Share

BMSBK 3

Author: Yza D. C
last update publish date: 2026-09-01 14:11:40

REX'S P O V~

Dati, gusto kong tahimik kapag nasa bahay. Ngayon, may isang taong palaging nasa paligid ko. At nakakagulat na hindi na iyon nakakainis.

Nasa kabilang bahagi ng sofa si Lily, nakatutok sa laptop niya habang nagbabasa ng mga dokumento.

Paminsan-minsan, napapatingin ako kay Lily.

Hindi ko alam kung bakit ko napapansin ang maliliit na bagay tungkol sa kanya.

Napatingin siya sa akin, kaya nagtagpo ang mga mata namin.

Hindi agad siya umiwas.

Ilang segundo kaming nagkatitigan bago siya muling bumalik sa laptop niya.

Napailing ako.

‘Ano ba'ng ginagawa ko?’

Binalik ko ang tingin ko sa files. Pero ilang minuto lang ang lumipas, napatingin na naman ako sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit.

Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ni Lily.

Napatingin siya sa screen.

Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila, pero ilang segundo lang ay napatingin na siya sa akin.

"Boss."

"Yes?"

"Darating parents ko."

Tumango ako.

"Ngayon."

Napatingin ako sa kanya. "Now?"

Tumango siya.

Bigla siyang tumayo at nagsimulang ayusin ang ilang gamit sa sala.

Napangiti ako nang bahagya.

"Nagmamadali ka."

"Boss, tulungan mo naman ako."

Sabay kaming nagligpit ng ilang gamit.

Ilang minuto lang ang lumipas nang tumunog ang doorbell. Huminga nang malalim si Lily bago binuksan ang p***o.

"Ma. Pa."

Pumasok ang mga magulang niya.

"Ang ganda naman dito, anak," sabi ng kanyang ina.

Naglibot ang tingin ng kanyang ama sa apartment.

"Ikaw lang ba rito?"

Bago pa siya makasagot, lumabas ako mula sa kabilang bahagi ng apartment. Agad silang napatingin sa akin.

Tumahimik si Lily.

"Ma, Pa… si Rex."

"Good afternoon po."

Tumingin sa akin ang kanyang ina.

"Kaibigan mo?"

"Roommate ko po."

Bahagyang kumunot ang noo ng kanyang ama.

"Roommate?"

Tumango si Lily. "Opo."

Nagkatinginan ang kanyang mga magulang. Napansin kong lalo siyang kinakabahan.

"Bakit lalaki ang roommate mo?" tanong ng kanyang ina.

"Mas malapit po sa trabaho."

"At ikaw, Rex?"

"May sarili po akong business."

Sandaling natahimik ang mga ito. Tumingin ang kanyang ama kay Lily.

"Sigurado kang roommate lang?"

"Wala naman pong—"

Napatingin si Lily sa akin.

Alam kong hindi siya komportable sa mga tanong. At bago pa siya makapagsalita nang marami, lumapit ako sa kanya.

Napatingin siya sa akin.

Mahina kong sinabi, "Maybe we should tell them."

Tumingin ako sa mga magulang niya at pagkatapos ay bumalik sa kanya.

"That we're together."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Ha?"

"Just play along."

"Boss—"

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya.

Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng mga daliri niya sa palad ko.

"Magkasintahan po kami."

Napatingin ang kanyang mga magulang sa amin.

"Mag-boyfriend kayo?" tanong ng kanyang ina.

Tumango ako.

"Yes, Ma'am."

Tahimik si Lily.

Tumingin siya sa akin bago bahagyang tumango.

"Opo.”

"Anak, bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Gusto muna naming maging sure bago namin sabihin sa inyo."

Ako na ang sumagot.

Napatingin sa akin ang kanyang ama.

"Matagal na ba kayo?"

"Medyo na po."

"At seryoso ka sa anak namin?"

Tumingin ako kay Lily.

Hindi ko alam kung bakit biglang naging kakaiba ang tanong na iyon. Pero hindi ako nagdalawang-isip.

"Yes, Sir. Seryoso po ako sa kanya."

Napatingin sa akin si Lily.

Maging ako ay nagulat sa sarili kong sagot. Mas lalo kong naramdaman ang kamay niya sa kamay ko.

Hindi na nagtagal ang pagbisita nila. Matapos ang ilang simpleng usapan, nagpaalam na rin sila. Sinamahan sila ni Lily hanggang sa p***o. Nang tuluyang magsara ang p***o, saka siya humarap sa akin.

"Boss."

"Yes?"

"Anong ginawa mo?"

"Tinulungan kita."

"Pero boyfriend?"

"Mas mabilis iyon kaysa sagutin lahat ng tanong nila."

"Grabe ka.”

Hindi ko napigilang matawa.

Pero bago ko pa maituloy ang usapan, napansin kong nakatingin siya sa kamay ko.

Agad kong binitiwan iyon.

"Sorry."

Umiling siya.

Tahimik kaming pareho.

Pero sa loob-loob ko, hindi ko maalis sa isip ko ang sandaling iyon.

Kinabukasan, pumunta ako sa isang restaurant para makipagkita sa isang kababata na matagal ko nang hindi nakikita.

Ilang minuto ang lumipas bago ko napansin ang pamilyar na mukha sa kabilang bahagi ng restaurant.

Nang magtagpo ang mga mata namin ng parents ni Lily, agad silang natigilan.

Tumayo ang kanyang ama at lumapit.

"Rex?"

Tumayo rin ako.

"Good morning po."

Napatingin siya sa babaeng kasama ko.

Hindi pa man ako nakakapagpaliwanag, nakita ko nang nagbago ang ekspresyon ng kanyang ina.

"Lily is your girlfriend, di ba?"

"Ma'am—"

"Then bakit may kasama kang ibang babae?"

"Nothing's going on."

Pero mukhang hindi sila kumbinsido. Sinubukan kong ipaliwanag ang sitwasyon, pero lalo lamang silang nagalit.

Kinuha ng ina ni Lily ang baso sa mesa.

Tumama sa mukha at damit ko ang malamig na tubig.

Tahimik akong nanatili roon habang tumutulo ang tubig mula sa mukha ko.

"Excuse me."

Hindi ko na ipinilit ang sarili ko.

Umupo ulit ako sandali para kunin ang gamit ko bago tuluyang umalis. Dumiretso ako sa opisina para magpalit ng damit. Pero hindi rin ako nagtagal.

Sa halip, pumunta ako sa bar. Umorder ako ng ilang baso. Gusto kong mawala sa isip ko ang nangyari.

Pero habang tumatagal, mas lalo kong naiisip si Lily. Ang mukha niya nang hawakan ko ang kamay niya.

Matapos ang ilang oras, tumayo ako at umalis.

Pagdating ko sa apartment, madilim ang paligid maliban sa ilaw sa sala.

Nandoon si Lily.

May hawak na dokumento nang makita niya ako, agad siyang lumapit.

"Boss?”

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Lasing ka."

"I know."

"Halika. Umupo ka muna."

Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan ako papunta sa sofa. Nang mapalapit siya, naamoy ko ang pamilyar niyang pabango. Napatingin ako sa kanya.

"Lily."

"Yes?"

Saglit akong natigilan.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang tanging nakikita ko ay ang mukha niya. At ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Okay ka lang?" tanong niya.

Tumango ako.

Napatingin ako sa labi niya.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko.

Hindi maaari.

"Lasing ka lang," mahina niyang sabi.

Tumayo siya para kumuha ng tubig. Pero bago siya tuluyang makalayo, napahawak ako sa kamay niya.

Pareho kaming natigilan.

Muli kong naramdaman ang parehong kakaibang pakiramdam na naramdaman ko noong unang beses kong hinawakan ang kamay niya.

"Bakit?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya.

Nawala sa isip ko ang lahat.

Ang tanging nakikita ko lang ay siya. Hindi ko alam kung ilang segundo akong ganoon.

Pero napansin niyang hindi na ako gumagalaw.

Huminga ako nang malalim at napapikit.

"Dalhin mo na lang ako sa kuwarto," mahina kong sabi.

Nagulat siya sandali, pero tumango.

"Okay."

Inalalayan niya ako papunta sa kuwarto.

Bago ako tuluyang mahiga, napatingin ako sa kanya.

Muli kong tiningnan ang labi niya at hinalikan ko na ito. Naramdaman kong nagulat ito sa ginawa ko, kaya hinalikan ko siya pababa sa leeg niya at pabalik sa labi.

Nagulat ako ng maramdaman kong humalik ito pabalik, kaya dahan-dahan lumakbay ang kamay ko papunta kung saan-saan hanggang sa maramdaman ko ang ungol nito ng mahawakan ko ang malaking dalawang pakwan nito.

May kung anong nagbabago sa nararamdaman ko para sa kanya. At mas delikado iyon kaysa sa kahit anong kaso na nahawakan ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
ash ford
Nakakakiligggg naman to Ms. A
goodnovel comment avatar
Berta
kinikilig ako
goodnovel comment avatar
Artemia
Instant boyfriend and girlfriend bigla sila omggg!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 49

    LILY'S P O V~Wala po.”“Lily.”“Good luck, Boss!”Umiling siya at muling pumuwesto.Sa ikalawang hagis, muntik nang matumba ang target pero nanatili pa rin iyon sa kinatatayuan.Sa ikatlo, tuluyan na niyang napabagsak ang isa.Napapalakpak ako.“Isa na lang!”“May dalawa pa.”“Ah, oo nga pala.”Napatingin siya sa akin na para bang gusto niyang bawiin ang lahat ng sinabi niya tungkol sa paglalaro.Pero nang tuluyan niyang mapabagsak ang mga natitirang target, hindi ko napigilang mapatalon sa tuwa.“Boss! Nanalo ka!”Kinuha ng attendant ang teddy bear at iniabot iyon sa kaniya.Tinanggap niya ang premyo bago bumaling sa akin.“Here.”Inabot niya sa akin ang teddy bear.Napangiti ako nang malawak habang tinatanggap iyon.“Thank you, Boss!”“It's just a stuffed toy.”“Pero ikaw ang nanalo!”Hindi ko alam kung bakit biglang naging espesyal sa akin ang isang simpleng teddy bear. Hindi naman iyon ang pinakamagandang laruan na nakita ko, at hindi rin iyon ang pinakamahalagang bagay na maaari

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 48

    LILY'S P O V~“Boss, paano kung doon tayo sumakay mamaya?”Napatingin siya sa akin. Pagkatapos ay tumingin siya sa Ferris wheel. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, hindi siya agad nakasagot.Nagsalubong ang mga kilay niya habang pinagmamasdan ang malaking ride na dahan-dahang umiikot sa gitna ng makukulay na ilaw. Mula sa kinatatayuan namin, kitang-kita ang mga taong nasa loob ng mga cabin. May mga magkasintahang magkahawak-kamay, may mga magkakaibigang nagtatawanan, at may ilang taong abala sa pagkuha ng litrato habang unti-unti silang umaakyat.Para sa akin, napakaganda ng tanawin na ito. Nabawi ang lahat ng pagod at sakit na mga nararamdaman, kabaliktaran naman para kay Rex, parang isa iyong malaking problemang kailangan niyang solusyunan.“Bakit Ferris wheel pa?!” nagtatakang tanong niya sa wakas.Napangiti ako. “Kasi maganda ang view sa taas eh. Sabi mo naman lahat gagawin mo para sa akin, ito na 'yon, gustong-gusto ko makita ang tanawin sa itaas,” pagpapa-cute ko sa kaniya pa

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 47

    LILY'S P O V~“Gusto ko po sana pumunta sa carnival. Alam ko kasing malapit lang iyon dito, Boss.”Ilang segundo akong tinitigan ni Rex matapos kong sabihin iyon. Nakatayo kami sa labas ng restaurant, at habang hinihintay ko ang sagot niya, hindi ko maiwasang kabahan. Kanina lang, sinabi niyang maaari akong humiling ng kahit ano bago kami umuwi. Hindi ko naman inakalang ganoon kahirap sabihin ang gusto ko kapag nasa harapan ko na siya.“Carnival?” ulit niya, para bang hindi siya sigurado kung tama ang pagkakarinig niya.Tumango ako. “Yes, Boss.”“Totoo ba ang sinasabi mo o nagbibiro ka lang?”“Bakit naman ako magbibiro tungkol doon?”Bahagya siyang napapikit at huminga nang malalim. Napansin ko ang paggalaw ng panga niya, na para bang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya muna.“Lily, galing tayo sa isang mabigat na pangyayari. Gusto mong pumunta sa carnival?”“Exactly, Boss.” Sinikap kong pigilan ang ngiti ko. “Gusto kong mag-enjoy kahit sandali. Ayoko namang buong araw na l

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 46

    LILY'S P O V~ Napatingin ako sa kaniya. “Hindi ko alam kung bakit mo ako ipinagtanggol nang ganoon kagabi. Pero salamat.” Natahimik si Rex. Sandali siyang tumingin sa akin bago niya inilapag ang kubyertos niya. “Hindi mo kailangang magpasalamat dahil lang hindi kita hinayaang sisihin sa ginawa ng ibang tao.” “Pero hindi naman lahat gagawin iyon.” “Hindi ibig sabihin na dahil hindi lahat gagawa, hindi na dapat gawin. Empleyado kita at ayaw kong may mapahamak ang mga empleyado ko lalo na kung tungkol sa trabaho.” Napakurap ako. Hindi ko alam kung bakit mas tumatak sa akin ang sagot niyang iyon kaysa sa lahat ng sinabi niya mula nang dumating siya sa hotel. Bahagya siyang yumuko, nakapatong ang mga braso sa mesa. Hindi nagbago ang tono niya nang muli siyang magsalita, pero may kung anong katapatan sa mga mata niyang hindi ko kayang balewalain. “Lily, hindi mo kailangang maging matapang sa lahat ng oras. Hindi mo kailangang akuin ang bawat problema para lang mapatunayan na kaya

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 45

    LILY'S P O V~ “Boss, hindi ko naman kayang kumain ng lahat ng ganiyan.” “Alam ko.” “Kung alam mo, bakit ang dami naman niyan?!” “Dahil hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin rito.” Napakurap ako. Iyon lang ang paliwanag niya. Walang malaking ngiti, walang pagyayabang, at walang bakas na iniisip niyang may kakaiba siyang ginawa. Para bang normal lang sa kaniya na maghanda ng ganito karaming pagkain dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ko. “Puwede mo naman akong tanongin,” sabi ko. “Kung tinanong kita, baka sabihin mong kahit ano na lang.” Napanganga ako nang bahagya. “Paano mo naman nalaman?” “Dahil ilang beses mo nang sinabi sa akin ang ganiyan.” Napatawa ako, at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umupo ako habang umiiling, samantalang hinila niya ang upuan sa tapat ko at umupo rin. “Hindi ko naman akalaing matatandaan mo iyon.” Kinuha niya ang kutsara at tinidor, saka inayos ang mga ito sa tabi ng plato niya. “Marami akong na

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 44

    LILY'S P O V~ Pagmulat ko ng mga mata, ang unang bumalik sa isip ko ay ang nangyari kagabi. Ang matigas na boses ni Rex habang kinakaharap si Xiam. Ang galit na pilit niyang kinokontrol sa bawat salitang binibitawan niya. At ang paraan ng pagtayo niya sa tabi ko, na para bang wala siyang pakialam kung sino ang makabangga niya basta hindi na ako muling masasaktan. Napapikit ako at napahigpit ang hawak sa kumot. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap kalimutan—ang ginawa sa akin ni Xiam o ang paraan ng pagdepensa sa akin ni Rex. Sanay akong ako ang humaharap sa sarili kong problema. Kapag may nang-aapi sa akin, pinipili kong manahimik kung iyon ang pinakamabilis na paraan para matapos ang gulo. Kapag may naninisi sa akin, madalas ay hinahayaan ko na lang dahil ayokong humaba pa ang usapan. Pero kagabi, hindi ako pinabayaan ni Rex na akuin ang kasalanang hindi naman sa akin. Naririnig ko pa rin sa isip ko ang sinabi niya kay Xiam. Hindi niya ako hinayaang baligtarin ang nangyari. Hind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status