مشاركة

CHAPTER 2

مؤلف: LOUISETTE
last update آخر تحديث: 2025-10-23 17:12:28

"Doc, gising na po ang pasyente sa room 125!" Rinig na sigaw ni Penelope. Hindi niya magawang idilat ng maayos ang mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag ng ilaw.

"Call her family. Ibalita ninyong nagising na sa wakas si mrs. Ramirez." Isang hindi rin pamilyar na boses na narinig ni Penelope.

Nang tuluyan na siyang nagkamalay ay doon niya napagtanto na nasa hospital siya. Agad siyang sinuri ng doktor, at tinatanong kung anong nararamdaman niya.

Pero bago pa man niya masagot ang doktor ay biglang bumukas ang pinto ng hospital room kung nasaan siya.

"Penelope, hija!" Napalingon siya nang may tumawag sa pangalan niya, expecting it's her parents, pero ang tita Rita at tito Oliver pala niya. Kapatid ng papa niya ang tita Rita niya.

Agad siyang nilapitan ng tita niya at niyakap. "Salamat naman at nagising ka na, Penelope, hija!" Bakas na bakas sa boses nito ang saya, pero agad ding nawala ang kasiyahan sa boses nito dahil naiyak na ito. "Hija, alam kong masakit para sayo ang pagkamatay ni Elijah, pero hindi sapat na dahilan yun para kitlin mo ang buhay mo. Malalampasan mo rin ang pagsubok na ito." Saad ng tita Rita niya.

Labis namang nagtaka si Penelope sa sinabi nito. Kitlin ang buhay? She didn't do that. She was pushed. May tumulak sa kanya, at walang iba kundi ang anak nilang si Priscilla ang may kagagawan.

Gusto sanang icomfort ni Penelope ang tita niya, na huwag na itong mag-alala, at ipaliwanag rito ang totoong nangyari, pero tulad kanina nang kausapin siya ng doktor, parang bumara lang sa lalamunan niya ang mga salitang gustong sabihin.

"Anong problema, bakit parang hindi siya makapagsalita?" Nagtatakang tanong ng tito Oliver niya sa doktor.

Sumenyas ang doktor na sa labas nalang niya ipapaliwanag ang lahat. Agad namang sumunod ang mag-asawa sa doktor. Ilang sandali pa ay narinig ni Penelope ang pag-iyak ng tita niya mula sa maliit na awang ng pinto.

"Diyos ko, bakit naman nangyari ito? Kawawa naman ang pamangkin ko. Kamamatay lang ng anak niya, na-coma siya ng limang araw, at ngayon sinasabi nyong nawala ang boses niya dahil sa trauma? Hindi na siya makakapagsalita?" Nagulat si Penelope sa narinig.

Coma? Na-coma siya ng limang araw?

Pero hindi iyon ang nagpagulat ng husto kay Penelope. She's mute? Agad niyang sinubukang magsalita, kanina akala niya ay dahil lang sa medyo nahihilo pa siya at sumasakit ang sugat niya sa ulo kaya nahihirapan siyang magsalita, iyon pala ay tuluyan ng nawala ang boses niya?

Tumayo si Penelope at sinubukang tumakbo palabas para tanungin ang doktor kung gagaling pa ba siya, pero dalawang hakbang palang ay bumigay na ang mga tuhod niya at natumba siya. Kasabay ng pagkatumba niya ay natumba din ang IV stand.

Dahil sa narinig na ingay mula sa loob ay muling pumasok sa loob ang doktor at ang tito at tita niya. Nakita nila si Penelope sa sahig at umiiyak.

"Oh my God, Penelope!" Natatarantang sigaw ng tita niya.

Tinulungan siyang tumayo ng mga ito at muling pinahiga sa kama. Inayos naman ng mga nurse ang IV niya dahil dumugo ang kamay niya ng lumuwag ito gawa ng pagkakahila ng tumayo siya. Lumabas na ang doktor at nurse pagkatapos. Naiwan naman ang tita niya sa loob ng kwarto at inaalo siya habang inaayos naman ng tito niya ang bills niya sa hospital.

Hinawakan ni Penelope ang kamay ng tita niya, at naluluhang nangungusap ang mga mata niya rito. May gusto siyang sabihin pero walang lumalabas sa bibig niya kundi mga tunog na hindi maintindihan.

Kinuha ni Rita ang papel at ballpen na hiningi niya sa nurse bago ito umalis, at pagkatapos ay ibinigay kay Penelope. "Isulat mo ang gusto mong sabihin. Huwag mo munang pilitin na magsalita. Magpagaling ka muna at ang sabi ng doktor ay babalik pa naman ang boses mo, pero kailangan mong magpalakas at magpakatatag." Saad ng tita niya.

Tumango si Penelope at kinuha ang ballpen at papel sa tita niya at nagsulat.

'Si mommy at daddy?' Kanina pa hinihintay ni Penelope ang mga magulang niya. Yes it's comforting that her tita and tito are here for her, pero gusto niyang mayakap ang mommy at daddy niya. She needs them here now.

Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng tita Rita niya, pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya. "Penelope, hija, huwag ka sanang mabibigla ha..." Pag-uumpisa ng tita Rita niya.

Mabibigla saan? Nagtatanong ang mga mata ni Penelope na nakatingin sa tita niya.

"Hija, ang mommy at daddy mo kasi... wala na sila." Hindi pa sana gustong sabihin ng tita niya ang tungkol rito dahil sa kalagayan nya. Baka mas lalong tumagal ang recovery nito kapag nalaman niya ang masamang balita.

Hindi naman makapaniwala si Penelope sa narinig. She started crying at nanginginig ang mga kamay na muling nagsulat sa papel.

'Ano pong ibig nyong sabihin tita? Paanong wala na sila?' Pinabasa kaagad ni Penelope ang sinulat niya. Nagdadasal siya na sana ay ang ibig sabihin ng tita niya ay nasa isang business trip ang mga ito, at hindi ang nasa isip niya.

"Penelope kasi, nang malaman ng mommy at daddy mo ang nangyari sayo, they rushed to the hospital. May biglang sumalubong sa kanilang sasakyan na nagcounterflow, at iniwasan iyon ng daddy mo, pero dahil mabilis ang pagpapatakbo nila dahil sa pagmamadali, hindi na nakontrol ng daddy mo ang pagdadrive at sumalpok ang sasakyan nila sa island. Dead on the spot silang dalawa, hija." Nang marinig iyon ni Penelope ay napahagulgol siya ng iyak. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

Agad niyang sinubukang tumayo, pero pinigilan siya ng tita niya. "Saan ka pupunta?" Natatarantang tanong nito.

Sinisenyas si Penelope. Gusto niyang makita ang mommy at daddy niya.

"Hija, hija, huminahon ka muna! Wala na ang mommy at daddy mo. Nailibing na silang dalawa. Their faces were badly disfigured dahil sa aksidente. Hindi namin alam kung kailan ka magigising kaya inilibing na sila kaagad after three days." Bahagyang naintindihan ni Rita ang senyas na ginagawa ng pamangkin niya kaya ipinaliwanag na nito ang nangyari pagkatapos ng aksidente.

Gumuho ang mundo ni Penelope sa narinig. Hindi na niya magagawang makita ang mommy at daddy niya sa huling pagkakataon.

"At ito nga pala, nakuha ito sa tabi mo noong nakita kang nakahandusay sa sementeryo." May ibinigay ang tita Rita niya na maliit na kahon. Alam ni Penelope ang laman nito.

She opened the box, at kinuha niya ang maliit na blue shirt na may animal prints. Iyon ang huling suot ni Elijah nang mamatay ito. Niyakap ni Penelope ang maliit na damit ng anak. Naroon pa din ang amoy ng baby niya. Mas lalong naiyak si Penelope habang yakap ang natitirang ala-ala ng anak niya.

She lost everything: her son, her husband, her parents-even her voice.

Wala ng natitira pa sa buhay niya. Wala na siyang natitirang rason para mabuhay.

Lumipas ang tatlong araw na para ba siyang isang empty shell. Humihinga, pero wala ng kagustuhang mabuhay pa. Inaalo siya ng tita niya, pilit na pinapalakas ang loob, at sinasabing ipagpatuloy lang ang therapy at babalik din ang boses niya.

Pero kahit na anong gawin at sabihin nito, nakatulala lang si Penelope sa may bintana, pinapanood ang bawat naglalakad sa ibaba. Marami sa mga ito ay masayang nagtatawanan, kaya hindi niya mapigilang isipin na bakit ang buhay lang niya ang masaklap? She isn't asking much, kahit maghiwalay sila ni Marcus ay ayos lang, basta makasama lang niya ang baby niya at ang mga magulang niya, sapat na iyon para sa kanya.

Pero alam ni Penelope na hindi na iyon mangyayari pa. Makakasama lang niya muli ang baby niya at ang mga magulang niya kung susunod siya sa mga ito. Kaya isang gabi, habang wala ang tita at tito niya, Penelope decided to end it all. Sa susunod na araw na dapat ang labas niya, but she really doesn't have the will to continue living.

Umakyat siya sa rooftop ng hospital at lumapit sa parapet at umakyat sa railings nito.

'Elijah, hintayin mo si mama. Mommy, daddy, alam kong hindi ito ang gusto ninyong gawin ko, pero paano po ako mabubuhay kung wala kayong tatlo sa tabi ko?'' Saad niya sa isipan, sabay ipinikit ang mga mata.

She began to lean forward and let her body fall. But suddenly strong arms wrapped around her waist and yanked her back, sending her stumbling against something solid. She gasped, nahulog nga siya, pero hindi sa ground floor ng hospital, kundi sa bisig ng isang lalaki.

"Are you crazy?" Sigaw sa kanya ng lalaki.

Napatingala si Penelope and her gaze met a pair of sharp brown eyes. A handsome stranger is before her, but his presence carried a dark, and overwhelming aura.

"If you want to die, huwag mong gawin dito! Mangdadamay ka pa ng ibang tao!" Galit na sigaw nito sa kanya.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • HIRED AS THE TEMPORARY MOMMY OF THE MAFIA BOSS' TWINS    CHAPTER 9

    The notifications on his phone kept coming in for over an hour. 'You can give her money. Gaano karami bang damit ang kailangan niya. Fifty thousand is enough. Makakabili na rin sya ng skin care nya kung gusto nya with that amount. Why hand her a supplementary card? What if she maxes it out? Paano kung samantalahin niya ang kabaitan mo? You don't even know her.' Biglang bumalik sa isipan ni Aleksander ang sinabi ni Fiona kagabi, pero sa halip na mainis, o magsisi na nagbigay siya ng supplementary card kay Penelope ay isang ngiti ang gumuhit sa labi niya. He doesn't care how much Penelope spent. It's not like these small amounts would scar his financial wealth. Kahit bumili pa ito ng isang mansion gamit ang pera niya, he'll be fine with it, as long as she's happy. Kabilin-bilinan sa kanya ng doctor na alagaan si Penelope, and since she's caring for his twins, iyon talaga ang gagawin niya. Because of Penelope's circumstances, na niloko ng asawa, namatayan ng anak at mga magulan

  • HIRED AS THE TEMPORARY MOMMY OF THE MAFIA BOSS' TWINS    CHAPTER 8

    Kinabukasan, tulad ng sinabi ni Aleksander ay hindi na nga siya nakita ni Penelope. She ate breakfast alone, which is very awkward dahil ipinaghanda siya ng makakain ng mga kasambahay. Sa kwarto nalang sana siya kakain ng kung ano man ang left overs sa breakfast kanina, pero ayon sa chef na nagtanong kung may gusto ba siyang kainin ay nagbilin daw si Aleksander na ipagluto siya ng kung ano man ang gusto nya. Last night's dinner was so lavish, iyong tipo ng pagkain na inoorder sa mga five star restaurants. Kahit may kaya naman ang mga magulang ni Penelope dahil sa negosyo nilang publishing house ay hindi ganun ang tipo ng kinakain nila on a normal Wednesday night. Kaya ng tanungin siya ng private chef ni Aleksander, she just requested a tapsilog meal. Pero pati ang ganoon kasimpleng pagkain ay ginamitan pa ng chef ng high class Kobe beef. Ang simpleng pagkain na nasa 100-200 pesos lang naging 10k meal. Matapos kumain ay naglakad lakad muna si Penelope sa loob ng mansion. She's fa

  • HIRED AS THE TEMPORARY MOMMY OF THE MAFIA BOSS' TWINS    CHAPTER 7

    "I told you to rest, pero inaasikaso mo nanaman ang kambal." Aleksander started a small talk. Maingat na ibinaba ni Penelope ang kutsara at tinidor niya and started typing on her phone. 'Sisilipin ko lang naman sana sila, pero nagising si baby Lucia at nagugutom na kaya tumambay nalang muna ako roon.' Agad niyang pinabasa iyon kay Aleksander pagkatapos. Kumunot naman ang noo ni Fiona sa nasaksihan, at ilan pang palitan ng ganoong pag-uusap ng dalawa nang marealize niya ang sitwasyon ni Penelope. She smirked when she realized that Penelope has a disability. "By the way," May kinuha si Aleksander sa inner pocket ng suot niyang suit. "Here's a supplementary card. There's no credit limit, so buy whatever you want." Nag-abot siya ng black card kay Penelope. Laking gulat naman ni Penelope sa ginawa nito. Hindi niya inabot ang card. May ibang tao kasi sa dining room—si Fiona, dalawang maid on standby, at ang personal assistant ni Aleksander na si Edwin. All of them are shock that t

  • HIRED AS THE TEMPORARY MOMMY OF THE MAFIA BOSS' TWINS    CHAPTER 6

    Walang choice si Penelope kundi ang bumaba na. Wala naman kasi talaga siyang naiwan sa loob ng sasakyan. Wala siyang kahit na anong gamit na dala kundi ang wallet, cellphone, at ang maliit na kahon kung saan nakalagay ang damit ni baby Elijah. Ang sabi ni Aleksander ay hindi niya kailangang alalahanin ang tungkol sa mga damit at iba pa niyang kailangan dahil ibibigay niya iyon. Aleksander walked to the main door, at muling nilingon si Penelope. Nagsalubong ang mga kilay niya ng hindi ito sumunod sa kanya at sa halip ay nakatayo lang doon sa driveway at palingalinga. 'Did she change her mind?' Iyon ang kaagad na naisip ni Aleksander. Ikinuyom niya ang kamao. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Padalos-dalos ang babae sa desisyon at ngayon ay nagbago na ang isip. Lalapitan na sana ni Aleksander si Penelope para komprontahin when the car tailing them finally caught up. Excited na tumakbo si Penelope para buksan ang pinto ng sasakyan. Gusto sana niyang buhatin ang isa sa mga kamb

  • HIRED AS THE TEMPORARY MOMMY OF THE MAFIA BOSS' TWINS    CHAPTER 5

    Kinabukasan ay nagtataka si Penelope kung bakit hindi pa bumibisita ang tita niya, gusto niyang ibalita na okay na ang bill niya at huwag na silang mamroblema kung saan kukuha ng pera. Hindi naman niya ito matawagan because her phone has been dead for days. "Miss Ramirez, may nagpadala po nito sa nurse station." Pumasok ang nurse at may inabot sa kanyang maliit na envelope. Nagtaka naman si Penelope kung para saan iyon, kaya ng makaalis ang nurse ay agad niya iyong binuksan. Laking gulat ni Penelope ng makita ang isang 150 million accumulated loan sa pangalan niya. Nakasaad doon na kailangan niyang bayaran iyon sa loob ng tatlong buwan. Hindi alam ni Penelope kung paano siya nagkaroon ng utang, kaya naman dali-dali siyang lumabas ng hospital at naghanap ng isang convenient store kung saan may charging station at nagcharge siya ng cellphone. Nang mag5% na ang battery niya ay agad niyang tinawagan ang numero ni Marcus, pero hindi na niya ito macontact. She tried texting pero walan

  • HIRED AS THE TEMPORARY MOMMY OF THE MAFIA BOSS' TWINS    CHAPTER 4

    “What if I don’t find a donor within two days?” Usisa ni Aleksander sa doktor. “If not, we’ll have to use soy formula, but I can’t guarantee it will be as beneficial as breast milk. Mas kailangan talaga nila iyon." Pagsagot ng doktor sa bawat katanungan ni Aleksander. “Is there no other option?” Dagdag na tanong niya. "Their situation is urgent, sir. Pero kung wala kayong mahanap na magdodonate ng breast milk, mas mabuting ang ina ng mga bata ang—" “They don’t have a mother. I’m the only parent.” Mariing pagputol ni Aleksander sa pagsasalita ng doktor. Lahat sila na naroon ay natahimik dahil sa biglang pagbabago ng mood ng lalaking kausap. The doctor nodded his head, visibly uncomfortable under Aleksander’s piercing gaze. Nang marinig naman iyon ni Penelope ay nagtaka siya. What child doesn’t have a mother? isang bagay lang ang naisip niyang sagot sa tanong niya, base na din sa naging reaksyon ni Aleksander. The twin's mother had abandoned them at birth. “If the mot

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status