Share

CHAPTER 3

last update publish date: 2026-05-24 10:47:47

Marielle’s POV

Parang huminto ang buong mundo nang suntukin ni Giovanni si Ryan sa harap ko. Napasinghap ako habang napaatras si Ryan dahil sa lakas ng tama. Dumugo agad ang gilid ng labi nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Giovanni.Ngunit mas nakakatakot ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Malamig ang mga mata nito.

Punong-puno ng galit. At sa unang pagkakataon, nakita ko kung gaano siya kapanganib.

“Giovanni, tama na!” mabilis kong sigaw habang hinawakan ang braso niya.

Ngunit tila lalo lamang tumigas ang panga niya nang maramdaman niya ang paghawak ko.

“Lumayo ka sa kanya,” malamig niyang sabi kay Ryan.

Napatawa si Ryan kahit duguan ang labi.

“At sino ka?” puno ng galit nitong tanong. “Kabit ka ba ng fiancée ko?”

Parang may matalim na kutsilyong tumarak sa dibdib ko.

Fiancée.

Dati, gustong-gusto kong marinig ang salitang iyon mula kay Ryan.

Pero ngayon?

Parang isa na lamang iyong malaking kasinungalingan.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Giovanni sa bewang ko.

“She’s not yours anymore,” malamig nitong saad.

Nanlaki ang mata ko.

Pati si Ryan ay tila natigilan.

“What?” galit nitong tanong habang nakatitig sa akin.

“Marielle… ano’ng ibig sabihin nito?”

Napalunok ako.

Hindi ko alam kung bakit hindi agad ako nagsalita.

Siguro dahil sa paraan ng pagkakayakap ni Giovanni sa akin ngayon—parang ayaw niya akong pakawalan.

Parang pinoprotektahan niya ako. At nakakainis dahil ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.

“Sumagot ka!” sigaw ni Ryan.

Napapikit ako.

Biglang bumalik sa isip ko ang lahat.

Ang walong taon.

Ang mga gabing naghihintay ako habang sinasabi niyang busy siya.

Ang mga pangakong napako.

At ang marriage certificate na sumira sa buong pagkatao ko.

Pagmulat ko ng mga mata ko, wala na ang dating takot at panghihinayang.

Pagod na ako.

“Ano pa bang gusto mong marinig?” nanginginig kong tanong. “Hindi ba sapat na sinira mo na ako?”

“Hindi ko sinasadya—”

“Hindi mo sinasadya?!” napatawa ako habang umiiyak. “Ryan, ikinasal ka sa iba!”

Natahimik siya.

Ngunit agad din siyang lumapit sa akin.

“Ginawa ko lang ‘yon dahil kailangan ko! Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon—”

“Anong sitwasyon?” putol ko. “Na mas pinili mo ang babaeng mayaman kaysa sa pamilya natin?”

Biglang nagdilim ang mukha niya.

“At least si Roxanne may maibibigay sa future ko!”

Parang may malakas na sampal na tumama sa akin. Tuluyan akong natulala. Ganito pala kababa ang tingin niya sa akin. Walong taon kong minahal ang gagong lalaking ito.

Walong taon kong binuo ang pangarap naming pamilya. Pero sa huli…

Hindi pala ako sapat.

Narinig kong mariing napamura si Giovanni. Bago pa makalapit muli si Ryan, mabilis siyang hinarangan ni Giovanni.

“Umalis ka bago pa kita mapatay,” malamig nitong saad.

Napalunok si Ryan.

Kahit galit na galit ito, halatang natakot siya sa paraan ng pagtitig ni Giovanni.

At hindi ko siya masisisi. Dahil kahit ako ay kinikilabutan. Maya-maya ay mariing pinunasan ni Ryan ang dugo sa labi niya bago ako muling tingnan.

“Pagsisisihan mo ‘to, Marielle.”

At tuluyan na itong umalis.

Tahimik akong napaupo sa gutter matapos umandar ang sasakyan niya. Pakiramdam ko nawalan ako ng lakas.

Hindi ko alam kung bakit kahit tapos na… sobrang sakit pa rin. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko, ngunit parang lalo lamang dumadami.

Nakakahiya.

Nakakapagod.

Nakakasira.

Bigla kong naramdaman ang paglapit ni Giovanni.

Tahimik siyang yumuko sa harap ko hanggang sa magtama ang aming mga mata. At doon tuluyang bumigay ang natitirang lakas ko.

“Bakit hindi ako naging sapat?” mahina kong tanong habang umiiyak.

Sa unang pagkakataon mula nang makilala ko siya…

May nakita akong emosyon sa mga mata niya.

Galit.

Hindi sa akin.

Kundi para sa akin.

“You gave everything to the wrong man,” mababa niyang saad.

Nanginginig kong iniwas ang tingin ko.

“Masakit pa rin.”

“I know.”

Napatawa ako nang mapait.

“Hinding-hindi mo maiintindihan ang nararamdaman ko.”

Tahimik siya sandali.

Pagkatapos ay marahan niyang hinawakan ang baba ko upang mapatingin ako sa kanya.

“At paano mo nasabing wala akong alam sa sakit?”

Huminto ang paghinga ko. May kakaibang lungkot sa mga mata niya ngayon. Parang may madilim siyang nakaraan na pilit niyang itinatago.

Ngunit bago ko pa iyon matanong—

Bigla niya akong hinila palapit sa kanya. At walang babala…

Mariin niya akong hinalikan.

Napasinghap ako.

Mainit.

Mapusok.

Punong-puno ng emosyon.

Parang sa bawat galaw ng labi niya ay gusto niyang burahin lahat ng sakit na iniwan ni Ryan sa akin. Napakapit ako sa coat niya habang mas lalo niyang pinalalim ang halik.

Naramdaman ko ang mahigpit niyang kamay sa bewang ko habang tila ba ayaw niya akong pakawalan.

“Giovanni…” mahina kong ungol sa pagitan ng aming mga labi.

Mariin siyang napamura bago idinikit ang noo niya sa akin.

“You drive me insane,” paos niyang bulong.

Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa piling ng lalaking ito…

Pakiramdam ko ligtas ako.

Kahit malinaw na siya ang pinaka-mapanganib na lalaking nakilala ko. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. At sa unang pagkakataon matapos akong wasakin ni Ryan…

May bahagi sa puso kong gustong maniwalang baka kaya ko pang magmahal ulit.

Ngunit hindi ko alam— Tama ba ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 80

    Marielle’s POV“Nandito na siya…”Halos pabulong kong sambit, pero sapat iyon para marinig ni Giovanni. Parang ang bawat salita ay may bigat na bakal na dumadagundong sa loob ng isip ko.“Si Kael… si Uncle K. Buhay siya.” Napalunok ako, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “At napapaligiran na niya tayo.”Mahigpit na hinawakan ni Giovanni ang magkabilang braso ko. Matalim ang mga mata niya, pero malinaw kong nakikita ang pag-aalala roon.“Marielle, look at me.”Napatingin ako sa kanya.“Don’t be afraid of the dark.” Bahagya siyang yumuko para magtama ang mga mata namin. “Hangga’t magkasama tayo, hindi tayo basta-basta matatalo. Maaaring siya ang nagplano ng lahat ng ito, pero hindi ibig sabihin na kontrolado niya ang bawat galaw natin.”“Pero ang dami niyang alam, Giovanni.” Nanginginig kong sagot. “Kilala niya ako. Kilala niya ang pamilya ko. Kilala ka niya. He has been watching us from the beginning. Parang hinihintay lang niya ang tamang pagkakataon para lumabas.”“At doo

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 79

    Giovanni’s POV“Sino ’yon?”Halos pabulong na lang ang tanong ni Marielle. Nanginginig ang boses niya, at kahit pilit niyang pinatatatag ang sarili, kita ko ang takot sa mga mata niya.“Ang boses niya… parang familiar, Giovanni.” Napalunok siya. “Pero hindi ko maalala kung saan ko siya narinig.”Hinawakan ko nang mahigpit ang magkabilang kamay niya, pinipilit kong manatiling kalmado kahit may kaba ring gumagapang sa dibdib ko.“We don’t know who he is yet, Mahal. Pero huwag kang matakot. As long as we’re together, we’ll find the answers. Kahit gaano pa kalalim ang mga bagay na itinago nila sa atin.”Bumalik ang tingin niya sa lumang sulat na nakalatag sa mesa.“Sinasabi rito na matagal na siyang nagmamasid sa atin.” Bahagya siyang napailing. “He was watching us from the beginning. Hinihintay lang niyang matapos ang lahat ng laban natin bago siya lumabas.”Huminga siya nang malalim.“Ibig sabihin… pinanood lang niya tayong masaktan? Pinanood niya tayong maghirap habang naghihintay siya

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 78

    Marielle’s POV“May mali pa rin… ’di ba?”Mahina kong tanong habang nakatayo kami ni Giovanni sa tabi ng bintana, kapwa pinagmamasdan ang unti-unting pagliwanag ng langit.Tahimik ang buong paligid, pero sa loob ng dibdib ko, parang may unos na ayaw tumigil.Lahat ng taong sangkot sa pagtataksil ay nahuli na. Lahat ng sikreto na matagal nang itinago ay unti-unti nang nabunyag. Dapat ay tapos na ang lahat.Dapat ay makakahinga na ako.Pero bakit parang may kulang pa rin?Bakit pakiramdam ko, may isang bagay na hindi pa namin nakikita?Naramdaman ko ang paghigpit ng mga braso ni Giovanni sa baywang ko bago niya ako dahan-dahang hinarap. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tinitigan ako nang malalim.Sa mga mata niya, nakita ko ang pag-unawa.Pero nakita ko rin ang kaba.“Alam ko,” mahina niyang sabi. “Ramdam ko rin.”Napakunot ang noo ko.“Parang may isang last piece ng puzzle na hindi pa natin nakikita,” pagpapatuloy niya. “At kahit gaano kaliit ang pirasong iyon… baka iyon pa a

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 77

    Marielle’s POVSa gitna ng biglang kadiliman at sunod-sunod na putok, napaakap ako nang mahigpit kay Giovanni.Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sino ang tinamaan. Hindi ko rin alam kung ligtas pa ba kami o kung may susunod pang atake.Ang tanging naririnig ko ay ang mabibigat na paghinga ng mga tao, ang mga sigaw na naghalo-halo sa dilim, at ang malakas na pagbagsak ng isang katawan sa sahig.“Stay behind me.”Mariing hinawakan ni Giovanni ang braso ko at inilagay ako sa likuran niya. Nakataas ang baril niya, nakatutok sa direksiyong pinanggalingan ng mga putok.“Whatever happens, don’t let go of me. Do you understand?”Tumango ako kahit nanginginig ang buong katawan ko.“Giovanni…”“I’m here, Mahal. I won’t let anything happen to you.”Ilang segundo pa ang lumipas bago muling bumalik ang ilaw.Napapikit ako sandali dahil sa biglang liwanag bago ko mabilis na sinuyod ng tingin ang buong sala.At doon ko nakita si Ryan.Nasa sahig

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 76

    Marielle's POV"Ang taong pinagkakatiwalaan ninyo nang higit sa lahat... nasa panig ko na."Parang huminto ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Ryan mula sa labas ng pinto.Hindi ako agad nakagalaw.Napahawak ako sa dibdib ko habang dahan-dahang napatingin kay Giovanni. Seryoso ang mukha niya, halatang pinipigilan lang niyang magpakita ng emosyon para hindi ako tuluyang panghinaan ng loob.Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ko."Look at me," mahina niyang sabi.Napatingin ako sa kanya."Kahit anong mangyari sa labas... stay with me."Napalunok ako."Sino ang tinutukoy niya?" halos pabulong kong tanong. "Sino pa ang puwedeng magtaksil sa atin?"Huminga siya nang malalim bago sumagot."Hindi ko alam."Saglit siyang napapikit."But whatever happens... promise me one thing.""Ano 'yon?""Huwag mong hahayaang sirain nito ang tiwala mo sa atin."Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha.Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya."Giovanni..."Umiling ako."Wala nang

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 75

    Giovanni's POV"Akala n'yo... tapos na kami?" mariin kong sabi habang mahigpit pa ring nakakapit si Marielle sa likuran ko. Nakatutok ang baril ko kina Ryan at Roxanne. "Akala n'yo nakuha n'yo na ang lahat?"Ngumisi si Ryan at itinaas ang sariling baril."Wala ka nang laban, Giovanni. We already know every move you make. 'Yung mga tauhan na inaasahan mong darating? Nasa amin na sila. Unti-unti naming kinuha ang lahat—kapangyarihan mo, impluwensya mo... pati ang tiwala ng mga taong nasa paligid mo."Ramdam ko ang bahagyang panginginig ni Marielle. Mas humigpit ang kapit niya sa likod ng polo ko.Dahan-dahan kong hinaplos ang kamay niyang nakayakap sa akin.Isang tahimik na pangako.Nandito lang ako."Mali kayo," kalmado ngunit matigas kong sagot. "Akala n'yo kami ang naloko n'yo. Pero ang hindi n'yo alam, matagal na kaming handang isugal ang lahat para sa isa't isa."Napangiti ako nang bahagya."Money? Power? Those things can always be earned again. Pero ang tiwala at pagmamahal na nab

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 13

    Marielle’s POVHindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko habang nakatanaw sa labas ng malawak na bintana ng penthouse ni Giovanni. Sa likuran ko, narinig ko ang marahang pagbukas ng bote ng alak kasabay ng mabibigat ngunit banayad na yabag ni Giovanni palapit sa akin.“You're overthinking again,

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 12

    Marielle's POV Nasa loob kami ngayon ng itim na SUV ni Giovanni habang binabaybay ang daan pabalik sa siyudad. Kailangan naming dumaan sa dati kong apartment para kunin ang ilang gamit namin ni Mikayla. Hindi ako mapakali—may kakaibang kutob ako na parang may masamang mangyayari. “Masyado kang

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 11

    Marielle's POVKinabukasan.Hindi pa rin mawala sa sistema ko ang imahe ng litratong nakita namin. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga numerong nakasulat sa ibaba nito: Room 1708. Parang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang eksenang iyon habang nakaupo ako sa veranda ng safehouse.S

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 10

    Marielle’s POVHindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Mula noong mangyari ang pag-atake sa mansion kagabi, pakiramdam ko ay may mga matang nakabantay sa bawat galaw namin ni Mikayla. Kahit nasa safehouse na kami ni Giovanni—liblib, tahimik, at malayo sa ingay ng siyudad—hindi pa rin tuluyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status