Share

Chapter Four

PUNO NG pighati ang nararamdaman ni Jayelle habang sinasaboy niya ang mga abo ni Joshua sa pinakamataas na lupa sa Alta Tierra. Ito kasi ang habilin ng binata sa kanya noong nabubuhay pa ito.

Habang ginagawa niya iyon ay nagpapasalamat siya sa lahat ng mga ginawa at itinulong nito para sa kanya. Hindi madaling bumitaw pero kailangan.

"Hindi ako magpapaalam sa'yo, Josh dahil alam ko darating din ang araw na muli tayong magkikita. At sa muling pagkikita natin, magpapasalamat ako sa'yo ng buong puso. Mahal kita, Josh. Hinding-hindi kita makakalimutan," aniya na hindi pa rin mapatid ang mga luha niya.

Hinawakan niya ang maliit na maliit na garapon suot niya kung saan nilagay niya ang ilang abo ni Joshua. Gusto niya kasa-kasama pa rin niya ito sa mga susunod na hakbang na gagawin niya sa buhay.

"Ma'am, lumalalim na ho ang gabi," sabi sa kanya ni Regine na siyang bodyguard na ibinigay sa kanya ni Señor Romano.

Tinatanggihan niya ang magkaroon ng bodyguard pero ang señor na mismo ang nagpumilit dahil magiging parte na raw siya ng Camilo.

Tinuyo muna niya ang basang mga mata bago ito hinarap. Tipid niya itong nginitian bago nagunang bumaba ng burol.

"Nasa bahay ho ninyo si Sir Jonathan," anito nang makasakay na sila sa sasakyan.

Bakit kaya ang ipinunta nito? Hindi ba't may usapan sila na bibigyan siya ng ilang lingo para makapag-adjust sa pagkawala ni Joshua.

Pagkarating nila sa bahay, naabutan niya si Jonathan na nakaupo sa sala habang tinitingnan nito ang photo album nila ni Joshua.

"Bakit ka nandito?" tanong niya.

Nilapag nito ang photo album sa lamesa tsaka tumingin sa kanya. "Hindi ko ba pwedeng kumustahin ang fiance ko?"

Nagbuntong-hininga siya. "Ayoko munang isipin ang mga bagay na iyan, Mr. Camilo. Nandito ako para makapagbabang luksa."

Tiningnan nito ang hawak niyang jar at muling bumalik sa kanyang mukha. "It's been two weeks, Jayelle."

"Hindi pa rin sapat ang dalawang lingo para makalimutan ko si Joshua. Kung ikaw nagagawa mo ng ngumiti, pwes ako hindi."

"Naiintindihan ko." Nilibot nito ng tingin ang kabuohan ng bahay. "Hindi mahirap ipaayos ang bahay na ito,"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sinong nagsabi sayong ipapaayos ko ang bahay na 'to?"

"Si Jonathan. He wanted me to renovate this house at ipangalan sa'yo."

Natigilan siya. Gusto ni Jonathan na ibigay sa kanya ang bahay na 'to?

"If you want to know, pwede kang sumama sa akin pabalik sa manila at marinig ang mga huling habilin niya. Pero kung ayaw mo, ayos lang din naman." Tumayo na ito.

Akmang lalabas na ito ay mabilis niya itong pinigilan. "Sasama ako sa'yo."

Nilingon siya nito. "Bukas pa ng umaga ang alis ko."

"Pwede kang manatili rito kung gusto mo. Pero kung ayaw mo naman, ikaw ang bahala. Alam ko naman na hindi ka sanay sa maliit at mabahong lugar-"

"I'll stay here," putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

"O-okay. Pwede mong gamitin ang kwarto ni Joshua."

"How about you?"

"Doon ako matutulog sa kwarto ko."

Nangunot ang noo nito. "Kwarto mo? Magkasama kayo sa iisang bahay ni Kuya pero magkaibang kwarto ang ginagamit ninyo?"

"O-Oo. May problema ba dun?"

Tinitigan siya nito. Marahil kakaiba nga dahil ang alam ng mga ito ay magkasintahan sila ni Joshua at magkasama na sila sa bahay pero magkaiba pa rin sila ng kwarto. Siya ang unang umiwas ng tingin dahil hindi niya makayanan ang tingin na ibinibigay nito sa kanya.

"Pwede ka munang magpahinga sa kwarto ni Joshua kung gusto mo habang niluluto ko ang hapunan natin," aniya. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kusina para simulan ang pagluluto.

"PAANO kayo nagkakilala ni Kuya?" tanong ni Jonathan habang kumakain sila ng hapunan.

Hindi niya alam kung sasagutin ba niya ang tanong nito o hindi. Pero sa huli ay tiningnan niya ito.

"Niligtas niya ako," sagot niya.

Nangunot ang noo nito. "Niligtas? What do you mean?"

Nagbuntong-hininga siya at umiwas ng tingin dito. "Ayoko nang ibalik pa at alalahanin ang nangyari noon. Ang tanging masasabi ko lang, si Joshua ang nandun para tulungan ako."

"Pinatira ka niya sa bahay niya hanggang sa naging kayo?"

Marahan siyang tumango bilang sagot.

"What happened to the money I gave you?"

"Alam kong kaya mong ipaimbestiga ang pagkatao ko, Mr. Camilo."

"Yes I can. But I want to know you this way."

Yumuko siya. "Pero ayoko ng pag-usapan pa ang nakaraan ko."

Saglit siya nitong tinitigan bago marahan na tumango. "May plano ka ba pagkatapos nating ikasal?"

Nagbuntong-hininga siya. Hindi pa rin siya makapaniwala na gusto siya nitong pakasalan. "Tanong ko lang, bakit pumayag kang pakasalan ako? Alam ko meron kang dahilan kung bakit ka pumayag na pakasalan ako."

Binitawan nito ang mga kubyertos at pagkatapos ay pinagsalikop nito ang mga kamay.

"You really want to know the reason?"

"Oo."

"Because of the company. Gusto kong mapasaakin 'yon."

"Anong koneksyon niyon sa pagpapakasal mo sa akin?"

Nagbuntong-hininga ito. "Una pa lang alam kong ipapamana ni dad kay Kuya ang kumpanya kahit anong hirap at pagsasakripisyo ang gawin ko para mapasaakin lang ang kumpanya and Kuya Joshua knew about it. Ginamit iyon ni kuya na rason para pumayag akong pakasalan ka."

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Talagang ginawa iyon ni Joshua para sa kanya?

"Pumayag ang ama mo sa gusto ni Joshua?"

"Wala namang hinihindian si dad pagdating kay Kuya, same as you."

pumayag siya kasi hindi siya makahindi dahil na rin utang na loob na meron siya kay Joshua. Pero nakita niya ang pagtiim ng bagang nito habang sinasabi nito iyon.

"Now you know why. Pumapayag ka pa rin na pakasalan ako?" tanong nito.

Pwede siyang tumanggi pero bukod sa hindi niya kayang baliin ang pangako niya kay Joshua, wala na siyang ibang mapupuntahan.

"Oo. Hindi ko kayang baliin ang pangako ko kay Joshua."

Tumango-tango ito. "I want to make an agreement for us, Miss Mananghaya."

"Anong kasunduan?"

"Pinakikinabangan kita, kaya dapat meron ka rin pakinabangan sa akin."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Once na ikinasal na tayo, every month makakatanggap ka ng pera mula sa akin."

"H-hindi ko naman kailangan ng pera. Hindi ako humihingi ng kabayaran. Meron lang akong kinakain at matitirahan, ayos na sa akin 'yon," mabilis niyang sagot.

"But it's not okay with me. Ayokong magkaroon ng utang na loob sa huli."

"Pero hindi ko kailangan ng pera mo."

"Isipin mo na lang na trabaho ang pagpapakasal sa akin kaya ka nakakatanggap ng pera."

Nakuyom niya ang kamao. Magkaibang-magkaiba talaga ang personalidad ng magkapatid.

"I want to make this clear. Do you really love my brother?"

Marahan siyang tumango. "Oo."

"Okay. I will never touch and kiss you again."

Iniwas niya ang tingin dito dahil ayaw niyang makita nito ang pamumula ng mukha niya nang maalala ang naging halikan nila noon ni Jonathan. Pero inaamin niya na nagustuhan niya ang halik na pinagsaluhan nila nito noon.

"May isa lang akong gustong gawin mo mo, Miss Mananghaya."

Muli niya itong tiningnan. "A-ano 'yon?"

"Don't fall in love with me cause I always say goodbye.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status