LOGINNaiwan akong nakatayo roon habang nakatitig sa pintuang kakalabasan lang ni Rick. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa kapal ng mukha niya. Una niya akong hinusgahan sa university at ngayon naman ay tinawag niya akong troublemaker sa harap ng mga tao. Kung hindi ko lang kailangan ang trabahong ito, matagal ko nang sinagot-sagot ang lalaking iyon. Ngunit wala akong karaoatan para pairalin ang pride nakin
"Don't mind him." sabi ng babaeng nag-hire sa akin. Napalingon ako sa kanya at nakita kong bahagya siyang napabuntong-hininga. "Mr. Desmond isn't exactly the friendliest person in this house." Napataas ang isang kilay ko. Mukhang hindi lang pala ako ang nakakapansin sa ugali nito. "Ako po si Mrs. Fiona Ramirez, ang head housekeeper ng mansyon." pakilala niya. Agad naman akong tumango bilang paggalang. "Simula bukas, ikaw ang magiging isa sa mga bagong staff dito. At dahil marunong kang magluto, minsan ay tutulong ka rin sa kusina." Tahimik akong nakinig habang ipinapaliwanag niya ang mga patakaran sa bahay. Matapos ang halos tatlumpung minutong orientation, inilibot niya ako sa buong mansyon. Halos malula ako sa laki ng bahay. May sariling library, indoor gym, mini theater, at napakalawak na hardin ang mga Desmond. Pakiramdam ko ay isang maliit na barangay na ang laki ng lugar na iyon. "Sa second floor ang mga kwarto ng pamilya," paliwanag ni Mrs. Ramirez habang naglalakad kami sa mahabang hallway. "At may ilang importanteng rules dito." Tumigil siya at seryosong tumingin sa akin. "Never enter Mr. Rick room without permission. Never touch his belongings. And never disturb him when he's working." Napakurap ako. "Ganun po ba siya kasungit?" Bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay lumabas na ang tanong sa bibig ko. Napatakip naman ng bibig ang isang kasambahay na nasa likod namin habang pilit pinipigilan ang pagtawa. "Maddie!" bulong nito. Nanlaki ang mga mata ko. "Ay... sorry po." Napailing lamang si Mrs. Ramirez. "Let's just say Mr. Rick values his privacy." Hindi ko na ipinilit ang tanong ko. Pero sa isip-isip ko, mukhang understatement pa yata iyon. Sa ilang beses ko pa lang siyang nakikita, parang gusto na niya akong palayasin. Pagkatapos ng tour ay binigyan niya ako ng uniform at ilang dokumentong kailangan kong pirmahan. Hawak-hawak ko ang mga iyon habang palabas ng mansyon. Hindi ko mapigilang mapangiti nang bahagya. Sa wakas, may trabaho na ako. Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng dalawa kong kapatid. "Ate!" sabay nilang sigaw habang tumatakbo palapit sa akin. Napatawa ako nang bahagya habang niyayakap sila. Matagal na rin mula nang may magandang balita akong maiuuwi sa bahay. "Nakahanap ka ng trabaho?" excited na tanong ng bunso kong kapatid. Tumango ako. "Talaga?" halos mapasigaw naman ang isa. "Oo." sagot ko habang nakangiti. "Magsisimula na ako bukas." Agad silang nagtilian sa tuwa. Maging si Mama ay napaluha nang marinig ang balita. Mahigpit niya akong niyakap at paulit-ulit na nagpasalamat. Habang nakatingin sa masaya nilang mga mukha, pakiramdam ko ay sulit ang lahat ng pagod at sakit na pinagdaanan ko. Kahit paano, may pag-asa pa rin pala. AUTHOR POV: "You're making a mistake." Naka-upo si Rick sa sala habang umiinom ng kape. Nakaupo naman sa tapat niya ang kanyang Eldest brother na si Sebastian Bach Desmond. Nakakunot ang noo ni Rick habang iniisip ang babaeng nakita niya kanina sa kusina. "She's just a maid applicant." walang pakialam na sagot ng kanyang ama. "No." Umiling si Rick. "She's trouble." Bahagyang natawa si Sebastian. "Interesting." Napatingin si Rick sa kuya niya. "What?" "So let's give him some punishment like the way we use to do Lalong kumunot ang noo ni Rick. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, muling sumagi sa isip niya ang matapang na babaeng handang makipagsagutan sa kanya kahit alam nitong kaya niyang sirain ang buhay nito. At hindi niya iyon nagustuhan kahit kaunti. "So let's give her some punishment. The way we used to do." nakangising sabi ni Sebastian habang nakasandal sa sofa. Agad namang napalingon si Rick sa kanyang kuya. May pamilyar na kislap sa mga mata nito na madalas niyang makita tuwing may binabalak itong kalokohan. At base sa karanasan niya, walang magandang naidudulot iyon. "You're thirty years old." walang emosyon na sabi ni Rick bago humigop ng kape. "Act like one." Napatawa naman si Sebastian at umiling. "Sabi ng lalaking kakagraduate lang ng college pero mukha nang forty dahil sa sobrang seryoso." ani nito. Napairap si Rick at hindi na lamang sumagot. "I'm serious." pagpapatuloy ni Sebastian. "The girl is interesting." Bahagyang kumunot ang noo ni Rick sa salitang iyon. Hindi niya maintindihan kung anong interesting sa isang babaeng halos sabunutan ang girlfriend niya sa harap ng buong university. Para sa kanya, matigas lang talaga ang ulo nito. "Interesting isn't always good." malamig niyang sagot. Tumango naman si Sebastian na parang sang-ayon ngunit may nakatagong amusement sa mukha nito. "Maybe. But for the first time, nakita kitang magsalita nang higit sa limang salita tungkol sa ibang babae." dagdag pa nito. Halatang pinipigilan na lamang ni Rick ang sarili na batuhin ang kuya niya ng unan. "Stop making things up." sabi ni Rick bago inilapag ang tasa ng kape. Ngunit lalo lamang lumawak ang ngisi ni Sebastian. Mukhang lalo itong nae-entertain habang nakikita ang pagkainis ng kanyang kapatid. At iyon ang isa sa mga bagay na kinaiinisan ni Rick sa kanyang kuya. "Fine." ani Sebastian habang kunwaring sumusuko. "Pero hindi mo maitatangging matapang ang babaeng iyon." Napabuntong-hininga si Rick. Naalala niya kung paano siya tinitigan ni Maddie kanina na parang wala itong pakialam kung sino siya. Karamihan sa mga tao ay agad yumuyuko o natatakot sa apelyido nilang Desmond. Ngunit ang babaeng iyon ay tila mas gusto pa siyang sakalin kaysa respetuhin. "She's reckless." sagot niya. "Or honest." Napatingin si Rick sa kuya niya. "What?" "Nothing." natatawang sagot ni Sebastian. "I'm just saying, hindi lahat ng taong sumasalungat sa iyo ay masamang tao." Saglit na natahimik si Rick matapos marinig iyon. Ngunit agad din niyang inalis ang ideya sa isip niya. Alam niya ang nakita niya sa university. At kahit anong sabihin ng kuya niya, hindi mababago ang katotohanang sinaktan ni Maddie si Savanna. "Anyway," sabi ni Sebastian habang tumatayo mula sa sofa. "Mukhang magiging masaya ang buhay sa mansyon simula bukas." Nagtungo ito sa hagdan habang nakangisi pa rin. Naiwan naman si Rick sa sala habang nakakunot ang noo. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay may paparating na problema. At ang pangalan ng problemang iyon ay Maddie Sykes Jones. MADDIE POV Alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Kahit kulang sa tulog, mabilis akong bumangon mula sa higaan. Hindi pwedeng ma-late sa unang araw ko sa trabaho, lalo na sa mansyon ng mga Desmond. Isang pagkakamali lang at siguradong gagamitin iyon ni Rick laban sa akin. Kaya naman maingat kong inihanda ang sarili ko bago tahimik na lumabas ng bahay. "Good luck, Ate!" bulong ng bunso kong kapatid bago ako tuluyang makaalis. Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa suporta ng pamilya ko. Sila ang dahilan kung bakit kailangan kong maging matatag. Madilim pa nang makarating ako sa Desmond Mansion. Agad akong sinalubong ng guard sa gate at pinapasok matapos makita ang ID na ibinigay ni Mrs. Ramirez kahapon. Habang naglalakad ako papunta sa main house, hindi ko maiwasang kabahan. Pakiramdam ko ay may exam na naman akong haharapin. Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko na ang ilang staff na abala sa kanilang mga gawain. Ang iba ay naglilinis habang ang iba naman ay naghahanda ng almusal. Agad akong lumapit kay Mrs. Ramirez at magalang na bumati. Tumango naman siya bilang tugon. "You're early," sabi niya. "Ayaw ko pong ma-late." "Good." Inabot niya sa akin ang isang maliit na notebook. Agad ko naman itong tinanggap at binuksan. Nakalista roon ang mga gawain ko para sa buong araw. At sa unang tingin pa lang ay parang gusto ko nang himatayin. "Second floor cleaning, laundry assistance, kitchen support, garden inventory..." bulong ko habang binabasa ang laman nito. Napatingala ako kay Mrs. Ramirez. "Lahat po iyan ngayong araw?" "Welcome to the Desmond Mansion." Halos mapangiwi ako. Bago pa man ako makapagreklamo ay may narinig kaming yabag mula sa hagdan. Agad na tumahimik ang ilang staff sa paligid. Napalingon din ako at nakita ko si Rick na pababa mula sa second floor. Nakasuot siya ng puting polo at itim na slacks habang hawak ang cellphone niya. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay mas masungit siya kapag umaga. Mabilis niyang nilibot ng tingin ang paligid hanggang sa mapadako iyon sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya na para bang nagtataka kung bakit naroon pa rin ako. Samantalang ako naman ay agad na umiwas ng tingin. "Good morning, Sir Rick." bati ng mga staff. Tumango lamang siya. Nang makalapit siya sa dining area ay muli siyang huminto. Napansin kong nakatingin siya sa mesa kung saan nakahain ang almusal. Pagkatapos ay napunta ang tingin niya kay lola Fiona. "Who prepared breakfast?" Agad akong kinabahan. Dahil ako ang pinatulong sa kusina kanina. "One of the new staff, Rick" sagot ni Mrs. Ramirez. Naningkit ang mga mata ni Rick. "Which one?" At bago pa man ako makapagtago sa likod ng ibang kasambahay, diretsong itinuro ako ni Mrs. Ramirez. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang mawalan ng katawan. "Her." Natahimik ang buong dining area. At sa unang araw ko pa lang sa trabaho, pakiramdam ko ay magsisimula na naman ang panibagong gulo.MADDIE'S POV "Her." Napunta sa akin ang tingin ni Rick matapos sabihin ni Mrs. Ramirez na isa ako sa naghanda ng almusal. Ngunit ang mas nakapagtaka sa akin ay hindi si Rick kundi ang mga kasambahay sa paligid. Lahat sila ay tahimik na nakatingin sa kanya na para bang may hinihintay. Maging ang mga kusinero ay tila hindi mapakali habang nakatayo malapit sa dining area. Maingat na kinuha ni Rick ang kutsara at sinubukan ang unang putahe. Walang nagsalita. Walang gumalaw. Para bang nakasalalay ang kapalaran ng buong bahay sa susunod na lalabas sa bibig niya. Habang ako naman ay nalilito kung bakit ganoon na lamang ang tensyon sa paligid. Ilang segundo siyang ngumunguya bago inilapag ang kutsara. "Too salty." Wala ni isa sa mga staff ang nagulat. "Replace it." "Yes, Sir." Parang sanay na sanay silang marinig iyon. Agad na lumapit ang isa sa mga kasambahay at kinuha ang plato sa harap niya. Wala ring nagreklamo o nagtanong kung ano ang problema. Para bang normal na par
Naiwan akong nakatayo roon habang nakatitig sa pintuang kakalabasan lang ni Rick. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa kapal ng mukha niya. Una niya akong hinusgahan sa university at ngayon naman ay tinawag niya akong troublemaker sa harap ng mga tao. Kung hindi ko lang kailangan ang trabahong ito, matagal ko nang sinagot-sagot ang lalaking iyon. Ngunit wala akong karaoatan para pairalin ang pride nakin "Don't mind him." sabi ng babaeng nag-hire sa akin. Napalingon ako sa kanya at nakita kong bahagya siyang napabuntong-hininga. "Mr. Desmond isn't exactly the friendliest person in this house." Napataas ang isang kilay ko. Mukhang hindi lang pala ako ang nakakapansin sa ugali nito. "Ako po si Mrs. Fiona Ramirez, ang head housekeeper ng mansyon." pakilala niya. Agad naman akong tumango bilang paggalang. "Simula bukas, ikaw ang magiging isa sa mga bagong staff dito. At dahil marunong kang magluto, minsan ay tutulong ka rin sa kusina." Tahimik akong nakinig habang ipinapaliw
Hindi ako nakatulog buong gabi matapos ang nangyari. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salita ng dean at ang malamig na pagtanggi ni Kendrick. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng dean's office habang unti-unting nawawasak ang pangarap ko. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Ngunit higit sa lahat, natatakot akong harapin ang kinabukasan. Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa mahinang pag-uusap nina Mama at ng may ari ng inuupahan naming bahay. Napatigil ako nang marinig ko ang salitang "bayad." Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at nakita kong nakayuko si Mama habang hawak ang ilang papel. Halatang pilit niyang pinapakiusapan ang lalaki na bigyan pa kami ng kaunting palugit. At sa sandaling iyon, lalo kong naramdaman ang bigat ng responsibilidad ko bilang panganay. Pagkaalis ng lalaki, agad akong lumapit kay Mama. "Ma, anong sabi niya?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Pilit siyang
Nagmamadaling lumapit sa akin si Ella nang makalabas ako ng dean's office. "Maddie, sandali!" tawag niya habang hinahabol ako sa hallway. Hindi ko agad siya nilingon dahil pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kahit sino. "Ano pa bang silbi non?" mapait kong tanong. "Na-expel na ako, Ella." "Huwag kang susuko nang ganito lang." sagot niya habang hawak ang braso ko. Napailing lamang ako at napababa ng tingin sa recipe file na hawak ko. "Wala na akong magagawa," bulong ko. Ngunit hindi siya sumang-ayon at agad na umiling. "Meron pa. Kausapin mo si Kendrick Desmond" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Yung boyfriend ni Savanna?" tanong ko na para bang nababaliw siya. Agad naman siyang tumango at seryosong tumingin sa akin. "Anak siya ng may-ari ng university. Kung gugustuhin niya, kaya niyang kumbinsihin ang dean na bigyan ka ng second chance." Napakagat ako sa labi habang iniisip ang sinabi niya. "Sa tingin mo ba pakikinggan niya ako?" tanong ko. Naalala ko ang malam
"Congratulations, Miss Haul! Your dessert is truly outstanding!" Nagpalakpakan ang buong Culinary Arts Hall matapos ang presentation ni Savanna Zoo Haul. Ngunit habang nakangiti ang lahat, tila may bumara sa lalamunan ni Maddie Sykes Jones. Nakatitig siya sa malaking screen sa harap. Sa bawat ingredient. Sa bawat procedure. Sa bawat detalye. Dahil alam niyang hindi iyon recipe ni Savanna. Kanya iyon. Ang recipe na ilang buwan niyang pinagpuyatan. Ang recipe na inaasahan niyang magbibigay sa kanya ng scholarship para maipagpatuloy ang pag-aaral. At ngayon... Inaangkin iyon ng iba. "Impossible..." bulong niya. "Maddie?" nag-aalalang tawag ng kaibigan niyang si Ella. Ngunit hindi na siya nakinig. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at diretsong naglakad papunta sa harapan. Napatigil ang lahat. Pati si Savanna. "Bakit mo ninakaw ang recipe ko!." Agad na nanahimik ang buong silid. Tumaas ang isang kilay ni Savanna. "Excuse me?" "Narinig mo ako." Mariing hinawakan ni Maddie an







