Share

KABANATA 02

"DID you find her?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Jacob. Umiling ako bilang tugon at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

It's been two weeks simula no'ng mangyari ang bagay na 'yon, at dalawang linggo ko na rin siyang hinahanap.

"Bakit hindi mo utusan ang mga tauhan mo para ipahanap siya, Kidlat?" suhetisyon niya habang prenteng naka-upo at nililinisan ang baril.

"That's a bad idea, Jacob. I want to find her in a silent way, magiging magulo at maingay kung mag-uutos ako para ipahanap siya."

Nag-angat siya sa akin ng tingin. "Bakit mo ba hinahanap ang babaeng 'yon?"

Tumiim ang bagang ko dahil sa tanong niya. "Nasa akin na 'yon kung bakit," simpleng sagot ko.

She's so hard to find. Ang hirap niyang hanapin at mahirap din siyang hanapan ng backround check.

"I think you need my help, my man," pareho kaming napatingin sa taong kapapasok lang dito sa loob ng private office ko.

It was Axel, one of my friend. Magaling siya pagdating sa paghahanap ng mahirap hanapin katulad ng mga bagay-bagay o ng tao. He knows everything.

"At ano'ng kapalit?" tanong ko, lahat ng tulong o bagay na gagawin niya sa'yo ay may malaking kapalit.

"Saka ko na sasabihin ang kapalit kapag natapos ko na," ngumisi siya. "Ano'ng maipaglilingkod ko, Kidlat?"

Napailing-iling ako bago ngumisi. Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng ilan sa nahanap ko tungkol sa babae.

"You didn't even know her name?" salubong ang kilay na tanong niya, tamad akong tumango. "Magiging mahirap ito. Okay, give me a two hours babalik ako dito at pagbalik ko alam mo na kung sino siya at kung nasaan siya. Even her deepest secret, ay malalaman mo."

Katatapos lang ng meeting ko kasama ang mga stockholders ng kumpanya ko. Matapos ang pag-uusap naming tatlo kanina sa bahay ay siya namang tumawag ang secretary ko na nagpapaalalang may meeting ako.

Lahat ng stockholders ng kumpanya ay takot sa akin, well hindi ko sila masisisi I am a Mafia boss and I am the only son of a kingpin.

Napatingin ako sa relong pambisig, it was exact two hours simula no'ng magka-usap kami ni Axel. Napa-angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa nito ang taong hinihintay ko.

"You found out?" I ask at him.

He nodded and smirk at me, nagmamayabang. "Yes, of course ako pa ba." Inilapag niya sa mesa ko ang brown envelope. "Embrace your self before you open it, Kidlat."

I tsk at him. "Ano'ng kapalit nito?" tanong ko at bahagyang iniangat ang sobre.

"Mag-invest ka sa kumpanya ko," aniya na ikinatango ko. "100 million pesos."

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. "Seriously? 100 million?"

"Yes. Seryoso ako, barya lang 'yon sa'yo," sagot niya. Napatango ako at itinago ang sobre na para bang ito ang pinakaimportanteng bagay.

"Okay, I'll invest 100 million," walang pagaalinlangan kong sabi sa kaniya na ikinatuwa niya.

Nang lumabas siya ay doon ko lang binuksan ang envelope at tinignan ang nasa loob.

Dang! She's not just a nobody. She's a assassin. This is crazy! Bakit sa dinami-rami ng babaeng makakatalik ko no'ng gabing 'yon ay siya pa?

She's part of my organization. She's one of my assassin. Darn it! Sa sobrang dami ng tauhan ko ay hindi ko sila kilalang lahat. I'm loosing my sanity right now. Hindi ito pweding mangyari.

Tanging si Gideon lang ang humaharap sa kanila at nag-uutos tungkol sa mga misyong ibinibigay. Gideon is my right hand in Mafia.

Isinuot ko ang face mask ko bago lumabas sa sariling sasakyan. Naglakad ako papasok sa loob at ng makita nila ako ay naging dahilan 'yon upang ang lahat ng nagbabantay ay yumukod sa akin.

Tanging tango lang ang ibinigay ko bago pumasok sa loob ng elevator patungo kung saan ang opisina ko dito sa loob ng organisasyon.

Ang ugaling mayroon ako sa loob ng organisasyon ay ibang-iba sa katauhang mayroon ako sa tuwing nasa labas. Kaya kong umakto na para bang isang normal na tao tuwing nasa labas ngunit pagdating sa loob ng organisasyon ay nagiging mas masahol pa ako sa hayop.

I'm a Mafia boss and I can be a beast inside the Mafia.

Pagbukas ng elevator ay sumalubong sa akin si Gideon. "Mr. Rius," he bow his head as a respect. I just nodded as a response.

Naglakad ako papasok sa loob ng private office ko at sinenyasan itong sumunod. Umupo ako sa swivel chair at nag-angat ng tingin sa kaniya.

"How many female assassin we have?" agad kong tanong sa kaniya.

"Fifteen, Mr. Rius." He answered.

"Vera Velasquez, is she one of them?" I ask again without any emotions in my face. Ngunit sa loob ko ay nasasabik ng may malaman tungkol sa kaniya.

"Yes, Mr. Rius." Sagot niya na ikinatango ko.

"Good, you may now go." Wika ko, at nang lumabas siya ay saka ako napasandal sa kinauupuan ko. Pinaglaruan ko ang ballpen na nahagip ng kamay ko sa mesa habang nag-lalakbay ang isip.

There is something wrong with me that I couldn't name of. May kakaibang namumuo sa loob ko na hindi ko maipaliwanag. Simula no'ng mangyari ang gabing 'yon at pagmulat ko ng mga mata ko kinaumagahan ay kinuha na niya ang atensiyon na mayroon ako.

Her name Vera has an effect in me. May kakaiba sa kaniya na kumuha sa atensyon ko na tanging ako lang ang nakakita ngunit hindi ko mapunto kung ano 'yon.

Pagkatapos nang araw na malaman ko kung sino siya ay nakita ko na lamang ang sarili ko na naging stalker niya. Yes, a Mafia boss like me became a stalker of Miss Assassin of mine.

Iniwan ko ang trabaho sa kumpanya at mas piniling sundan siya ng palihim. "What is she doing here?" mahinang tanong ko sa sarili, seriously? Bakit dito sa amusement park? At bakit nasa tapat siya ng nagtitinda ng ice cream?

Dito siya huminto kung kaya ay huminto rin ako ilang metro ang layo sa kaniya kung saan tanaw na tanaw ko siya. Nag-abot siya ng pera sa nagtitinda marahil bilang bayad kapalit ng ice cream na ibinigay sa kaniya.

Napailing ako, so she loves ice cream? Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako, inayos ko ang suot na cap at mabilis na tumago nang mapalingon siya sa gawi ko.

Lihim ko siyang pinanoodan habang kumakain ng sorbetes. Naka-upo siya sa isang bench habang tahimik na kumakain, habang ako ay tahimik na pinagmamasdan siya mula sa malayo.

Nang gabing may nangyari sa amin ay hindi ko naman talaga sinasadya 'yon, ngunit iyon naman ang gusto at hanap ng katawan ko. But it was clearly to me that what happened between us, is not a mistake for me.

Kilala kaya niya ako? Naaalala pa kaya niya ang mukha ko? Tsk, why am I even thinking that? What's happening to me?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status