LOGINMarielle’s POV
Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko habang nakatanaw sa labas ng malawak na bintana ng penthouse ni Giovanni. Sa likuran ko, narinig ko ang marahang pagbukas ng bote ng alak kasabay ng mabibigat ngunit banayad na yabag ni Giovanni palapit sa akin. “You're overthinking again, Marielle,” wika niya sa kanyang malalim, baritono, at malamig na tinig. Humarap ako sa kanya. Hawak niya ang isang elegante at makintab na folder—ang kontratang tuluyang magbabago sa takbo ng aming buhay. “Paano ba ako hindi mag-iisip nang malalim? I’m about to sell my freedom to a man I barely even know.” Lumapit pa siya nang husto; ang bango ng kanyang mamahaling pabango ay humahalo sa amoy ng alak. Inilapag niya ang folder sa ibabaw ng mesa. “It's not selling, it's trading. I give you protection, a respectable name, and a home for Mikayla. In return, you give me the image of a stable man for my empire. Simple business.” Business. Mapait na gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. “Negosyo lang para sa’yo, pero buhay at kinabukasan ko ang nakataya rito, Giovanni.” Umupo ako at dahan-dahang binuksan ang folder upang basahin ang bawat nakasaad. Tunay na napakaganda ng mga benepisyo—isang pondong nakalaan para kay Mikayla, seguridad na hinding-hindi kayang tibagin ni Ryan o sinuman, at marangyang pamumuhay na hindi ko na maibibigay nang mag-isa mula noong mamatay sina Mama at Papa sa isang car accident tatlong taon na ang nakakalipas. Tuluyan na akong naulila. Maliban doon, ang mga kamag-anak ko sa Canada ay tila mga estranghero na rin sa akin—napakalayo, at wala akong matakbuhan kundi ang sarili ko. Hanggang ngayon. “Sumasang-ayon ako,” mariin kong pahayag habang mataman siyang tinitingnan sa mata. “Pero may sarili akong mga rules. Hindi ako magiging puppet mo lang.” Itinaas niya ang isang kilay, tila lalo siyang naaaliw sa aking katatagan. “Enlighten me.” “Una, ito ay kasunduan lamang para sa kaligtasan ni Mikayla. No feelings involved. Pangalawa, hinding-hindi mo siya gagamitin sa kahit anong laro ng kapangyarihan o ambisyon mo. At pangatlo…” Huminga ako nang malalim habang nararamdaman Kong namula ang aking pisngi. “Ang ating pisikal na ugnayan… mananatili lamang ito sa likod ng saradong pinto. Ayokong lumaki ang anak ko na nasasaksihan ang isang huwad na pagmamahalan.” Tumayo si Giovanni at dahan-dahang umikot palapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang sandalan ng aking upuan, na tila ba kinukulong ako sa ilalim ng kanyang matikas na tindig. “I can follow those rules, Marielle. Pero sigurado ka ba sa bahaging ‘walang damdamin’? Dahil ang katawan mo—kahit kanina pa—ay tila may ibang gustong gawin.” Naramdaman ko ang pamilyar na kuryentang dumaloy sa aking ugat. “Ito ay dahil kailangan ko ng pansamantalang ginhawa, Giovanni. I’m only human. But don't ever mistake lust for love. Nadurog na ako minsan dahil kay Ryan, at hinding-hindi ko na hahayaang mangyari ‘yun muli.” “Good,” bulong niya; ang kanyang mainit na hininga ay banayad na dumampi sa aking leeg. “Dahil sa mundong ginagalawan ko, ang pag-ibig ay itinuturing na kahinaan. And I don't plan on being weak.” Walang pag-aalinlangang kinuha ko ang ballpen at pinirmahan ang kontrata. Sa huling hagod ng tinta, naramdaman ko ang bigat ng pangakong ito—tila kadena na muling kumakapit sa akin. Ngunit para kay Mikayla, handa akong maging asawa ng lalaking ito, handa Kong isakripisyo ang lahat para sa aking anak. Biglang hinawakan ni Giovanni ang aking baba at mariin akong iniharap sa kanya. “Now that the business is officially settled… shall we seal the deal?” Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Agad niyang sinakop ang aking mga labi sa isang halik na puno ng matinding pag-angkin—mas mapusok, mas malalim, at mas uhaw kaysa dati. Binuhat niya ako at isinandal sa malamig na pader ng penthouse. Ang matinding kaibahan ng nagyeyelong semento at ang nagbabagang init ng kanyang katawan ay nagpadala ng matinding panginginig sa buong sistema ko. Sa mabilis na galaw ay dumulas ang kanyang mga kamay upang tanggalin ang suot kong silk dress. Gumapang ang kanyang mga palad sa bawat kurba at sensitibong bahagi ng aking katawan, tila ba matagal na niyang kabisado ang bahagi ng aking pagnanasa. Napahawak ako nang mahigpit sa kanyang malalakas na balikat habang ibinaba niya ang kanyang mukha upang paglaruan at markahan ang aking dibdib—dinaklot niya ang dibdib ko at inumpisahang s******n. “Giovanni… d-dito talaga?” hingal na tanong ko, kahit pa ang aking katawan ay kusang bumubuka at sumasabay sa bawat hagod. “I want you to remember this exact night, Marielle. Ang gabing tuluyan kang naging akin—hindi lang sa papel, kundi sa bawat hibla ng iyong pagkatao,” ungol niya nang mababa ngunit puno ng damdamin. Sa ilalim ng ginintuang liwanag ng buwan na tumatagos sa salamin ng dingding, muli kaming naging iisa. Ang bawat malalim na bayo niya ay tila isang panibagong pangako ng proteksyon, at ang bawat ungol ko ay buong pagsuko sa katotohanang kahit anong mga patakaran pa ang itakda ko, tila unti-unti na akong nilalamon ng kanyang buong pagkatao. Nang mahimasmasan kami at humupa ang matinding sarao, humiga kami nang magkatabi sa malawak na kama. Sa katahimikan ng gabi, biglang bumasag ang tunog ng mensahe mula sa kanyang telepono. Kinuha niya ito at sa isang sulyap pa lamang ay agad na kumunot ang kanyang noo. Ang dating mainit niyang tingin ay biglang naglaho at napalitan ng titig na kasing-lamig ng yelo. “What is it?” tanong ko, na agad na nabuhayan ng matinding kaba. Ipinakita niya sa akin ang maliwanag na screen. Nakita ko ang isang litrato ni Mikayla habang masayang naglalakad papasok sa kanyang paaralan kaninang umaga. Sa ilalim nito ay may nakasulat na mensaheng tila sumaksak diretso sa aking puso: “Beautiful daughter. It would be a shame if she suddenly disappears.” Nagmula ito sa hindi kilalang numero, ngunit hindi na kailangang mag-isip nang malalim—alam na namin kung sino ang nasa likod nito. Si Ryan. Napayakap ako nang mahigpit sa kumot habang nanginginig ang buong katawan ko sa takot at galit. “Giovanni… he’s watching us. Alam niya ang bawat galaw namin.”Marielle’s POV“Nandito na siya…”Halos pabulong kong sambit, pero sapat iyon para marinig ni Giovanni. Parang ang bawat salita ay may bigat na bakal na dumadagundong sa loob ng isip ko.“Si Kael… si Uncle K. Buhay siya.” Napalunok ako, pilit pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “At napapaligiran na niya tayo.”Mahigpit na hinawakan ni Giovanni ang magkabilang braso ko. Matalim ang mga mata niya, pero malinaw kong nakikita ang pag-aalala roon.“Marielle, look at me.”Napatingin ako sa kanya.“Don’t be afraid of the dark.” Bahagya siyang yumuko para magtama ang mga mata namin. “Hangga’t magkasama tayo, hindi tayo basta-basta matatalo. Maaaring siya ang nagplano ng lahat ng ito, pero hindi ibig sabihin na kontrolado niya ang bawat galaw natin.”“Pero ang dami niyang alam, Giovanni.” Nanginginig kong sagot. “Kilala niya ako. Kilala niya ang pamilya ko. Kilala ka niya. He has been watching us from the beginning. Parang hinihintay lang niya ang tamang pagkakataon para lumabas.”“At doo
Giovanni’s POV“Sino ’yon?”Halos pabulong na lang ang tanong ni Marielle. Nanginginig ang boses niya, at kahit pilit niyang pinatatatag ang sarili, kita ko ang takot sa mga mata niya.“Ang boses niya… parang familiar, Giovanni.” Napalunok siya. “Pero hindi ko maalala kung saan ko siya narinig.”Hinawakan ko nang mahigpit ang magkabilang kamay niya, pinipilit kong manatiling kalmado kahit may kaba ring gumagapang sa dibdib ko.“We don’t know who he is yet, Mahal. Pero huwag kang matakot. As long as we’re together, we’ll find the answers. Kahit gaano pa kalalim ang mga bagay na itinago nila sa atin.”Bumalik ang tingin niya sa lumang sulat na nakalatag sa mesa.“Sinasabi rito na matagal na siyang nagmamasid sa atin.” Bahagya siyang napailing. “He was watching us from the beginning. Hinihintay lang niyang matapos ang lahat ng laban natin bago siya lumabas.”Huminga siya nang malalim.“Ibig sabihin… pinanood lang niya tayong masaktan? Pinanood niya tayong maghirap habang naghihintay siya
Marielle’s POV“May mali pa rin… ’di ba?”Mahina kong tanong habang nakatayo kami ni Giovanni sa tabi ng bintana, kapwa pinagmamasdan ang unti-unting pagliwanag ng langit.Tahimik ang buong paligid, pero sa loob ng dibdib ko, parang may unos na ayaw tumigil.Lahat ng taong sangkot sa pagtataksil ay nahuli na. Lahat ng sikreto na matagal nang itinago ay unti-unti nang nabunyag. Dapat ay tapos na ang lahat.Dapat ay makakahinga na ako.Pero bakit parang may kulang pa rin?Bakit pakiramdam ko, may isang bagay na hindi pa namin nakikita?Naramdaman ko ang paghigpit ng mga braso ni Giovanni sa baywang ko bago niya ako dahan-dahang hinarap. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tinitigan ako nang malalim.Sa mga mata niya, nakita ko ang pag-unawa.Pero nakita ko rin ang kaba.“Alam ko,” mahina niyang sabi. “Ramdam ko rin.”Napakunot ang noo ko.“Parang may isang last piece ng puzzle na hindi pa natin nakikita,” pagpapatuloy niya. “At kahit gaano kaliit ang pirasong iyon… baka iyon pa a
Marielle’s POVSa gitna ng biglang kadiliman at sunod-sunod na putok, napaakap ako nang mahigpit kay Giovanni.Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung sino ang tinamaan. Hindi ko rin alam kung ligtas pa ba kami o kung may susunod pang atake.Ang tanging naririnig ko ay ang mabibigat na paghinga ng mga tao, ang mga sigaw na naghalo-halo sa dilim, at ang malakas na pagbagsak ng isang katawan sa sahig.“Stay behind me.”Mariing hinawakan ni Giovanni ang braso ko at inilagay ako sa likuran niya. Nakataas ang baril niya, nakatutok sa direksiyong pinanggalingan ng mga putok.“Whatever happens, don’t let go of me. Do you understand?”Tumango ako kahit nanginginig ang buong katawan ko.“Giovanni…”“I’m here, Mahal. I won’t let anything happen to you.”Ilang segundo pa ang lumipas bago muling bumalik ang ilaw.Napapikit ako sandali dahil sa biglang liwanag bago ko mabilis na sinuyod ng tingin ang buong sala.At doon ko nakita si Ryan.Nasa sahig
Marielle's POV"Ang taong pinagkakatiwalaan ninyo nang higit sa lahat... nasa panig ko na."Parang huminto ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Ryan mula sa labas ng pinto.Hindi ako agad nakagalaw.Napahawak ako sa dibdib ko habang dahan-dahang napatingin kay Giovanni. Seryoso ang mukha niya, halatang pinipigilan lang niyang magpakita ng emosyon para hindi ako tuluyang panghinaan ng loob.Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang kamay ko."Look at me," mahina niyang sabi.Napatingin ako sa kanya."Kahit anong mangyari sa labas... stay with me."Napalunok ako."Sino ang tinutukoy niya?" halos pabulong kong tanong. "Sino pa ang puwedeng magtaksil sa atin?"Huminga siya nang malalim bago sumagot."Hindi ko alam."Saglit siyang napapikit."But whatever happens... promise me one thing.""Ano 'yon?""Huwag mong hahayaang sirain nito ang tiwala mo sa atin."Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luha.Dahan-dahan kong hinawakan ang mukha niya."Giovanni..."Umiling ako."Wala nang
Giovanni's POV"Akala n'yo... tapos na kami?" mariin kong sabi habang mahigpit pa ring nakakapit si Marielle sa likuran ko. Nakatutok ang baril ko kina Ryan at Roxanne. "Akala n'yo nakuha n'yo na ang lahat?"Ngumisi si Ryan at itinaas ang sariling baril."Wala ka nang laban, Giovanni. We already know every move you make. 'Yung mga tauhan na inaasahan mong darating? Nasa amin na sila. Unti-unti naming kinuha ang lahat—kapangyarihan mo, impluwensya mo... pati ang tiwala ng mga taong nasa paligid mo."Ramdam ko ang bahagyang panginginig ni Marielle. Mas humigpit ang kapit niya sa likod ng polo ko.Dahan-dahan kong hinaplos ang kamay niyang nakayakap sa akin.Isang tahimik na pangako.Nandito lang ako."Mali kayo," kalmado ngunit matigas kong sagot. "Akala n'yo kami ang naloko n'yo. Pero ang hindi n'yo alam, matagal na kaming handang isugal ang lahat para sa isa't isa."Napangiti ako nang bahagya."Money? Power? Those things can always be earned again. Pero ang tiwala at pagmamahal na nab
Giovanni’s POVHindi ko dapat siya hinalikan. Pero sa sandaling nakita kong umiiyak si Marielle sa harap ko habang unti-unting dinudurog ng lalaking iyon ang natitira niyang dignidad…May kung anong madilim na parte sa akin ang tuluyang kumawala. At ngayon, habang nasa loob ako ng sasakyan at tahim
Marielle’s POVParang huminto ang buong mundo nang suntukin ni Giovanni si Ryan sa harap ko. Napasinghap ako habang napaatras si Ryan dahil sa lakas ng tama. Dumugo agad ang gilid ng labi nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Giovanni.Ngunit mas nakakatakot ang lalaking nasa harapan k
Giovanni’s POVHindi ako sanay magkamali. Sa mundong ginagalawan ko, isang maling desisyon lang ang katumbas ay kamatayan.Kaya simula nang maupo ako bilang pinuno ng Armani Syndicate, tinuruan ko ang sarili kong huwag magpadala sa emosyon. Walang awa. Walang attachment. Walang kahinaan. Pero isang
Marielle’s POVHindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Ang huling naalala ko ay ang mainit na yakap ng estrangherong lalaki, ang mabibigat niyang halik, at ang paraan ng pagtitig niya sa akin na tila ba kaya niyang basahin ang lahat ng sakit na pilit kong itinatago.Ngunit paggising







