LOGINHindi ako nakatulog buong gabi matapos ang nangyari. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salita ng dean at ang malamig na pagtanggi ni Kendrick. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng dean's office habang unti-unting nawawasak ang pangarap ko. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Ngunit higit sa lahat, natatakot akong harapin ang kinabukasan.
Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa mahinang pag-uusap nina Mama at ng may ari ng inuupahan naming bahay. Napatigil ako nang marinig ko ang salitang "bayad." Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at nakita kong nakayuko si Mama habang hawak ang ilang papel. Halatang pilit niyang pinapakiusapan ang lalaki na bigyan pa kami ng kaunting palugit. At sa sandaling iyon, lalo kong naramdaman ang bigat ng responsibilidad ko bilang panganay. Pagkaalis ng lalaki, agad akong lumapit kay Mama. "Ma, anong sabi niya?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Pilit siyang ngumiti at umiling. "Wala iyon, anak. Kaya pa natin." Ngunit kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. At alam kong hindi niya lang gustong dagdagan ang mga iniisip ko. "Mama, sabihin n'yo po ang totoo." giit ko. Napabuntong-hininga siya bago inilapag ang mga papel sa mesa. "Dalawang buwan na tayong delayed sa upa," mahina niyang sabi. "At malapit na rin ang bayaran ng tuition ng mga kapatid mo." Pakiramdam ko ay lalo akong nawalan ng hangin sa narinig ko. Tahimik akong naupo sa harap niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Ang alam ko lang ay hindi pwedeng tumigil sa pag-aaral ang mga kapatid ko. Ilang taon ko iyong ipinaglaban para sa kanila. Hindi ko hahayaang masayang ang lahat ng sakripisyo namin. "Maddie." tawag ni Mama habang hinahawakan ang kamay ko. "Pwede namang magstop muna ang isa sa kanila." Agad akong umiling. "Hindi po." Napakunot ang noo niya. "Anak." ngunit hindi ko na siya pinatapos. "Hindi po sila titigil." mariin kong sabi. "Kung may kailangang magsakripisyo, ako na lang." Natahimik si Mama habang unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit buo na ang desisyon ko. Kahit mawala pa sa akin ang lahat, hindi ko hahayaang mawalan ng kinabukasan ang mga kapatid ko. Kinahapunan ay agad akong naghanap ng trabaho. Pinuntahan ko ang iba't ibang restaurant, bakery, at café sa bayan. Isa-isa kong iniabot ang resume ko habang umaasang may tatanggap sa akin. Ngunit sa bawat lugar na pinupuntahan ko, iisa lang ang natatanggap kong sagot. "Pasensya na, pero hindi kami hiring." O kaya naman, "Mas kailangan namin ang may diploma." Pagsapit ng hapon ay halos mawalan na ako ng pag-asa. Pagod na pagod na ang mga paa ko at halos wala na akong pamasahe pauwi. Ngunit habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, may isang malaking gate na nakakuha ng atensyon ko. Nakasabit sa labas nito ang isang hiring notice. DESMOND MANSION: Hiring Household Staff. Napahinto ako sa kinatatayuan ko. Desmond. Parehong apelyidong ayaw ko nang marinig habang buhay. Agad na bumalik sa isip ko ang mukha ni Kendrick at ang malamig niyang boses. "No second chances, Miss Jones." Napakuyom ako ng kamao. Gusto kong tumalikod at lumayo sa lugar na iyon. Ngunit nang maalala ko ang mga bayarin sa bahay, ang pagod na mukha ni Mama, at ang mga pangarap ng mga kapatid ko, unti-unting nanghina ang paglaban ko. "Wala ka nang choice, Maddie." bulong ko sa sarili ko. Huminga ako nang malalim at muling tumingin sa nakasulat na malaking tarpolin. Nakakabit iyon sa isang poste sa gilid ng kalsada at bahagyang nililipad ng hangin. Nakalagay roon ang hiring details at isang address. Sa ibaba naman ay ang apelyidong ayaw ko nang makita pa kailanman. Ilang segundo akong nakatayo roon habang nakikipaglaban sa sarili kong pride. Ayokong magkaroon ng kahit anong koneksyon sa pamilyang Desmond. Napakuyom ako ng kamao nang mabasa ko iyon. Agad na bumalik sa isip ko ang mukha ni Kendrick at ang malamig niyang pagtanggi. Para bang kahapon lang nang sabihin niyang wala akong karapatang mabigyan ng pangalawang pagkakataon. Kung tutuusin, dapat ay pinunit ko na lang ang papel na hawak ko at naghanap ng ibang trabaho. Ngunit wala na akong oras para maging mapili. Kinuha ko ang cellphone kong halos malowbat na at tiningnan ang address na nakasulat sa tarpolin. Medyo malayo ito mula sa kinaroroonan ko. Napatingin ako sa natitira kong pera sa bulsa at napabuntong-hininga. Sapat lang iyon para sa isang biyahe. Kung hindi ako matatanggap, baka maglakad na lang ako pauwi. "Bahala na." bulong ko bago isinilid muli ang cellphone sa bag. Makalipas ang halos isang oras na biyahe, bumaba ako sa harap ng isang napakalaking gate. Nakaukit sa bakal na bahagi nito ang apelyedong DESMOND. Kahit nasa labas pa lamang ako, halatang napakayaman ng pamilyang nakatira roon. Sa unang pagkakataon mula nang makita ko ang tarpolin, nakaramdam ako ng kaba. Paano kung makilala niya ako? Paano kung si Kendrick mismo ang makakita sa akin? Napailing ako agad. Napakaraming tao sa mundo para isipin kong mapapansin niya pa ako. Bukod sa hindi naman niya ako gusto, malamang ay nakalimutan na niya ang tungkol sa akin. Huminga ako nang malalim at inayos ang damit ko. Hindi ito ang trabahong pinangarap ko, ngunit ito ang trabahong kailangan ko. Para kay Mama. Para sa mga kapatid ko. Para sa pamilya ko. At sa pagkakataong ito, hindi ako pwedeng mabigo. IN THE DESMOND MANSION Dahan-dahan akong lumapit sa malaking gate at pinindot ang intercom sa gilid nito. Ilang segundo akong naghintay habang kinakabahan. Maya-maya ay may boses na sumagot mula sa kabilang linya. "Yes?" seryoso nitong tanong. Napalunok ako bago nagsalita. "Nandito po sana ako para mag-apply bilang household staff," sagot ko. Ilang sandali itong natahimik na para bang sinusuri ako. Nagsimula tuloy akong kabahan lalo. Akala ko ay papaalisin na ako agad. Ngunit bumukas ang gate pagkaraan ng ilang segundo. "Proceed to the main house," sabi ng boses bago tuluyang mawala. Napabuntong-hininga ako sa ginhawa. Kahit paano ay nakapasok ako sa unang hakbang. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko habang naglalakad papasok. Pakiramdam ko ay lalo akong lumiliit habang nakikita ang lawak ng lugar. Pagdating ko sa mansyon ay agad akong sinalubong ng isang babaeng nasa limampung taong gulang. Maayos ang postura nito at halatang sanay magbigay ng utos. Mula ulo hanggang paa ay mabilis niya akong sinuri. Pakiramdam ko ay isa akong aplikanteng iniinspeksyon bago bilhin. "You're here for the interview?" tanong niya. Agad naman akong tumango bilang sagot. Inilahad ko ang resume na dala ko. Kinuha niya iyon at mabilis na binasa. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita ang educational background ko. "You studied Culinary Arts?" tanong niya. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. "Opo." maikli kong sagot. Hindi ko na idinagdag na hindi ko iyon natapos. Ayaw ko nang balikan pa ang nangyari. "Then why are you applying as a maid?" diretso niyang tanong. Natigilan ako sa loob ng ilang segundo. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Kaya ngumiti na lamang ako nang bahagya. "Kailangan ko po ng trabaho." Tahimik niya akong tinitigan na para bang sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo. Maya-maya ay isinara niya ang folder at tumayo. "Follow me." sabi niya. Agad naman akong sumunod kahit hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Habang naglalakad kami sa loob ng mansyon, mas lalo kong napansin ang laki ng agwat ng mundo namin. Isang chandelier pa lamang ang nakasabit sa kisame ay mukhang mas mahal na kaysa sa buong bahay namin. Napayuko ako habang iniisip kung gaano karaming buwan kaming mabubuhay gamit ang halaga ng mga dekorasyong nakikita ko. Ngunit mabilis kong inalis ang mga isipin na iyon. Huminto kami sa harap ng isang malawak na kusina. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kagamitan. Kumpleto ito sa lahat ng bagay na minsan ko lamang nakikita sa culinary magazines. Para akong batang muling nakakita ng pangarap na akala ko ay matagal nang nawala. At sa unang pagkakataon matapos akong ma expel, nakaramdam ako ng kakaibang pananabik. "This will be your test," sabi ng babae. "Cook something." Natigilan ako. "Excuse me?" tanong ko. Bahagya siyang nagtaas ng kilay. "The Desmond family doesn't hire just anyone. If you want this job, prove that you're useful." "This will be your test," sabi ng babae. "Cook something." Natigilan ako. Hindi ko inaasahang iyon agad ang ipapagawa nila sa akin. Mabilis na bumalik sa isip ko ang culinary hall, ang recipe ko, at ang pangarap na nawala sa akin. Ngunit agad kong itinulak ang mga alaalang iyon. Hindi ito ang oras para magpatalo sa emosyon. "May specific po ba kayong gustong lutuin?" maingat kong tanong. Bahagya siyang umiling at itinuro ang mga sangkap na nakalagay sa isang mahabang mesa. Kumpleto ang mga iyon mula gulay hanggang karne at iba't ibang spices. "Surprise me," maikli niyang sagot. Napalunok ako at tumango. Huminga ako nang malalim bago nagsimulang kumilos. Isa-isang hinawakan ng mga kamay ko ang mga sangkap na para bang kusa nilang alam ang gagawin. Habang hinihiwa ko ang mga gulay at inihahanda ang mga rekado, unti-unting nawawala ang kaba ko. Sa loob ng kusina, pakiramdam ko ay bumabalik ang dating ako. Ang Maddie na may pangarap maging chef. Ilang minuto ang lumipas at nagsimulang kumalat ang mabangong aroma sa buong kusina. Napansin kong may ilan sa mga staff na palihim na sumisilip sa ginagawa ko. Hindi ko sila pinansin at ipinagpatuloy lamang ang pagluluto. Lahat ng atensyon ko ay nakatuon sa pagkain. Kailangan kong makuha ang trabahong ito. Nang matapos ako ay maingat kong inilapag ang pagkain sa harap ng babae. Hindi ko maiwasang kabahan habang hinihintay ang magiging reaksyon niya. Tahimik niyang tinitigan ang pagkain bago kumuha ng kutsara. Pakiramdam ko ay halos marinig ko ang tibok ng puso ko habang sinusubukan niya ang luto ko. Hindi agad siya nagsalita matapos tikman iyon. Nanatili lamang siyang tahimik habang pinag-aaralan ang lasa. Lalo tuloy akong kinabahan. Maya-maya ay ibinaba niya ang kutsara at tumingin sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. "What's your name again?" tanong niya. "Maddie Sykes Jones po." Tumango siya nang mabagal bago isinara ang folder na hawak niya. "The family is looking for additional household staff. Normally, we don't hire applicants this quickly." Sandali siyang huminto at muling tumingin sa akin. "But your cooking is impressive. And nalala ko yung umaong kung kaibigan na magaling rin magluto." Pakiramdam ko ay nakahinga ako matapos ang ilang minutong pagpipigil. "Does that mean..." hindi ko naituloy ang tanong ko. "You're hired." Nanlaki ang mga mata ko. Talagang gusto kong tumalon sa sobrang saya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang mawala sa akin ang lahat. At ngayon, may trabaho na akong maipagdadala ng pagkain sa mesa namin. Hindi man ito ang pangarap ko, sapat na itong panimula. "Thank you po," agad kong sabi. "Hindi ko po kayo bibiguin." "See that you don't." sagot niya bago ibinigay sa akin ang ilang dokumento. "You start tomorrow morning. 4 am sharp." Ngunit bago pa man ako makasagot, bumukas ang pinto ng kusina. At kasabay noon ay pumasok ang isang pamilyar na boses. Manang what's the food today?" Nanigas ang buo kong katawan. Dahil kilalang-kilala ko ang boses na iyon. "Why does it smell different in here Manang?" Nanigas ang buo kong katawan. Dahan-dahan akong napalingon sa direksyon ng pinto at doon ko siya nakita. Nakasuot siya ng itim na polo at mukhang kararating lang mula sa trabaho. Kahit simple lang ang suot niya, halata pa rin ang awtoridad sa paraan ng kanyang paglalakad. At gaya ng una naming pagkikita, malamig pa rin ang ekspresyon sa kanyang mukha. "Rick." tawag ng babaeng nag-interview sa akin. "You're home early." Bahagyang tumango ito bago napadako ang tingin sa akin. Para akong nakalimutang huminga nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung nakilala niya agad ako o hindi. Ngunit ilang segundo lamang ay kumunot ang noo niya. "You?" malamig niyang tanong. Napalunok ako at pilit na pinanatiling kalmado p kaysa sa inaakala ko. Marahil dahil ilang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang nawalan ang huling pag-asa ko sa university. At ngayon, heto na naman siya. Tumingin siya sa dokumentong hawak ko at agad na nagbago ang ekspresyon niya. "Don't tell me you're hiring her." Bahagyang tumango ang babae. "I already did." Mabilis na napunta sa akin ang tingin ni Kendrick. Para bang hindi siya makapaniwala sa narinig. "She's trouble." Napatitig ako sa kanya. "Excuse me?" hindi ko napigilang sabihin. Bahagya siyang nagtaas ng kilay. "You physically attacked my girlfriend in front of an entire student." Malamig at diretso ang tono niya. Para bang isa iyong katotohanang hindi na kailangang pagdebatehan pa. At gaya ng dati, hindi man lang niya sinubukang alamin ang buong kwento. "Your girlfriend slapped me first." sagot ko habang pilit pinipigilan ang inis ko. "At ninakaw niya ang recipe ko." Naningkit ang mga mata niya. "There you go again." Pakiramdam ko ay lalo lamang kumulo ang dugo ko. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang paniwalaan si Savanna nang walang pag-aalinlangan. Para bang para sa kanya, imposibleng magkamali ang girlfriend niya. At ako naman ay awtomatikong sinungaling dahil mahirap lang ako. "Rick." putol ng babae bago pa kami tuluyang mag-away. "Her personal issues are none of my concern. I tested her skills and she passed." Nanatiling tahimik si Kendrick habang nakatitig sa akin. Halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ng babae. Maya-maya ay napatingin siya sa pagkaing niluto ko na nasa mesa pa rin. Kumuha siya ng kutsara at walang sabi-sabing tinikman iyon. Napatigil ang buong kusina. Maging ako ay hindi nakagalaw habang hinihintay ang magiging reaksyon niya. Ilang segundo siyang tahimik na ngumunguya bago ibinaba ang kutsara. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Ngunit sa unang pagkakataon mula nang makita ko siya, tila may bahagyang pagbabago sa ekspresyon niya. Mabilis din naman iyong nawala. "It's decent." Halos malaglag ang panga ko. "Decent?" hindi ko napigilang ulitin. Napatingin siya sa akin. "Do you have a problem with that?" Napakuyom ako ng kamao. Gusto kong sabihin na mas magaling pa ang luto ko kaysa sa kayang gawin ng spoiled rich boy na ito. Ngunit naalala ko agad kung nasaan ako. Kailangan ko ang trabahong ito higit sa kahit ano. "Wala po, sir." Bahagyang tumaas ang isang sulok ng labi niya na para bang natatawa sa pagpipigil ko. Pagkatapos ay ibinalik niya ang kutsara sa mesa at tumalikod. Ngunit bago siya tuluyang makaalis ay muli siyang huminto. "One mistake." Napalingon ako sa kanya. "Just one mistake and you're out." Pagkatapos sabihin iyon ay tuluyan na siyang naglakad palabas ng kusina. Naiwan akong nakatayo roon habang pinipigilan ang sarili kong habulin siya at batuhin ng kawali. At doon ko napagtanto na ang pinakamahirap na bahagi ng bagong trabahong ito ay hindi ang paglilinis ng mansyon. Kundi ang pagtitiis sa ugali ng lalaking ito argghhhh.MADDIE'S POV "Her." Napunta sa akin ang tingin ni Rick matapos sabihin ni Mrs. Ramirez na isa ako sa naghanda ng almusal. Ngunit ang mas nakapagtaka sa akin ay hindi si Rick kundi ang mga kasambahay sa paligid. Lahat sila ay tahimik na nakatingin sa kanya na para bang may hinihintay. Maging ang mga kusinero ay tila hindi mapakali habang nakatayo malapit sa dining area. Maingat na kinuha ni Rick ang kutsara at sinubukan ang unang putahe. Walang nagsalita. Walang gumalaw. Para bang nakasalalay ang kapalaran ng buong bahay sa susunod na lalabas sa bibig niya. Habang ako naman ay nalilito kung bakit ganoon na lamang ang tensyon sa paligid. Ilang segundo siyang ngumunguya bago inilapag ang kutsara. "Too salty." Wala ni isa sa mga staff ang nagulat. "Replace it." "Yes, Sir." Parang sanay na sanay silang marinig iyon. Agad na lumapit ang isa sa mga kasambahay at kinuha ang plato sa harap niya. Wala ring nagreklamo o nagtanong kung ano ang problema. Para bang normal na par
Naiwan akong nakatayo roon habang nakatitig sa pintuang kakalabasan lang ni Rick. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa kapal ng mukha niya. Una niya akong hinusgahan sa university at ngayon naman ay tinawag niya akong troublemaker sa harap ng mga tao. Kung hindi ko lang kailangan ang trabahong ito, matagal ko nang sinagot-sagot ang lalaking iyon. Ngunit wala akong karaoatan para pairalin ang pride nakin "Don't mind him." sabi ng babaeng nag-hire sa akin. Napalingon ako sa kanya at nakita kong bahagya siyang napabuntong-hininga. "Mr. Desmond isn't exactly the friendliest person in this house." Napataas ang isang kilay ko. Mukhang hindi lang pala ako ang nakakapansin sa ugali nito. "Ako po si Mrs. Fiona Ramirez, ang head housekeeper ng mansyon." pakilala niya. Agad naman akong tumango bilang paggalang. "Simula bukas, ikaw ang magiging isa sa mga bagong staff dito. At dahil marunong kang magluto, minsan ay tutulong ka rin sa kusina." Tahimik akong nakinig habang ipinapaliw
Hindi ako nakatulog buong gabi matapos ang nangyari. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga salita ng dean at ang malamig na pagtanggi ni Kendrick. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng dean's office habang unti-unting nawawasak ang pangarap ko. Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Ngunit higit sa lahat, natatakot akong harapin ang kinabukasan. Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa mahinang pag-uusap nina Mama at ng may ari ng inuupahan naming bahay. Napatigil ako nang marinig ko ang salitang "bayad." Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at nakita kong nakayuko si Mama habang hawak ang ilang papel. Halatang pilit niyang pinapakiusapan ang lalaki na bigyan pa kami ng kaunting palugit. At sa sandaling iyon, lalo kong naramdaman ang bigat ng responsibilidad ko bilang panganay. Pagkaalis ng lalaki, agad akong lumapit kay Mama. "Ma, anong sabi niya?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Pilit siyang
Nagmamadaling lumapit sa akin si Ella nang makalabas ako ng dean's office. "Maddie, sandali!" tawag niya habang hinahabol ako sa hallway. Hindi ko agad siya nilingon dahil pakiramdam ko ay wala na akong mukhang maihaharap sa kahit sino. "Ano pa bang silbi non?" mapait kong tanong. "Na-expel na ako, Ella." "Huwag kang susuko nang ganito lang." sagot niya habang hawak ang braso ko. Napailing lamang ako at napababa ng tingin sa recipe file na hawak ko. "Wala na akong magagawa," bulong ko. Ngunit hindi siya sumang-ayon at agad na umiling. "Meron pa. Kausapin mo si Kendrick Desmond" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Yung boyfriend ni Savanna?" tanong ko na para bang nababaliw siya. Agad naman siyang tumango at seryosong tumingin sa akin. "Anak siya ng may-ari ng university. Kung gugustuhin niya, kaya niyang kumbinsihin ang dean na bigyan ka ng second chance." Napakagat ako sa labi habang iniisip ang sinabi niya. "Sa tingin mo ba pakikinggan niya ako?" tanong ko. Naalala ko ang malam
"Congratulations, Miss Haul! Your dessert is truly outstanding!" Nagpalakpakan ang buong Culinary Arts Hall matapos ang presentation ni Savanna Zoo Haul. Ngunit habang nakangiti ang lahat, tila may bumara sa lalamunan ni Maddie Sykes Jones. Nakatitig siya sa malaking screen sa harap. Sa bawat ingredient. Sa bawat procedure. Sa bawat detalye. Dahil alam niyang hindi iyon recipe ni Savanna. Kanya iyon. Ang recipe na ilang buwan niyang pinagpuyatan. Ang recipe na inaasahan niyang magbibigay sa kanya ng scholarship para maipagpatuloy ang pag-aaral. At ngayon... Inaangkin iyon ng iba. "Impossible..." bulong niya. "Maddie?" nag-aalalang tawag ng kaibigan niyang si Ella. Ngunit hindi na siya nakinig. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at diretsong naglakad papunta sa harapan. Napatigil ang lahat. Pati si Savanna. "Bakit mo ninakaw ang recipe ko!." Agad na nanahimik ang buong silid. Tumaas ang isang kilay ni Savanna. "Excuse me?" "Narinig mo ako." Mariing hinawakan ni Maddie an







