เข้าสู่ระบบ
Apat na buwan nalang sana ay icecelebrate na ng baby ni Penelope ang 1st birthday nito, pero sa halip na pagpaplano ng isang masayang birthday party para sa pinakamamahal na anak ay ataul, mga bulaklak, at libing ang pinagkaabalahan niya nitong mga nagdaang araw.
Dapat sa isang cute na cake nakasulat ang pangalan ng anak niya, ngunit sa lapida nakaukit ang pangalan ni baby Elijah matapos nitong mamatay dahil sa isang autoimmune disease. "Sa narinig ko ay maisasalba naman sana ang buhay ng bata kung nakapagbone marrow transplant ito. May pera naman sila, pero bakit hindi nila ginawa?" Bulong ng isang kamag-anak sa araw ng libing ni baby Elijah. “Di ba nga sabi ng doktor ang tanging compatible donor ay ang tatay ng bata. Eh kaso nga hindi maganda ang relasyon ng mag-asawa kaya hindi natuloy ang transplant." Pabulong ding sagot ng isa pang kamag-anak. "Tsk, tsk. Nakakalungkot naman. Naging biktima pa ang bata sa kapabayaan ng mga magulang." Muling sagot ng nauna. Nanginginig ang ibabang labi ni Penelope habang pinapakinggan niya ang mga bulungan ng mga kamag-anak na dumalo sa libing ng anak niya. Pinag-uusapan nito ang buhay ng pamilya nila na parang alam ng mga ito ang buong katotohanan. Oo totoo, Elija’s rare disease could have been cured with a bone marrow transplant from his father—Marcus Ramirez, Penelope’s husband, and the only perfect match. Pero tumanggi si Marcus na gawin ang procedure na magliligtas sana sa buhay ni baby Elijah. At ang dahilan nito? Dahil hindi siya mahal ng asawa. Kinamumuhian siya ni Marcus. “I never wanted that child, so don’t involve me in anything to do with him. Kahit mamatay pa yan, wala akong pakialam!” Sikamat sa kanya ni Marcus nang pakiusapan niya ito na iligtas ang anak nila. Ginawa ni Penelope ang lahat, paulit-ulit siyang lumuhod at nagmakaawa sa asawa. Nakasilip siya ng pag-asa ng pumayag si Marcus na iligtas ang anak nila sa kondisyon na iaannul nila ang kasal nilang dalawa. Out of desperation ay pinirmahan ni Penelope ang annulment papers. She didn't contest it para mas mabilis maaprubahan tulad ng gusto ni Marcus. But in the end, hindi pa din nito iniligtas si baby Elijah kahit ginawa niya lahat ng gusto ng asawa. At ngayon nga ay wala na si baby Elijah, hindi dahil walang lunas ang sakit nito, kundi dahil ang sariling ama nito ay ayaw siyang iligtas. He needed his father just this once, pero binigo siya nito. Nang matapos ang libing ay mabilis na nagsiuwian ang mga kamag-anak at kaibigang nakiramay. Naiwan si Penelope na nakatulala sa puntod ng anak. Hindi pa din nagsisink-in sa kanya ang pagkamatay ni baby Elijah. Noong nakaraang linggo lang ay karga karga pa niya ito at hinehele sa hospital suite habang pinapangako na gagaling pa ito. Naramdaman ni Penelope ang pagvibrate ng cellphone niya kaya agad niya iyong tiningnan. Nakatanggap siya ng isang video message mula sa isang unregistered number. Curious, she pressed the play button. Halos bumaliktad ang sikmura niya nang makita niya si Marcus na may kasamang ibang babae. Si Priscilla, her cousin. “Tang-ina, ang sarap mo, Cilla.” Boses ni Marcus ang narinig ni Penelope sa video. Humagik-ik naman ang babae sa video. “So sinong mas gusto mo? Si Penelope o ako?" Tanong nito. “Huwag mo ngang banggitin ang pangalan ng babaeng iyan. Nakakawalang gana." Inis na sagot nito. “Just focus on me, baby, at buong magdamag kitang paliligayahin.” Puno ng pagnanasa na dugtong ni Marcus. Nanginig ang mga kamay ni Penelope sa napanood at mga narinig. Matagal na siyang may suspetsa na may relasyon ang asawa niya at ang pinsan niyang si Priscilla, pero wala lang siyang ebidensya. Pero hindi ang pagtataksil ng mga ito ang dumudurog sa puso niya ngayon, kundi ang katotohanan na habang nasa hospital si baby Elijah, agaw buhay at hinihintay ang ama nito para iligtas siya, ay nagpapakasarap pala ito sa piling ng iba. Iooff na sana ni Penelope ang cellphone niya bago pa man siya makatanggap ulit ng ganoong mga mensahe ay bigla namang nagpop sa screen ng cellphone niya ang pangalan ni Priscilla. She sent her a text message. 'Did you enjoy my small gift? Look to your right, cuz.' Nang mabasa iyon ni Penelope ay agad siyang napalingon sa kanan niya. Bumilis ang tibok ng puso ni Penelope nang makita ang pinsan. Napuno ang puso niya ng galit at sakit, lalo na ng makita ang malapad na ngiti ni Priscilla habang papalapit ito sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" Puno ng pagkamuhi niyang tanong sa pinsan. Tumawa naman si Priscilla, ni hindi mo ito mababakasan ng kahit na kaunting konsensya sa ginawa. “Ano pa ba, eh di visiting my poor nephew who died because his own father didn’t care. Kaya ayun, ako nalang ang pumunta. Kawawa naman kasi." Sagot nito. Nagpanting ang tainga ni Penelope sa narinig. "Patay na ang anak ko, at nasaiyo na rin ang asawa ko. Wala ng natira sa akin, kaya ano pang gusto mo? Lubayan mo na ako, Priscilla!" Sigaw niya rito. "Ayoko nga. Ang saya mo kayang panoorin na nahihirapan at nagdurusa." Her smile was arrogant and cruel. "Masaya kang nakikita akong nahihirapan at nagdurusa?" Hindi makapaniwalang ulit ni Penelope. "Bakit, Prescilla? Ano bang nagawa ko sayo? Naging mabuti naman ako sayo. I gave everything to you, at trinato kita na parang isang tunay na kapatid, kaya bakit mo to ginagawa sa akin? Ano bang nagawa ko sayo?" Napahagulgol na siya sa sobrang sakit. "Your whole existence pisses me off, Penelope!" Singhal sa kanya ni Priscilla. Nagulat naman siya sa narinig. Anong ginawa niya para kamuhian siya ng ganito ng pinsan niya? “Ako dapat ang nasa posisyon mo! I hate you because you have the life that I should have! Kaya dapat mamatay ka na!" Pagkatapos sabihin iyon ni Priscilla ay itinulak siya nito ng malakas. Dahil sa pagkabigla ay hindi nagawang iwasan ni Penelope ang pagsugod sa kanya ng pinsan, kaya naman ng itulak siya nito natumba siya, at tumama ang ulo niya sa lapida. Sa lakas ng impact ay nakadama siya ng matinding pagkahilo. She tried to get up, pero walang lakas ang katawan niya. Naramdaman ni Penelope na parang mainit ang likuran niya. Wala siyang ideya na naliligo siya sa sariling dugo mula sa sugat sa likuran ng ulo nya. "Tulong! Someone call an ambulance. May babaeng natumba rito!" Narinig pa ni Penelope ang kunwaring paghingi ng tulong ni Priscilla, pero habang ginagawa niya iyon ay napakalapad ng ngiti nito. Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ni Penelope habang nakatingin siya sa kalangitan. Mula sa mga ulap ay para bang unti-unting nabubuo ang mukha ng munti niyang anghel na si Elijah. It feels like he's comforting him from the pain. "Baby ko, pupuntahan ka na ni mommy. Hintayin mo lang ako..." Mahinang bulong niya bago tuluyang lamunin ng kadiliman ang malay niya.The notifications on his phone kept coming in for over an hour. 'You can give her money. Gaano karami bang damit ang kailangan niya. Fifty thousand is enough. Makakabili na rin sya ng skin care nya kung gusto nya with that amount. Why hand her a supplementary card? What if she maxes it out? Paano kung samantalahin niya ang kabaitan mo? You don't even know her.' Biglang bumalik sa isipan ni Aleksander ang sinabi ni Fiona kagabi, pero sa halip na mainis, o magsisi na nagbigay siya ng supplementary card kay Penelope ay isang ngiti ang gumuhit sa labi niya. He doesn't care how much Penelope spent. It's not like these small amounts would scar his financial wealth. Kahit bumili pa ito ng isang mansion gamit ang pera niya, he'll be fine with it, as long as she's happy. Kabilin-bilinan sa kanya ng doctor na alagaan si Penelope, and since she's caring for his twins, iyon talaga ang gagawin niya. Because of Penelope's circumstances, na niloko ng asawa, namatayan ng anak at mga magulan
Kinabukasan, tulad ng sinabi ni Aleksander ay hindi na nga siya nakita ni Penelope. She ate breakfast alone, which is very awkward dahil ipinaghanda siya ng makakain ng mga kasambahay. Sa kwarto nalang sana siya kakain ng kung ano man ang left overs sa breakfast kanina, pero ayon sa chef na nagtanong kung may gusto ba siyang kainin ay nagbilin daw si Aleksander na ipagluto siya ng kung ano man ang gusto nya. Last night's dinner was so lavish, iyong tipo ng pagkain na inoorder sa mga five star restaurants. Kahit may kaya naman ang mga magulang ni Penelope dahil sa negosyo nilang publishing house ay hindi ganun ang tipo ng kinakain nila on a normal Wednesday night. Kaya ng tanungin siya ng private chef ni Aleksander, she just requested a tapsilog meal. Pero pati ang ganoon kasimpleng pagkain ay ginamitan pa ng chef ng high class Kobe beef. Ang simpleng pagkain na nasa 100-200 pesos lang naging 10k meal. Matapos kumain ay naglakad lakad muna si Penelope sa loob ng mansion. She's fa
"I told you to rest, pero inaasikaso mo nanaman ang kambal." Aleksander started a small talk. Maingat na ibinaba ni Penelope ang kutsara at tinidor niya and started typing on her phone. 'Sisilipin ko lang naman sana sila, pero nagising si baby Lucia at nagugutom na kaya tumambay nalang muna ako roon.' Agad niyang pinabasa iyon kay Aleksander pagkatapos. Kumunot naman ang noo ni Fiona sa nasaksihan, at ilan pang palitan ng ganoong pag-uusap ng dalawa nang marealize niya ang sitwasyon ni Penelope. She smirked when she realized that Penelope has a disability. "By the way," May kinuha si Aleksander sa inner pocket ng suot niyang suit. "Here's a supplementary card. There's no credit limit, so buy whatever you want." Nag-abot siya ng black card kay Penelope. Laking gulat naman ni Penelope sa ginawa nito. Hindi niya inabot ang card. May ibang tao kasi sa dining room—si Fiona, dalawang maid on standby, at ang personal assistant ni Aleksander na si Edwin. All of them are shock that t
Walang choice si Penelope kundi ang bumaba na. Wala naman kasi talaga siyang naiwan sa loob ng sasakyan. Wala siyang kahit na anong gamit na dala kundi ang wallet, cellphone, at ang maliit na kahon kung saan nakalagay ang damit ni baby Elijah. Ang sabi ni Aleksander ay hindi niya kailangang alalahanin ang tungkol sa mga damit at iba pa niyang kailangan dahil ibibigay niya iyon. Aleksander walked to the main door, at muling nilingon si Penelope. Nagsalubong ang mga kilay niya ng hindi ito sumunod sa kanya at sa halip ay nakatayo lang doon sa driveway at palingalinga. 'Did she change her mind?' Iyon ang kaagad na naisip ni Aleksander. Ikinuyom niya ang kamao. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Padalos-dalos ang babae sa desisyon at ngayon ay nagbago na ang isip. Lalapitan na sana ni Aleksander si Penelope para komprontahin when the car tailing them finally caught up. Excited na tumakbo si Penelope para buksan ang pinto ng sasakyan. Gusto sana niyang buhatin ang isa sa mga kamb
Kinabukasan ay nagtataka si Penelope kung bakit hindi pa bumibisita ang tita niya, gusto niyang ibalita na okay na ang bill niya at huwag na silang mamroblema kung saan kukuha ng pera. Hindi naman niya ito matawagan because her phone has been dead for days. "Miss Ramirez, may nagpadala po nito sa nurse station." Pumasok ang nurse at may inabot sa kanyang maliit na envelope. Nagtaka naman si Penelope kung para saan iyon, kaya ng makaalis ang nurse ay agad niya iyong binuksan. Laking gulat ni Penelope ng makita ang isang 150 million accumulated loan sa pangalan niya. Nakasaad doon na kailangan niyang bayaran iyon sa loob ng tatlong buwan. Hindi alam ni Penelope kung paano siya nagkaroon ng utang, kaya naman dali-dali siyang lumabas ng hospital at naghanap ng isang convenient store kung saan may charging station at nagcharge siya ng cellphone. Nang mag5% na ang battery niya ay agad niyang tinawagan ang numero ni Marcus, pero hindi na niya ito macontact. She tried texting pero walan
“What if I don’t find a donor within two days?” Usisa ni Aleksander sa doktor. “If not, we’ll have to use soy formula, but I can’t guarantee it will be as beneficial as breast milk. Mas kailangan talaga nila iyon." Pagsagot ng doktor sa bawat katanungan ni Aleksander. “Is there no other option?” Dagdag na tanong niya. "Their situation is urgent, sir. Pero kung wala kayong mahanap na magdodonate ng breast milk, mas mabuting ang ina ng mga bata ang—" “They don’t have a mother. I’m the only parent.” Mariing pagputol ni Aleksander sa pagsasalita ng doktor. Lahat sila na naroon ay natahimik dahil sa biglang pagbabago ng mood ng lalaking kausap. The doctor nodded his head, visibly uncomfortable under Aleksander’s piercing gaze. Nang marinig naman iyon ni Penelope ay nagtaka siya. What child doesn’t have a mother? isang bagay lang ang naisip niyang sagot sa tanong niya, base na din sa naging reaksyon ni Aleksander. The twin's mother had abandoned them at birth. “If the mot







