LOGINMy man ka diyan. Walang sa'yo uy!! 😂😂😂
CHAPTER 91 KARINA Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagpapadala ng mga bulaklak at pagkain. Hindi ko na rin tinatanggap ang mga ito—tinatapon ko na lang. Sa totoo lang, natatakot na ako. Parang alam na alam ng taong iyon ang bawat galaw ko. Kahit sa gabi, hindi na rin ako mapakali. Isang buwan na ako dito sa bundok. Maliit lang ang komunidad sa lugar na ito, pero maraming bahay—at magaganda pa. May sarili rin itong ospital. Tuwing weekend, pumupunta ako sa isang orphanage. Unti-unti ko nang nakikilala ang mga batang walang magulang, o iyong may mga magulang na nakulong. “Ate Karina!” sigaw ng isang batang babae nang makita ako. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Na-miss ko rin sila. Napakabait ng mga batang ito. Nakakalungkot lang isipin na sa murang edad ay nawalan na sila ng mga magulang—may mga iniwan, at mayroon ding nakulong. “Kumusta na kayo? Na-miss ko kayong lahat,” sabi ko habang nakangiti sa kanila. “Okay naman po, Ate. Na-miss ka
CHAPTER 90 KARINA Kinuha ko ang cellphone ko at isa-isang tiningnan ang mga litrato. Puro si Luther ang laman ng gallery ko. Ang gwapo niya. Hindi nakakasawang titigan. Ang laki ng mga kamay niya, ang init ng katawan niya tuwing yakap niya ako. Ang matigas niyang dibdib na minsan kong pinagpahingahan. "Ugh…" napabuntong-hininga ako nang wala sa sarili. Masyado na akong nadadala. Parang hinahanap siya ng katawan ko. Ang haplos niya. Ang init ng mga palad niya sa balat ko. Ang paraan ng pagyakap niya na parang ako lang ang mundo niya. Napapikit ako. "Karina… tumigil ka nga," bulong ko sa sarili ko, pero hindi ko rin naman sinusunod. Namimiss ko siya—hindi lang bilang asawa, kundi bilang lalaking marunong magparamdam na mahalaga ko. Humigpit ang hawak ko sa cellphone habang nakatitig sa larawan niya. Naka-topless lang siya sa dito, pero kitang-kita ko ang umbok ng pagkalalaki nito. Parang pinagnanasaan ko ang asawa ko sa ginagawa ko. Pero masisisi ko ba ang sarili ko
CHAPTER 89 KARINA LEAVING doesn’t mean you don’t love the person you left. The love is still there—but sometimes, we have to step out of their lives to make them realize something. Sina Mama Lucy at Arian lang ang nakakaalam kung nasaan ako. Ang tinitirhan ko ngayon ay pagmamay-ari ni Mama Lucy. Siya rin ang nagsabi sa akin na layuan muna ang anak niya para makapag-isip ito at ma-realize kung ano nga ba ang tunay niyang nararamdaman para sa akin. Sobrang bait ni Mama Lucy. May negosyo rin siya rito—isang sikat na flower shop sa lugar na ito. May boutique clothing store din siya, at pinahawakan niya iyon sa akin kasama ang iba pang staff. Wala kasi akong masyadong alam tungkol sa pagnenegosyo, kaya malaki ang pasasalamat ko sa tiwalang ibinigay niya sa akin. "Ma’am Karina, may flower po para sa inyo," ani Suzy. Nagtaka ako kung kanino galing ang bulaklak. Wala pa naman akong masyadong kilala sa lugar na ’to. Limang araw pa lang simula nang dumating ako rito. "Kanino daw ga
CHAPTER 88 It’s been days since Karina left Luther. He has no idea where she is. Hindi rin siya nagtanong-tanong kahit kanino dahil alam niyang baka hindi niya mapigilan ang sarili. Ayaw niya munang guluhin ang asawa. Hiwalay man sila ngayon, wala pa rin naman silang pinipirmahang annulment papers—kaya sa mata ng batas at sa puso niya, mag-asawa pa rin sila. Binuhos na lang ni Luther ang lahat ng oras niya sa trabaho hanggang sa tuluyan siyang bumagsak at nahimatay. Dalawang araw din siyang na-confine sa ospital. Doon niya nalaman na isa palang doktor si Braden Tomas. “The last time I saw your wife was two weeks ago. How is she?” Braden asked. Nagkasalubong sila sa hallway ng ospital. Hindi agad sumagot si Luther. Pinilit niyang kalmahin ang sarili dahil inis na inis siya sa lalaking nasa harapan niya. Alam niya bilang isang lalaki na may gusto ito sa asawa niya. “She’s pretty busy right now,” kalmadong sagot ni Luther. Tumaas ang kilay ni Kennedy at binirong muli ang ka
LUTHER I feel like my world fell apart for the second time. I don't want to feel the pain I felt before, after losing Andreana. Ayaw ko ng maranasan na mangulila ulit. Hindi ko na kakayanin 'yon. Kung kailangan kung magmakaawa, gagawin ko. Wag lang akong iwan ng mahal ko. I made a mistake, yes, I admit it. Pero hindi ko sinasadyang makapagsalita ng masakit sa kanya. Lalo pa na nawala ang anak namin. Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko, siya kaya? I deserve the hate because I am a fool. Naniwala ako kay Rheana. Sinira ko ang tiwala niya. Ang kumpyansa niya sa sarili. I was ready for it. I was ready na kung babalik ang alaala niya ay kamuhi agad ang nararamdaman niya sa akin. Naintindihan ko siya. Kaya hindi ko siya masisisi. Dahil kasalanan ko naman ang lahat. "Anong plano mo? Wala kang gagawin upang manatili siya? Are you just going to throw her away like that?" Bungad sa akin ni Kennedy, galit na galit na kulang na lang ay saktan niya ako. “She's gone for five da
CHAPTER 86 KARINA UMUWI ako ng bahay na mag-isa dahil walang driver na dumating. Tumawag si Manong sa akin na nasira ang kotse kaya pinapaayos niya. Braden was there and he insisted na ihatid niya ako sa bahay. But I still refused, kaya kumuha na lang siya ng taxi for me. Nalaman ko rin na isa palang Surgeon si Braden sa ospital kung saan ako na-confine. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya. Alam ko kasing busy lang si Luther kaya wala siya sa tabi ko. At hindi niya rin naman alam kung ano nangyari sa akin. "Love? Loveeeee?" Agad akong napatayo mula sa sofa ng marinig ko ang boses na tumatawag sa akin. Akala ko nasa isip ko lang, pero klarong-klaro talaga ang boses ng asawa ko. May saya akong nararamdaman kahit papaano, pero mas pumaibabaw pa rin ang pagkamuhi ko sa kanya. Tinungo ko ang pintuan at doon nakita ko ang asawa ko na tumatakbo papalapit sa main door kung nasaan ako nakatayo. Nakakunot naman ang kilay ko sa biglaan niyang pagdating. Dahil inaasa







