Share

GAME 2: CUSTODY

The cold breeze of December blew one fine afternoon. Halos tahimik ang buong paligid nang makaalis na ang mga nakiramay para sa paglibing sa aking mga magulang, at tanging huni lang ng mga ibon at lagaslas ng mga dahon sa puno ang ingay sa buong paligid.

Matapos makapagbigay ng pakikiramay ang mga malalapit na kaibigan at kung gaano sila nalungkot sa biglaang pagkawala ng aking mga magulang, pinili kong magpaiwan sa mga puntod. Wala sa sariling nakatayo at nakatitig ako sa tatlong lapida habang yakap ko ang larawan na iginuhit.

Napahagulgol muli ako nang maramdaman ang mabining hangin na humaplos sa balat ko. Pakiramdam ko ay yapos iyon ni Mommy.

I missed them so much!

Bakit kasi ako?

Sa dinami-rami ng bata sa mundo, bakit kailangan ako pa talaga ang mawalan ng mga magulang?

Ang malala ay sabay Niyang kinuha sila sa isang iglap!

"Here. Tahan na," a manly voice echoed at my back.

Napasinghap ako. Kaagad kong nilingon ang nagsalita. Behind me was a young man in his white button-down polo and maong short. Malabo man ang paningin, malinaw ko pa ring naaninag ang mga madidilim niyang mga mata.

Nakalahad ang kanyang kamay para iabot sa akin ang puting panyo at sa kaliwa naman, hawak niya ang itim na payong at dali-daling sinukob ako.

"R-Ryu..." I called, almost a gasp, as I locked his body with my skinny arms.  

Sa isang iglap, kasabay ng mga luha ay bumuhos ang malakas na ulan. But the moment I saw him standing up in front of me in the middle of the rain... he gave hope to me. Like a rainbow after the rain, he lightened up my gloomy sky.

I was thankful that I have him—as a friend. Kahit hindi naman talaga iyon ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

Ryu was three years older than me. Pero hindi naman yata masama na magkaroon ka ng paghanga sa mas matanda sa iyo.

"I-I'm sorry," nahihiya kong sabi matapos kong pakawalan siya sa mahigpit na yakap.

Nag-init bigla ang mga pisngi ko!

My eyes avoided his gaze. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

I breathed slowly to calm myself.

To calm the loud beats of my heart.

And to calm my shaking knees.

He chuckled. "It's okay. Come here. I know you need it right now."

Nagpatianod naman ako nang hinila ako ni Ryu at muling ikinulong sa isang bisig niyang malaya. Mas lalo tuloy naghuramentado ang puso ko sa pagkakadikit ng mga katawan namin.

Iginiya niya ako papasok sa kotse niya na ikinatuwa kahit papaano ng aking puso.

Sa loob ng kotse, tahimik si Ryu. Habang ako ay nakatitig lang sa portrait ng family ko kasabay ng pagragasa ng luha sa mga pisngi ko. Maliban sa mahihinang pagsinghot ko, wala nang iba pang ingay sa loob habang nagpapatila kami ng ulan doon. But like my tears, the rain seemed won't stop!

Mabango sa loob ng kotse lalo pa na naghalo ang panlalaking pabango, panigurado na kay Ryu iyon. I already smelled that mint scent when I was with him. Pero ngayon, hindi ko magawang ma-appreciate ang bango dahil sa pagbabara ng ilong ko sa kakaiyak.

Ryu sighed problematically. "Kuya Ramon, sa Panganiban Coast tayo..."

Hindi sumagot ang driver.

Naramdaman ko na lang ang pag-andar ng kotse hanggang sa matanaw ko na ang malawak na puting baybayin kalaunan.

Tumila na ang ulan kaya't kitang-kita na ang matingkad at pinong puting buhangin na nakalatag sa dalampasigan. Dahil sa sobrang pagkamangha, hindi ko napigilan ang sariling bumaba kaagad.

Ryu stopped me.

Ramdam ko ang pag-aalala sa baba ng tawag niya sa pangalan ko. Pero huli na dahil nakaapak na ang likod ng doll shoes ko sa buhanginan. Agad akong tumakbo palapit sa dagat. And suddenly, salt air filled my nostrils.

Bahagyang sumabog ang buhok ko nang umihip ang may kalakasang hangin. Kasabay rin noon ay ang paglagkit ng balat ko.

Oo, nasa isang isla kami nakatira pero ni minsan, hindi pa ako nakalapit nang ganito sa dagat.

Hooked and fascinated, I almost won't stop running until I felt that my shoes were both soakings.

I stopped.

Narinig ko ang mababa at mahihinang halakhak na nakasunod sa akin.

"It seems like it is your first time, huh?"

I shrieked when I heard his low baritone voice at my back. I heaved a sigh, freeing myself from the devastation and loneliness that I had been facing since my parents died.

Siguro hindi naman masama na makaramdam ng kaunting saya matapos ilibing ang mga magulang ko.

"Ahm... oo," amin ko.

Nag-init ang mga pisngi ko nang marinig ko ulit ang mararahan niyang halakhak.

"Come here," aniya sabay pulupot ng mga braso niya mula sa likuran ko.

Lumakas ang pagpintig ng puso ko at tila tumigil ang lahat na bagay na nasa paligid nang lumapat ang katawan niya sa likod ko. Nagbigay iyon nang kakaibang init at nagpadaloy ng kuryente sa buong sistema ko. Nagpagising sa mga paruparong nananahimik sa loob ng tiyan ko.

"I hope you feel better now..." sabi niya, mas hinigpitan pa ang pagyakap sa akin.

Ingrata ako kung sasabihin kong walang epekto ang yakap niya sa akin. Yes, I still mourning my parents' loss. Pero gumaan kahit papaano ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko dahil kay Ryu.

Ryu Dela Costa is quite popular in the school, not because he's intelligent and talented. It was because he's sporty and handsome, and his sex appeal is oozing!

Alam ko iyon lalo na kapag naririnig ko ang pagtatapat ng kapuwa batang babae sa kanya at palihim na pinapantasyahan siya.

At the age of thirteen, I know he has a girlfriend now. Meredith ba ang pangalan noon? Cheska? Mary? Or Elizabeth?

I don't know.

Lahat kasi sila, kini-claim na nobyo nila si Ryu.

"Thank you for today, Ryu," I said shyly as my eyes drifted to the beautiful sunset.

Parehong nakaupo kami sa buhanginan, nakasilong sa ilalim ng puno ng niyog at nagpapahinga matapos ang mahabang paglalakad namin sa dalampasigan.

The orange blast of the sunset on us relaxed every bit of me. Ganito pala ang pakiramdam kapag pinapanood ang paglubog ng araw.

Magaan.

Maaliwalas.

Nakatutunaw.

"Anything for you," he whispered, and then he stood up after. "Maggagabi na. Uwi na tayo."

I let out a sigh.

Bigla akong nalungkot na uuwi na kami. Sobrang bilis talaga ng oras lalo na kapag nag-i-enjoy ka sa iyong ginagawa. Tumayo ako at pinagpagan ang puwetan ng aking itim na bestida.

I cleared my throat.

Inipon ko ang lakas para itanong ang kanina pang gumugulo sa isipan ko. "Sabi mo kanina... I should smile and be happy. Paano ko gagawin iyon kung... w-wala na ang mommy at daddy ko?"

Nagbara ang lalamunan ko at namasa ulit ang mga mata nang itanong iyon.

Hindi siya kumibo.

Yumuko ako para pigilan ang pagtulo ulit ng mga luha ko.

I took a deep breath and continued talking. "Siguro... madali lang sabihin iyon para sa iyo dahil... nariyan pa ang mga magulang mo—"

"Magulang lang," putol niya sa akin.

Napaangat ang mga mata ko sa kanya at kumunot ang noo. Nakita ko ang hilaw niyang ngiti bago siya nag-iwas ng tingin sa akin. "Huh? Anong ibig mong sabihin? Kasama mo si Engineer Dela Costa, 'di ba?"

Humina ang boses ko nang bigkasin ko ang huling mga salita.

"Uhm." Ryu nodded.

"Don't tell me..."

A gasp escaped from my mouth as realization hit me. My hand immediately flew to my mouth to cover its sudden opening. Hindi kaya...

Hinarap niya ako at seryosong lumapit para yakapin.

"It means..." I trailed off; my eyes grew even more extensive. "I'm so sorry, Ryu."

Umiling siya at mapait na humalakhak. "Sorry? Para saan naman?"

"Ahm... For asking?" I said, guilty.

    

He laughed at me because of that.

Hindi ko inakala na ang isang masiglahing si Ryu, may pinagdaraanan din pala kagaya ko.

His mother died because of a heart attack a year ago. Gaya ko, sa isang iglap lang kinuha sa kanya ang mama niya. Hindi ko alam. Pero tama nga siya, hindi lang ako ang may pinagdaraanan na ganito. Marami pa ang may mas mabibigat na dinadala kaysa sa akin.

Madilim na nang maihatid ako ni Ryu sa mansyon. Sinalubong ako nina Yaya Dores at Tita Ingrid na may pag-aalala sa kanilang mga mukha. I told them that I was okay. Pero hindi iyon sapat kaya pilit tinanong ni Tita Ingrid kung saan ako nanggaling.

I just told her that I fell asleep in some random coffee shop near the Cemetery because of the hard rain. Sa huli, naniwala naman sila at hinayaan na akong magpahinga matapos makapaghapunan.

"Kanino mapupunta ang kustodiya ng bata, Attorney Agoncillo?" si Tita Ingrid, puno ng interes ang kanyang boses.

"Relax, Miss Concepcion! Take it easy, okay? Nang hindi naman napaghahalataan na sa mana ka lang interesado at hindi sa bata."

"And who do you think you are? Ikaw ba ang kinakausap ko?" tumaas ang boses ni Tita Ingrid.

"I'm Riley Dela Costa, Celestine. Baka nakalimutan mo." A bark of manly laughter thundered.

"Goodness! I know! Hindi ako bobo, Engineer Dela Costa!"

"Riley and Celestine, please stop arguing like a child! Hayaan niyo muna akong tapusin kung anong nakasaad dito sa papel, puwede ba?"

Pababa pa lang ng hagdan kinabukasan, dinig ko na ang mga boses nila sa salas. Tila napaka-importante ng pinag-uusapan nila.

    

Kagigising ko lang at tutungo sana ako sa dining room para sa agahan nang umagang iyon. Pero dahil sa lakas ng mga boses nila, tila nagtatalo, kaya natigilan ako. Napukaw ang kuryusidad kaya himbes pumunta ng hapag, umikot ako at dumiretso sa salas kung saan sila naroroon. 

In front of Tita Ingrid was a respected man in his black tuxedo and had thick eyeglasses standing up at the tip of his Greek nose. His eyes were almost shut as he read the context of the paper laid beneath his black suitcase.

As I remembered, he was Attorney Renato Agoncillo, our family lawyer. And beside him, a family friend, Engineer Riley Dela Costa, also in his corporate attire. Mukhang papasok pa lang sila ng opisina. 

It was one fine Sunday in January. Isang buwan na rin ang nakalilipas nang mawala ang mga magulang ko. Pero tila kahapon lang nangyari ang lahat. Hanggang sa puntong iyon ng buhay ko, umaasa pa rin ako na baka panaginip lang ang lahat. Na bukas, magigising akong naririto na silang muli.  

Inubos ko ang oras nang mag-Bagong Taon sa pag-iyak at pagkulong sa aking kuwarto. Ilang beses akong kinatok ni Yaya Dores pero hindi ko siya pinagbuksan. Gusto ko lang nang mga oras na iyon ay ang mapag-isa. Gusto ko ng katahimikan kahit hindi naman nangyari nang magsapit ang hatinggabi dahil sa ingay ng mga paputok sa labas.     

Nagdalawang-isip din akong ipagpatuloy pa sana ang pag-aaral nang magpasukan. Kung hindi dahil kay Yaya Dores, hindi na sana ako makukumbinsing pumasok pa.

"Hija..." tawag ng boses ng isang matanda sa likuran ko.

Horror spread on me and in an instant, cold enveloped my body. My hand flew on the top of my chest as if it could stop my heart from beating fast. Nanginginig ang kamay, pinunasan ko ang namuong pawis sa noo ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Yaya Dores lang pala ang kumalabit sa akin.

Akala ko ay iyong multo na sa movie na pinanood ko kagabi!

"Yaya Dores, nakakagulat ka naman po!"

  

Yaya Dores chuckled. "Pasensiya na, Hija. Handa na kasi ang pagkain mo sa hapag. Inakyat kita sa kuwarto mo pero wala ka na roon."     

I nodded.

Huminga ako nang malalim at naiiling na lang na ikinalma ang sarili. Kumunot ang noo ko nang makitang sumisilip si Yaya Dores sa salas, kung saan ako nakatingin kanina.

"Bakit ba kasi narito ka lang sa hamba at nagtatago?" Bumuntong-hininga si Yaya Dores saka kunut-noong hinarap ako. "Kung puwede ka namang makisali sa usapan nila?"   

Umiling ako. "Hindi po ako kailangan doon, Yaya Dores. Bata pa po ako para makisali sa usapan ng matatanda."

"Karapatan mo iyon, Hija! Lalo pa't kayamanan ng mga magulang mo ang pinag-uusapan nila doon..."   

I bit my lower lip.

Bigo akong nag-angat ulit ng tingin kay Yaya Dores. Yes, I have the rights. Pero gaya nang sinabi ni Attorney Agoncillo sa usapan... bata pa ako. Walang pang kakayahan. Wala pang maiintindihan. At wala pang karapatan sa mana ng mga magulang ko not until I reached the legal age.

At isa pa, sino ba naman ang makikinig sa boses ng isang bata lamang?

Wala.

"Hija..." nag-aalalang tawag ni Yaya Dores. Marahan niyang inabot ang siko ko.

  

Agad akong umiling. Pagod na ngiti ang umukit sa labi ko. Those decisions came from my parents. Siguradong malinaw ang mga isip nila nang gawin ang desisyon na iyon. Sino ba naman ako para kuwestyunin iyon?     

Iniwan na ako ni Yaya Dores dahil may gagawin pa raw siya sa kusina. Samantalang ako, pinagpatuloy ang palihim na pakikinig sa tatlo kahit gusto nang itigil dahil medyo mainit na ang batuhan ng mga salita nina Tita Ingrid at Engineer Dela Costa sa isa't isa.    

Tita Ingrid accused that the last will was a fraud. Ayon sa kanya, may ginawang kalokohan daw sina Attorney Agoncillo at Engineer Dela Costa sa papel.

"I knew it! Iyon din ang dahilan kung bakit naririto 'tong Engineer na ito, 'di ba?" Galit niyang dinuro si Engineer Dela Costa. "This is all a scheme!"

Kay Tita Ingrid napunta ang custody ko, ang Leesteel, ang mansyon, at ang iba pang mga ari-arian na naiwan nina Mommy at Daddy. At kay Engineer Dela Costa naman, ang pamamahala ng LEC.

"This is all a fraud, Attorney Agoncillo!" Tita Ingrid told the attorney with her veins drawn lines on her neck and temple.

Attorney Agoncillo shook his head, dismay was written on his face. "Iyan ang nakalagay sa papel ng mag-asawa, Miss Concepcion. Accept it or not. In time, kapag nasa tamang edad na si Miss Lee, siya naman ang magpapalakad sa mga naiwan ng mag-asawa."    

But Tita Ingrid didn't buy Attorney's explanations! Malaki pa rin ang pagdududa niya sa naging desisyon. At patuloy niyang ipinipilit iyon.

"Tell me! I know may minapula kayo sa papel na iyan!"

Nasapo na lang ni Attorney Agoncillo ang kanyang noo habang patuloy na naiiling. Samantalang, nabulabog ang katahimikan ng mansyon ng mapanuyang halakhak ni Engineer Dela Costa. Dahilan iyon para mas magalit si Tita Ingrid.

"I'm the aunt! Parehong dugo ang dumadaloy sa mga ugat namin ni Akemi. At ikaw? Sino ka ba ha? Sino ka ba para pagkatiwalaan nina Akem at Oseanna?" Tita Ingrid pointed a finger at Engineer Dela Costa.

Engineer Dela Costa is a family friend. Kababata siya ni Daddy. Isa rin siya sa kasama ni Daddy nang itayo ang LEC. Daddy trusted him so much. Kaya ang sabihin ni Tita Ingrid na hindi siya mapagkakatiwalaan?

I doubt it.     

Karapat-dapat naman talagang mapunta kay Engineer Dela Costa ang LEC. Alam kong maaalagaan niya iyon at mapapalago pa. He's a trustworthy person. I know. Kaya nga buo ang tiwala ni Daddy nang ipaubaya sa kanya ang pamamahala ng Leesteel noong nabubuhay pa ito.

Engineer Dela Costa just gave Tita Ingrid sarcastic chuckles as his reply.

I sighed.

Hinayaan ko ang sarili kong matangay ng mga iniisip, gaya ng mabilis na paglipas ng mga araw. Sumapit ang sumunod na Linggo. Wala sa sariling sinundan ko ng tingin si Yaya Dores nang iwan ako sa salas at umakyat siya sa hagdan.    

Lumuwas ng Maynila si Tita Ingrid kaninang madaling araw. Nanatili ako sa salas matapos niyang magpaalam. Hindi ako gutom nang yayain ako ni Yaya Dores ng agahan. Pero nang dalawang oras na ang lumipas, hindi ko na mapigilan ang sariling lantakan ang pagkain na hinatid ni Yaya Dores.     

I burped loudly after the last spoon of fried rice that I put inside my mouth. Agad akong sumimsim ng tubig sa baso at napadighay muli. Ang bigat ng pakiramdam ko. Tila ngayon lang ulit ako nabusog nang ganito katindi.    

Biglang kumunot ang noo ko nang sumilay saglit sa aking isipan ang nangyari noong nakaraang linggo dito sa salas nang mahagip ng mga mata ko ang maliit na piraso ng papel. Nakapatong iyon sa ibabaw ng mga magazine na nakapatong sa ilalim ng center table.

Tita Ingrid tore the paper Attorney Agoncillo holding that day. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang tensyon sa pagitan niya at ni Engineer Dela Costa nang araw na iyon. Iyong hindi isang simpleng hidwaan ang namamagitan sa kanilang dalawa. Like it was deep-rooted. Hiling ko lang, sana ay maayos na ang problema nila sa isa't isa. My parents trusted them and I know, they both deserve it!     

Malinaw na ang isip at kalooban ko nang magpasya akong maglakad-lakad muna sa labas ng mansyon. Magpapababa sana ako ng kinain bago aakyat ulit sa kuwarto at matulog.

Kalmado na.

Tahimik na.

Not until I reached the staircase at the entrance.     

In a snap, my face got heated.

Kaagad tumambol nang malakas at mabilis ang aking puso.

Anong ginagawa niya rito?

"R-Ryu—" my lips trembled.

Then, I saw how a sweet smile crept on his red thin lips after licking it. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Ano ba naman, Akemi! Simpleng maong shorts at itim na T-shirt lang ang suot niya! Kung makabuka ka ng bibig ay sa harap niya pa mismo!

"Hi!" He waved his hand. 

I bit my lower lip and smiled inwardly. "H-Hello..."

"Kumusta? You feeling okay now?" he asked when he reached the step where I was standing; he kissed me... on my cheek. 

  

I was stunned.

Hindi ako nakasagot.

Tila na estatwa na ako sa kinatatayuan dahil sa ginawa niya.

Hinalikan niya ako—sa pisngi!

Hihimatayin yata ako.

Ryu waved his hands in front of my face. "Okay ka lang?"

Tumango ako, wala sa sarili.

"Talaga? Mukhang hindi. May sakit ka ba? Namumula ka," nag-aalala niyang tanong at hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko para sumagot.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status