Share

Chapter Five

KINABUKASAN bago magbukang-liwayway, bumiyahe na sila Jayelle at Jonathan pabalik sa Manila para mapakinggan ang ginawang huling habilin ni Joshua.

Hindi niya alam ang tungkol 'dun kaya gusto lang niya marinig ang mga huling habilin ng binata.

Pagkarating nila sa mansion ay hindi niya akalain na ang kaibigan na ipinakilala sa kanya noon ni Joshua na si Dalton ay isa pa lang abogado.

"I'm glad you are here, Jayelle," sabi sa kanya nito nang makapasok sila sa opisina ni Don Romano.

"We can start now," sabi ni Señor Romano.

Naupo siya sa tabi ni Jonathan. Habang sa harapan naman nila nakaupo ang ama nito at kapatid.

"Malinaw ang aking pag-iisip at may sapat akong lakas nang pagdesisyonan ko ang lahat ng nasa testamentong ito," pag-uumpisa ng abogado.

"Nakapag-usap na kami ni Romano Camilo, ang aking ama tungkol sa mga mamanahin ko sa kanya. Gusto kong pamahagian ang Golden Angel Orphanage ng dalawang milyon. Binibigyan ko naman ng twenty milyon pesos ang nakababata kong kapatid na si Cameron Camilo. Ibinibigay ko naman ang aking fifty percent of shares of stock sa aking mahal na si Jayelle Mananghaya pati na rin ang ten milyon pesos at ang bahay namin sa Alta Tierra."

Nanlalaki at hindi makapaniwala si Jayelle na tumingin kay Dalton at pagkatapos ay sa señor. Tama ba ang narinig niya?

"Señor Romano, hindi ko ho kailangan ng mga iyon—"

"Iyon ang kagustuhan ng anak ko, Miss Mananghaya."

"P-pero kasi..."

"Please continue, Attorney," putol ng señor sa iba pa niyang sasabihin.

"Ang ang tungkol sa aking kapatid na si Jonathan ay nasa testamento ng aking ama na si Romano Camilo." Kinuha ni Dalton ang nakabukod na testamento mula sa attache case nito at agad nitong binasa.

"Ipapamana ko ang Kingmart Company sa aking pangalawang anak na si Jonathan, pero sa isang kundisyon... Kailangan niyang pakasalan si Miss Jayelle Mananghaya at kinakailangan na mabigyan nila ako ng tagapagmana."

Ano raw? Kailangan nilang magkaanak ni Jonathan? Mabigat na nga para sa kanya ang maikasal sa binata paano pa kaya ang magkaanak dito? Wala ito sa usapan nila.

Tiningnan niya ang katabi, pero wala siyang nakita na kahit na anong emosyon mula rito. The usual Jonathan.

"Bibigyan ko sila ng tatlong tatlo hanggang anim na buwan para maisagawa ang kasunduan," dagdag pa ng abugado.

Pero wala siyang narinig na pagtutol mula kay Jonathan. Ayos lang ba talaga rito? Handa nito gawin ang lahat para sa inaasam nitong kumpanya?

Lumabas na ang lahat pero silang dalawa ay nanatili pa rim sa kwartong iyon. Si Jonathan tahimik habang tulala na tila meron itong malalim na iniisip.

"Jonathan?"

Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "This is fucking crazy. Anak ako pero bakit kailangan paghirapan ko ang lahat ng bagay bago ko makuha?" Dama niya ang galit mula sa boses nito.

"Do you know why I hate my brother?" tanong nito na hindi tumitingin sa kanya.

"He always get what he wants. Habang ako kailangan ko munang paghirapan ang lahat bago ko makuha ang mga gusto ko. Unfair isn't?"

Alam at ramdam ni Jayelle na merong galit si Jonathan sa kapatid at ngayon alam na niya ang dahilan.

Walang emosyon na nilingon siya nito. "Pumapayag ka bang magkaroon ng anak sa akin, Miss Mananghaya? I know nangako ako sa'yo na hindi kita hahalikan at hahawakan ulit, pero bago mapasaakin ang kumpanya kinakailangan na magkaroon ako ng anak sa'yo."

Kumabog ng mabilis ang puso niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot sa tanong nito. Madali nga ba ibigay ang gusto nito kahit wala itong pagmamahal sa kanya? Kaya ba niya isakripisyo ang sarili niya para lang sa mga kagustuhan ng mga ito. Pakiramdam ni Jayelle isa siyang ketket sa laro ng mga Camilo.

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Is hard for you to decide huh."

"Hindi naman kasi talaga madali ang hinihingi ninyo sa akin. Hinayaan ko ng mawala sa akin ang kalayaan ko dahil sa kagustuhan ni Joshua. Tapos heto ngayon gusto nilang magkaanak ako sa'yo? Bakit? Sa dinami-rami ng babae sa mundo na higit sa akin, bakit ako pa ang napili ninyong ilagay sa ganitong sitwasyon?"

"I don't know. I told you, lahat ng gusto ng kapatid ko ibinibigay lang ni dad. But I know, Kuya Joshua up to something. Pero wala na siya kaya mas mahirap alamin kung ano ba talaga ang gusto niya mangyari. Meron ba kayong napag-usapan?"

Marahan siyang umiling. Maliban sa dahilan tungkol sa pamilya niya ay wala na siyang ibang alam na dahilan kung bakit ginusto pa ni Joshua na magkaanak sila ni Jonathan.

Nagbuntong-hininga si Jonathan. "I can't loose the company, Miss Mananghaya. I know this is hard for you but I need your help to get the company."

Umiwas siya ng tingin. "Pero hindi madali ang hinihingi mo. Ano mangyayari sa akin pagkatapos? Hihiwalayan mo ko kapag nakuha mo na ang gusto mo? Paano ako? Paano ang anak ko?"

"Hindi kita pagbabawalan na makita at makasama ang anak mo," anito.

Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan sa sinabi nito. Iniisip pa lang niya ang mga posibleng mangyari, tila pinupunit na ang puso niya sa sakit. Ayaw niyang maranasan na lumaking hindi kumpleto ang pamilya ng magiging anak niya. Pero bakit tila madali lang para dito na magdesisyon para lang sa hinahangan nitong kumpanya?

"Pero wala kang pagmamahal sa akin, Mr. Camilo," anas niya.

"Is that matter? Magandang buhay naman ang naghihintay sa'yo pagkatapos nito."

Galit niya itong nilingon. "Mahalaga sa akin 'yon, Mr. Camilo! Oo mahalaga sa akin ang magkaroon ng magandang buhay pero hindi lang kalayaan ko ang gusto ninyong kunin sa akin kundi pati na ang buong pagkatao ko! Ayokong bigyan ng hindi kumpletong pamilya ang magiging anak ko."

"Then I offer you a Truce, Miss Mananghaya. Hindi uso ang hiwalayan sa pamilya ko. Hindi ako makikipaghiwalay sa'yo hanggat hindi ikaw ang may kagustuhan na maghiwalay tayong dalawa. I assure you that."

Napatitig siya rito at sa huli ay pagak siyang natawa. "Gagawin mo talaga ang lahat para lang sa kumpanyang inaasam mo."

"Yes. Tulad mo rin. I'll do everything just to get the company."

Iniwas niya ang tingin dito. "Bigyan mo ako ng ilang araw para makapagdesisyon. Hindi madali sa akin ito kaya bigyan mo ako ng panahon na makapag-isip."

"I understand."

Tumayo na ito. "Kapag makapagdesisyon ka na, you know where to find me." Iyon lang at pagkatapos ay lumabas na ito ng kwarto.

Marahas siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga na para bang nandoon lahat ng bigat na dinadala niya.

"Joshua, ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Bigyan mo ako ng sign. Kapag nakakita ako ng purple na bulaklak pakakasalan ko ang kapatid mo at puti naman kapag hindi," aniya sa sarili.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
maraming salamat author
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
grabe sa mga last will testaments c joshua e, sinigurado nya na hnd maghihirap c Jayelle
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status