"Doc, gising na po ang pasyente sa room 125!" Rinig na sigaw ni Penelope. Hindi niya magawang idilat ng maayos ang mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag ng ilaw."Call her family. Ibalita ninyong nagising na sa wakas si mrs. Ramirez." Isang hindi rin pamilyar na boses na narinig ni Penelope.Nang tuluyan na siyang nagkamalay ay doon niya napagtanto na nasa hospital siya. Agad siyang sinuri ng doktor, at tinatanong kung anong nararamdaman niya. Pero bago pa man niya masagot ang doktor ay biglang bumukas ang pinto ng hospital room kung nasaan siya."Penelope, hija!" Napalingon siya nang may tumawag sa pangalan niya, expecting it's her parents, pero ang tita Rita at tito Oliver pala niya. Kapatid ng papa niya ang tita Rita niya.Agad siyang nilapitan ng tita niya at niyakap. "Salamat naman at nagising ka na, Penelope, hija!" Bakas na bakas sa boses nito ang saya, pero agad ding nawala ang kasiyahan sa boses nito dahil naiyak na ito. "Hija, alam kong masakit para sayo ang pagkamatay n
Last Updated : 2025-10-23 Read more