Share

Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband
Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband
Author: YannaWannaWrites

PROLOGUE

last update publish date: 2026-05-24 10:43:55

Basang-basa ng ulan ang buong siyudad nang gabing iyon.Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang tahimik na pagguho ng mundo ni Marielle Guzman.

Mahigpit niyang hawak ang cellphone habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Paulit-ulit niyang tinitigan ang litrato sa screen—si Ryan… nakangiti habang sinusukat ang wedding ring sa daliri ng ibang babae.

Roxanne Angeles. Legal na asawa.

Parang paulit-ulit siyang sinasaksak sa dibdib habang binabasa ang marriage certificate na ipinadala ng anonymous sender. Dalawang buwan bago ang kasal nila. Dalawang buwan bago niya isuot ang wedding gown na ilang taon niyang pinapangarap.

"Walong taon…" nanginginig niyang bulong habang pumapatak ang luha. "Walong taon mo akong niloko, Ryan."

Nasa kabilang kwarto ang apat na taong gulang nilang anak na si Mikayla, mahimbing na natutulog at walang kaalam-alam na wasak na ang pamilyang akala nito ay buo.

Napahagulgol si Marielle.

Hindi niya alam kung alin ang mas masakit — ang pagtataksil ni Ryan o ang katotohanang buong buhay niya ay itinaya niya rito.

Maya-maya ay natawa siya nang mapait.

Nakakatawa.

Habang siya ay abalang nagpaplano ng kasal nila, abala naman palang ikinakasal si Ryan sa iba. Dahil sa matinding sakit, agad niyang kinuha ang susi ng sasakyan at dumiretso sa pinakamalapit na bar.

—-----------------------

“Another bottle, miss?”

Tumango si Marielle habang walang tigil ang pagpatak ng luha niya. Hindi na niya mabilang kung ilang baso na ang nainom niya. Nangingilo na ang lalamunan niya sa alak ngunit tila kulang pa rin iyon para patahimikin ang sakit sa dibdib niya.

Sa bawat higop niya ng whiskey, mukha ni Ryan ang nakikita niya.

Mga pangako.

Mga halik.

Mga “I love you.”

Lahat pala kasinungalingan.

“Bakit…?” mahina niyang tanong sa sarili. “Hindi ba ako naging sapat?” Ngunit walang sumagot. Dahil ang tanging kasama niya nang gabing iyon ay alak at pagkawasak. Naalala niya ang anak niyang iniwang natutulog kina Tiya Lourdes. Dumaan ulit ang matinding kirot sa kanyang puso… Paano na sila ng kanyang anak?

Makalipas ang ilang oras, tuluyan nang nanaig ang galit kaysa sakit. Kailangan niyang makita si Ryan.

Kailangan niyang harapin ito.

—-------------------------------

Pasuray-suray na bumaba si Marielle mula sa taxi habang malakas ang ulan. Nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa kalasingan.

Mabilis niyang tinungo ang condominium building kung saan nakatira si Ryan. Nalaman niya ito, dahil sa natanggap niyang message mula sa isang anonymous sender. Ngunit sa sobrang hilo niya, hindi niya napansing maling floor pala ang napasukan niya.

At maling apartment number ang nabuksan niya gamit ang bahagyang nakaawang pinto.

Padabog siyang pumasok.

“Ryan!” sigaw niya habang umiiyak. “Lumabas ka! Harapin mo ako!”

Tahimik.

Madilim ang buong unit maliban sa ilaw mula sa city skyline. Humakbang siya paloob hanggang sa may matangkad na lalaking dahan-dahang lumabas mula sa dilim.

Napatigil si Marielle.

Naka-tapi lamang ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan into habang bahagyang basa ang buhok, tila kagagaling lang sa shower.

Matangkad.

Malamig ang titig.

At nakakatakot ang presensya.

Ngunit sa kalasingan ni Marielle, hindi niya iyon pinansin.

“Bakit mo ginawa sa akin?” umiiyak niyang tanong habang sinusuntok ang matigas na dibdib ng lalaki. “Hindi ba sapat ang walong taon?”

Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya. Ngunit nang maramdaman ni Giovanni Armani ang panginginig ng babae, may kakaibang emosyon ang gumalaw sa loob niya.

Galit.

Sakit.

At matinding lungkot.

Lahat iyon ay ramdam niya mula kay Marielle.

“Wrong room,” malamig nitong saad. Ngunit bago pa makapag-react si Marielle ay bigla siyang natumba dahil sa kalasingan. Mabilis siyang nasalo ni Giovanni.

At sa mismong sandaling iyon…

Nagtagpo ang kanilang mga mata. Huminto ang mundo. Mainit ang palad ng lalaki sa bewang niya habang ang isa nitong kamay ay nakasuporta sa likod niya.

Masyadong malapit.

Masyadong delikado.

Ngunit sa unang pagkakataon matapos ang matinding pagtataksil, may kakaibang init siyang naramdaman.

“Ryan…” bulong niya habang umiiyak.

Biglang dumilim ang tingin ni Giovanni.

“I’m not Ryan.” Mababa at paos ang boses nito.

Unti-unting bumaba ang tingin ni Marielle sa labi ng lalaki. At bago pa niya mapigilan ang sarili…Hinila niya ito para halikan.

Mariing napamura si Giovanni nang maramdaman ang malambot na labi ng babae. Dapat ay itutulak niya ito palayo. Dapat ay hindi niya ito pinansin. Pero may kakaiba kay Marielle. May bagay dito na sumisira sa matagal na niyang kontrol. Mas lumalim ang halik.

Mapusok.

Mainit.

Punong-puno ng sakit at pangungulila. Napakapit si Marielle sa balikat ng lalaki habang dahan-dahang inaangkin ni Giovanni ang kanyang labi na tila ba matagal na niya itong hinahanap. Humigpit ang hawak nito sa bewang niya.

“Do you even know what you’re doing?” paos nitong tanong habang magkadikit ang kanilang noo.

Ngunit sa halip na sumagot, muli siyang humalik.

At doon tuluyang nawala ang natitirang kontrol ni Giovanni Armani.

Mabilis siya nitong binuhat at dinala sa silid. Napuno ng mabibigat na paghinga ang madilim na kwarto habang dahan-dahang hinuhubad ni Giovanni ang basang jacket ng babae.

Marahan niyang hinaplos ang kanyang pisngi, tila pinipigilan ang sariling tuluyang lamunin siya.

Ngunit si Marielle mismo ang lumapit.

Wasak.

Malungkot.

At desperadong makalimot.

Sa gabing iyon, sa pagitan ng ulan, luha, at mapusok na damdamin…

Dalawang sirang puso ang nagtagpo. Hindi alam ni Marielle na ang lalaking kayakap niya ngayon ay isang lalaking kayang baguhin ang buong buhay niya.

At lalong hindi niya alam…

Na ang maling pintuang kanyang pinasok ay siyang magdadala sa kanya sa pinaka-magulo, pinaka-mapanganib, ngunit pinaka-matinding pag-ibig ng kanyang buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 80

    Marielle’s POV“Nandito na siya…”Halos pabulong kong sambit, pero sapat iyon para marinig ni Giovanni. Parang ang bawat salita ay may bigat na bakal na dumadagundong sa loob ng isip ko.“Si Kael… si Uncle K. Buhay siya.” Napalunok ako, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “At napapaligiran na niya tayo.”Mahigpit na hinawakan ni Giovanni ang magkabilang braso ko. Matalim ang mga mata niya, pero malinaw kong nakikita ang pag-aalala roon.“Marielle, look at me.”Napatingin ako sa kanya.“Don’t be afraid of the dark.” Bahagya siyang yumuko para magtama ang mga mata namin. “Hangga’t magkasama tayo, hindi tayo basta-basta matatalo. Maaaring siya ang nagplano ng lahat ng ito, pero hindi ibig sabihin na kontrolado niya ang bawat galaw natin.”“Pero ang dami niyang alam, Giovanni.” Nanginginig kong sagot. “Kilala niya ako. Kilala niya ang pamilya ko. Kilala ka niya. He has been watching us from the beginning. Parang hinihintay lang niya ang tamang pagkakataon para lumabas.”“At doo

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 79

    Giovanni’s POV“Sino ’yon?”Halos pabulong na lang ang tanong ni Marielle. Nanginginig ang boses niya, at kahit pilit niyang pinatatatag ang sarili, kita ko ang takot sa mga mata niya.“Ang boses niya… parang familiar, Giovanni.” Napalunok siya. “Pero hindi ko maalala kung saan ko siya narinig.”Hinawakan ko nang mahigpit ang magkabilang kamay niya, pinipilit kong manatiling kalmado kahit may kaba ring gumagapang sa dibdib ko.“We don’t know who he is yet, Mahal. Pero huwag kang matakot. As long as we’re together, we’ll find the answers. Kahit gaano pa kalalim ang mga bagay na itinago nila sa atin.”Bumalik ang tingin niya sa lumang sulat na nakalatag sa mesa.“Sinasabi rito na matagal na siyang nagmamasid sa atin.” Bahagya siyang napailing. “He was watching us from the beginning. Hinihintay lang niyang matapos ang lahat ng laban natin bago siya lumabas.”Huminga siya nang malalim.“Ibig sabihin… pinanood lang niya tayong masaktan? Pinanood niya tayong maghirap habang naghihintay siya

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 78

    Marielle’s POV“May mali pa rin… ’di ba?”Mahina kong tanong habang nakatayo kami ni Giovanni sa tabi ng bintana, kapwa pinagmamasdan ang unti-unting pagliwanag ng langit.Tahimik ang buong paligid, pero sa loob ng dibdib ko, parang may unos na ayaw tumigil.Lahat ng taong sangkot sa pagtataksil ay nahuli na. Lahat ng sikreto na matagal nang itinago ay unti-unti nang nabunyag. Dapat ay tapos na ang lahat.Dapat ay makakahinga na ako.Pero bakit parang may kulang pa rin?Bakit pakiramdam ko, may isang bagay na hindi pa namin nakikita?Naramdaman ko ang paghigpit ng mga braso ni Giovanni sa baywang ko bago niya ako dahan-dahang hinarap. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tinitigan ako nang malalim.Sa mga mata niya, nakita ko ang pag-unawa.Pero nakita ko rin ang kaba.“Alam ko,” mahina niyang sabi. “Ramdam ko rin.”Napakunot ang noo ko.“Parang may isang last piece ng puzzle na hindi pa natin nakikita,” pagpapatuloy niya. “At kahit gaano kaliit ang pirasong iyon… baka iyon pa a

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 77

    Marielle’s POVSa gitna ng biglang kadiliman at sunod-sunod na putok, napaakap ako nang mahigpit kay Giovanni.Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sino ang tinamaan. Hindi ko rin alam kung ligtas pa ba kami o kung may susunod pang atake.Ang tanging naririnig ko ay ang mabibigat na paghinga ng mga tao, ang mga sigaw na naghalo-halo sa dilim, at ang malakas na pagbagsak ng isang katawan sa sahig.“Stay behind me.”Mariing hinawakan ni Giovanni ang braso ko at inilagay ako sa likuran niya. Nakataas ang baril niya, nakatutok sa direksiyong pinanggalingan ng mga putok.“Whatever happens, don’t let go of me. Do you understand?”Tumango ako kahit nanginginig ang buong katawan ko.“Giovanni…”“I’m here, Mahal. I won’t let anything happen to you.”Ilang segundo pa ang lumipas bago muling bumalik ang ilaw.Napapikit ako sandali dahil sa biglang liwanag bago ko mabilis na sinuyod ng tingin ang buong sala.At doon ko nakita si Ryan.Nasa sahig

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 76

    Marielle's POV"Ang taong pinagkakatiwalaan ninyo nang higit sa lahat... nasa panig ko na."Parang huminto ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Ryan mula sa labas ng pinto.Hindi ako agad nakagalaw.Napahawak ako sa dibdib ko habang dahan-dahang napatingin kay Giovanni. Seryoso ang mukha niya, halatang pinipigilan lang niyang magpakita ng emosyon para hindi ako tuluyang panghinaan ng loob.Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ko."Look at me," mahina niyang sabi.Napatingin ako sa kanya."Kahit anong mangyari sa labas... stay with me."Napalunok ako."Sino ang tinutukoy niya?" halos pabulong kong tanong. "Sino pa ang puwedeng magtaksil sa atin?"Huminga siya nang malalim bago sumagot."Hindi ko alam."Saglit siyang napapikit."But whatever happens... promise me one thing.""Ano 'yon?""Huwag mong hahayaang sirain nito ang tiwala mo sa atin."Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha.Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya."Giovanni..."Umiling ako."Wala nang

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 75

    Giovanni's POV"Akala n'yo... tapos na kami?" mariin kong sabi habang mahigpit pa ring nakakapit si Marielle sa likuran ko. Nakatutok ang baril ko kina Ryan at Roxanne. "Akala n'yo nakuha n'yo na ang lahat?"Ngumisi si Ryan at itinaas ang sariling baril."Wala ka nang laban, Giovanni. We already know every move you make. 'Yung mga tauhan na inaasahan mong darating? Nasa amin na sila. Unti-unti naming kinuha ang lahat—kapangyarihan mo, impluwensya mo... pati ang tiwala ng mga taong nasa paligid mo."Ramdam ko ang bahagyang panginginig ni Marielle. Mas humigpit ang kapit niya sa likod ng polo ko.Dahan-dahan kong hinaplos ang kamay niyang nakayakap sa akin.Isang tahimik na pangako.Nandito lang ako."Mali kayo," kalmado ngunit matigas kong sagot. "Akala n'yo kami ang naloko n'yo. Pero ang hindi n'yo alam, matagal na kaming handang isugal ang lahat para sa isa't isa."Napangiti ako nang bahagya."Money? Power? Those things can always be earned again. Pero ang tiwala at pagmamahal na nab

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 9

    Giovanni POV Hindi ako mapakali. Ilang oras na ang lumipas mula noong makita namin ni Marielle ang lumang litrato sa silid-aklatan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang bawat detalye nito. Nasa loob ako ng aking opisina, nakatayo sa harap ng mesa at nakatitig nang matagal

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 8

    Marielle's POV Tahimik ang buong mansion. Mula sa malawak na bintana ng kwartong tinutuluyan niya, tanaw ni Marielle ang matatayog na puno at ang pribadong hardin sa labas. Napakalayo nito sa magulong buhay na iniwan niya sa siyudad. Ngunit kahit gaano kaganda at kapayapa ang paligid, hindi pa r

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   CHAPTER 7

    Marielle’s POV “Bitawan mo siya.” Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang malamig na boses ni Giovanni sa likuran namin. Ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin sa paligid. Mabigat. Mapanganib. At punong-puno ng tensyon. Mas humigpit ang hawak ni Ryan sa kamay ko habang matalim nitong

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   CHAPTER 6

    Giovanni’s POV Hindi ako natatakot mamatay. Sa mundong ginagalawan ko, matagal ko nang tinanggap na anumang oras ay maaaring may bala nang nakatutok sa ulo ko. Marami nang nagtangkang pumatay sa akin. Marami nang gustong pabagsakin ang Armani Syndicate. Pero ngayon… Sa unang pagkakataon, may ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status