Share

KABANATA 34

"Pasensya na po, Ma'am. Pinapauwi na po kasi ako ni Mama sa probinsya."

Inabot ko ang resignation letter ko kasama ang iilang folders.

"Sayang naman, Ma'am Frey. Gusto pa sana namin na makatrabaho ka nang matagal," malungkot na saad nito.

"Pasensya na po talaga, Ma'am. Pabigay na lang po sa mga bata ang ginawa kong certificate para doon sa performance nila last foundation day."

Wala naman akong choice. Ayokong ma-hook ulit sa pagtuturo tapos aalis din naman.

"Sige, ako na ang magbibigay. Ayaw mo ba ng salo-salo bago ka umalis?"

"Hindi na po siguro. Sige po, uuna na ako. Maraming salamat po ulit." Tumayo ako at sinukbit ang bag sa balikat ko.

"Kung gusto mong bumalik, okay lang. Welcome ka rito. Thank you also, Ma'am Frey." Kinamayan ako nito at hinatid pa sa pintuan ng office niya.

Kumaway pa ako ng isang beses bago umalis.

Maaga pa lang at makulimlim na. Sa tingin ko ay uulan ulit.

Nag-abang ako ng jeep. Gusto ko

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status