LOGINJonathan's life is almost perfect, but all he wants is to own the Kingsmart company. He has the chance to have the company but in one condition. he needs to marry Jayelle Mananghaya, the girlfriend of his deceased brother. He didn't expect to fall in love with her, but when he was ready to love her, her true identity was revealed. Jayelle is the daughter of their business rival. When Jonathan's father learned of Jayelle's identity, his father demanded to divorce his wife. Will Jonathan be able to give up everything for the woman he loves?
View MoreNAG-ANGAT ng tingin si Jonathan sa nakababata niyang kapatid nang inilapag nito ang credit card sa lamesa niya."Nagawa ko na ang mga inutos mo, Kuya," nakangiting sabi ni Cali sa kanya."Good. Thank you."Inilahad nito ang palad sa harapan niya pagkuway ngumisi. "Ang napag-usapan..."Nangingiting nailing siya. Dinukot niya ang wallet mula sa bulsa ng slacks niya at kumuha roon ng libuhing pera tulad ng napag-usapan nila tsaka ibinigay dito."Yiiieh! Thank you, Kuya!" anito na niyakap pa siya ng mahigpit.Inalis niya ang tingin dito at itinuon sa binabasa niyang report. "Did she enjoy shopping?""Yep! Pero nagrereklamo siya sa bawat gamit na binibili namin sa kanya kesyo masyado raw mahal. 'Yung cellphone nga na pinabili mo muntikan na niyang hindi tanggapin," anito na tila nagsusumbong sa magulang."but I like her more than Francesca," sabi pa nito na ikinatigil niya.Hindi niya itatanggi iyon dahil malayong malayo ang ugali ni Jayelle kay Francesca. Pero hindi rin naman masisisi ni
NAGPAKAWALA ng malalim na buntong-hininga si Jayelle habang ang mga mata niya ay nasa pocketbook na binabasa. Sinara niya iyon dahil kahit ano naman ang gawin niya ay hindi magawang mag-focus ng isip niya sa binabasa at wala naman talaga siyang naiintindihan.Naiisip pa rin niya ang mga naging sagutan nila ni Jonathan kagabi. Hindi naman lingin sa kaalaman niya na meron din siyang pagkakamali sa inasta niya kagabi, masyado siyang naging emotional. Pinagpilitan niya na ganu'ng damit ang suotin niya tapos hindi pala niya kakayanin ang pangungutya ng iba sa kanya.Actually hindi naman sa panlalait sa pananamit siya naapektuhan kundi sa paraan na ipinagkumpara siya sa ex ni Jonathan. Alam niyang wala siyang karapatan na magselos, pero iyon ang naramdaman niya sa mga oras na 'yon tapos hindi man lang siya nagawang ipagtanggol ni Jonathan mula sa babae.Doon biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at iniluwa niyon si Cali. "Ate Yel!" Matamis na ngiti nito ang nasilayan niya."Oh, Cali..."
TINITIGAN ni Jayelle ang sarili niya mula sa salamin. Isang dress na bulaklakin ang suot niya na paborito niyang suotin noon sa tuwing nagpupunta sila ni Joshua sa bayan ng Alta TIerra para magsimba at mamasyal. Tinernuhan naman niya iyon ng kulay puting doll shoes na ibinili rin sa kanya noon ni Joshua. itinali lang niya ang kulot at mahaba niyang buhok bago niya iyon nilagyan ng malaking kulay puting ribbon. Nang matapos ay lumabas na siya ng kwarto para sa sala na lang hintayin si Jonathan."Hi, Nay Dorie," bati niya sa mayordoma ng makasalubong niya ito."Oh, Hija, may lakad ka?"Tumango siya. "Oho. Inaya po ako ni Jonathan na kumain ho sa labas."Sinuri nito ang kabuohan niya. "Na ganyan ang suot mo, Hija?"Takang tiningnan niya ang sarili. Meron bang mali sa suot niya?"May problema ho ba sa suot ko, Nay?""Hindi naman sa kinukwestiyon ko ang paraan ng pananamit mo, kaya lang kasi-"Sabay silang napatingin ng mayordoma sa pinto nang napansin nila ang pagdating ni Jonathan. Pans
ALAM ni Jayelle kung anong klaseng dokumento ang hawak niya sa mga oras na iyon. Kahit hindi siya nakapagtapos ng high school, malinaw sa kanya na isa iyong kasunduan na kapag ikinasal na sila ni Jonathan ay wala ssiyang makukuhang pera maliban sa perang ibinigay sa kanya ni Joshua."Mahalaga para sa akin ang bawat sentimong pagmamay-ari ko kaya hindi ako makakapayag na mapunta lang 'yon sa mga taong... hindi ko lubos na nakikilala," anito na may panghuhusgang tiningnan siya."Oo, pumayag ako sa kagustuhan ng anak ko pero hindi ibig-sabihin ni'yon ay hahayaan ko na lang na makinabang ka sa mga pinaghirapan ko," sabi pa nito.Malayong malayo ito sa unang beses na magkakilala sila nito noong nabubuhay pa si Joshua. Ngayon parang ibang tao na ito sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya. Kung tingnan siya nito ay parang isa siyang mababang nilalang na ano mang oras ay maaaari nitong tapakan.Habang si Jonathan ay tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. Tila ito walang pakialam sa kung ano
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.