Share

He Is Not Just A Mafia
He Is Not Just A Mafia
Author: Riallanne

KABANATA 01

BINIGYAN ko ng magkasunod na sipa sa sikmura ang natitirang kalaban ko. Gamit ang likod ng palad ko ay pinunasan ko ang gilid ng labi ko na nagdudugo.

Yumuko ako at inabot ang kwelyo ng lalaking sinipa ko, ang lahat ng kasama niya ay wala ng malay tanging siya na lang ang natira. Ito ang leader ng gang na sumugod sa akin.

"Sino ka sa akala mo para kalabanin ako?" walang emosyon ang mukha kong tanong ngunit ang mga mata ko ay nanlilisik habang nakatingin sa kaniya.

Nang hindi ito sumagot ay sinuntok ko ito dahilan para tuluyan na itong mawalan ng malay. Napailing ako bago pinagpagan ang suot na leather jacket, kagagaling ko lang sa isang misyon kanina at pabalik na ako sa bahay ko ng harangin ako ng mga ito at hamunin. Sino ba naman ako para hindi sila pagbigyan, hindi ba?

Tinignan ko isa-isa ang mga taong nakahandusay sa kalsada at walang malay, napailing-iling ako. Dapat pa nga silang magpasalamat dahil hindi ko sila pinatay ngunit bali-bali naman ang mga buto nila.

Sumakay na ako sa motor ko at nagmaneho paalis na para bang walang nangyari. Kusang bumukas ang gate ng bahay ko no'ng nasa tapat na ako nito.

Ipinarada ko sa garahe ang sasakyan kong motor bago pumasok sa loob ng bahay. Tinanggal ko ang suot na jacket bago pabagsak na umupo sa sofa. Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng sofa bago malalim na napabuntong hininga.

Dalawang mahahalagang tao sa pamahalaan na naman ang pinatay ko ngayong araw. Ang mga taong 'yon ay ganid sa pera at kurakot. Dapat lang 'yon sa kanila.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at umakyat sa hagdan at patungo sa kwarto ko. Pagpasok ko sa loob ay agad kong hinubad ang lahat ng saplot ko at naglakad patungong banyo.

Binuksan ko ang shower at tumapat doon, hinayaan ko ang tubig na tumama sa katawan ko. Lahat ng nangyari sa buong araw ay inalala ko. Bilang isang mamamatay tao na kagaya ko ay normal na lang kumitil ng buhay ng isang tao.

Nang matapos akong maligo ay muli na naman akong nagbihis at lumabas ng kwarto at pumuntang garahe. Sumakay ako sa motor ko at pinaharurut ito paalis.

Hindi ganitong buhay ang nakagisnan ko noong bata pa ako, ngunit dahil sa karumal-dumal na pangyayari ay nagbago ang ihip ng buhay ko. Everything was change when they killed my family in front of me.

Sumali ako sa isang organisasyon na pinamumunuan ng isang Rius, kailanman ay hindi ko pa nakita pinuno ng grupo ngunit gayon pa man ay wala na akong pakialam doon.

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa labas ng bar at tinanggal ang suot na helmet bago bumaba sa motor ko. Naglakad ako papasok sa loob ng bar at umupo sa isang stool chair tapat ng bar counter.

Naglapag ang bartender ng baso ng alak sa tapat ko na agad ko namang tinanggap at ininom. Sinenyasan ko pa ang bartender na isa pa na agad naman nitong sinunod.

Inilibot ko ang tingin sa kabuoan ng maingay na bar, naningkit ang mga mata ko ng mapadako ito sa grupo ng mga kalalakihan na nagkakatuwaan. Sa tingin ko ay hindi lang sila basta-basta na grupo, iba ang datingan nila at iba ang pakiramdam ko sa kanila.

"Himala at nandito ka," napa-angat ako ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses. Nginisihan ko ito ng makitang ito ang isa sa kasamahan ko na may under cover ngayon sa isang misyon kaya narito bilang isang waitress ng bar.

"Lia, kailangan ko rin minsang magpalamig baka sa iba ko maibaling ang init ng ulo ko at iba ang mangyari," makahulugan ko siyang tinignan na ikinangisi niya.

"Talaga lang," mahina itong natawa at umupo sa katabing kong stool chair. Inalok ko siya na uminom rin ngunit inilingan lang ako nito at pasimpleng inginuso ang bartender na nasa malapit sa amin.

"Kumusta ang dalawang senator na misyon mo?" tanong niya na ikinairap ko bago ininom ang alak na nasa baso.

"Nasa tahimik na kalagayan na," tipid kong sagot sa kaniya na ikinailing lang niya at sumandal sa counter.

Nag-paalam na ito para umalis dahil daw baka makahalata ang ilan sa mga kasamahan niya dito sa bar. Hindi ko alam kung nakailang baso na ang nainom kong alak ngunit nakakasigurado akong nakarami na ako. Bahagya na ring kumikirot ang ulo ko at may kung ano sa akin na namumuo sa loob ko. Nag-iinit ako, iyon ang nararamdaman ko ngayon sa loob ko na para bang may hinahanp ang katawan ko na panganga-ilangan.

Yumuko ako at umiling-iling umaasang mawawala ang ganoong epekto sa katawan ko ngunit nagkamali ako. Tumayo ako at pasuray-suray na naglakad patungong restroom ng bar.

Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganitong pakiramdam, mabilis akong pumasok sa banyo ng makitang walang tao. Naghilamos ako ng mukha at itinukod ang parehong kamay sa lababo bago tinignan ang sarili sa salamin, bahagyang namumula ang magkabila kong pisngi.

Napadaing ako dahil sa sakit ng ulo ko dulot ng nainom kong alak. Binuksan ko ang pinto ng banyo at lumabas ngunit laking gulat ko no'ng may humigit sa braso ko at hinila ako. Gustong kong manlaban at saktan ang taong may hawak sa akin habang hila-hila ako. Ngunit hindi ko magawa dahil sa panghihina at dumagdag doon ang kakaibang presensiya ng taong may hawak sa akin.

Ang namumuong sensasyon na nararamdaman ko ay mas naging aktibo ngayon. "Who are you?" tanong ko nang huminto kami sa tapat ng isang nakasaradong pinto.

Nang lingunin niya ako ay hindi ko maiwasang hindi mapalunok dahil sa klase ng tingin niya sa akin. Binuksan niya ang pinto at hinila ako papasok doon bago muling isinara ang pinto.

Nagulat ako no'ng itulak niya ako at isandal sa nakasaradong pinto at walang pasabing hinalikan, hindi ko maiwasang hindi madala sa halik niya kung kaya ay tumugon ako at ikinawit ang parehong kamay sa batok niya.

May kung anong kumikiliti sa loob ko na hindi ko maintindihan, ang sensasyong nararamdaman ko ay mas naging doble ngayon.

"Hmm," hindi ko maiwasang hindi mapa-ungol no'ng dumapo ang kamay niya sa aking dibdib at marahan itong hinimas.

"Hindi na importanteng malaman mo kung sino ako," paos at baritonong boses niyang sabi no'ng humiwalay ang kaniyang labi sa akin. "I want you."

Muli niya akong hinalikan at iniangat ang isang hita ko bago niya ipinalibot sa sariling baywang niya, ang kamay niya ay kung saan-saan naglalakbay sa katawan ko na mas nagbigay ng init sa katawan ko.

Inihiga niya ako sa kama bago hinubad ang sariling damit bago muling pumaibabaw sa akin. "Do you want me too?" tanong niya habang ang mga mata niya ay masuyo ngunit kakaiba kung makatingin sa akin. Ang kamay niya ay unti-unting tinatanggal ang suot kong saplot.

Nang hindi ako sumagot ay hinawakan niya ang dibdib ko at muling minasahe, napatango ako kasabay ng pag-ungol. "Yes. I want you too."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status