LOGINGiovanni’s POV
Hindi ko dapat siya hinalikan. Pero sa sandaling nakita kong umiiyak si Marielle sa harap ko habang unti-unting dinudurog ng lalaking iyon ang natitira niyang dignidad… May kung anong madilim na parte sa akin ang tuluyang kumawala. At ngayon, habang nasa loob ako ng sasakyan at tahimik na nakatingin sa condominium building niya, pakiramdam ko lalo lang akong nawawalan ng kontrol. “Boss.” Hindi ako kumibo. “Tatlong beses ka nang tinatawagan ni Don Vittorio.” Mariin akong napapikit habang hinihimas ang labi kong may bakas pa rin ng halik ni Marielle. Damn it. “Cancel it.” Tahimik si Luca sa front seat. Pagkatapos ay marahan itong napabuntong-hininga. “You’re changing.” Malamig akong napangisi. “Careful, Luca.” Ngunit hindi natinag ang kanang-kamay ko. “Sa loob ng sampung taon, wala kang pinayagang makalapit sa’yo. Walang babae. Walang attachment.” Sandali siyang tumigil. “Tapos ngayon, handa kang suntukin ang ex ng babaeng kakakilala mo pa lang?” Unti-unting nagdilim ang paningin ko. Dahil alam kong tama siya. Hindi normal ang nararamdaman ko kay Marielle. At iyon ang pinaka-delikadong bagay para sa isang lalaking tulad ko. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Mabilis kong sinagot iyon nang makita ang pangalan ni Vittorio De Rossi —ang pinuno ng Italian branch ng syndicate. “Giovanni,” malamig nitong bungad. “Narinig kong nagkakagulo ka dahil sa isang babae.” Humigpit ang hawak ko sa cellphone. “Who’s talking?” Mababang tawa ang narinig ko mula sa kabilang linya. “Careful. Hindi magandang magkaroon ng kahinaan.” Unti-unting tumigas ang panga ko. “I don’t have weaknesses.” “Then prove it.” At agad nitong pinatay ang tawag. Tahimik na napamura si Luca. “Alam nilang may babae ka.” Mariin akong napasandal sa upuan. Fuck. Kapag umabot sa buong syndicate ang balitang may taong mahalaga sa akin, hindi lang ako ang malalagay sa panganib. Pati si Marielle. At alam kong walang limitasyon ang mga taong gustong pabagsakin ako. Handa silang pumatay. Kinabukasan. Nasa kalagitnaan ako ng board meeting nang biglang mawala ang focus ko. Hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit kong naaalala ang mukha ni Marielle. Ang mga mata niyang puno ng sakit. Ang labi niyang nanginginig habang umiiyak. At ang paraan ng pagkapit niya sa akin kagabi na tila ako lang ang natitirang ligtas na lugar sa mundo niya. “Mr. Armani?” Mabilis akong napatingin sa executive na nagsasalita. Halatang natigilan ang lahat dahil bihira akong mawalan ng atensyon sa meeting. “Continue,” malamig kong saad. Ngunit ilang minuto pa lamang ang lumipas ay muling nag-ring ang cellphone ko. Luca. Diretso kong sinagot iyon. “What?” “Boss…” seryoso niyang saad. “May problema.” Agad akong tumayo. —-------------------------- Mabilis na huminto ang sasakyan sa harap ng boutique kung saan nagtatrabaho si Marielle. At sa mismong sandaling bumaba ako— Nanigas ang buong katawan ko. Tatlong lalaki ang nagwawala sa loob ng shop. Wasak ang mga salamin. Nakasabunot ang isang babae kay Marielle habang galit na galit itong sumisigaw. “Malandi ka!” sigaw ng babae. “Inagaw mo si Ryan sa akin!” Nakita kong namumutla si Marielle habang pilit tinatanggal ang kamay nito sa buhok niya. “Bitawan mo ako!” Ngunit bago pa makalapit si Luca— Mabilis na akong sumugod paloob. Napatili ang mga empleyado nang mariin kong hinila si Roxanne palayo kay Marielle. “Touch her again,” malamig kong bulong habang mahigpit ang hawak ko sa pulsuhan niya, “and I’ll break your hand.” Nanlaki ang mga mata ni babae. At sa unang pagkakataon, nakita ko ang takot sa mukha niya. “S-Sino ka ba?!” nanginginig nitong tanong. Hindi ako sumagot. Dahil abala ako sa pagtingin kay Marielle. Magulo ang buhok niya. May gasgas ang labi niya. At nanginginig ang buong katawan niya. Unti-unting nagdidilim ang paningin ko. Someone touched what’s mine. Ayokong maramdaman ang ganitong klase ng galit. Mabilis kong hinubad ang suit ko at isinukbit sa balikat ni Marielle. Agad siyang nag iwas ng tingin. Nahihiya. Nasasaktan. At putangina… lalo lang akong nawawalan ng kontrol. “Giovanni…” mahina niyang tawag. Dahan-dahan kong hinawakan ang baba niya upang makita ko nang maayos ang sugat sa labi niya. “Sinaktan ka ba nila?” Bigla siyang napaiyak. At doon tuluyang kumawala ang natitirang pasensya ko. Mabilis akong lumingon sa tatlong lalaking kasama ni Roxanne. “Who sent you?” Tahimik sila. Ngunit nang makita nila ang baril na inilabas ni Luca— Biglang namutla ang mga ito. “R-Ryan!” sigaw ng isa. “Si Ryan , sabi niya takutin namin siya!” Huminto ang mundo ko. “What?” Takot na takot na napaluhod ang lalaki. “Hindi namin alam na connected siya sa’yo!” Unti-unting napangisi ako. Pero walang humor doon. Puro galit. Puro panganib. At iyon ang ngiting kinatatakutan ng buong underground world. “Boss…” maingat na saad ni Luca. “Public place.” Hindi ko siya pinansin. Dahil iisa lang ang nasa isip ko ngayon. Ryan touched Marielle. Ryan made her cry. And no one hurts what belongs to Giovanni Armani. Mabilis kong nilapitan ang lalaking nagsalita at mariing sinuntok ang mukha nito. Sunod-sunod. Walang awa. Nakarinig ako ng sigaw mula kay Marielle. “Giovanni, tama na!” Ngunit huli na. Dahil sa bawat patak ng dugo ng lalaking nasa harapan ko… Mas lalo kong nararamdaman kung gaano ako kadelikado para sa kanya. At mas nakakatakot doon? Ayaw ko nang lumayo.Marielle’s POV “Bitawan mo siya.” Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang malamig na boses ni Giovanni sa likuran namin. Ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin sa paligid. Mabigat. Mapanganib. At punong-puno ng tensyon. Mas humigpit ang hawak ni Ryan sa kamay ko habang matalim nitong tinitigan si Giovanni. “At kapag ayaw ko?” puno ng galit nitong sagot. Unti-unting napangisi si Giovanni. Pero walang init doon. Para iyong babala bago dumating ang bagyo. “Then I’ll make you.” Napasinghap ako nang marahas akong hilahin ni Ryan palapit sa kanya. “Marielle, sabihin mo sa kanya na wala siyang karapatan makialam sa pamilya natin!” Pamilya. Dati, gustong-gusto kong marinig ang salitang iyon mula kay Ryan. Pero ngayon? Parang wala na itong bigat. Napayuko ako habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib ko. “Ryan…” mahina kong saad. “Tama na.” “Hindi!” galit nitong sigaw. “Hindi ko hahayaang sirain tayo ng lalaking ‘to!” Biglang tumigas ang ekspresyon ni Giovanni. At ba
Giovanni’s POV Hindi ako natatakot mamatay. Sa mundong ginagalawan ko, matagal ko nang tinanggap na anumang oras ay maaaring may bala nang nakatutok sa ulo ko. Marami nang nagtangkang pumatay sa akin. Marami nang gustong pabagsakin ang Armani Syndicate. Pero ngayon… Sa unang pagkakataon, may mas kinatatakutan ako kaysa kamatayan. At iyon ay ang posibilidad na may mangyaring masama kina Marielle at Mikayla. “Boss.” Mabilis kong iniangat ang tingin kay Luca habang malamig na nakaupo sa loob ng private office ko. “May gumagalaw na naman sa kabilang pamilya,” seryoso nitong saad habang inilalapag ang ilang litrato sa mesa ko. “They’re watching Marielle.” Unti-unting nagdilim ang paningin ko. Mariin kong tinitigan ang mga litratong kuha kay Marielle habang sinusundo si Mikayla sa daycare. Putangina. “They know about her,” malamig kong bulong. Tahimik na tumango si Luca. “At mukhang ginagamit nila siya para mapalapit sa’yo.” Mariin kong napakuyom ang kamao ko.Alam kong daratin
Marielle’s POVHindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan ko kahit nakalabas na kami ng boutique. Pakiramdam ko ay bumabagal ang bawat paghinga ko habang nakatingin ako kay Giovanni.May dugo pa sa kamao niya.Malamig pa rin ang mga mata niya.At kahit katatapos lang niyang iligtas ako, pakiramdam ko mas lalo lang akong nalulunod sa presensya niya.“Giovanni…” mahina kong tawag.Mabilis siyang lumingon sa akin.At doon ko nakita ang biglaang paglambot ng ekspresyon niya.Parang ibang tao.Parang sa akin lang niya ipinapakita ang side na iyon.“Nasaktan ka ba?” mababa niyang tanong habang marahang hinahaplos ang sugat sa labi ko.Napasinghap ako sa init ng palad niya.“H-Hindi naman malala.”Mariing tumigas ang panga niya.“Hindi ko dapat hinayaang mangyari ‘yon.”Napailing ako.“Hindi mo kasalanan.”Ngunit hindi siya nagsalita.Sa halip, mas lalo lamang dumilim ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. At hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Giovanni’s POVHindi ko dapat siya hinalikan. Pero sa sandaling nakita kong umiiyak si Marielle sa harap ko habang unti-unting dinudurog ng lalaking iyon ang natitira niyang dignidad…May kung anong madilim na parte sa akin ang tuluyang kumawala. At ngayon, habang nasa loob ako ng sasakyan at tahimik na nakatingin sa condominium building niya, pakiramdam ko lalo lang akong nawawalan ng kontrol.“Boss.”Hindi ako kumibo.“Tatlong beses ka nang tinatawagan ni Don Vittorio.”Mariin akong napapikit habang hinihimas ang labi kong may bakas pa rin ng halik ni Marielle.Damn it.“Cancel it.”Tahimik si Luca sa front seat.Pagkatapos ay marahan itong napabuntong-hininga.“You’re changing.”Malamig akong napangisi.“Careful, Luca.”Ngunit hindi natinag ang kanang-kamay ko.“Sa loob ng sampung taon, wala kang pinayagang makalapit sa’yo. Walang babae. Walang attachment.” Sandali siyang tumigil. “Tapos ngayon, handa kang suntukin ang ex ng babaeng kakakilala mo pa lang?”Unti-unting nagdilim ang
Marielle’s POVParang huminto ang buong mundo nang suntukin ni Giovanni si Ryan sa harap ko. Napasinghap ako habang napaatras si Ryan dahil sa lakas ng tama. Dumugo agad ang gilid ng labi nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Giovanni.Ngunit mas nakakatakot ang lalaking nasa harapan ko ngayon.Malamig ang mga mata nito.Punong-puno ng galit. At sa unang pagkakataon, nakita ko kung gaano siya kapanganib.“Giovanni, tama na!” mabilis kong sigaw habang hinawakan ang braso niya.Ngunit tila lalo lamang tumigas ang panga niya nang maramdaman niya ang paghawak ko.“Lumayo ka sa kanya,” malamig niyang sabi kay Ryan.Napatawa si Ryan kahit duguan ang labi.“At sino ka?” puno ng galit nitong tanong. “Kabit ka ba ng fiancée ko?”Parang may matalim na kutsilyong tumarak sa dibdib ko.Fiancée.Dati, gustong-gusto kong marinig ang salitang iyon mula kay Ryan.Pero ngayon?Parang isa na lamang iyong malaking kasinungalingan.Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Giovanni sa bewang ko.
Giovanni’s POVHindi ako sanay magkamali. Sa mundong ginagalawan ko, isang maling desisyon lang ang katumbas ay kamatayan.Kaya simula nang maupo ako bilang pinuno ng Armani Syndicate, tinuruan ko ang sarili kong huwag magpadala sa emosyon. Walang awa. Walang attachment. Walang kahinaan. Pero isang babaeng lasing lang pala ang sisira sa lahat ng kontrol na matagal kong binuo.Marielle Guzman.Nakasandal ako sa leather seat ng sasakyan habang tahimik na pinagmamasdan siya sa labas ng bintana.Mukhang basang sisiw.Namumugto ang mga mata.At kahit pilit niyang itinatago ang sakit, kitang-kita ko kung paano siya unti-unting nadudurog.“Boss,” seryosong tawag ni Luca mula sa front seat. “Hindi magandang ideya ‘to.”Hindi ako sumagot.Alam kong tama siya. Simula nang mapadpad si Marielle sa condo ko kagabi, wala nang tigil ang instinct kong lumayo sa babaeng ito.Pero nakakainis dahil mas lalo ko siyang gustong lapitan.“Pinaiimbestigahan ko na siya,” dagdag ni Luca. “Single mother. Live-i







