Share

EIGHTEENTH

MASAMA ANG KANYANG PAKIRAMDAM.

Dahil sa pagkabasa niya kagabi? Marahil. Nakadagdag rin siguro ang labis nyang pag-aalala nang marinig nyang umiyak ang anak, maging ang pagkainis sa ilang oras na kinailangan nyang makausap si Rajiv.

Mabigat ang katawan nya mula pa lamang nang magising. Pero ang anak, mukang okay na okay na ito. Malayo sa tagpong inabutan niya kagabi kung saan takot na takot ito kahit ano lang alo ng kanyang ama.

"Mom, you sick?" Pansin nito nang nasa hapag kainan na sila.

Pinilit nyang ngumiti nang matamis at pigilan ang pag-ubo. "No... medyo stressing lang ang work kahapon and hanggang ngayon e ganon pa rin."

Tumango ito, mukang kumbinsido naman. Wala syang ganang kumain, sa totoo lang. Kung wala ito sa harapan niya, malamang sa malamang ay deretso pasok na sya. Mainit ang kanyang paghinga, mabigat ang masakit na ulo, nanghihina maging ang kamay at nanunuyo ang bahagyang makating lalamunan.

Ang ama naman niya, alas-sais palang ng umaga ay umalis na, ni hindi ito nakap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status