LOGINMADDIE'S POV
"Her." Napunta sa akin ang tingin ni Rick matapos sabihin ni Mrs. Ramirez na isa ako sa naghanda ng almusal. Ngunit ang mas nakapagtaka sa akin ay hindi si Rick kundi ang mga kasambahay sa paligid. Lahat sila ay tahimik na nakatingin sa kanya na para bang may hinihintay. Maging ang mga kusinero ay tila hindi mapakali habang nakatayo malapit sa dining area. Maingat na kinuha ni Rick ang kutsara at sinubukan ang unang putahe. Walang nagsalita. Walang gumalaw. Para bang nakasalalay ang kapalaran ng buong bahay sa susunod na lalabas sa bibig niya. Habang ako naman ay nalilito kung bakit ganoon na lamang ang tensyon sa paligid. Ilang segundo siyang ngumunguya bago inilapag ang kutsara. "Too salty." Wala ni isa sa mga staff ang nagulat. "Replace it." "Yes, Sir." Parang sanay na sanay silang marinig iyon. Agad na lumapit ang isa sa mga kasambahay at kinuha ang plato sa harap niya. Wala ring nagreklamo o nagtanong kung ano ang problema. Para bang normal na parte iyon ng kanilang umaga. Ilang segundo lang ay may bago na namang pagkain na nakahain sa harap niya. Napakurap ako. Teka. Hindi ba iyon ang parehong pagkain na nasa kabilang tray? Muli iyong tinikman ni Rick. "Too bland." "Replace it." "Yes, Sir." At muli na namang pinalitan. Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang eksena. Pakiramdam ko ay nanonood ako ng isang kakaibang palabas. Hindi ko maintindihan kung bakit parang walang nagtataka sa nangyayari. Samantalang ako ay halos mapangiwi na sa kalituhan. Bigla tuloy akong napabalik sa nangyari kaninang madaling araw. Habang naghahanda kami ng almusal, napansin kong napakaraming putahe ang niluluto ng kusina. May iba't ibang klaseng itlog, tinapay, sopas, pasta, salad, at kung anu-ano pa. Akala ko noong una ay may malaking handaan sa mansyon. Ngunit nang tingnan ko ang schedule, ordinaryong umaga lamang iyon. "Bakit po napakaraming pagkain?" tanong ko noon habang naghihiwa ng gulay. "May bisita po ba?" Tahimik lang ang mga kusinero. "Wala naman." "Eh bakit po parang pang-isang barangay ang niluluto natin?" Nagkatinginan sila. Pagkatapos ay mabilis na bumalik sa kanilang ginagawa. Walang sumagot. Nagtaka man ako, hindi ko na iyon pinilit. Ngayon ko lang naunawaan kung bakit. Napabuntong-hininga si Mrs. Ramirez habang pinagmamasdan si Rick na muling sumusubok ng panibagong putahe. "Too sweet." "Replace it." "Yes, Sir." Halos malaglag ang panga ko. Ilang beses na ba siyang nagpapalit ng pagkain? Limang minuto pa lang siyang nakaupo. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. "Ganito ba siya araw-araw?" bulong ko sa katabing kasambahay. Napatingin ito sa akin at ngumiti nang mapait. "Araw-araw." Nanlaki ang mga mata ko. "You're kidding." "I wish I was." Napalingon ulit ako kay Rick na kasalukuyang umiinom ng kape habang mukhang hindi naapektuhan ng kaguluhang dulot niya sa kusina. At sa unang pagkakataon, napagtanto ko ang isang bagay. Hindi pala siya masungit lang. Picky eater din pala ang spoiled brat na ito. At mukhang isa iyong bangungot na matagal nang tinitiis ng buong Desmond Mansion. Napailing ako habang pinagmamasdan si Rick mula sa lamesa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa mga taong araw-araw na kailangang makisama sa kanya. Kung ganito siya sa almusal pa lang, paano pa kaya sa tanghalian at hapunan? Hindi nakapagtatakang parang pagod na pagod ang mga kusinero rito kahit umaga pa lamang. "Anong madalas niyang kinakain?" mahina kong tanong sa katabing kasambahay. Napabuntong-hininga ito. "Iyon nga ang problema." Napakunot ang noo ko. "Walang nakakaalam." Lalo akong nalito sa sagot niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Today gusto niya ng steak. Bukas ayaw na niya. Ngayong linggo favorite niya ang seafood. Next week ayaw na niyang makita kahit hipon." Napailing ito bago muling tumingin kay Rick. "Minsan pati siya hindi alam kung ano ang gusto niyang kainin." Napakurap ako. Mukhang mas malala pa pala kaysa sa iniisip ko. Samantala, nakahain na ang ikaapat na putahe sa harap ni Rick. Tahimik niya iyong tinikman habang naghihintay ang buong dining area sa magiging hatol niya. Maging ako ay napapatingin na rin nang hindi ko namamalayan. Ilang segundo siyang ngumunguya. Pagkatapos ay inilapag niya ang kutsara. "It's acceptable." Parang sabay-sabay na nakahinga ang buong staff. May isa pa ngang kusinerong napapikit sa sobrang ginhawa. Napigilan ko ang sariling matawa. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay may hari silang pinaglilingkuran na kailangang hulaan ang mood araw-araw. "Finally." bulong ng isang kasambahay. "Akala ko aabutin na naman tayo ng tanghali." Napangiti ako nang bahagya. Ngunit mabilis ding nawala ang ngiti ko nang biglang mapadako sa akin ang tingin ni Rick. Nagtama ang mga mata namin. Agad akong umiwas ng tingin at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mesa. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko problema kung gusto niyang magpalit ng isang daang plato sa isang umaga. Ngunit sa kasamaang-palad, tila iba ang plano ng tadhana. "Maddie." Napahinto ako. Hindi dahil kilala niya ang pangalan ko. Kundi dahil iyon ang unang pagkakataong tinawag niya ako nang hindi gumagamit ng salitang troublemaker. Dahan-dahan akong lumingon. "Yes, Sir?" Tahimik niya akong tinitigan sa loob ng ilang segundo. "Come here." Nanlaki ang mga mata ko habang dahan-dahang lumalapit sa mesa niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang naaawa sa akin ang tingin ng ibang staff. Para bang isa akong sundalong papunta sa digmaan. At base sa ugali ni Rick, mukhang hindi naman malayo iyon sa katotohanan. Huminto ako sa tapat niya at pilit na ngumiti. "Yes, Sir?" Tahimik niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa bago itinulak nang bahagya ang plato sa harap niya. "Did you help prepare this?" Napatingin ako sa pagkain. "Opo." Tumango siya nang minsan. "Then taste it." Napakurap ako. "...Po?" "Taste it." Akala ko noong una ay nagbibiro siya. Ngunit nang makita ko ang seryoso niyang mukha, alam kong hindi iyon biro. Maging ang ibang staff ay napatingin sa amin. Mukhang hindi rin nila inaasahan ang utos niya. Ngunit wala ni isa ang nagsalita. Para bang sanay na sila sa mga kakaibang trip nito. Dahan-dahan kong kinuha ang kutsara at sumubo. Tahimik ang buong dining area. Lahat yata ay naghihintay sa sasabihin ko. Ilang segundo akong ngumunguya bago lumunok. Napakunot-noo ako. Masarap naman.lHindi maalat. Hindi rin matabang. At lalong hindi sobrang tamis. Sa katunayan, ito pa nga yata ang pinaka-balanseng putahe sa lahat ng nakita kong nakahain ngayong umaga. "Well?" tanong ni Rick. Muli kong tiningnan ang pagkain bago siya binalingan. "Masarap po." Napatigil ang buong dining area. May isang kasambahay pang muntik mabulunan sa iniinom niya. Samantalang ako naman ay hindi maintindihan kung bakit parang lahat sila ay natakot sa sagot ko. Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Rick. "Masarap?" "Opo." "You're disagreeing with me." Diretso niya iyong sinabi. Para bang isang krimen ang ginawa ko. Napakurap ako. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. "You asked for my opinion, Sir." Tahimik siyang nakatingin sa akin. Tahimik din akong nakatingin sa kanya. At sa kauna-unahang pagkakataon simula nang magkakilala kami, walang gustong umatras sa aming dalawa. May ilang staff na nagsimula nang lumayo. Mukhang ayaw nilang madamay sa kung anumang mangyayari. "Interesting." Napalingon kaming dalawa nang marinig ang boses na iyon. Nakatayo ang isang lalaki sa may pintuan habang may maleta na bit² Mukhang kanina pa siya nanonood. "Most people just agree with Rick." dagdag niya habang nakangisi. Napairap si Rick. "I thought you were going to london kuya?" malamug na tanong ni Rick. "Flight got cancelled." sabi nito habang kinukuha ang isang mansanas mula sa fruit bowl. "So here I am." Napailing si Rick at muling uminom ng kape. "Unfortunately." Napatawa ang ilang staff ngunit agad ding natahimik nang mapatingin si Rick sa kanila. Samantala, ako naman ay unti-unting umaatras. Wala akong balak madamay sa usapan ng magkapatid. "Wait."Napahinto ako. Lumingon ako at nakitang ang kuya niya ang tumawag sa akin. "You're Maddie, right?" "Opo." Ngumiti siya. "I'm Sebastian Desmond." Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko. Bahagya akong napakurap habang pinagmamasdan siya. May pagkakahawig sila ni Rick, ngunit hanggang doon lang ang pagkakapareho nila. Kung si Rick ay laging seryoso at parang galit sa buong mundo, si Sebastian naman ay mukhang taong laging naghahanap ng libangan. At base sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon, pakiramdam ko ay ako ang bagong libangan niya. "She's also the first maid who thinks arguing with her boss is a good idea." Hindi ko napigilan ang sarili ko."Nakakainis ka kasi." Natahimik ang buong dining room. May isang kutsarang nahulog sa sahig. Halos lahat ng staff ay nanlaki ang mga mata. Samantalang si Sebastian naman ay napahawak sa dibdib na para bang may narinig siyang napakagandang biro. "Okay." natatawa niyang sabi. "Now I definitely like her." Hindi ko napigilang mapangiti nang bahagya. Sa wakas, may isang normal na tao rin pala sa pamilyang ito. Kung ikukumpara kay Rick na parang laging may kaaway, mas madaling kausap si Sebastian. Kahit paano ay nabawasan ang inis na nararamdaman ko simula nang dumating ako sa mansyon. Ngunit mabilis ding naglaho ang impresyong iyon. Naningkit ang mga mata ni Rick habang nakatingin sa akin. At sa hindi ko maintindihang dahilan, parang lalo siyang naiinis sa tuwing hindi ako natatakot sa kanya. "Manang." Agad namang lumapit ang head housekeeper. "Yes, Rick?" "Assign her to the farm." Biglang natahimik ang buong dining room. Napakunot ang noo ko. Farm? Napansin kong nagkatinginan ang mga staff. Maging si Mrs. Ramirez ay tila nagulat sa utos. Ang ilang kasambahay naman ay agad na umiwas ng tingin na para bang ayaw nilang makita ang magiging reaksyon ko. Farm?" ulit ko. Ngunit wala ni isa sa kanila ang sumagot. Napatingin ako kay Sebastian, umaasang siya ang magsasabing biro lamang iyon. Ngunit sa halip, bahagya pa siyang napangisi habang pinagmamasdan ako. "Good idea." aniya. Nanlaki ang mga mata ko.Teka. Akala ko ba kakampi ko siya? "Excuse me?" hindi makapaniwalang tanong ko. "It will build character." dagdag ni Sebastian habang nakasandal sa upuan. Napabuka ang bibig ko. Hindi ko alam kung maiinis ako o magugulat. "Character?" "Exactly." sang-ayon niya. Tahimik na uminom ng kape si Rick bago tuluyang tumayo. "She's always arguing." "Then the farm is perfect." sabi ni Sebastian. "The animals won't argue back." Natahimik ang buong dining room.Samantalang ako naman ay halos mapasabunot ng buhok. At doon ko tuluyang napagtanto na mali ako. Hindi pala mabait si Sebastian. Pareho silang nakakainis.MADDIE'S POV "Her." Napunta sa akin ang tingin ni Rick matapos sabihin ni Mrs. Ramirez na isa ako sa naghanda ng almusal. Ngunit ang mas nakapagtaka sa akin ay hindi si Rick kundi ang mga kasambahay sa paligid. Lahat sila ay tahimik na nakatingin sa kanya na para bang may hinihintay. Maging ang mga kusinero ay tila hindi mapakali habang nakatayo malapit sa dining area. Maingat na kinuha ni Rick ang kutsara at sinubukan ang unang putahe. Walang nagsalita. Walang gumalaw. Para bang nakasalalay ang kapalaran ng buong bahay sa susunod na lalabas sa bibig niya. Habang ako naman ay nalilito kung bakit ganoon na lamang ang tensyon sa paligid. Ilang segundo siyang ngumunguya bago inilapag ang kutsara. "Too salty." Wala ni isa sa mga staff ang nagulat. "Replace it." "Yes, Sir." Parang sanay na sanay silang marinig iyon. Agad na lumapit ang isa sa mga kasambahay at kinuha ang plato sa harap niya. Wala ring nagreklamo o nagtanong kung ano ang problema. Para bang normal na par
Naiwan akong nakatayo roon habang nakatitig sa pintuang kakalabasan lang ni Rick. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa kapal ng mukha niya. Una niya akong hinusgahan sa university at ngayon naman ay tinawag niya akong troublemaker sa harap ng mga tao. Kung hindi ko lang kailangan ang trabahong ito, matagal ko nang sinagot-sagot ang lalaking iyon. Ngunit wala akong karaoatan para pairalin ang pride nakin "Don't mind him." sabi ng babaeng nag-hire sa akin. Napalingon ako sa kanya at nakita kong bahagya siyang napabuntong-hininga. "Mr. Desmond isn't exactly the friendliest person in this house." Napataas ang isang kilay ko. Mukhang hindi lang pala ako ang nakakapansin sa ugali nito. "Ako po si Mrs. Fiona Ramirez, ang head housekeeper ng mansyon." pakilala niya. Agad naman akong tumango bilang paggalang. "Simula bukas, ikaw ang magiging isa sa mga bagong staff dito. At dahil marunong kang magluto, minsan ay tutulong ka rin sa kusina." Tahimik akong nakinig habang ipinapaliw
Hindi ako nakatulog buong gabi matapos ang nangyari. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salita ng dean at ang malamig na pagtanggi ni Kendrick. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng dean's office habang unti-unting nawawasak ang pangarap ko. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Ngunit higit sa lahat, natatakot akong harapin ang kinabukasan. Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa mahinang pag-uusap nina Mama at ng may ari ng inuupahan naming bahay. Napatigil ako nang marinig ko ang salitang "bayad." Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at nakita kong nakayuko si Mama habang hawak ang ilang papel. Halatang pilit niyang pinapakiusapan ang lalaki na bigyan pa kami ng kaunting palugit. At sa sandaling iyon, lalo kong naramdaman ang bigat ng responsibilidad ko bilang panganay. Pagkaalis ng lalaki, agad akong lumapit kay Mama. "Ma, anong sabi niya?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Pilit siyang
Nagmamadaling lumapit sa akin si Ella nang makalabas ako ng dean's office. "Maddie, sandali!" tawag niya habang hinahabol ako sa hallway. Hindi ko agad siya nilingon dahil pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kahit sino. "Ano pa bang silbi non?" mapait kong tanong. "Na-expel na ako, Ella." "Huwag kang susuko nang ganito lang." sagot niya habang hawak ang braso ko. Napailing lamang ako at napababa ng tingin sa recipe file na hawak ko. "Wala na akong magagawa," bulong ko. Ngunit hindi siya sumang-ayon at agad na umiling. "Meron pa. Kausapin mo si Kendrick Desmond" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Yung boyfriend ni Savanna?" tanong ko na para bang nababaliw siya. Agad naman siyang tumango at seryosong tumingin sa akin. "Anak siya ng may-ari ng university. Kung gugustuhin niya, kaya niyang kumbinsihin ang dean na bigyan ka ng second chance." Napakagat ako sa labi habang iniisip ang sinabi niya. "Sa tingin mo ba pakikinggan niya ako?" tanong ko. Naalala ko ang malam
"Congratulations, Miss Haul! Your dessert is truly outstanding!" Nagpalakpakan ang buong Culinary Arts Hall matapos ang presentation ni Savanna Zoo Haul. Ngunit habang nakangiti ang lahat, tila may bumara sa lalamunan ni Maddie Sykes Jones. Nakatitig siya sa malaking screen sa harap. Sa bawat ingredient. Sa bawat procedure. Sa bawat detalye. Dahil alam niyang hindi iyon recipe ni Savanna. Kanya iyon. Ang recipe na ilang buwan niyang pinagpuyatan. Ang recipe na inaasahan niyang magbibigay sa kanya ng scholarship para maipagpatuloy ang pag-aaral. At ngayon... Inaangkin iyon ng iba. "Impossible..." bulong niya. "Maddie?" nag-aalalang tawag ng kaibigan niyang si Ella. Ngunit hindi na siya nakinig. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at diretsong naglakad papunta sa harapan. Napatigil ang lahat. Pati si Savanna. "Bakit mo ninakaw ang recipe ko!." Agad na nanahimik ang buong silid. Tumaas ang isang kilay ni Savanna. "Excuse me?" "Narinig mo ako." Mariing hinawakan ni Maddie an







