Mag-log inSa loob ng isang madilim at airconditioned na master’s bedroom sa isang mamahaling hotel, tanging ang mabilis na paghinga nina Mark at Cindy ang naririnig. Ang amoy ng alak at mamahaling pabango ay humahalo sa init ng kanilang mga katawan. Para kay Mark, si Cindy ang "pabuya" niya matapos ang ilang taong pagtitiis sa, aniya, ay "boring" na buhay kasama si Liza.
"Mark... faster," kagat-labing bulong ni Cindy, ang mga kamay ay nakabaon sa likod ni Mark habang lalong nag-aalab ang kanilang tagpo. Paos na umungol si Mark, ang kanyang pawis ay tumatulo sa dibdib ni Cindy. Huminto sila saglit upang magpalit na posisyon, umibabaw si cindy at saka mabils na gumiling “aahhh, f*ck!.” Ramdam na nila ang rurok, ang dulo ng lahat ng tensyon—ngunit sa gitna ng kanilang mainit na sagupaan, biglang nabulabog ang katahimikan ng silid. Ring... Ring... Ring... "Huwag mong pansinin 'yan," ungol ni Mark, pilit na ipinagpapatuloy ang kanyang ritmo. Pero hindi tumigil ang telepono. Sunod-sunod ang pag-vibrate nito sa side table, tila ba may humahabol sa kanyang buhay. Inis na lumingon si Mark at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang caller ID. DAD CALLING. "Sandali, Cindy. Si Dad 'to," hingal na sabi ni Mark habang pilit na humihiwalay sa babae. "Ano ba, Mark! Ngayon pa talaga?" iritadong reklamo ni Cindy, sabay talukbong ng kumot. Nanginginig ang kamay na sinagot ni Mark ang tawag. "Hello, Dad? Bakit napatawag kayo nang ganitong oras?" "Nasaan ka bang bata ka?! Mag-impake ka na at pumunta rito sa opisina ngayon din! Nagkakagulo na rito! Ang Reyes Builders, namemeligro tayong ma-foreclose lahat ng assets!" ang boses ng kanyang ama ay puno ng takot at galit. "Ano?! Paanong mangyayari 'yun? Maayos naman ang mga projects natin, ah!" "Hindi ko alam! Bigla na lang binawi ng bangko ang mga loans natin, at may isang anonymous firm na bumili sa lahat ng utang natin sa supplier! Mark, kung hindi tayo makakahanap ng investor o backer sa loob ng 24 oras, pulubi na tayo!" Ang Paghaharap sa Boardroom Pagdating ni Mark sa opisina ng kanilang pamilya, sinalubong siya ng tensyon. Ang kanyang ama, si Don Teodoro, ay halos himatayin habang nakatingin sa mga papeles sa mesa. "Dad, anong balita? Nakaugnayan niyo ba ang bangko?" tanong ni Mark, ang barong niya ay bahagyang gusot pa dahil sa pagmamadali. "Ayaw kaming kausapin. Sabi nila, may nag-utos daw sa itaas. Isang tao na may sapat na kapangyarihan para i-freeze ang lahat ng accounts natin," sagot ng kanyang ama. "Isa lang ang naiisip kong paraan, Mark. Kailangan nating tawagan ang Ninong mo." Napatigil si Mark. "Si... si Ninong Julian?" "Oo! Si Architect Valderama. Malawak ang koneksyon niya sa mga bangko at sa mga malalaking developer. Siya lang ang makakapag-ayos nito. Tawagan mo siya, Mark. Sabihin mo, kailangan natin ng tulong." Kinabahan si Mark. Naalala niya ang huling pagkakataon na nakita niya si Julian—noong gabi bago siya iwan ni Liza. May kung anong lamig sa mga mata ni Julian noon na hindi niya maipaliwanag. Nanginginig ang mga daliri ni Mark habang dinitipa ang numero ni Julian. Sa loob ng boardroom, ang katahimikan ay nakabibingi. Ang kanyang ama, si Don Teodoro, ay nakatitig sa kanya na tila ba si Mark ang huling lifeline ng lumulubog nilang barko. Pagkatapos ng ilang ring, sumagot ang baritonong boses ni Julian. Kalmado. Walang bahid ng emosyon. "Yes, Mark? Napatawag ka nang ganitong oras?" "N-ninong... Pasensya na po sa istorbo," lunok-laway na panimula ni Mark. "Nagkakagulo po kasi rito sa Reyes Builders. Biglang hinold ng bangko ang credit lines namin. Hindi po namin alam kung bakit... Baka po pwedeng... baka po pwedeng makausap niyo ang bank manager? Malakas po kayo sa kanila, 'di ba?" Narinig ni Mark ang mahinang pagbuga ng hangin ni Julian sa kabilang linya. Isang tunog na tila nagpapahiwatig ng pag-iisip, pero ang totoo ay paglalaro. "I heard rumors, Mark. Sayang naman ang pinaghirapan niyo," sagot ni Julian, ang boses ay puno ng huwad na malasakit. "Sige, I’ll see what I can do. I’ll make some calls to my contacts sa Central Bank. But I can’t promise anything immediate. Alam mo naman ang bureaucracy." "Salamat, Ninong! Maraming salamat po! Alam ko pong hindi niyo kami pababayaan," halos maiyak sa tuwa si Mark. "Don't mention it. O sige na, may tinatapos lang akong... interior design project. Balitaan na lang kita," huling sabi ni Julian bago pinutol ang tawag. Ibinaba ni Mark ang kanyang cellphone at hinarap ang kanyang ama nang may malapad na ngiti. Ang tensyon sa loob ng boardroom ay biglang naglaho, napalitan ng buntong-hininga ng ginhawa. "Dad! Sabi ni Ninong Julian, gagawan niya ng paraan! Kakausapin niya ang mga contacts niya," masayang balita ni Mark. "Salamat sa Diyos!" bulalas ni Don Teodoro, sabay haplos sa kanyang dibdib. "Sabi ko na nga ba, hindi tayo matitiis ni Julian. Napakabuting tao talaga ng Arkitektong 'yan. Utang natin sa kanya ang pagsalba sa kumpanya natin." Hindi alam ng pamilya Reyes na sa kabilang panig ng lungsod, nakatayo si Julian sa kanyang penthouse balcony habang pinapanood ang mga ilaw ng Makati. Hawak ang isang baso ng scotch Isang malamig na ngiti ang sumilay sa labi ni Julian. Sa paningin ng mga Reyes, siya ang kanilang tagapagligtas. Pero sa katotohanan, siya ang mismong bagyong sumisira sa kanilang pundasyon—isang brick sa bawat pagkakataon. At ang mas masakit? Pasasalamatan pa nila siya habang dahan-dahan silang nauubos.Kabanata 7: Ang Guho at ang ApoySa rooftop ng apartment, tila huminto ang pag-inog ng mundo. Ang pag-amin ni Julian tungkol sa kanyang madilim na nakaraan ay nag-iwan ng nakabibinging katahimikan. Nakatingin pa rin si Julian sa kawalan, ang kanyang mga mata ay tila nakakakita ng mga apoy na matagal na sanang nabaon sa limot.Dahan-dahang lumapit si Liza. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, pero alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng lahat. Hinawakan niya ang kamay ni Julian—ang kamay na kanina ay nakakuyom sa galit—at dahan-dahan itong nirelaks."Julian... nandito na ako. Hindi ka na nag-iisa," mahinang bulong ni Liza.Lumingon si Julian sa kanya. Ang lamig sa kanyang mga mata ay biglang napalitan ng isang emosyong hindi maipaliwanag—halo ng pangungulila, poot, at matinding pagnanasa. Sa isang iglap, binitawan ni Julian ang bote ng beer at hinawakan si Liza sa batok, inilalapit ang mukha nito sa kanya."Liza, huwag kang maging masyadong mabait sa akin," paos na sabi ni Julia
Sa isang madilim na opisina sa kailaliman ng isang abandonadong bodega sa pier, dahan-dahang ibinaba ni Hector ang telepono. Ang tanging liwanag sa silid ay ang dulo ng kanyang sinindihang tabako at ang asul na sinag mula sa mga CCTV monitor na nakapaligid sa kanya. Isang mapanganib na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukhang puno ng peklat. "Reyes Builders..." bulong niya sa sarili habang ibinubuga ang usok. "Isang pamilyang desperado. At isang arkitektong masyadong matayog ang lipad." Alam ni Hector ang pangalan ni Julian Valderama. Sa mundo ng underground, ang mga tulad ni Julian—na tila malinis at kagalang-galang—ang pinakamasarap pabagsakin. Kinuha ni Hector ang isang folder mula sa kanyang mesa. Doon, may nakasingit na lumang litrato ng isang bata sa harap ng isang nasunog na bahay. "Tingnan natin kung gaano katatag ang pundasyon mo, Architect," huling sabi niya bago tuluyang pinatay ang ilaw ng silid. Samantala, ang loob ng SUV ni Julian ay balot ng katahimikan habang binabayba
Mariing nakakapit ang mga kamay ni Mark sa manibela ng kanyang sasakyan, halos mamuti ang kanyang mga buku-buku sa tindi ng pagkakahawak. Ang loob ng sasakyan ay puno ng tensyon at ang tanging naririnig ay ang mabilis na paghinga niya at ang iritadong buntong-hininga ni Cindy sa kanyang tabi. "Ano ba, Mark! Magdamag mo na lang bang papatayin sa titig ang manibela na 'yan?" singhal ni Cindy habang marahas na inaayos ang kanyang buhok sa harap ng rearview mirror. "Masyado kang apektado! Akala ko ba wala ka nang pakialam sa asawa mo? Pero kanina sa restaurant, kulang na lang ay matunaw si Liza sa mga tingin mo!" "Hindi mo naiintindihan, Cindy!" sigaw ni Mark sabay hampas sa dashboard. "Si Julian... Ninong ko siya! Respetadong arkitekto siya, kilala ng pamilya namin. Pero ang paraan ng pag-asta niya kanina? Ibang-iba! Kung hindi lang nakasalalay ang Reyes Builders sa mga koneksyon niya sa bangko at sa gobyerno, baka nasapak ko na ang pagmumukha niya!" "So, magtitiis ka dahil kailang
Alas-kwatro ng hapon. Katatapos lang ng huling klase ni Liza sa St. Bernadette. Habang nilalagay niya ang mga krayola at drawing papers sa kanyang bag, ramdam niya ang bigat ng kanyang mga talukap. Ang gabi nila ni Julian ay parang isang panaginip na ayaw humiwalay sa kanyang ulirat, at ang bawat titig ng mga kapwa guro ay tila nagtatanong kung bakit tila malalim ang kanyang iniisip. Paglabas niya ng gate ng eskwelahan, napatigil siya. Isang makintab na itim na SUV ang nakaparada sa tapat. Nakasandal doon si Julian, suot ang isang navy blue na polo shirt na hapit sa kanyang dibdib at isang salamin sa mata. Mukha itong isang modelong naligaw sa gitna ng ingay ng mga batang nagsisiuwian. "Julian? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Liza, sabay tingin sa paligid. "Baka may makakita sa atin." "Susunduin ka. Simple lang," diretsong sagot ni Julian. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang mabigat niyang bag. "You look exhausted, Liza. Sumama ka sa akin, maghapunan tayo sa labas." "H
Sa loob ng isang madilim at airconditioned na master’s bedroom sa isang mamahaling hotel, tanging ang mabilis na paghinga nina Mark at Cindy ang naririnig. Ang amoy ng alak at mamahaling pabango ay humahalo sa init ng kanilang mga katawan. Para kay Mark, si Cindy ang "pabuya" niya matapos ang ilang taong pagtitiis sa, aniya, ay "boring" na buhay kasama si Liza."Mark... faster," kagat-labing bulong ni Cindy, ang mga kamay ay nakabaon sa likod ni Mark habang lalong nag-aalab ang kanilang tagpo.Paos na umungol si Mark, ang kanyang pawis ay tumatulo sa dibdib ni Cindy. Huminto sila saglit upang magpalit na posisyon, umibabaw si cindy at saka mabils na gumiling “aahhh, f*ck!.” Ramdam na nila ang rurok, ang dulo ng lahat ng tensyon—ngunit sa gitna ng kanilang mainit na sagupaan, biglang nabulabog ang katahimikan ng silid.Ring... Ring... Ring..."Huwag mong pansinin 'yan," ungol ni Mark, pilit na ipinagpapatuloy ang kanyang ritmo.Pero hindi tumigil ang telepono. Sunod-sunod ang pag-vibra
Ang unang bumati kay Liza ay ang sikat ng araw na tumatagos sa dambuhalang bintana ng penthouse. Masakit ang kanyang ulo, ang bawat tibok ng kanyang sentido ay tila pinupukpok ng martilyo. Pero hindi ang hangover ang nagpatigil sa paghinga niya—kundi ang mabigat at mainit na braso na nakapulupot sa kanyang baywang.Dahan-dahan siyang lumingon. At doon, Nanlaki ang mga mata niya.Natutulog sa tabi niya si Julian. Ang "Ninong" niya. Ang lalaking kagalang-galang, ang seryosong arkitekto na laging naka-suit, ay kasama niya ngayon sa ilalim ng iisang kumot—na pareho silang walang suot. Ang magulo nitong buhok at ang bahagyang balbas sa panga ay nagbigay dito ng anyong panganib at tukso.Anong ginawa ko? sigaw ng isip ni Liza.Mariin siyang napapikit nang mag-flash ang mga imahe kagabi. Ang mga halik ni Julian na kasing-bangis ng bagyo, ang mga ungol niya, at ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya na tila ba matagal na siyang pag-aari nito."Gising ka na pala."Ang paos na boses ni Julian a







