Share

KABANATA 3

Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Rico at mas lalo na ang lalaki sa canteen. Kung hindi pa tumawag si Mama ay hindi yata talaga iyon mawawaglit sa isipan ko.

"Anak, kaunti na lang tapos na itong grocery store natin."

Napangiti ako sa balitang narinig mula kay Mama. Hindi ko mapigilang matuwa na mula iyon sa naipon kong pera.

Malapit ang grocery store sa palengke para naman hindi na lumayo pa ang mga mamimili sakaling kailangan nila ng dry items.

"Talaga ba, Ma? Gusto ko na pong umuwi," humina ang boses ko at hindi maiwasang tumakas doon ang lungkot.

I've been living here in the city since I was in college. Iilang beses pa lang akong nakauwi sa probinsya.I struggled to get to where I am now. I have the license, but I am stuck in this private school. Okay naman ang sahod kaya hindi na ako lumipat.

"Kaunting tiis na lang, Nak. Pagkatapos nito, kahit hindi ka na magtrabaho diyan."

Mas lumawak ang ngiti ko dahil doon at hindi maiwasang maluha. Alam ko naman na nagsisikap din sila roon para sa akin. And I am willing to make the sacrifices for them to have a better life.

Sana ay tangkilin ang grocery store upang makauwi na ako. Iyon lang naman ang naiisip kong paraan.

But I still need to talk things out with Rico. Pinag-iisipan ko pa kung tutuloy ako sa bar o hindi. Napapabuntong hininga rin akong lumingon sa sariling relo. Alas siyete na ng gabi.

"Sige, Ma. Baba ko na po. Love you po. Ingat po kayo diyan."

"Mag-lock ka ng pinto. Huwag kang lalabas sa gabi."

Binaba na nito ang tawag at hindi ko maiwasang mapakagat na lamang sa aking labi lalo na sa naisip na plano.

Susuway muna ako at kailangan ko pang makausap si Rico. Hindi ko nakausap kahapon kaya baka pupunta rin sa bar.

Nagbabakasakali akong maayos ko na siyang makaka-usap ngayon. Hindi ko naman kayang basta na lang itapon ang relasyon namin. Five years is not a joke. Maybe he was just frustrated last time.

And so, I decided to go to the bar.

Hindi ko naman ito first time kaya lang ay hindi ko pa rin alam ang susuotin.

Pinili kong hugutin ang tube na dirty white fitted dress. Sumakto lang iyon sa mid thigh ko at binagay sa nude high heels. I wore big loop earrings and messy bun my hair. I painted my lips with that shining glittery light red lipstick. I do not wear heavy make-up, mas gusto kong puro labi lang ang napapansin sa akin.

Umalis ako ng bahay dala lamang ang long pouch. Inipit ko 'yon sa pagitan ng kilikili ko at kamay.

Mas sanay ako sa uniporme naming mga guro at hindi ako masyadong kumportable sa ganitong damit. Minsan lang lumabas at ayaw ko namang mahuli sa damitan ng mga tiga-syudad.

"Excuse me." Inabot ko sa bouncer ang maliit na papel at hinayaan naman ako nitong makapasok nang matiwasay.

Sa bungad pa lang ay sumabog na sa pandinig ko ang malakas na tugtugin at dagat ng mga taong nagsasayawan sa gitna. Hindi ko alam kung mahahanap ko pa sila Rico rito pero di bale na.

Magmamatiyag na lang at kung hindi ko talaga sila makikita ay uuwi na ako. Safe and sound.

Ngunit nang maramdaman ang nakakailang na titig ay agad kong hinatak pababa nang bahagya ang dress nang malingunan ang lalaking nasa sofa na walang habas na naninitig. Malagkit at nakakailang ang tingin nito.

Sa kaba ko ay mabilis akong lumayo roon at dumiretso sa counter.

"Since it is our anniversary, all drinks are are free!" sumigaw ang kung sino ngunit hindi ko makita.

Naghiyawan ang mga tao at lalong lumakas ang tugtugin dahil doon. Halos mahilo na ako sa malikot na galaw ng mga ilaw at mga taong hindi mapirmi sa isang lugar.

"Ma'am, drinks po."

Napalingon ako sa waiter nang mag-iwan ito ng alak sa counter malapit sa akin tsaka ako nginitian bago tuluyang lumayo.

Napatitig pa ako sa baso ng alak na iniwan nito. Wala naman akong balak uminom kaya naman hindi ko iyon ginalaw. Si Rico lang ang hanap ko at hindi kalasingan.

Kung ganito kagulo ang lugar ay baka kung ano'ng mangyari kay Rico. Kahit nahihirapan ay pilit ko pa rin siyang hinanap. Nakidaan pa ako sa gitna ng mga tao. Minsan ay na-iipit at hindi maiwasang madikit sa kanila.

"Go, Jasmine!"

Umabot ako sa bandang likod kung saan hindi naman ganoon kagulo ngunit kumpulan ang mga tao at maingay.

Siksikan sila at naghihiyawan pa. Ni walang madaanan na maayos.

Hinawi ko ang mga nasa harap ko upang makadaan. Nagalit pa ang iilan ngunit hindi ko sila pinansin. Mas importanteng mahanap ko si Rico.

Tumambad sa harapan ko ang pinagkukumpulan nila. May iilang mukhang familiar sa akin at ang iba ay hindi ko talaga kilala.

"Go Girl! Make it hot!"

Napukaw niyon ang atensyon ko at kusang napadako ang tingin sa upuang mataas. And there, I found the man I was looking for. Nakaupo roon si Rico habang may kagat na lemon. Sa harapan nito ay si Ma'am Jasmine na suot ang royal blue na maiksing bestida. Mababa ang neckline niyon at noong yumuko ay hindi nakatakas sa paningin ko kung paanong tumitig sa d****b niya si Rico na siya namang nakapagpasikip ng d****b ko.

Kita ko pa kung paanong kinuha nito ang shot glass at ngumisi kay Rico na tila nang-aakit.

Napaawang pa ang mga labi ko nang mabilis niyang ininom ang laman at mabilis na sumampa paharap kay Rico upang makakagat sa slice lemon na kagat nito.

Nanlaki ang mata ko nang hinatak nito ang huli sa batok at malalim na hinalikan. Kusang nalaglag ang lemon sa pagitan nila at tila nawala na sila sa paligid.

Kita ko kung paanong humagod ang kamay ni Rico sa hita at likod ni Jasmine. Habang lumalakas ang hiyaw ng mga tao ay lalong nagiging mapusok ang halikan nila. Hindi ko masikmura ngunit hindi ko mahanap sa sarili ko ang inis.

Mabilis akong tumalikod at hindi alam ang dapat na mararamdaman. Imbis na magalit ay tila nakahinga pa ako nang maluwag. I didn't know he was like that. He's very aggressive, and with Jasmine? Really?

May parte na nasaktan ako dahil kaya niyang h*****k ng iba kahit na magkarelasyon kami. Ngunit sa kabila niyon ay nagpapasalamat akong nakita ko ang tunay na kulay niya.

Maybe that is the sole reason why I did not give myself to him. Mabuti na lamang at hindi ako bumigay. Kaya pala hindi niya ako maalok ng kasal ay dahil mas gusto niyang mag-explore kasama ng iba. Katawan lang yata ang habol niya. Nang hindi makuha ang akin ay sa iba naghanap.

Napailing at napangisi ako. This may call for celebration. Sa lahat ng pinagtaksilan, ako pa ang masaya. Nandito na rin naman ako ay susulitin ko na.

Bumalik ako sa bar counter at diretsong ininom ang laman ng shot glass na iniwan ko kanina. Humagod ang kaunting pait at init sa lalamunan ko. Napapikit pa ako at may kalakasang binitiwan ang shot glass sa counter.

"Feels good?"

Kusang bumukas ang mga mata ko at bumungad sa paningin ko ang bartender. Nakangisi at pilyo ang mga tingin.

Naglapag ito ng isa pang shot glass na may lamang kulay asul. Hindi naman masamang uminom paminsan-minsan. Inalala ko pa kung may gagawin ba ako bukas. Nang walang maisip ay ininom ko rin ang alak.

Let's raise a glass to my not-so-broken heart!

Walwal muna, sawa na akong laging maingat ang galaw. Kahit ngayon gabi lang ay gusto kong kumawala.

"That drink will take you to heaven." Ngumiti ito at naglapag pa ng isa.

"Really?" hindi naniniwalang tanong ko.

Hindi kasi iyon mapait at hindi masakit sa lalamunan. Ni hindi nga yata nakalalasing.

"Yes. This is their anniversary treat. Everyone here will have a taste of heaven... later." Linahad nito ang palad sa paligid na sinundan ko ng tingin.

Ang bawat taong nandoon na nakikita ko ay ganoon na ang iniinom. Walang ibang klase at 'yon lamang.

"Wala na bang ibang alak?" Nilingon ko siya ngunit nanatili lamang itong nakatitig sa akin.

Sa pagka-ilang ko ay nainom ko agad ang alak.

"Not really. That is new in the market. Pinapatikim lang." Binigyan ako ulit nito ng isang shot.

Ininom ko iyon dahil wala naman akong maramdamang hilo. Masarap naman talaga at parang ladies drink lang.

Hindi ko alam kung nakailang shots na ako. Hindi ako nahihilo ngunit tingin ko ay nililipad ako. Nililipad ang kaisipan ko kung saan. Maging ang katawan ko ay gumagaan.

I think, I need to dance. Kahit saglit lang ay gusto kong igalaw ang katawan.

Uminom pa ako ng isa bago naisipang pumunta sa dance floor. Hinawi ko ang iba at sumabay sa malakas na tugtugin. I dance without choreography. I moved my body based on the music's beats. Basta akong gumigiling, tinataas ang kamay, at pilit nakipagsabayan. Miminsan din akong sumisigaw.

I want to let it all out! Ngayong gabi lang at hindi na uulit.

Nagpatuloy ako sa pagsayaw. May iilan akong nakasayaw ngunit ni hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Unti-unting lumalabo ang mga taong nakapaligid sa akin. Ang gusto ko lang ay magsayaw. May kung anong uhaw akong nararamdaman na gusto kong mapunan.

Napaungol ako nang maramdamang may humawak sa bewang ko. Humagod iyon ng senswal na kinapikit ko. I felt his calloused hand slowly tracing my curves. Ang bawat haplos niya ay may kalakip na init. Kusang naglalakbay iyon sa pangangatawan ko at tila pinaaapoy ang kalooban ko.

Hinapit ako nito sa bewang at dinampian ng h***k sa litaw kong balikat. Ramdam ko ang lambot ng labi niya roon. Naipikit ko pa ang mga mata sa nararamdamang senswalidad.

Mula sa likod ay dinikit nito ang katawan niya sa akin. Humagod at gumiling siya roon na kinaungol ko. Sinandal ko pa ang ulo ko sa d****b niya.

"Want me to please you?" he whispered, huskily.

Ang init ng hininga niya ay naghatid ng kakaibang init sa kaibuturan ko. I can still feel his heavy breathing on my ear.

Ang init na nararamdaman ay naglakbay at tila sinilaban ang buong katawan ko. Hinarap ko siya at berdeng mga mata ang nasilayan. May hawig ngunit hindi na malinaw ang itsura sa akin. He appeared to be someone I knew, but I didn't recognize him. Kita kong kumunot din ang noo niya ngunit hindi nagsalita.

"Maybe?" Kinagat ko ang labi ko bago siya binigyan ng nang-aakit na tingin.

Hindi ko siya kilala kaya malakas ang loob ko. Siguradong mamaya lang ay hindi na kami magkikita. I might as well take advantage of this opportunity.

I looked at him deeply and flashed my seductive smile.

I noticed how his ghastly green eyes darkened. Tila napigtas ang pasensya niya at basta na lang akong hinatak palapit sa katawan niya.

He savagely tugged at me and held me firmly. I let my hands crawl and hang on his neck. I even kissed his jaw and licked a small part of it. I felt aggressive.

He stopped me, and massaged my arm.

Doon ako napamulat at tila nagising nang bahagya sa nararamdamang hawak niya. Nag-aagaw bigla ang katinuan ko at pagkauhaw habang nararamdaman ang kamay niyang naglalakbay.

Namilog ang mga mata ko at maging ang bibig ko ay napaawang. Ang parteng matino sa kaisipan ko ay naeskandalo sa ginawa niya habang ang maharot na ako ay nagustuhan at sumabunot pa sa buhok niya.

"Where did you learn that?" he muttered.

Umikot ang braso niya sa bewang ko at walang hirap na sinampa ang isang binti ko sa bewang niya. He placed his leg in between my thighs as a support for my body.

I think, I am lost again with his touches.

"Learned what?"  I stared into his eyes where I saw the lust he craved for.

Mas berde na ang nakikita ko sa mga mata niya. Idagdag pang puno ng pagnanasa ang mababasa roon.

"To be enticing and seductive," he nipped my earlobe after whispering.

Hindi ko maiwasang matawa nang bahagya. This is the first time I've heard such a compliment. At pakiramdam ko ay lumilipad na nga ako. Lumilipad patungong langit.

Ngunit natigil ako sa pagtawa nang marinig ang mabibigat niyang paghinga. Tila ito nahihirapan. Binalot kami ng sarili niyang init at sumunod doon ay ang paglukob din ng init sa katawan ko. Literal na init dahil pinagpawisan ako at nauhaw sa bagay na ni minsan ay hindi ko pa nagagawa. Ni minsan ay hindi ko pa natitikman. At ni minsan ay hindi ko pinangarap.

Nagising ako nang bahagya at nilukob ng takot sa nararamdaman. I never felt thirsty and was not easily enticed.  Ngunit ngayon ay nanunuyot ang lalamunan ko at nabibighani sa bawat haplos niya.

Ano ba'ng ginagawa ko at basta na lang ako nakikipagharutan sa lalaki?!

Sinubukan ko siyang itulak at kumawala sa mga hawak niya. Kahit nanlalabo ang paligid at hindi ko siya maaninag bukod sa mga mata niya ay tinalikuran ko ito. Kahit naliliyo ay pinilit kong maglakad palabas sa dagat ng mga tao.

I need to get back to my apartment! Kaya lang, pakiramdam ko ay lalong umiinit ang katawan ko at ang paligid ko. Nanunuyo ang lalamunan ko at kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. This is no longer healthy, but the thrill factor is unquestionably high.

Napatigil ako nang may kamay na humawak sa siko ko. Naglakbay mula roon ang init hanggang maglakbay sa buong katawan ko. My mind was battling between going home and staying to have a good night.

Wake up, Frey! Wake up!

But I couldn't get myself to wake up.  Mas lalo lang yata akong nalunod sa init na nararamdaman. Nalugmok at mahihirapang umahon.

"You wanna go somewhere?" rinig ko iyon kahit bumalik na ang lakas ng musika.

Nae-estatwa ako lalo na at alam kong nasa likod lamang siya. His touches shiver me. Kakaiba at nakapapaso. Sa tingin ko, siya ang kina-uuhaw ko. At hindi nga ako nagkamali.

Mula sa siko ay naglakbay ang kamay niya papunta sa bewang ko. Hinapit niya ako at mahigpit na hinawakan.

Ngunit binalot ng kaba ang d****b ko nang hatakin ako nito palabas. Marahas at kahit pigilan ko ay natatangay ako.

Bumabalik ang matinong kaisipan ko.

Hindi ko gusto nito!

I want to go home!

This is not right!

"Please, stop. Ayaw ko!" sumigaw ako ngunit tila hindi niya ako naririnig.

Pinilit ko pang pumiglas ngunit mahigpit ang naging hawak niya.

Gusto ko nang maluha ngunit natitigil sa tuwing nararamdaman ang init ng katawan ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

I am craving it and want it, but I also want to get away with it!

Pabalya niya akong sinakay sa sasakyan at marubdob na hinalikan.

Then I became disoriented once more. Heat engulfed me, causing me to sink in pleasure.

"Let's go somewhere," he whispered.

|Y_S|

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status