Share

CHAPTER 2

last update publish date: 2026-05-24 10:46:21

Giovanni’s POV

Hindi ako sanay magkamali. Sa mundong ginagalawan ko, isang maling desisyon lang ang katumbas ay kamatayan.

Kaya simula nang maupo ako bilang pinuno ng Armani Syndicate, tinuruan ko ang sarili kong huwag magpadala sa emosyon. Walang awa. Walang attachment. Walang kahinaan. Pero isang babaeng lasing lang pala ang sisira sa lahat ng kontrol na matagal kong binuo.

Marielle Guzman.

Nakasandal ako sa leather seat ng sasakyan habang tahimik na pinagmamasdan siya sa labas ng bintana.

Mukhang basang sisiw.

Namumugto ang mga mata.

At kahit pilit niyang itinatago ang sakit, kitang-kita ko kung paano siya unti-unting nadudurog.

“Boss,” seryosong tawag ni Luca mula sa front seat. “Hindi magandang ideya ‘to.”

Hindi ako sumagot.

Alam kong tama siya. Simula nang mapadpad si Marielle sa condo ko kagabi, wala nang tigil ang instinct kong lumayo sa babaeng ito.

Pero nakakainis dahil mas lalo ko siyang gustong lapitan.

“Pinaiimbestigahan ko na siya,” dagdag ni Luca. “Single mother. Live-in partner cheated on her. Mukhang wala namang koneksyon sa kalaban.”

Malamig akong tumitig sa kanya.

“Mukhang?”

Bahagyang tumigas ang panga niya.

“We’re still checking.”

Tahimik akong napangisi. Sa mundong ginagalawan namin, bawal magtiwala agad. Kahit gaano pa kalinis tingnan ang isang tao, maaaring ginagamit lang ito para makalapit sa akin.

Marami nang nagtangkang patayin ako. At marami na ring babaeng ginamit para pabagsakin ako. Pero nang tingnan kong muli si Marielle…

Hindi siya mukhang babae na marunong magsinungaling. Mukha siyang babaeng pagod na pagod nang masaktan.

“Boss,” muling saad ni Luca. “This woman could be a distraction.”

“She already is.”

Napatahimik siya.

Hindi dahil sa pag-amin ko.

Kundi dahil alam niyang totoo iyon.

—-----------------

Pagkapasok ni Marielle sa sasakyan, agad kong naamoy ang halo ng ulan at mahina niyang pabango.

Tahimik lang siya habang nakatingin sa labas. Pero ramdam ko ang pagpipigil niya sa pag-iyak. At hindi ko maintindihan kung bakit ako naiirita sa lalaking nagpaiyak sa kanya.

Ryan.

Paulit-ulit kong narinig ang pangalang iyon kagabi habang yakap ko siya sa kama. Kahit nasa ilalim siya ng matinding emosyon, hindi niya kailanman itinago ang sakit niya.

Naalala ko kung paano siya umiyak habang hawak ko ang bewang niya. Kung paano niya pilit kinakalimutan ang sakit sa bawat halik namin.

Mariin akong napamura sa isip. Hindi ko dapat inaalala iyon.

One-night stand lang iyon.

Pero bakit pakiramdam ko, may naiwan siyang marka sa akin?

“Hindi mo kailangang ihatid ako,” malamig niyang saad nang hindi tumitingin.

“Too late.”

Nangunot ang noo niya at lumingon sa akin.

“Bakit mo ba ako tinutulungan?”

Diretso ko siyang tinitigan.

“Hindi ko rin alam.”

At iyon ang unang beses sa maraming taon na naging totoo ako sa isang tao.

Napayuko siya.

Halatang hindi niya alam kung paano magre-react.

Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa tapat ng maliit niyang apartment building.

Tahimik siyang bumuntong-hininga.

“Salamat.”

Bago pa siya makababa, mabilis kong nahawakan ang pulsuhan niya.

Napatigil siya.

At sa mismong sandaling magtagpo ang mga mata namin, muling bumalik ang init ng gabing magkasama kami.

“Giovanni…” mahina niyang tawag.

Napasinghap ako nang marinig ang pangalan ko mula sa labi niya.

Dangerous.

Fuckingly dangerous.

Dahil sa paraang binibigkas niya iyon, pakiramdam ko gusto kong sirain ang buong mundo para sa kanya.

“May boyfriend ka pa ba?” diretso kong tanong.

Nanlaki ang mga mata niya.

“Ex.”

“Do you still love him?”

Tahimik siya.

At ang katahimikang iyon ang lalong nagpagalit sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ko naman siya pag-aari. Pero nakakainis isipin na pagkatapos siyang sirain ng lalaking iyon, siya pa rin ang laman ng puso niya.

“May anak kami,” mahina niyang sagot.

Mariin akong napapikit.

Damn.

Hindi ako dapat naaapektuhan.

Pero nang makita kong nanginginig ang mga labi niya para pigilan ang pag-iyak, parang may dumagan sa dibdib ko.

Bigla siyang umiwas ng tingin.

“Hindi mo maiintindihan.”

“You’re right,” malamig kong saad. “I don’t.”

Dahil hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Sa mundo ko, ang pagmamahal ay kahinaan. At ang kahinaan ay dahilan ng kamatayan.

Ngunit habang nakatingin ako kay Marielle, pakiramdam ko gusto kong subukang maniwala ulit. Mabilis kong binitiwan ang kamay niya.

“Go upstairs.”

Tahimik siyang tumango bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

Ngunit bago pa siya makapasok sa building—

Biglang may humintong puting kotse sa harap namin.

At agad bumaba ang lalaki, narinig niya ang galit na pagbanggit ni Marielle sa pangalan nito…

Ryan.

Nakita kong namutla si Marielle.

Samantalang ako?

Unti-unting nagdilim ang paningin ko. Mabilis na lumapit si Ryan kay Marielle at hinawakan ang braso nito.

“Bakit hindi ka sumasagot?!” galit nitong sigaw.

Agad akong bumaba ng sasakyan.

Tahimik.

Pero nakakamatay ang galit.

“Bitawan mo ako, Ryan!” sigaw ni Marielle habang pilit kumakawala.

“Hindi tayo tapos mag-usap!”

“May asawa ka na!”

Napatigil ang buong paligid.

Ngunit mas lalong uminit ang dugo ko nang makita kong umiiyak na naman si Marielle. Without warning, mabilis kong hinila si Ryan palayo sa kanya.

Malakas.

Mabagsik.

Nanlaki ang mata ng lalaki nang makita ako.

“Who the hell are you?” galit niyang tanong.

Malamig ko siyang tinitigan.

“Her problem is you!”

Bago pa siya makasagot, mariin kong sinuntok ang mukha niya. Napaatras siya habang duguan ang labi.

“Giovanni!” gulat na sigaw ni Marielle.

Ngunit wala na akong pakialam.

Dahil sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon…

May gusto akong protektahan. At delikado iyon para sa isang lalaking tulad ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 80

    Marielle’s POV“Nandito na siya…”Halos pabulong kong sambit, pero sapat iyon para marinig ni Giovanni. Parang ang bawat salita ay may bigat na bakal na dumadagundong sa loob ng isip ko.“Si Kael… si Uncle K. Buhay siya.” Napalunok ako, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “At napapaligiran na niya tayo.”Mahigpit na hinawakan ni Giovanni ang magkabilang braso ko. Matalim ang mga mata niya, pero malinaw kong nakikita ang pag-aalala roon.“Marielle, look at me.”Napatingin ako sa kanya.“Don’t be afraid of the dark.” Bahagya siyang yumuko para magtama ang mga mata namin. “Hangga’t magkasama tayo, hindi tayo basta-basta matatalo. Maaaring siya ang nagplano ng lahat ng ito, pero hindi ibig sabihin na kontrolado niya ang bawat galaw natin.”“Pero ang dami niyang alam, Giovanni.” Nanginginig kong sagot. “Kilala niya ako. Kilala niya ang pamilya ko. Kilala ka niya. He has been watching us from the beginning. Parang hinihintay lang niya ang tamang pagkakataon para lumabas.”“At doo

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 79

    Giovanni’s POV“Sino ’yon?”Halos pabulong na lang ang tanong ni Marielle. Nanginginig ang boses niya, at kahit pilit niyang pinatatatag ang sarili, kita ko ang takot sa mga mata niya.“Ang boses niya… parang familiar, Giovanni.” Napalunok siya. “Pero hindi ko maalala kung saan ko siya narinig.”Hinawakan ko nang mahigpit ang magkabilang kamay niya, pinipilit kong manatiling kalmado kahit may kaba ring gumagapang sa dibdib ko.“We don’t know who he is yet, Mahal. Pero huwag kang matakot. As long as we’re together, we’ll find the answers. Kahit gaano pa kalalim ang mga bagay na itinago nila sa atin.”Bumalik ang tingin niya sa lumang sulat na nakalatag sa mesa.“Sinasabi rito na matagal na siyang nagmamasid sa atin.” Bahagya siyang napailing. “He was watching us from the beginning. Hinihintay lang niyang matapos ang lahat ng laban natin bago siya lumabas.”Huminga siya nang malalim.“Ibig sabihin… pinanood lang niya tayong masaktan? Pinanood niya tayong maghirap habang naghihintay siya

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 78

    Marielle’s POV“May mali pa rin… ’di ba?”Mahina kong tanong habang nakatayo kami ni Giovanni sa tabi ng bintana, kapwa pinagmamasdan ang unti-unting pagliwanag ng langit.Tahimik ang buong paligid, pero sa loob ng dibdib ko, parang may unos na ayaw tumigil.Lahat ng taong sangkot sa pagtataksil ay nahuli na. Lahat ng sikreto na matagal nang itinago ay unti-unti nang nabunyag. Dapat ay tapos na ang lahat.Dapat ay makakahinga na ako.Pero bakit parang may kulang pa rin?Bakit pakiramdam ko, may isang bagay na hindi pa namin nakikita?Naramdaman ko ang paghigpit ng mga braso ni Giovanni sa baywang ko bago niya ako dahan-dahang hinarap. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tinitigan ako nang malalim.Sa mga mata niya, nakita ko ang pag-unawa.Pero nakita ko rin ang kaba.“Alam ko,” mahina niyang sabi. “Ramdam ko rin.”Napakunot ang noo ko.“Parang may isang last piece ng puzzle na hindi pa natin nakikita,” pagpapatuloy niya. “At kahit gaano kaliit ang pirasong iyon… baka iyon pa a

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 77

    Marielle’s POVSa gitna ng biglang kadiliman at sunod-sunod na putok, napaakap ako nang mahigpit kay Giovanni.Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sino ang tinamaan. Hindi ko rin alam kung ligtas pa ba kami o kung may susunod pang atake.Ang tanging naririnig ko ay ang mabibigat na paghinga ng mga tao, ang mga sigaw na naghalo-halo sa dilim, at ang malakas na pagbagsak ng isang katawan sa sahig.“Stay behind me.”Mariing hinawakan ni Giovanni ang braso ko at inilagay ako sa likuran niya. Nakataas ang baril niya, nakatutok sa direksiyong pinanggalingan ng mga putok.“Whatever happens, don’t let go of me. Do you understand?”Tumango ako kahit nanginginig ang buong katawan ko.“Giovanni…”“I’m here, Mahal. I won’t let anything happen to you.”Ilang segundo pa ang lumipas bago muling bumalik ang ilaw.Napapikit ako sandali dahil sa biglang liwanag bago ko mabilis na sinuyod ng tingin ang buong sala.At doon ko nakita si Ryan.Nasa sahig

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 76

    Marielle's POV"Ang taong pinagkakatiwalaan ninyo nang higit sa lahat... nasa panig ko na."Parang huminto ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Ryan mula sa labas ng pinto.Hindi ako agad nakagalaw.Napahawak ako sa dibdib ko habang dahan-dahang napatingin kay Giovanni. Seryoso ang mukha niya, halatang pinipigilan lang niyang magpakita ng emosyon para hindi ako tuluyang panghinaan ng loob.Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ko."Look at me," mahina niyang sabi.Napatingin ako sa kanya."Kahit anong mangyari sa labas... stay with me."Napalunok ako."Sino ang tinutukoy niya?" halos pabulong kong tanong. "Sino pa ang puwedeng magtaksil sa atin?"Huminga siya nang malalim bago sumagot."Hindi ko alam."Saglit siyang napapikit."But whatever happens... promise me one thing.""Ano 'yon?""Huwag mong hahayaang sirain nito ang tiwala mo sa atin."Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha.Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya."Giovanni..."Umiling ako."Wala nang

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 75

    Giovanni's POV"Akala n'yo... tapos na kami?" mariin kong sabi habang mahigpit pa ring nakakapit si Marielle sa likuran ko. Nakatutok ang baril ko kina Ryan at Roxanne. "Akala n'yo nakuha n'yo na ang lahat?"Ngumisi si Ryan at itinaas ang sariling baril."Wala ka nang laban, Giovanni. We already know every move you make. 'Yung mga tauhan na inaasahan mong darating? Nasa amin na sila. Unti-unti naming kinuha ang lahat—kapangyarihan mo, impluwensya mo... pati ang tiwala ng mga taong nasa paligid mo."Ramdam ko ang bahagyang panginginig ni Marielle. Mas humigpit ang kapit niya sa likod ng polo ko.Dahan-dahan kong hinaplos ang kamay niyang nakayakap sa akin.Isang tahimik na pangako.Nandito lang ako."Mali kayo," kalmado ngunit matigas kong sagot. "Akala n'yo kami ang naloko n'yo. Pero ang hindi n'yo alam, matagal na kaming handang isugal ang lahat para sa isa't isa."Napangiti ako nang bahagya."Money? Power? Those things can always be earned again. Pero ang tiwala at pagmamahal na nab

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 13

    Marielle’s POVHindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko habang nakatanaw sa labas ng malawak na bintana ng penthouse ni Giovanni. Sa likuran ko, narinig ko ang marahang pagbukas ng bote ng alak kasabay ng mabibigat ngunit banayad na yabag ni Giovanni palapit sa akin.“You're overthinking again,

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 12

    Marielle's POV Nasa loob kami ngayon ng itim na SUV ni Giovanni habang binabaybay ang daan pabalik sa siyudad. Kailangan naming dumaan sa dati kong apartment para kunin ang ilang gamit namin ni Mikayla. Hindi ako mapakali—may kakaibang kutob ako na parang may masamang mangyayari. “Masyado kang

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 11

    Marielle's POVKinabukasan.Hindi pa rin mawala sa sistema ko ang imahe ng litratong nakita namin. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga numerong nakasulat sa ibaba nito: Room 1708. Parang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang eksenang iyon habang nakaupo ako sa veranda ng safehouse.S

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 10

    Marielle’s POVHindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Mula noong mangyari ang pag-atake sa mansion kagabi, pakiramdam ko ay may mga matang nakabantay sa bawat galaw namin ni Mikayla. Kahit nasa safehouse na kami ni Giovanni—liblib, tahimik, at malayo sa ingay ng siyudad—hindi pa rin tuluyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status