Share

Chapter Six

MULING bumalik sa Alta Tierra si Jayelle dahil hindi siya ganu'n kakomportable na manatili sa mansion ng mga Camilo. Mayroon pa naman siyang naipon na pera para makapag-isip pa.

Mag-iisang buwan na ang nakalilipas mula nang magkausap sila ni Jonathan at hanggang ngayon ay hindi pa siya tuluyang nakakapagdesisyon tungkol sa kasal.

May bahagi sa pagkatao niya na gusto niyang pumayag sa kasal pero may bahagi rin sa pagkatao niya na ayaw niyang pumayag dahil natatakot siya sa buhay na kakaharapin niya kapag pumasok siya sa mundo ng mga Camilo.

Alam naman niya na isa lang siyang kasangkapan ng mga ito para lang makuha ang lahat ng gusto ng mga ito. Pero ano na lang ang mangyayari sa kanya kapag hindi siya pumayag sa kasal na inaalok sa kanya? Siguradong mawawala sa kanya ang lahat, isa na roon ay ang bahay na ito. Kapag pinaalis na siya rito wala na siyang ibang mapupuntahan. Ayaw naman niyang bumalik sa pamilya niyang hindi naman siya tinuturing na pamilya.

Napapitlag siya nang may kumatok sa pinto. Napakunot noo siya dahil wala naman siyang inaasahan na bisita. Wala rin naman siyang ka-close sa mga kalapit na bahay at wala ni isa ang sa mga kapit-bahay nila ang bumibisita sa kanila mula pa noong una.

Tumayo siya para pagbuksan ang kumakatok. Ganu'n na lang sa gulat niya nang mapagbuksan si Jonathan. Hindi na ba ito makapaghintay sa sagot niya kaya ito nagpunta?

"Mr. Camilo, anong ginaga-"

"Thirty days ni Kuya Joshua bukas. Magkakaroon ng konting salu-salo ang buong kaanak namin," anito na bumakbang papasok sa loob ng bahay at hindi na pinatapos ang dapat niyang sabihin.

Tiningnan siya nito. "Dad wants you to be there."

"Bakit?"

Nangunot ang noo nito. "Bakit? Hindi ba't ikaw ang kasintahan ni Kuya Joshua? Ikaw ang huling nakasama niya bago siya namatay. Then you should be there."

"Iyan lang ba talaga ang dahilan, Mr. Camilo?"

"May iba pa bang dahilan?"

Gusto sana niyang sabihin ang tungkol sa last will ni Joshua pero sa huli ay marahan siyang umiling. Nakakahiya naman kung siya ang unang magbukas ng usapin tungkol doon.

"Prepare your things, Miss Mananghaya. Ayokong mag-aksaya ng oras. Marami pa akong dapat gawin, pero dahil sa kagustuhan ni dad na ako ang sumundo sa'yo, pinagliban ko ang mga importanteng dapat kong gawin," sarkastiko nitong sabi.

Naiinis siya. Kung makapagsalita ito parang kasalanan pa niya. Gusto niya sana sagutin ito pero pinili na lang niya ang mnahimik. sinara niya ang pinto at walang salitang pumasok sa kwarto para ihanda ang mga gamit niya.

"Bring all your things you need because you will never come back here."

Napatigil siya sa ginagawa at wala sa oras na napalabas sa kwarto. nabungaran niya si Jonathan na nakatitig sa litrato nila ni Joshua na nasa picture frame.

"Anong ibig mong sabihin?"

Nilingon siya nito. "Because we are getting married."

Hindi makapaniwalang napatitig si Jayelle sa lalaki. Tama ba ang rinig niya na ikakasal na raw sila nito?

"Hindi ka pa rin nakakapagdesisyon?" NIlingon siya nito. "Malakas ba ang loob mo dahil inaasahan mong  mapapasayo ang bahay na ito? Puwes nagkakamali ka. Dad will do everything para mapasawalang bisa ang testamento ng kapatid ko. Madali para sa kanya na gawin iyon."

"Ganu'n ba talaga ang tingin mo sa akin, Mr. Camilo?"

"Hindi ba?"

"Oo kailangan ko ng pera at matutuluyan pero hindi iyon ang iniisip ko. Kung para sayo madali lang na magpakasal sa taong hindi mo mahal para sa ninanais mong bagay, puwes ako hindi!"

"It does matter?"

"ano?"

Wala bang pakiramdam ang taong ito para mawalan ng pakialam sa bagay na iyon? Ano ba ang nangyari rito dahilan para mamging ganito ito?

"I know you don't have a relationship with my brother, Miss Mananghaya. Alam kong alam din iyon ng aking ama. Alam mo bang maaaring sa mga oras na ito ay pinaiimbestiga na niya ang buo mong pagkatao?"

Hindi mapigilan ni Jayelle na makaramdam ng takot sa hindi niya malaman na dahilan. Marahil natatakot siya kapag nalaman ni Señor Romano ang buong pagkatao niya at saang pamilya siya nagmula.

"Dad will think that you're just using my brother."

"Hindi 'yan totoo! Mali kayo ng iniisip. Mahal ko si Joshua at tinuring ko siya na isang pamilya. Kaya huwag ninyo akong paratangan na ginamit ko lang siya!"

May pangunguyam na tuwa ng pagak si  Jonathan. "Ganu'n ba? Kung ganu'n wala ka bang balak na suklian ang mga ginawa niya para sayo? Pumayag ka sa gusto niya tapos ngayon nagdadalawang isip ka?"

Nayuko siya. Tama ito. Nangako siya kay Joshua bago ito mamatay tapos ngayon nagdadalawang isip siya kung tatanggapin ba niya ang kasal at ang tungkol sa anak. Kung nabubuhay pa si Jonathan siguradong madidismaya ito sa kanya.

"Kung papayag ka sa kasunduan at mabigyan mo ako ng anak, pinapangako ko sa'yo na papalayain kita kapag gugustohin mo. Trust me."

Umangat ang tingin niya rito. Nagsasabi kaya ito ng totoo? Nang tingnan niya ito sa mga mata nakikita naman niya roon ang sinsiridad. Kung totoo man ang sinasabi nitoa ay walang magiging problema. Magagawa na rin niyang maging malaya mula sa pamilya niya.

"Pumapayag ka na ba?"

Nakuyom niya ang kamao at pagkakuway ay marahan na tumango. "Oo."

"Good. I just have one request, Miss Mananghaya."

"A-ano 'yun?"

"Don't fall in love with me."

HABANG tinititigan ni Jayelle ang sarili sa full lenght mirror na nasa kwarto niya, hindi maalis sa isipan niya ang huling sinabi ni Jonathan sa kanya. Bakit kaya nito nasabi ang mga bagay na 'yon? Nagmahal na ba ito noon at nasaktan lang? Kaya ngayon ayaw na nitong magmahal at mahalin?

Pinamulahan siya ng mukha. Ano naman sa kanya kung ayaw ng lalaki na magmahal at mahalin? Iniisip ba niya na magagawa siya nitong mahalin kapag ikinasal at nagsama na sila bilang mag-asawa? Nasisiguro niyang malabo iyon mangyari dahil hindi siya magagawang mahalin ng isang Jonathan Camilo. Hinding-hindi manyayari iyon.

Ilang minuto pa ang lumipas, pinatawag na siya ni Señor Romano sa garden kung saan gaganapin ang salu-salo. Napatingin sa kanya ang lahat ng tao na nasa mahabang lamesa nang makalapit siya roon.

"Everyone, I want you to meet Jayelle, Joshua's girlfriend. But now she's Jonathan's fiancee," Pagpapakilala ng señor sa kanya sa pamilya ng mga ito.

Narinig niya ang sabay-sabay na pag'ooh' ng mga ito pagkatapos marinig ang sinabi ng señor. Sino ba naman ang hindi magugulat sa balitang ibinalita nito? Sino ba ang nasa tamang isip na papayag sa ganung kahiingan?

Napatingin siya sa lalaking blonde ang buhok nang nakakaloko itong tumawa. Sa tantya niya kaedaran lang ito nila Jonathan at Joshua. "Kung minsan talaga kakaiba mag-isip si Joshua. Bilib din talaga ako sa'yo, Athan akalain mong pumayag ka sa gustong mangyari ng kapatid mo."

Nang tingnan niya si Jonathan ay wala siyang nakita na kahit na anong emosyon mula rito.

"We should not talk about that here," saway ng isang lalaki na kaedaran ni Señor Romano. Nginitian siya nito. "It's nice to meet you, hija. I'm Rod, kapatid ako ni Romano. And this is my wife Fatima."

Nginitian siya ng katabi nitong ginang. Maganda ito na para bang isa itong isang modelo noong kabataan nito. "Hello, hija. it's nice to meet you."

 And that young man is my son, Lance." Pagpapakilala naman nito sa anak na lalaki.

"Kinagagalak ko po kayong makilala," aniya.

"And I'm Dali, Romano's younger sister. This is my daughter, Dalliyah and my son, Dalton." Pagpapakilala naman ng isa pang ginang na hindi rin maitatanggi ang kagandahan at ang yaman.

Hindi niya mapigilang makaramdam ng panliliit. Ngayon niya napapatunayan kung gaano kalaki ang agwat ng buhay niya sa buhay na meron ang mga camilo.

Naiilang na nginitian niya ang mga ito. "Hello...kinagagalak ko kayong makilalang lahat."

"You can call me, tita. Magiging parte ka rin naman ng pamilyag ito. Sayang wala ang ibang kapatid namin at ang mga pinsan nila Jonathan, Siguradong masaya rin silang makilala ka," sabi ni Tita Dali.

"HIndi bale, makikilala rin ni Jayelle ang ibang pamilya natin sa mismong araw ng kasal nila," segunda naman ni Tito Rod.

Tumikhim si Señor Romano. "Enough with the introduction. Mabuti pang kumain na tayong lahat." tiningnan siya nito. "Pag-uusapan na rin natin ang tungkol sa kasal ninyo ni Jonathan mamaya."

Marahang tango lang ang tanging naisagot niya.

Levantandose

Hello! Let me know what do you think in this story. Thank you and God bless! ;)

| Like
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
ang bilis...parang may something din sa tatay nila.joshua at jonatham,hmm tama ba ako author, hula lng po...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status