Share

Chapter Three

"ANO ang gusto mong pag-usapan natin, Mr. Camilo?" tanong niya kay Jonathan nang muli siyang maupo.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ito nagsalita. "I'm sorry for what I did the other day and for what I told you last night," hinging paumanhin nito.

Habang sinasabi nito iyon ay walang makitang sinsiridad si Jayelle sa mukha ng binata. Wala man lang ka-emosyon emosyon ang mukha nito. Manhid ba talaga ang lalaking ito?

"Bukal ba sa loob mo ang paghingi mo sa akin ng kapatawaran? O ginagawa mo lang ito para sa kapatid mo?"

"Hindi ko ito ginagawa dahil lang sa kapatid ko. Ginagawa ko ito para sa sarili ko."

Marahan siyang tumango. "Huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko, Mr. Camilo. .eron ka bang galit kay Joshua? Napapansin ko lang ang malamig mong pakikitungo sa kanya."

"Yes. I'm mad at him," walang pasubaling sagot nito.

"Hindi ko na aalamin kung ano ang dahilan ng galit mo kay Joshua, pero sana ang pakiusap ko lang hanggat maaari ipagpaliban mo muna ang galit mo dahil pagmamahal at pag-unawa ang higit na kailangan ngayon ni Joshua."

Pagak na natawa si Jonathan. Meron bang nakakatawa sa sinabi niya?

"Why are you so cared about him? Habang siya walang pakialam sa'yo."

"That's not true! Merong pakialam sa akin si Joshua at mahal niya ako."

"May pakialam? Mahal ka niya? Kung may pakialam siya sa'yo at kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya hahayaang masaktan at mahirapan ng ganito. Noong una pa lang sana nagpagamot na siya, pero hindi. He choose to die because of his selfishness."

Nahihimigan niya ang galit sa boses nito sa bawat sakitang binibitawan nito.

"Ilang taon na kayong nagsasama?" maya'y tanong nito.

"Dalawang taon."

Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito. "Hindi man lang ba niya naisip na maaring merong mabuo sa pagsasama ninyong dalawa. Wala siyang ibang inisip kundi ang sarili niya."

Natigilan siya at hindi maiwasang hindi pamulahan ng mukha. Nakaramdam siyanng hiya kahit pa wala naman talagang namagitan sa kanila ni Joshua. Minsan na nag-initiate si Joshua, pero hindi natuloy dahil sa ayaw din niya. Simula noon hindi na ulit ito sumubok.

"Wala ka ng pakialam sa bagay na 'yon," sabi na lang niya.

"Miss Mananghaya, Is it really hard for you to decide to marry me?"

Nagbaba siya ng tingin. "H-hindi naman sa ganu'n."

"Then marry me."

Muli niya itong tiningnan. "Bakit ang dali para sa'yo na pumayag na pakasalan ako?"

"Ikaw na rin ang angsabi na pagmamahal at pag-uunawa ang higit na kailangan ngayon ng kapatid ko. Hiniling niya sa akin na pakasalanan ka bago siya mamatay, hindi ko ba dapat siya pagbigayan sa huling kahilingan niya?"

"Pero kasi..."

"Mahirap ba talagang pakasalanan ako, Miss Mananghaya?"

"H-hindi. Nagtataka lang ako kung bakit-"

Naputol ang iba niyang sasabihin nang pinutol ni Jonathan ang pagitan ng mga labi nilang dalawa. Dumukwang ang binata para halikan siya.

"I find you attractive, Jayelle," anito sa pagitan ng mga labi niya.

Mabilis na kumabog ang puso niya dahil sa pagtawag nito sa pangalan niya at dahil sa paghalik nito sa kanya.

Muli ay pinutol nito ang pagitan ng mga labi nila. Napapikit siya nang muling dumampi ang mainit nitong mga labi sa kanya. Ang halik nito ay puno ng pag-iingat, malayong-malayo sa paraan ng paghalik nito sa kanya noong isang araw.

Namalayan na lang ni Jayelle na tinutugon na niya ang bawat paghalik nito sa kanya na hindi niya nagawa noon kay Joshua nang halikan siya nito.

Hinawakan ni Jonathan ang kamay niya at maingat siyang itinayo para ipagdikit ang kanilang mga katawan. Isinandal nito ang likuran niya sa pader habang patuloy pa rin nitong sinasamba ang mga labi niya.

Mahina siyang napaungol nang maramdaman niya ang mainit na kamay ng binata na humaplos sa likod niya. Sa unang pagkakataon ay nabuhay ang pagnanasa sa katawan niya. Gusto niya pang maramdaman ang kakaibang sensasyon na dumadaloy sa buo niyang katawan ngayon.

Pero bago pa siya tuluyang natangay sa kahibangan ay narinig nila ang sigaw ni Cameron mula sa labas.

"Kuya Joshua!"

Tila siya nahimasmasan. Tinulak niya palayo si Jonathan. "Nakikiusap ako sa'yo na kalimutan mo na nangyari ito," aniya pagkatapos ay tumakbo siya palabas ng library room.

"JAYELLE, where have you been? Akala ko iniwan mo na ako," hirap na sabi ni Jonathan sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay nito. "Hindi kita iiwan. Nangako ako sa'yo diba? Kaya wag mo na ulit gagawin na tumayo mag-isa."

Umubo ito. "I know. Natakot lang ako."

Mapait niya itong nginitian. "Natatakot kang mawala ako pero handa kang iwan ako."

Nanghihinang umangat ang kamay nito para sapuin ang pisngi niya. Ramdam niya ang malamig niting palad. Malayong-malayo sa init na kamay ni Jonathan. Mabilis niyang sinita ang sarili nang maalala ang ginawa nila ng binata sa library kanina.

"Jayelle, I'm still waiting for your decision."

Muli siyang mapait na ngumiti. "Ayaw mo akong mawala pero gustong-gusto mo akong ibigay sa iba," aniya. Wala siyang pakialam kung nasa likuran lang niya ang ama at mga kapatid nito.

"I love you, Yel," anito.

Iniwas niya ang tingin dito. Pinipigilan niya ang pagpatak ng mga luha.

"Yel..."

Pero hindi niya nagawang pigilan ang pagpatak ng mga luha niya.

"I'm sorry if I make you cry." Hinawakan nito ang kamay niya. "But I want to rest now. Please marry my brother."

Napahagulhol siya. "Ang daya-daya mo! Sabi mo noon walang iwanan pero heto iiwan mo rin pala ako. Amg daya mo, Josh."

"I'm sorry."

Tinapunan niya ito ng tingin. "Magiging masaya ka ba talaga kapag pinakasalan ko ang kapatid mo?"

"Yes."

Nagbuntong-hininga siya. "Sige, pumapayag na akong pakasalan siya kung iyan ang ikaliligaya mo."

Matamis na ngumiti si Joshua. "You made me really happy, Yel."

"Gagawin ko ang lahat para sa'yo, Josh," aniya na sinapo ang pusngi nito.

"Thank you for everything, Yel. Thank you for making me happy."

Marahan siyang umiling. "Ako ang dapat na magsabi niyan."

"Masaya ako na nakilala kita."

"Masaya rin akong nakilala kita, Josh."

"I love you."

Mariin siyang pumikit at dinama ang nanlalamig nitong kamay. "I love you too, Josh."

Mapait siya nitong nginitian kasabay nang pagsapo nito sa kanyang mukha. Pagkatapos ay tumingin ito sa ama at mga kapatid nitong nasa likod.

"I want to talk to you, Jonathan. Alone," anito.

Hinalikan niya si Joshua sa noo. Nahihinuha na niya na ito na ang huling beses na magagawa niya iyon. Binigyan muna niya ito ng huling sulyap bago lumabas ng kwarto nito.

ILANG MINUTO na ang nakalilipas mula nang lumabas sila Jayelle pero wala pa ring lumalabas na salita mula sa bibig ni Joshua. Nakatitig lang ito sa puting kisame ng kwarto.

"I thought you want to talk to me?" putol niya sa katahimikan.

"Jonathan, I want to apologize to you," pag-uumpisa nito.

"For what?"

"Alam kong galit ka sa akin dahil sa pagkamatay ni Mommy. Kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan, gagawin ko para hindi ko na magawa ang pagkakamali ko."

Hindi siya umimik.

"Nami-miss ko ang pagiging close natin noon na alam kong hindi na maibabalik pa." Nilingon siya nito. "I'm sorry kung mas pinili kong sayangin ang buhay ko kaysa gampanan ko ang pagiging panganay sa atin. Pinasan mo ang obligasyon na para sa akin. I'm really sorry."

Jonathan snorted. "Ang sabihin mo selfish ka. Iniisip mo lang ang pansarili mong kapakanan."

"I know. That's why I'm asking your forgiveness."

"And now you expecting me to forgive you because you're going to die? I can't give you that."

Mapait itong ngumiti. "I expecting that and I understand."

Nilingon siya nito. Nakita niya ang paglandas ng luha nito sa pisngi. "And about Jayelle. Please treat her nicely. She's nice, caring and lovable. She's been through a lot, kaya nakikiusap ako sa'yo na huwag mo siyang sasaktan. Please."

Nagbuntong-hininga siya. "I can't promise you but I will try."

"Thank you. Masaya na akong makakapagpahinga," anito na marahang nagbuntong-hininga.

Ipinikit nito ang mga mata at may sumilay na muting ngiti sa mga labi nito. "Please tell to dad that I'm sorry. Mahal na mahal ko kayo..."

Mariin niyang nakuyom ang kamao. Nang nararamdaman niyang hindi na ito humihinga pa. Doon niya hinayaang pumatak ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Ilang minuto pa niyang hinayaan ang sarili na umiyak bago niya kinalma ang sarili at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

Sabay na tumingin sa kanya ang tatlo nang lumabas siya. Kuyom ang mga kamao na marahan siyang umiling bilang pagsabi na wala na si Joshua.

"N-No..." Mabilis na tumayo si Jayelle mula sa pagkakaupo at patakbong pumasok sa kwarto ni Joshua at narinig niya ang malakas nitong paghagulhol.

Tumayo naman si Cameron at humakbang palapit sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Hinayaan niya lang itong umiyak nang umiyak. Ang ama naman niya ay nanatili lang na nakaupo habang tahimik na umiiyak.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
bkt hnd nya nagawang patawarin c joshua...grabe nman sa tigas ng kalooban mo jonathan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status