Share

CHAPTER 8

MATAPOS makipag-usap sa tiyuhin ay lumabas si Trevor sa maliit niyang opisina para kumain ng tanghalian. Nagtungo siya sa kitchen para kumuha ng pagkain at iced coffee.

Inokupa ng binata ang isang bakanteng lamesa. Namataan niya si Scarlett na mag-isang naka-pwesto sa counter. Naka-lunch break ang cashier nila ng gano'ng oras kaya si Scarlett muna ang pumalit sa pwesto nito. Mayamaya ay lumapit ito sa kaniya at naupo sa bakanteng silya sa tapat niya.

"Nabalitaan ko ang ginawa ni Tommy at ng kaibigan niya sa 'yo kagabi. Kumusta ka na, Trevor?"

Hindi siya kumibo. Patuloy lang siya sa pagkain. Sa totoo lang ay thankful pa siya sa nangyari kagabi kahit marami siyang nakuhang pasa at galos sa katawan. Kung hindi kasi siya binugbog nina Tommy ay hindi niya makikilala ang magandang nurse na nagligtas sa kaniya kagabi.

"Sorry nga pala sa nangyari. Nang dahil sa akin sinaktan ka nina Tommy. Kung gusto mo ipa-blotter natin sila."

"Hindi na kailangan." Umiling-iling siya. "Ayoko na ng gulo,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status