Share

Harrington's Secret Mistress
Harrington's Secret Mistress
Author: Zairalyah_dezai

Chapter 1

last update publish date: 2026-09-13 11:33:41

Binigyan ko ng malaking halaga ang aking asawa at sinabi kong sa ibang bansa muna siya tumira.

Ang dahilan? Ayaw ko siyang makasama at ayaw ko rin siyang makita. Ni dulo ng daliri niya ay ayaw kong mahawakan. Pumayag naman siya sa gusto ko.

Nagagawa ko na rin ang lahat ng gusto ko habang wala siya. Palagi akong nasa bar at doon ko nakilala ang isang babae.

Gustong-gusto ko siya. Nagbabayad ako ng malaking halaga para lang mapasaya niya ako. Sobrang galing niya, at swerte ko dahil virgin siya nang makuha ko.

Gusto ko siyang maging akin lang. Ako lang ang magpapasaya sa kanya at ayokong may ibang lalaking sangkot sa pagitan namin. Sa tuwing kailangan ko siya, palagi siyang naroon para mapasaya ako.

Hindi ko na rin iniisip ang asawa ko dahil mas gusto ko ang babaeng nakilala ko sa bar. Wala akong pakialam sa asawa ko.

Pero dumating sa punto na nabuntis ko siya.

Kaya ko naman panagutan ang bata at balak ko siyang pakasalan. Handa rin akong hiwalayan ang asawa ko.

Pumayag naman siya sa gusto ko.

Pero dumating ang araw na ako rin pala ang iiwan niya.

Hindi natuloy ang kasal namin.

Bigla na lang siyang naglaho na parang bula.

At hindi ko alam kung bakit.

At kamusta na rin kaya ang asawa kong hindi ko man lang nagawang kamustahin ng mahabang panahon? May babalikan pa kaya ako kung sakaling bumalik ako sa kanya?

**********

CHAPTER 1

Drake Harrington POV

Isang buwan na ang lumipas mula nang hindi ko kasama ang aking asawa.

At sa loob ng isang buwang iyon, ni isang beses ay hindi ko man lang naisipang kamustahin siya.

Wala akong pakialam.

Sa totoo lang, mas tahimik at mas maayos ang buhay ko nang wala siya. Wala akong kailangang marinig na reklamo, wala akong kailangang pakisamahan, at higit sa lahat, wala akong kailangang piliting mahalin.

Hindi ko naman ginusto ang kasal namin.

Napilitan lang ako.

Si Aya ay nag-iisang anak ng dating CEO ng isang kompanya na minsan ay maayos at matagumpay. Ngunit dahil sa mga problemang pinansyal, tuluyan itong nalugi.

Ang ama ko ang tumulong upang maiangat muli ang kompanya nila.

Ngunit kapalit ng tulong na iyon, napunta sa mga Harrington ang pagmamay-ari ng kompanya.

Hindi naman iyon ang nais ng ama ko.

Ayaw niyang tuluyang mawala ang kompanyang pinaghirapan ng pamilya ni Aya. Kaya naman nagkaroon siya ng isang plano—isang plano na hindi ko kailanman nagustuhan.

Pakakasalan ko si Aya.

Dahil kapag naging asawa ko siya, mananatili pa rin sa pamilya niya ang koneksiyon sa kompanya. Hindi tuluyang mawawala ang pinaghirapan ng kanyang ama, at mapapanatili rin namin ang pangalan ng dalawang pamilya.

Simple lang para sa ama ko.

Pero hindi para sa akin.

Hindi ko mahal si Aya.

At kahit kailan, wala sa isip kong mag-asawa.

Oo, kilala ko siya.

Matagal ko na siyang kilala dahil madalas siyang dumalo sa mga event na ginagawa ng daddy ko noong mga panahong CEO pa ang kanyang ama.

Pero kahit kailan, hindi ko siya napansin bilang isang babae.

Hindi dahil pangit siya.

May itsura naman si Aya.

Maamo ang mukha niya, at kung tutuusin, bagay sa kanya ang simple niyang appearance.

Ang problema?

Hindi iyon ang klase ng babae na gusto ko.

Hindi classy ang dating niya para sa panlasa ko.

Simple siyang manamit at kung minsan ay parang hindi niya alam kung anong uso sa panahon ngayon. May mga damit siyang tila galing pa noong dekada otsenta.

Actually, maganda naman ang mga ganoong damit.

Pero hindi iyon ang gusto kong makita sa isang babae.

Mas gusto ko ang sexy.

Wild.

Confident.

Iyong tipong kapag pumasok sa isang lugar ay agad napapalingon ang lahat ng lalaki.

At si Aya?

Malayo siya roon.

Kaya sa tuwing may event, hindi ko talaga siya pinapansin.

Ang kuya kong si Dwayne lang ang palaging nakikipag-usap sa kanya.

Sa totoo lang, magkaiba kami ng ugali ng kuya ko.

Si Dwayne ay mas kalmado, mas maunawain at higit sa lahat, mas madaling makisama sa mga tao.

Kung tutuusin, mas bagay sana siya kay Aya.

Sila ang mas close.

Kaya noong unang sabihin sa akin ng daddy ko na ako ang pakakasalan ni Aya, ang una kong naisip ay ang kuya ko.

Bakit hindi na lang si Dwayne?

Pero hindi puwede.

Hindi pa raw handa si Dwayne na magkaroon ng bagong asawa.

May anak kasi siya.

At ang ina ng bata ay matagal nang namayapa.

Hindi pa tuluyang nakaka-adjust ang anak niya sa pagkawala ng ina nito.

Gusto rin naman ni Dwayne na magkaroon ng bagong mommy ang anak niya.

Pero ayaw niyang ipilit.

Ayaw niyang magkaroon ng ibang babae sa buhay nila kung magiging dahilan lamang iyon para lumayo ang loob ng anak niya sa kanya.

Kaya nirerespeto niya ang nararamdaman ng bata.

At dahil doon, ako ang napilitang pakasalan si Aya.

Napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa likod ng aking desk.

Tahimik ang buong opisina.

Sa wakas.

Walang Aya.

Walang asawa.

Walang istorbo.

Hanggang sa biglang bumukas ang p***o.

Hindi man lang kumatok.

Napapikit ako.

Alam ko na kung sino.

"Uncle Drake!"

Agad kong ibinaba ang hawak kong dokumento.

Pumasok ang isang batang lalaki na tila pag-aari niya ang buong opisina.

Si Joaquin.

Ang pamangkin ko.

At gaya ng dati, hindi man lang siya nag-abala na magpaalam bago pumasok.

"Joaquin," malamig kong tawag.

Ngunit ngumiti lamang siya sa akin.

"Good morning!"

"Anong ginagawa mo rito?"

"Binisita kita."

"Busy ako."

"Pero hindi ka naman nagsasalita."

Napakunot ang noo ko.

"Joaquin."

"Yes, Uncle?"

"Umalis ka."

Napanguso siya.

"Ang sungit mo talaga."

Hindi ko siya pinansin at bumalik na lamang ako sa pagbabasa ng dokumentong nasa harapan ko.

Ilang segundo lamang ang lumipas nang marinig ko muli ang boses niya.

"Uncle Drake."

Hindi ako sumagot.

"Uncle Drake."

Nanatili akong tahimik.

"Uncle Drake!"

Napapikit ako nang mariin.

"Ano?"

Ngumiti siya nang malapad.

"Miss mo na ba si Tita Aya?"

Agad akong napatingin sa kanya.

"No."

"Sure?"

"Yes."

"Talaga?"

"Joaquin."

"Okay."

Tumahimik siya.

Sa wakas.

Ngunit wala pang limang segundo ay nagsalita na naman siya.

"Pero ako, miss ko na si Tita Aya."

Napahilot ako sa sentido.

"Good for you."

"Miss mo rin naman siya."

"Hindi."

"Sinungaling."

Napaangat ang kilay ko.

"Ano?"

"Sinungaling ka."

Napatingin ako sa kanya nang diretso.

"Sino nagturo sa'yo magsalita nang ganyan?"

"Wala."

"Then don't call me a liar."

"But you are."

"Bakit?"

"Dahil kapag binabanggit ko si Tita Aya, naiinis ka."

"At?"

"Ibig sabihin, nami-miss mo siya."

"That's not how it works."

"How does it work, then?"

"Kapag naiinis ako sa isang tao, ibig sabihin ay ayaw ko sa kanya."

Napaisip si Joaquin.

"Ah..."

Tumango siya nang ilang beses.

"So ayaw mo kay Tita Aya?"

"Yes."

"Pero asawa mo siya."

"I know."

"Pero hindi mo siya mahal?"

Hindi ako sumagot agad.

Hindi ko alam kung bakit parang biglang naging seryoso ang tanong ng bata.

Tinitigan ko lamang siya.

"That's none of your business."

"Okay."

Umupo siya sa maliit na sofa sa loob ng opisina ko.

Akala ko ay tapos na ang usapan.

Pero muli siyang nagsalita.

"Pero mabait si Tita Aya."

Napabuntong-hininga ako.

"Joaquin..."

"At maganda siya."

"Wala akong pakialam."

"At lagi niya akong binibigyan ng cookies."

"Good."

"At hindi siya masungit."

"Unlike me?"

Napangiti siya.

"Oo."

Napailing ako.

"You're annoying."

"Pero mahal mo ako."

Napatingin ako sa kanya.

"Unfortunately."

Natawa siya.

Biglang bumukas ang p***o.

"Good morning."

Pumasok si Dwayne na may hawak na ilang folder.

Pagkakita niya kay Joaquin na nakaupo sa sofa, napailing na lamang siya.

"Joaquin."

"Hi, Dad."

"Anong ginagawa mo rito?"

"Kinakausap ko si Uncle Drake."

"At mukhang malapit na siyang sumabog."

Napatingin si Dwayne sa akin at napangiti.

"May problema ba?"

"Wala."

"Sure?"

"Wala nga."

Umupo si Dwayne sa kabilang upuan habang nakatingin sa anak niya.

"Joaquin, hindi mo ba ginugulo ang uncle mo?"

"Hindi."

Napatingin siya sa akin.

"Uncle?"

"Hindi."

Napangiti si Dwayne.

"Narinig mo?"

"Narinig ko."

"Anong pinag-uusapan ninyo?"

Tahimik si Joaquin sandali bago ngumiti.

"Si Tita Aya."

Biglang natawa si Dwayne.

Ako naman ay napatingin sa kapatid ko.

"Anong nakakatawa?"

"Wala."

"Then stop laughing."

"Sorry."

Pero halatang pinipigilan pa rin niya ang tawa niya.

"Namimiss daw ni Joaquin si Aya."

"Oo."

"At sinabi niya rin na baka nami-miss mo rin siya."

"Hindi."

"Sinabi ko lang naman."

Dwayne shook his head while smiling.

"Alam mo, Drake, baka naman dapat bigyan mo ng chance si Aya."

Napatawa ako nang walang humor.

"Chance?"

"Oo."

"Para saan?"

"Para makilala mo siya."

"Kilala ko na siya."

"Pero hindi mo naman siya tunay na kilala."

"I don't need to."

"Why?"

"Dahil hindi naman magbabago ang gusto ko."

"At ano iyon?"

"Kalayaan."

Natahimik si Dwayne.

Maging si Joaquin ay tumigil sa pagkukuwento.

I leaned back in my chair.

"I don't need a wife, Dwayne. At lalong hindi ko kailangan ng babaeng hindi naman pasok sa gusto ko."

"Pero asawa mo na siya."

"Legal lang."

Napatingin sa akin si Dwayne.

"Drake..."

"I never asked for this marriage."

"Pero pumayag ka."

"Because Dad left me no choice."

Saglit na natahimik ang buong opisina.

Maya-maya ay marahang nagsalita si Dwayne.

"Alam mo naman kung bakit niya ginawa iyon."

"I know."

"Para hindi tuluyang mawala ang kompanya ng pamilya ni Aya."

"I know."

"At para maprotektahan din ang pangalan ng dalawang pamilya."

"I know, Dwayne."

Napabuntong-hininga ako.

"Pero hindi ibig sabihin noon ay kailangan ko siyang mahalin."

Hindi na sumagot ang kuya ko.

Tumingin naman si Joaquin sa akin.

"Uncle Drake?"

"What?"

"Kapag ayaw mo kay Tita Aya..."

"Yes?"

"Pwede ko ba siyang kunin?"

Nanlaki ang mata ko.

"What?"

"Pwede ko siyang maging Tita ko na lang?"

Napahawak si Dwayne sa noo.

"Joaquin!"

"What? Mabait naman si Tita Aya."

Napailing ako.

"You're crazy."

Ngumiti ang bata.

"Pero miss ko na talaga siya."

Hindi ko na siya pinansin.

Binalikan ko na lamang ang mga dokumentong nasa mesa ko.

Ayaw kong marinig ang pangalan ni Aya.

Ayaw kong maalala siya.

At lalong ayaw kong isipin kung nasaan siya ngayon.

Binigyan ko siya ng sapat na pera para makaalis at manatili muna sa ibang bansa.

Pumayag siya nang walang reklamo.

At iyon ang gusto ko.

Malayo siya sa akin.

Dahil sa pagkakataong iyon, malaya na akong gawin ang lahat ng gusto ko.

Wala akong asawa sa tabi ko.

Wala akong kailangang isipin.

At higit sa lahat—

wala akong kailangang mahalin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Harrington's Secret Mistress    Chapter 20

    The Scent of a StrangerDrake’s POVHindi ko alam kung ilang baso na ang nainom ko. Hindi ko na rin binibilang. Ang mahalaga, kahit paano ay unti-unting nawawala ang sakit ng ulo ko dahil sa mga problemang sunod-sunod na dumating sa buhay ko nitong mga nakaraang araw.At karamihan sa mga problemang iyon ay may isang pangalan.Liane.That woman was a walking disaster.Mula nang magkabanggaan kami sa kalsada, hindi na natapos ang abala. Una, ang sirang cellphone niya. Sumunod, ang eksena sa mall kasama ang saleslady. At pagkatapos, ang bigla niyang pagpunta sa opisina ko na para bang wala siyang ibang alam gawin kundi sirain ang tahimik kong araw.Kung hindi lang dahil sa cellphone niyang ako naman ang nakasira, matagal ko na siyang pinalayas sa paningin ko.“Pare, kung ganyan ka lang din naman uminom, sana nagdala ka na lang ng bote sa bahay mo,” natatawang komento ni Arlot habang pinapaikot ang baso niya.Hindi ko siya pinansin.Katabi ko si Nox, na abala sa pakikipag-usap sa isa sa m

  • Harrington's Secret Mistress    Chapter 19

    CHAPTER 19 — Night ChangesDRAKE POVThe night was still young.At least, that was what I thought when I stepped inside Obsidian Bar that evening.The place was packed, as usual. Colorful lights moved across the ceiling, music vibrated through the floor, and the sound of people laughing and talking blended with the loud beat coming from the speakers. Waiters moved between tables carrying bottles of liquor and trays of drinks, while several groups of customers occupied the private booths along the sides of the room.It was the kind of place where I could forget about work for a few hours.No meetings.No contracts.No family obligations.And definitely no reminders about my wife.I loosened the collar of my shirt as I made my way toward our usual private table.Nox was already there, sitting comfortably on the sofa with a glass of whiskey in his hand. Across from him was Arlot, the same friend who had recently returned from abroad and had already managed to annoy me more than once sinc

  • Harrington's Secret Mistress    Chapter 18

    CHAPTER 18 — The Men at the Sari-Sari StoreTHIRD-PERSON POVAlas kuwatro na ng hapon nang tuluyang makaalis si Liane sa mall.Pagkatapos niyang makuha ang bagong cellphone, dumaan pa siya sa isang maliit na tindahan para bumili ng ilang pangunahing pangangailangan bago tuluyang sumakay ng jeep pauwi sa kanilang baryo.Hindi niya na inabala pang tawagan si Drake para magpasalamat nang personal. Sapat na sa kanya ang maikling pasasalamat na sinabi niya sa telepono kanina. Kung tutuusin, ayaw na rin niyang marinig ang mataray na boses ng lalaki.Mula sa sakayan, naglakad na lamang siya pauwi.Hindi naman ganoon kalayo ang inuupahan niyang bahay mula sa pangunahing kalsada. Kailangan lamang niyang dumaan sa makitid na daan na napalilibutan ng magkakatabing bahay, maliliit na tindahan, at ilang bakanteng lote na unti-unti nang tinutubuan ng damo.Sanay na siya sa lugar na iyon.Halos araw-araw ay ganoon ang ruta niya. Minsan, may mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada. May mga inang nag

  • Harrington's Secret Mistress    Chapter 17

    CHAPTER 17— The Woman Who Ruins His DayDRAKE POV“What do you want?”Inip na tanong ko kay Liane habang nakatingin sa relo ko. May ilang importanteng dokumento pa akong kailangang ayusin, may meeting akong kailangang paghandaan, at hindi ko kayang sayangin ang buong araw sa babaeng ito.Pero heto siya ngayon, nakatayo sa lobby ng building ko na para bang wala siyang ibang pinagkakaabalahan sa buhay kundi guluhin ako.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng taong puwede niyang lapitan, palagi na lang ako ang napipili niyang pagdiskitahan.“Bakit ka ba nagmamadali?” tanong niya, nakapamewang. “Hindi pa naman kita pinapatakbo.”I stared at her.“Are you serious?”“Ano na naman?”“I'm asking you what you want, and you're asking me why I'm in a hurry?”“Eh, halata naman kasing naiinis ka.”“At least, marunong ka palang makaramdam.”“Wow. Ang bait mo talaga.”Napapikit ako sandali.Lord, give me patience.Hindi ko alam kung paano niya nagagawang magsalita nang magsalita k

  • Harrington's Secret Mistress    Chapter 16

    DRAKE POVTahimik ang buong opisina.Matapos umalis ng ama ni Aya, ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa gitna ng silid.Hindi ko alam kung bakit parang naiwan sa isip ko ang bawat salitang sinabi niya.Babalikan ko ang anak ko.Kung hindi mo siya kayang mahalin, ako mismo ang babawi sa kanya.Napabuntong-hininga ako.Hindi ko kailangang isipin iyon.Hindi ko kailangang mag-alala.Aya was my wife.At kahit hindi ko siya mahal, kasal kami.May mga bagay na hindi naman kailangang lagyan ng emosyon.Umupo ako sa office chair ko at sumandal.Napatingin ako sa mesa.Nandoon ang ilang dokumentong kailangan kong pirmahan, pero wala akong gana.Kinuha ko ang cellphone ko.Hindi ko alam kung bakit.Binuksan ko ang contacts.Ilang segundo akong nakatitig sa screen.Hanggang sa makita ko ang pangalan niya.Aya.Hindi ko namalayang natigil ang paggalaw ng daliri ko.Hindi ko pa siya tinatawagan mula nang umalis siya.Wala akong dahilan para tawagan siya.Iyon ang lagi kong sinasabi sa sarili

  • Harrington's Secret Mistress    Chapter 15

    DRAKE POVPagpasok ko pa lang sa opisina, alam ko nang hindi magiging maganda ang araw na iyon.Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang bigat sa pakiramdam ko habang naglalakad ako patungo sa elevator.Siguro dahil sa nangyari kanina.Una, yung jeepney.Pangalawa, si Liane.Pangatlo, yung saleslady na muntik ko nang tanggalin sa trabaho.At higit sa lahat, hindi ko pa rin nabibili ang cellphone na ipinangako ko kay Liane.Napailing ako habang pinipindot ang button para sa executive floor.“Anong klaseng umaga 'to?”Pagbukas ng elevator, agad akong sinalubong ng secretary ko.“Good morning, sir.”Tumango lang ako.“May naghihintay sa loob ng office ninyo, sir.”Huminto ako.“Who?”Hindi agad sumagot ang secretary ko.“Sir…”“Who?”“Si Mr. Alvarez po.”Napakunot-noo ako.Alvarez.Pamilyar ang apelyido.Pero hindi ko agad naisip kung sino.Hanggang sa tuluyan akong makarating sa pinto ng opisina ko.Pagbukas ko nito, agad kong nakita ang isang lalaking nakaupo sa sofa.Nakatayo ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status