Share

KABANATA 34

NAGISING SI LAURA na wala na sa tabi niya si Rave. Inayos niya ang pagkakabalot ng kumot sa kanyang katawan saka iginala ang tingin sa buong paligid.

Na saan kaya si Rave?

Napansin niya agad ang puting T–shirt ni Rave na suot nito kagabi. Inabot niya ‘yon sa may paanan ng kama at isinuot. Maluwag at malaki ‘yon sa kanya at hanggang sa itaas lang ng tuhod niya.

Bumangon siya mula sa kama at tinungo ang direksyon ng banyo. Hindi pa siya nakakalapit sa may pinto nang maramdaman niya ang mainit na mga bisig na pumaikot sa baywang niya.

Napaawang ang labi niya sa gulat.

Alam niya ang amoy na ‘yon. Pati ang mainit na hininga na tumatama sa sensitibong balat sa bandang leeg.

“Laura,” anas nito sa may tainga niya. “Marry me.”

Natigilan siya sa sinabi nito. Bago paman siya makapagsalita ay marahan na siya nitong pinihit paharap dito. Nakangiti ito sa kanya. Naalala niya ang nangyari sa kanila kagabi. Buong gabi siya nitong inangkin. Buo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status