Share

Chapter Nine

NAGPAKAWALA ng malalim na buntong-hininga si Jayelle habang ang mga mata niya ay nasa pocketbook na binabasa. Sinara niya iyon dahil kahit ano naman ang gawin niya ay hindi magawang mag-focus ng isip niya sa binabasa at wala naman talaga siyang naiintindihan.

Naiisip pa rin niya ang mga naging sagutan nila ni Jonathan kagabi. Hindi naman lingin sa kaalaman niya na meron din siyang pagkakamali sa inasta niya kagabi, masyado siyang naging emotional. Pinagpilitan niya na ganu'ng damit ang suotin niya tapos hindi pala niya kakayanin ang pangungutya ng iba sa kanya.

Actually hindi naman sa panlalait sa pananamit siya naapektuhan kundi sa paraan na ipinagkumpara siya sa ex ni Jonathan. Alam niyang wala siyang karapatan na magselos, pero iyon ang naramdaman niya sa mga oras na 'yon tapos hindi man lang siya nagawang ipagtanggol ni Jonathan mula sa babae.

Doon biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa niyon si Cali. "Ate Yel!" Matamis na ngiti nito ang nasilayan niya.

"Oh, Cali..."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
thank u Ms.A...sna araw araw may update...ang ganda ng story ,inaabangan ko ito
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status