CHAPTER 2His PlanNagpatuloy lamang ang katahimikan sa loob ng opisina nang biglang tumayo si Dwayne."Joaquin, kailangan na nating umalis."Agad na napatingin sa kanya ang bata."School na?""Yes. Late na tayo."Napanguso si Joaquin at tumingin kay Drake."Uncle Drake, hindi ka ba sasama?""No.""Bakit?""May trabaho ako.""Pero wala ka namang ginagawa."Napatingin ako sa kanya."Excuse me?"Ngumisi siya."Nagbabasa ka lang ng papel.""That's work.""Parang boring."Napailing ako."Joaquin, umalis ka na."Tumawa siya."Okay, Uncle Grumpy.""Joaquin.""Bye!"Mabilis siyang tumakbo patungo sa ama niya."Bye, Dad!""Bye. Be a good boy.""Yes!"Sumunod naman ang isang lalaking katiwala ni Dwayne na siyang nakatalaga upang ihatid at sunduin si Joaquin sa eskwelahan.Grade 1 na si Joaquin at sa isang sikat na paaralan ito nag-aaral. Pagmamay-ari iyon ng isang matagal nang kaibigan ni Dwayne. Dahil medyo nahuli na ang bata sa pagpasok sa paaralan, pumayag ang pamunuan na magkaroon siya ng
Last Updated : 2026-09-13 Read more