumigas ang kanyang panga.May isang litrato ang nahulog mula sa loob.Nanlamig ang buong katawan ko.Si Mikayla.Mahimbing siyang natutulog sa kanyang kama. Ang kuha ay malinaw na mula sa labas ng bintana ng kanyang silid.Nanginginig ang mga daliri kong binaliktad ang litrato.Nakasulat sa pulang tinta ang mensahe."Akala n'yo ba tapos na? Ang pahinga ay pa
Giovanni's POVNang huminto ang sasakyan sa harap ng Armani Hotel—ang pribado kong hotel na bihira kong puntahan—napansin ko ang pagkamangha sa mukha ni Marielle. Kami lang ang magkasama, bukod sa driver, at sinigurado kong walang ibang bisita sa buong palapag para magkaroon kami ng katahimikan.Iniwan namin si Mikayla sa mansyon kasama si Aling Nena, ang matagal na naming kasambahay na itinuring na naming bahagi ng pamilya. Alam kong ligtas siya roon, at alam ko ring kailangan naming magkaroon ng oras para sa isa't isa, malayo sa lahat ng problema at kaguluhan.Pagpasok namin sa presidential suite, sinalubong kami ng banayad na musika at ng mainit na liwanag ng mga kandilang nakapalibot sa malaking jacuzzi sa balkonahe. Mula roon ay tanaw ang kumukutitap na ilaw ng buong Maynila. Ngunit sa sandaling iyon, wala akong ibang nakita kundi si Marielle.Dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng jacuzzi at napangiti habang pinagmamasdan ang tanawin."Giovanni... ang ganda rito," mahina niyang
Marielle’s POVNakaupo ako sa malambot na sofa sa loob ng opisina, tahimik na nakatitig sa mga papel na nakakalat sa ibabaw ng mesa. Paulit‑ulit kong pinagdugtong‑dugtong ang lahat ng nangyari—mula sa una naming pagkikita, sa mga pagkakataong tila iniiwasan niya ang mga tanong ko, hanggang sa mga banta at mga lihim na bumalot sa amin nitong mga nakaraang araw.Noon, akala ko ang lahat ng iyon ay mga pader na unti‑unting naghihiwalay sa amin. Pero ngayon… parang biglang luminaw ang lahat.Pareho lang pala kaming ginamit.Pareho lang kaming niloko ng mga taong pinagkatiwalaan namin—mga taong itinuring naming pamilya at kakampi.Si Giovanni… hindi siya ang kalaban.Isa rin siyang biktima. Isang lalaking piniling ilayo ako sa katotohanan dahil natatakot siyang madamay ako sa mundong pilit niyang nilalabanan.Napatingin ako sa kanya.Nakatayo siya sa harap ng malaking bintana, nakatalikod sa akin, habang nakasuksok ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon. Mabigat ang tindig ng mga balikat
Marielle's POV Nasa loob kami ngayon ng itim na SUV ni Giovanni habang binabaybay ang daan pabalik sa siyudad. Kailangan naming dumaan sa dati kong apartment para kunin ang ilang gamit namin ni Mikayla. Hindi ako mapakali—may kakaibang kutob ako na parang may masamang mangyayari. “Masyado kang
Marielle's POVKinabukasan.Hindi pa rin mawala sa sistema ko ang imahe ng litratong nakita namin. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga numerong nakasulat sa ibaba nito: Room 1708. Parang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang eksenang iyon habang nakaupo ako sa veranda ng safehouse.S
Marielle’s POVHindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Mula noong mangyari ang pag-atake sa mansion kagabi, pakiramdam ko ay may mga matang nakabantay sa bawat galaw namin ni Mikayla. Kahit nasa safehouse na kami ni Giovanni—liblib, tahimik, at malayo sa ingay ng siyudad—hindi pa rin tuluyang
Giovanni POV Hindi ako mapakali. Ilang oras na ang lumipas mula noong makita namin ni Marielle ang lumang litrato sa silid-aklatan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang bawat detalye nito. Nasa loob ako ng aking opisina, nakatayo sa harap ng mesa at nakatitig nang matagal







