Share

KABANATA 24

Balak ko na siyang lingunin at tanungin kung bakit at para saan. Ang kaso ay nasagot din ang katanungan sa isip ko matapos nahagip ng mga mata ko ang mga ankle boots na tumabi sa bota niya. Napatitig ako roon at kinilala kung kanino sila.

"West, thank you for waiting, Sir. Doon tayo sa may lilim na maayos. May mesa naman and we can discuss our plans."

Boses pa lang alam kong si Mila iyon. Sino pa ba?

I even watched how their feet walked away together. Pag-angat ng tingin ko ay kita ko pang naka-angkla nang bahagya ang kamay ni Mila sa kanya. Inalis niya lamang iyon pagkadating sa mesang tinutukoy nito. Ngunit kulang na lang ay alalayan niya ito makatayo lang sila nang maayos.

Magkaharap sila. Nakayuko pa nang bahagya palapit sa mesa ang katawan ni Mila. Her ample cleavage is on display in front of the eyes of the West. Noong tumawa pa siya ay gumalaw ang mga iyon.

Binabalandra?

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status