Share

CHAPTER 9

HABANG umaandar ang kotseng sinasakyan ni Trevor ay tinawagan niya si Terrence. Anak ito ng tito niya na nagmamay-ari ng hospital na pinagtratrabahuhan ng nurse na nagligtas sa kaniya kagabi.

"Trevor, napatawag ka. May kailangan ka ba?" tanong nito mula sa kabilang linya.

"May itatanong lang sana ako sa 'yo dude. May hinahanap kasi akong nurse na nagwo-work d'yan sa hospital n'yo."

"Bakit? May problema ka ba sa isa sa mga nurse namin?"

"Wala naman. Actually, thankful nga po ako sa nurse na 'yon. Napa-trouble kasi ako kagabi at niligtas niya ang buhay ko."

Narinig niya ang nakakalokong pagtawa ng pinsan. "Hanggang ngayon ba naman napapa-trouble ka pa rin?"

"What can I do? Trouble mismo ang lumalapit sa akin," natatawang wika niya. "Anyway, kilala mo ba iyong nurse na Alvarez ang last name?"

Muli itong natawa. "Sabi ko na nga ba, babae na naman ang sadya mo."

May mga naka-fling kasi si Trevor noon na ilang nurse sa hospital kaya alam na ni Terrence kung gaano si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status