Share

GAME ONE: RAIN

Kung kailan dapat masaya ka, saka naman mawawala sa iyo ang lahat. Na para bang bawal kang makaramdam ng kasiyahan dahil hindi mo ito deserve. Na wala kang karapatan dahil nasa sa iyo na ang lahat. Name. Wealth. Power. And anything.

Sa nanlalabong mga mata, titig na titig ako sa telebisyon at hindi ko alintana ang paglandas ng luha sa aking mga pisngi. It's one of the cold days in December. Pero iyong balita kaninang umaga ay mainit at nag-aalab. Parang nagbabagang apoy iyon na tinupok ang mura at inosente kong puso.

"Two of the most successful business couples in the Philippines were declared dead on arrival this morning. Engineer Akem Jhyun Lee and his wife, Architect Oseanna Lee, had a plane crash after their business trip in Palawan..."

My teary eyes remained on the television as my parents' pictures were flashed after a popular female newscaster had declared the headline. My heart started to beat fast and loud. Hindi ako makapaniwala sa napanood ko. But the footage and information were all there. Pero wala akong maintindihan kahit isa!

Maybe because I was still holding on to my parents' promise that they will come home early today. Umaasa na baka marahil, gawa-gawa lang ng may mga galit sa kanila.

But I doubt it!

Sino ang maniniwala?

Kahit ako ay saksi sa pagiging mabuting competitor ng mga magulang ko. They all praised them. Naalala ko nga noon na may party kaming dinaluhan at doon, may mga parangal silang natanggap.

"H-Hindi... M-Mommy... D-Daddy... H-Hindi p-puwede," my lips trembled as my eyes drifted to the clothes of the two-person lying on the stretcher.

The man was in his white long sleeve and black slacks while the woman was beautiful in her yellow dress. Sa pagkakatanda ko, ganoon din ang suot nina Mommy at Daddy nang umalis sila ng mansyon kahapon...

"Yes, Mr. Fruego. Everything's fine. Yes. Paalis na kami," si Daddy sa kausap niya sa cellphone.

Iyon ang unang agahan na naabutan ko sila sa hapag. Sa sobrang busy kasi nila sa trabaho, ang alam ko, umaalis sila ng mansyon madilim pa lang.

To get the chance... sinulit ko ang pambihirang araw na iyon at ipinaalam ang gusto.

"Mommy... Daddy... Kailangan ninyo po ba talagang umalis? I mean, it's already Christmas vacation. Puwedeng dito na lang po kayo?"

Napatingin si Mommy sa akin, sa kay Daddy, at bago muli akong hinarap na may matamis nang ngiti. Binaba niya ang kanyang cellphone sa lamesa at saka inabot ang mga kamay kong naglalaro sa aking kandungan.

"Sweetie, alam mo naman kung para saan 'tong ginagawa namin ng daddy mo, hindi ba?"

Bigo akong yumuko at tumango. "O-Opo."

It was all for my future. Iyon ang laging rason nila tuwing aalis sila. Bata pa lang, sanay na akong laging wala ang mga magulang ko araw-araw dahil sa trabaho.

Lumalago na kasi nang panahon na iyon ang mga kompaniyang itinayo ni Daddy.

Naging in demand at matunog kasi ang mga kompaniya sa iba't ibang parte ng bansa kasi bago.

Alam ko noon, halos malalaking tao rin sa business ang mga naging parokyano nila kaya agad na naabot ng mga kompaniya ang r***k sa larangan ng konstruksiyon.

Nasa Maynila rin ang pangunahing company nila bukod roon—ang LEC. Samantalang narito naman sa isla ang Leesteel, taga-angkat ng mga materyales. Mi-minsan nilang bisitahin pero lumago pa rin nang husto.

"We have to go, Oseanna," Daddy said as he stood up.

Tapos na yata siyang kumain kahit hindi man lang nabawasan ng isang kutsara ang kanyang pagkain.

"Okay," si Mommy sabay simsim ng tubig sa baso niya.

Lumapit si Daddy sa kinauupuan ko, lumuhod para magpantay kami. Niyapos niya ang pisngi ko at bahagya akong napangiti sa rahan ng yapos niya.

"We have to go, Baby. Uuwi rin kami bukas nang maaga," sabi ni Daddy.

"Talaga po? Promise po 'yan?" medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Tumango si Daddy. "Anong gustong pasalubong ng baby ko?"

"Umuwi lang po kayo ni Mommy bukas, Daddy... okay na sa akin kahit walang pasalubong!" sabi ko sabay iling.

"We love you so much, Sweetie! Always put that on your mind. In time... mauunawaan mo rin ang lahat," maluha-luhang sabi ni Mommy.

"I love you, po!" sabay yakap ko sa kanilang dalawa.

Nakatutuwang isipin na sa murang edad, hindi naging mahalaga para sa akin ang mga materyal na bagay. Naging mas importante sa inosenteng isip ko, ang kung gaano kahalaga ng pagkakabuo ng isang pamilya. Bunga iyon ng mga araw na pagkakawalay ko sa kanila at inggit para sa mga kaklase ko. Umaasa na kahit isang araw man lang sa isang linggo, magkakasama kami.

Naiintindihan ko dati ang lahat. Not until Yaya Dores told me everything about my passed sister. Wala silang nabanggit tungkol sa kanya na para bang wala akong karapatan na malaman ang tungkol sa nakatatanda kong kapatid. Wala akong alam na may mabigat pala silang pinagdadaanan. Wala akong alam na may kinikimkim pala silang sakit. Probably, it all started when they'd lost her.

Dahil doon ay nabuhay ang inggit ko para sa aking yumaong kapatid. At least siya, naranasan niya kung paano maalagaan ng mga magulang namin. Hindi gaya ko, namulat lang sa alaga ni Yaya Dores.

"Kinuha ng mga bandidong lalaki ang Ate Acki mo. Maulan noon at bumabagyo. Mahimbing ang tulog namin nang hatinggabing iyon..."

Naalala ko ang lungkot sa boses ni Yaya Dores nang magkuwento siya tungkol sa krimen na iyon. That was the biggest turning point in my parents' life. Iyong dating masiglahing mag-asawa raw at puno ng positibo sa buhay, kinain ng kalungkutan at desperasyon para sa ilang buwan na pagkakawala ng anak.

Stressed, sinuyod nila ang iba't ibang lugar at kasuluk-sulukan ng isla araw-araw. Until one stormy night came, they were all surprised when they found Ate Acki inside her room—bloody and lifeless. Halos hindi na makilala ang sanggol dahil sa mga tinamong sugat sa mukha at sa ilang parte ng katawan nito. Patunay na nagdaan ito sa marahas na kamay ng salarin.

Na-depress ang mga magulang ko nang husto simula noon. Lalo na nang walang nakapagturo sa mga salarin at hindi nabigyan ng hustisya ang anak.

Para makalimot, itinayo ni Daddy ang Lee Engineering Company kasama ang malalapit niyang kaibigan. Na sinundan naman kaagad ng Leesteel.

I sighed.

The sun almost burned my skin one fine afternoon. Kahit ganoon katindi ang init ng sikat ng araw, hindi naging sapat iyon para pawiin ang lamig sa puso ko.

Wala sa sariling nakatayo ako sa labas ng gate ng mansyon, nakatanaw sa malayo at nag-aabang sa pagdating ng aking mga magulang. Umaasang makikita, mayayakap, at mahahagkan ko pa rin silang muli.

Halos limang oras na rin ang nakalipas simula nang mapanood ko sa balita ang tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko. Patay na sila. Pero heto ako, patuloy na umaasa. Nagbabaka-sakali na sana'y panaginip lamang ang lahat at muli kong matatanaw pa ang pamilyar na anyo ng itim na kotse, sakay sila kahit imposible na.

Biglang lumilim sa bahagi kung saan ako nakatayo. Napatingala ako at nakita ang itim na payong na sumusukob sa akin. Napako saglit ang mga mata ko roon bago ako dahan-dahan na bumaling sa nagmamay-ari niyon.

Nang makita ang nag-aalala niyang mukha, sa isang iglap ay bumuhos muli ang mga panibago kong luha.

"Pumasok ka na, Hija, at kumain. Hindi ka pa nananghalian. Baka magkasakit ka na niyan."

Binalewala ko ang kanyang sinabi. "I s-saw the news, Yaya Dores. Sina M-Mommy at Daddy po iyon. Hindi po iyon totoo, 'di ba? Hindi pa patay sina Mommy at Daddy, 'di ba?"

"Diyos ko, Hija!"

Nanginginig ang mga kamay na inabot ako ni Yaya Dores at niyakap nang mahigpit. Malinaw kong natanaw ang awa sa namumula niyang mga mata. Sigurado akong awa iyon dahil naging mata at tainga siya para sa mga hinaing ko sa araw-araw na naiiwan ako sa mansyon.

I pity myself, too!

Hindi ko lubos maintindihan kung bakit naranasan ko ito sa ganitong kamurang edad. Oo, matalino ako at laging top sa klase pero hindi ko maintindihan kung bakit ako? Bakit hindi na lang iba? Tutal ay lagi naman nilang nakakasama ang kanilang mga magulang. Ako? Gusto ko lang naman ay mabuo kami sa araw ng Pasko. Maranasan kung anong pakiramdam kapag nasa tabi ko ang aking mga magulang habang sinusulit namin ang bakasyon. Ang pakiramdam nang personal kaming nag-aabutan ng mga regalo sa isa't isa.

Naalala ko iyong ginuhit ko para sa kanila. It was a portrait of our family. Pitong araw na lang ay Pasko na. Iyon sana ang magiging regalo ko para sa kanila. Nga lang, hindi ko na maibibigay pa dahil wala na sila.

Bakit ang aga Niya kasing kinuha sina Mommy at Daddy?

Marami pang mga katanungan ang naglaro sa isip ko lalo na nang makita ang mahal kong mga magulang sa loob ng puting kahon—white and lifeless. Gaya ng katahimikan ng gabi, tila mahimbing din silang natutulog at nagpapahinga.

Am I a bad daughter, then?

I cried harder in front of my Daddy's coffin. Daddy's girl kasi kahit namana naman sa mommy ko ang aking hitsura at ugali. Ang pagkaputi ng balat, bilugan at malalalim na mga mata, manipis at matalim na ilong, at malambot na panga. Namana ko ang lahat sa Half-Chinese at Half-Spanish kong mommy.

Yaya Dores was at my back, trying to comfort me but she failed when I heard her sobs, too. "T-Tama na, Hija. Isipin mo kung nasaan man sila... nasa mabuti na at masaya na sila..."

Hinarap ko siya at sobrang basang-basa na ang mga pisngi ko. "Masaya?" Hinabol ko ang aking hininga at pinunasan ang mga pisngi bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Bakit hindi nila ako sinama kung ganoon? H-Hindi ba nila ako... m-mahal?"

Mabilis na umiling si Yaya Dores at niyapos ang ilalim ng panga ko. "Hindi! Mahal na mahal ka ng mga magulang mo—"

"Kung mahal nila ako... then, why? Bakit nila ako iniwan? Nakukulitan na ba sila sa akin? Si Ate Acki? Kasama na ba nila si Ate Acki? Mas pinili nilang samahan siya kaysa sa akin?"

Hindi nakaimik si Yaya Dores. Panay ang iling niya at pagsinghot. Malinaw sa namumula niyang mga mata ang awang kanyang nararamdaman para sa akin.

Sinulyapan ko ang malaking picture ni Mommy sa tabi ng kabaong at mga puting bulaklak. Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Yaya Dores.

Siguro nga, hindi ako naging mabuting anak sa kanila. Iniwan nila ako dahil masama at makulit akong bata. Kahit nga si Yaya Dores, hindi masagot-sagot ang mga tanong ko. Paano na ako ngayon? Ano na ang mangyayari sa akin pagkatapos nito? I am just ten. And how can I handle this situation? Paano ang mga kompaniya? Ang mga ari-arian ng mga magulang ko? Ang lahat?

"God, Oseanna! What happened to you?!"

Napatigil ako sa pag-iyak at sa pagtatanong sa sarili nang marinig ko ang sigaw na iyon. Hindi lang ako ang natigilan kung hindi maging ang mga naroroon na nakikiramay.

Suminghap ako at nilingon ang babae. Nanlalabo man ang mga mata, naaaninag ko pa rin ang hitsura niya habang madramang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo ng Chapel.

Silence suddenly enveloped the entire room. Walang nagtangkang magsalita, kuwestyunin ang pagdating ng babae habang patuloy na naglalakad ito at hindi alintana ang pagtataka ng mga naroroon.

The woman in her mid-thirties is well-toned in her black Sheath dress. Her pony-tailed auburn hair fiercely emphasized her heart-shaped face. With surprise and dismay, her eyes started looming tears. Like an antagonist in some movies that I had watched—sophistic, bold, and prim—she made her way to where the coffins were.

"Why does this happen to you, my poor Oseanna? Bakit? Bakit hinayaan ni Akem na mangyari sa 'yo ito? I told you! Ipapahamak ka lang ng lalaking 'yan!"

Kumunot ang noo ko at napasinghap.

"Wala talagang kuwenta ang lalaking 'yan! Noon pa man! I warned you about him so many times. Pero, ano? Hindi ka nakinig sa akin! Ano tuloy ang napala mo sa lalaking 'yan, ha?"

Patuloy ang pagtatangis niya sa harap ng kabaong na tila sasagot si Mommy sa kanya. Masakit ang binibitiwan niyang mga salita. Masakit iyon para sa akin, lalo na dahil lahat ng sinasabi niya ay nakatuon para sa walang kamalay-malay kong Daddy.

"That's not true! Walang kasalanan si Daddy! Mahal na mahal niya si Mommy! Alam ko, hindi niya hahayaang masaktan si Mommy!"

Hindi ko na nakayanang manahimik.

That's too much!

She's too much!

Kung sasaktan niya ako dahil hindi ko siya nirespeto, at least, naipagtanggol ko naman kahit papaano si Daddy.

"And who are you?" she asked me with her menacing eyes.

Tears rolled down my cheeks. My heart was sore at what she said. Her words were like a sharp knife, cutting my heart into millions of pieces. Nag-iinit ang mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang sobrang galit para sa kanya. Sino ba siya? Himbes na makiramay, pinapagalitan niya pa ang malalamig ko nang mga magulang!

"Ikaw ba ang anak nina Akem at Oseanna?" She groaned and laughed after. "Too crazy of me to ask that!" she whispered. "Sorry, Hija. Anyways, it's obvious! Your deep and round eyes resemble her."

"O—"

Sasagot sana si Yaya Dores at sasang-ayunan ang sinabi ng babae kaso agad siyang pinutol nito.

"I know right!"

Tumaas ang kilay ng babae pero umamo naman kalaunan. Bahagya siyang lumapit sa amin pero tumigil din kaagad. Mariin niya ulit akong tiningnan mula ulo hanggang paa at pabalik, nanunuri ang kanyang mga mata.

I gulped.

Mabilis akong umikot at nagtago sa likod ni Yaya Dores. Nakakatakot ang mga mata niya! Mi-minsan kong sinulyapan ang babae at napagtantong, nakakatakot pala ang mga matang may kulay hazel brown?

I was fascinated with different eye colors, but apart from her! I love my Mommy's mysterious, innocent, and profound brown eyes. Iyon ang namana ko sa kanya at hindi ang itim na mga mata ni Daddy.

Lumapit nang tuluyan ang babae at napakapit ako nang husto sa laylayan ng uniporme ni Yaya Dores.

"Hija... Kapatid ako ng Mommy mo. I'm your Tita Ingrid. I know mahirap at masakit ito para sa 'yo. But I am here now..."

Lumambing yata ang boses niya?

Bahagya kong inilabas ang ulo ko sa gilid ni Yaya Dores para sulyapan ang babae.

Kapatid siya ni Mommy?

"From now on, I will be your mother, Hija."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status