THIRD PERSON POV
“Bakit niyo ba kami pinapapili kung sino sa inyo ang sasamahan namin?” sigaw ni Karina sa mga magulang. “Bakit? Kayo ba, noong mas pinili ninyo ang babae at lalaki niyo, pinapapili niyo ba kami? Ha? May narinig ba kayo mula sa amin?” buwelta niya sa mga magulang, dahil hindi na niya kayang kimkimin ang sama ng loob. Gulat naman ang mga magulang ng dalaga at hindi siya matingnan sa mata dahil sa kahihiyan. Hindi rin nila naisip na may mga anak silang nasasaktan at naiipit sa sitwasyon. “Karina, how could you talk to your parents that way?” galit na saway ng Tita Kara niya, kapatid ng kanyang daddy Alfred. “Bakit niyo ba kami pinapahirapan, Ma at Pa?” bulong niya habang impit na humihikbi, nakayuko at puno ng hinanakit. Hindi niya magawang tingnan ang mga magulang. Si Karina ay ang nakatatandang kapatid sa apat na magkakapatid. Bilang panganay, siya ang laging nakaalalay sa tatlo niyang kapatid na lalaki. Dalawampu’t tatlong taong gulang na siya, ang ikalawa ay bente, ang ikatlo ay disiotso, at ang bunso ay sampung taong gulang. Si Karina, Dos, Ariel, at James—lahat sila ay nag-aaral pa. Nasa kolehiyo na si Karina, 3rd year na, habang si Dos ay 1st year. May kanya-kanya silang kurso. Siya rin ang nag-iisang babae sa magkakapatid. “Nak, pasensya na,” ani Karla, ina ni Karina. Lumapit ito at akma sanang hawakan ang kamay ng anak, ngunit mabilis iyong itinago ni Karina sa kanyang likuran. “Anak, please… hayaan mo munang magpaliwanag si Mama,” pagmamakaawa ni Karla, ngunit hindi pa rin siya tiningnan ni Karina. “Wala naman kayong kailangang ipaliwanag, Ma. Dahil pareho kayong may ginawang mali. Alam ko po… alam ko po ang lahat,” hikbi ni Karina. Tahimik lang ang tatlo niyang kapatid sa likuran, ayaw din nilang kausapin ang mga magulang dahil galit sila sa mga ito. “Wala kaming pipiliin sa inyo,” matapang na wika ni Karina sa mga magulang, dahilan para magulat ang mga ito. “Nak, hindi pwede… sige na, sumama na lang kayo sa akin, please…” pagmamakaawa ni Karla sa mga anak. “Sumama na lang kayo kay Papa. Mas maganda ang magiging buhay niyo sa akin, mga anak. Pagsisikapan ko lalo para sa inyo,” desperadong pahayag ni Alfred. “Kaya ko silang buhayin, Alfred. Wag mong lasunin ang utak ng mga bata,” galit na tugon ni Karla. “Bakit? Nasan ka ba noon, noong kailangan ka namin, ha? Kaya lang naman nahihirapan ang mga bata ay dahil sa’yo!” singhal ni Alfred sa kanyang dating asawa. Muli na namang nagsimulang magbangayan ang dalawa—bagay na ayaw na ayaw marinig ni Karina. “Pwede ba, tumahimik na lang kayo? Nakakarindi ang mga boses ninyo. Nagbabangayan pa kayo, nagbibilangan kung sino ang mas may ambag? Pareho naman kayong may ambag, dahil responsibilidad niyo kaming lahat. Walang mas lamang sa inyo dahil ginawa niyo naman lahat para sa amin. Nakakalungkot lang na ganyan kayo mag-isip.” Mahabang salita ni Karina. “Nak, pasensya na… pero gusto ko lang kayong bigyan ng magandang buhay. Alam kong nagkamali ako, pero sana, intindihin mo rin si Mama,” desperadong pakiusap ni Karla, umaasang bababa ang galit ng kanyang mga anak. “Ate at Kuya, hayaan niyo po munang mag-isip ang mga bata. Mas lalo niyo lang po silang iniipit,” sabi naman ni Tita Kara. “Maganda naman ang buhay natin noon, Ma e. Kaya lang mas pinili niyo ang hindi magpakatotoo sa sarili. Mas pinili niyo ang magsinungaling at magpakasaya sa labas. Just like you, Pa. Sabi mo si Mama ang unang nagloko.” ani Karina. “Pero… wala talagang saysay kung sino ang unang nagloko. Pareho kayong mali. Kaya walang sasama sa inyo. Ako ang tatayong ama at ina ng mga kapatid ko.” mahaba niyang pahayag, puno ng galit at determinasyon. Pagkatapos ay lumingon siya sa mga kapatid: “Dos, Ariel, at James—sa kwarto. At kayo namang dalawa, umalis na kayo. Hayaan niyo na kaming manatili dito sa bahay. Dumalaw na lang kayo kung gusto niyo.” Tinalikuran na ni Karina ang kanyang mga magulang at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Wala nang nagawa ang dating mag-asawa kundi umalis, taglay ang bigat ng sama ng loob laban sa isa’t isa. .... KINABUKASAN SA SCHOOL As usual, late na naman si Karina. Mapapagalitan na naman siya ng professor niyang dragon. Kahit five minutes lang siyang late, galit na galit pa rin ang matandang guro na si Mrs. Siva. Humahangos siyang binuksan ang pintuan ng classroom. Dahil kapag nakasarado na iyon, iisa lang ang ibig sabihin—nasa loob na ang professor niya. Sabay-sabay namang napatingin sa kanya ang lahat ng kaklase niya. “Fifteen minutes late… Outside!” galit na sigaw ni Mrs. Siva, nanlilisik ang mga mata at halos lumabas na ang ugat sa leeg. Karina had no choice but to follow. Bagsak ang balikat na lumabas siya ng classroom at tinungo ang palikuran upang pakalmahin ang sarili. Ayaw na niyang umiyak na naman, dahil namamaga na ang mga mata niya sa kakaiyak. Habang nasa loob siya ng cubicle, bigla niyang narinig ang mga pamilyar na tinig ng ilang babaeng kakapasok pa lang ng CR. Napakunot ang noo niya—kilala niya ang mga iyon. “Have you heard?” panimula ng isa. “Karina’s parents… separated?” Napasinghap pa sila, para bang napakalaking isyu. Para bang celebrity ang pamilya niya na dapat pag-usapan. “For real?” tanong naman ng isang estudyante. “Yes, Yuri. Poor thing,” tugon ng isa, halatang puno ng panunukso at insulto ang boses. Karina stayed quiet inside the cubicle. She just waited for them to leave. “Are you not gonna comfort your bestie?” tanong ng isa pa, si Camela, sabay tawa. “No way! I am not gonna do that. I hate her,” sagot naman ni Kaori. “Ang sama mo talaga, Kao. She’s nice and kind,” kontra ni Camela. “Nice and kind? Nah. You’re mistaken. She’s the total opposite. Mukha lang siyang anghel, pero sa loob—nasa kanya ang kulo,” ani Kaori, tumatawa pa. Karina held her breath and tried to control her emotions. Ayaw niyang gumawa ng eksena, ayaw niyang madungisan pa ang pangalan niya. Sira na nga siya sa professor niya dahil palagi siyang late, baka madagdagan pa. “Kalma lang tayo, self,” bulong niya sa sarili. “Are you done, guys? May date pa kami mamaya ni Carson,” ani Kaori bago sila tuluyang lumabas ng CR. Nang marinig iyon, biglang kinabahan si Karina. “Baka ibang Carson lang ’yon…” mahina niyang bulong. Lumabas na siya ng cubicle, nag-ayos, at saka lumabas ng CR. Mag-isa siyang naglakad pabalik sa classroom. May isa pa siyang subject bago siya lilipat sa kabilang department. Determinado siyang hindi na ma-late, baka mapahiya na naman siya. Lalo pa’t mas terror ang professor niya ngayon kaysa kay Mrs. Siva. Pagdating sa classroom, nakilala niya ang ilan niyang kaklase. At isa roon ay si Carson—ang boyfriend niyang itinago nila ng apat na buwan. Popular guy sa university si Carson, at kilalang playboy. Pero si Carson lang ang tanging comforter niya. “Okay, we will be having a surprise quiz today,” anunsyo ni Professor Frank. Sabay-sabay na napaungol at napasinghap ang mga estudyante—isang malinaw na palatandaan na hindi talaga sila nag-aral.010 AIRPORT Sinalubong ni Kennedy ang mag-inang Lucy at Luther. Isang buwan nang nawala sa bansa si Luther dahil hindi agad naaprubahan ang medical certificate ni Madame Lucy dahil sa kanyang karamdaman. Mabuti na lang at maayos na ang kanyang mga test at maaari na siyang bumiyahe nang mahabang oras. Agad silang dumiretso sa kanilang mansyon. Nami-miss na ng matanda ang lugar—ilang taon din siyang hindi nakauwi sa Pilipinas dahil sa sakit. “Welcome home, Mom,” masayang wika ni Luther. Finally, his mom is home. “I missed everything in this place,” emosyonal na sabi ni Madame Lucy. “Let’s fill this place with beautiful memories, Mom,” sabi ni Luther sa mahinahong tinig. Maingat at maalalahanin siya sa ina. Mahal na mahal niya ito. “Mom, I’ll take you to your room first so you can rest. Paghahandaan ko po kayo ng makakain, okay?” Aside from being a gentleman, Luther can cook too—he’s all-around. “Oh, yes, son. I missed your cooking,” parang nabuhayan ang ina sa sinabi ng
009 MENDEZ RESIDENCE Nakauwi na rin ang mag-ina mula sa hospital. Naka-wheelchair lang ang mommy niya dahil ayaw ni Luther na mapagod ito sa paglalakad palabas ng ospital. Hindi pa rin kasi ito ganap na magaling. May sakit ang mommy niya—stage 1 cancer at may kondisyon sa puso. Nalaman nila ang sakit niya noong biglaang pumanaw ang daddy nila dahil sa heart failure. Dahil dito, naatake ang puso ng mommy nila. Pina-operahan siya isang taon na ang nakalipas, pero bumalik rin ang cancer niya. “Welcome home, Mommy.” “Hi, Mom. I’m sorry if we didn’t visit you in the hospital.” “Kuya, you’re here.” Naroon din ang mga kapatid ni Luther. Na si Lucas, Logan, at Carla Mendez. Lucas ang sumunod sa kanya, tapos si Logan, at ang bunso ay si Carla. May asawa at anak si Lucas. Si Logan at Carla ay single pa, kasama na rin si Luther. “Good thing nandito kayo,” bungad ni Luther sa mga kapatid habang nasa kwarto na ang mommy nila. “Kuya, busy lang kami sa trabaho,” sagot ni Lucas. “
008 Tumango naman si Uno at sabay silang lumabas ng kwarto. Nagulat pa sila nang biglang sumulpot ang pinsan nilang si Kaori. “Ate Kao, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ariel habang ngumunguya pa. “Pinapasabi ni Mommy na aalis tayo bukas ng gabi. Engagement party ng Mommy niyo,” nakataas-kilay na sabi nito. “Talaga? Pasabi na lang na hindi ako interesado sumama,” galit na tugon ni Karina sabay lagpas sa pinsan. “Ang bitter mo talaga. Mama mo pa rin naman si Tita, ah. Stop being mean. Suportahan mo na lang siya.” “Shut up. Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Lumayas ka nga!” mariing wika ni Karina kay Kaori. “Next time, kung tungkol sa mga magulang ko, wag niyo nang ibalita sa amin, okay?! Wala na akong interes sa buhay nila.” “Tse!” tanging nasabi ni Kaori sabay irap at pandilat bago tuluyang lumabas ng bahay. “Hmm… kapal talaga ng mukha,” inis na bulong ni Karina nang makaalis ang pinsan. Si Kaori kasi, bukod sa pinsan niya, ay naging girlfriend pa ng ex-boyfriend n
007 KARINA’S HOUSE Pagod na umupo sa sofa si Karina, at mapungay na ang kanyang mga mata. Napansin naman ito ng bunso niyang kapatid na si James. Walang pasok si James ngayon dahil sabado kaya nasa bahay lang siya. Sampung taon gulang na rin ito, at madalas ay naiiwan sa bahay. Sa kabilang bahay lang naman nakatira ang Tita Karla nila, kaya hindi sila nag-aalala kahit minsan ay mag-isa si James. “Ate, you look tired and sleepy. You should rest muna. Ako na bahala maghanda ng hapunan natin,” malambing na sabi nito. Agad na napawi ang pagod sa mukha ni Karina, at ngumiti siya habang nakatingin sa bunsong kapatid. “Hindi na. Si Ate na gagawa mamaya, ha? Matutulog lang ako sandali,” sagot niya, nakangiti pa rin. Bumusangot si James. Lumapit siya sa kanyang Ate at niyakap ito nang mahigpit. Gumanti rin ng yakap si Karina. Gumaan naman ang bigat ng kanyang dinadala mula pa kanina. Ngiti at lambing lang ng kanyang mga kapatid, agad nang napapawi ang pagod at hinanakit niya. “Sa
006 TULALA at hindi mapakali si Karina habang nakikinig sa lecture. Hindi kasi maalis sa kanyang isipan ang nangyari kagabi. Madaling araw na nang umalis siya sa kwarto ng lalaki at lumabas ng hotel. Dahil sa nangyari, ramdam pa rin niya ang hapdi sa pagitan ng kanyang hita. In her mind, it was intense. At hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niya ang bagay na iyon—isang bagay na ni minsan ay hindi pumasok sa kanyang isipan. Matapos ang klase, inayos na niya ang kanyang mga gamit at handa nang umuwi, dahil wala na rin siyang susunod na subject. Maaga kasi ang klase niya at apat na subjects na ang natapos niya ngayong araw. Kaya kahit kulang sa tulog, pumasok pa rin siya. “Makakapagpahinga na rin ako sa wakas,” bulong niya sa sarili habang pababa na mula sa kanyang floor. “Karina?” agad siyang napalingon sa tumawag sa kanya, at bahagyang kumunot ang kanyang noo. “Hmmm… ano na naman?” iritadong tugon niya sabay irap. “Can we talk?” Karina rolled her eyes. “Ano na nam
005 Nag-presenta si Karina na siya na lang ang maghahatid ng alak bago siya mag-out. Hanggang 11 PM lang ang shift niya kapag may rest day siya kinabukasan. Masipag rin naman siya, kaya’t grabe ang tiwala sa kanya ng mga kasamahan niya, pati na rin ng mga kilalang customer sa VIP Room. Kilala na rin siya ng mga regulars, pero hindi niya alam kung sino-sino ang mga bigating tao roon. Kinabahan siya nang hindi niya maintindihan kung bakit, lalo na nang makapasok siya sa silid. Pagkalapag niya ng alak sa mesa, dala-dala pa rin niya ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan ang sarili, lalo na nung masulyapan niya ang isang customer na lalaki. Hindi mawala sa isip niya ang hazel green na kulay ng mga mata nito. At higit sa lahat—nang magtagpo ang kanilang mga tingin. Para bang nakikita ng mga mata nito ang buo niyang pagkatao. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ngunit hindi iyon kaba dahil sa takot. Kundi isang kakaibang damdamin—parang pamilyar, parang may koneksyon,