Beranda / Romance / He Loves Me, He Loves Me Not / CHAPTER 4: KISS AND FEELINGS

Share

CHAPTER 4: KISS AND FEELINGS

Penulis: Jewiljen
last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-20 15:13:57

Matapos nilang kumain ay nagkantahan muna sila sa videoke na nasa loob ng cottage. Parang may sariling concert si Joe dahil halos ito na ang nagpi-perform sa gitna. Tawa lang sila nang tawa. Maya-maya pa ay nagkanya-kanya na sila ng ayos ng tent. Magkasama sa isang tent sina Eunice at Katrina. Si Joe at Nick naman ang sa isa pa. Nagpaalam na rin sila ni Brent dahil doon nga sila magsi-set up sa puno na malayo sa tent ng mga kaibigan. Kanina pa nya napapansin na hindi masyadong umiimik si Brent kaya't naninibago siya.

Bitbit nito ang tent nila at siya naman ang may bitbit ng iba pa nilang gamit habang naglalakad papunta sa puno.

" Lasing ka na ba, Brent?" tanong niya.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

" Kung lasing na ako baka kanina pa ako humilata," natawa ito sa tanong niya.

" Ang tahimik mo kasi," dugtong niya.

Tumingin ito sa kanya habang patuloy pa rin sila sa paglalakad.

" Ayaw mo nu'n? Makakatulog ka nang mahimbing ngayong gabi dahil hindi ako masyadong madaldal?" pabirong tanong nito.

Kibit-balikat lang ang isinagot niya dito. Tumigil na sila sa may malaking puno. Agad na ibinaba ni Brent ang bitbit at inayos ang tent nila. Tamang-tama lang ang laki nu'n sa kanilang dalawa.

Nang maitayo na iyon ay mabilis na pumasok siya sa loob dala ang gamit nila. May isang flashlight silang dala. Inayos niya ang loob. Pumasok na rin si Brent. Nilagay niya ang bag sa ulunan para maging unan niya. Humiga na siya. Nakita niya nang isara na ni Brent ang zipper ng tent. Nilagay niya ang bag nito sa tabi ng ulo niya para maging unan naman ng kaibigan.

Tumingin ito sa kanya saka humiga na rin. Medyo manipis ang bag niya dahil wala iyong masyadong laman. Naiwan niya sa cottage ang ibang damit na laman nu'n kaya't pilit na inaayos niya ang bag para medyo kumapal. Napalingon si Brent sa kanya. Nakita yata nito na hindi siya kuntento sa bag bilang unan niya.

" Come here," sabi nito saka inangat bahagya ang ulo niya at pinaunan sa kanya ang isang braso nito.

Lumingon siya sa lalaki.

" Baka mangalay ka," sabi niya pero hindi naman inaalis ang ulo sa braso nito.

" Sa laki ng muscles ko diyan, mangangalay pa?" itinaas pa nito ang isang braso para pa OA na ipakita ang muscles du'n. Alam niyang binibiro lang siya nito.

Naka-sando lang kasi ito kaya't kitang-kita nga ang muscles ng kaibigan.

" Yabang talaga," pairap na sagot niya.

Tumawa naman ito. Muli ay tumahimik na sila. Maya-maya ay nagsalita ito.

" May iba ka bang gustong makasama dito sa loob ng tent?" tanong nito pero hindi naman tumitingin sa kanya.

Nagulat siya sa tanong ng kaibigan. Tumagilid siya para tingnan ang mukha nito.

" Oo," diretsong sagot niya.

Tumagilid na rin si Brent para humarap din sa kanya.

" Sino?" nakita niya ang parang nanghihinakit na mukha nito.

Tinititigan niya ang kagwapuhan nito bago sumagot.

" Si Jacob Elordi, iyong bidang lalaki sa kissing booth," nakangiting sagot niya.

Naalala niyang sabay nilang pinanood iyon ng kaibigan minsan nang tumambay ito uli sa bahay nila. At saksi ang lalaki sa malalakas na tili niya dahil sa kilig sa bidang lalaki du'n.

Mataman niya uling pinagmamasdan ito. Nasa may ulunan nila ang flashlight.

" In fairness, may hawig ka du'n, ha!" biglang sabi niya.

Ngumiti ito nang tipid.

" Hmmm... talaga?" hindi naman nagtatanong ang tono nito, parang nangungumpirma lang.

Tumango siya dito. Nakatagilid pa rin silang pareho at nakaharap sa isa't-isa.

" Di ba, patay na patay ka du'n?" dugtong uli nito.

" Oo naman. Ang gwapo kaya nu'n!" nakangiting sabi niya na parang kilig na kilig.

Sumeryoso ito bago nagsalita uli.

" Kung kamukha ko siya, bakit di ka patay na patay sa akin?" seryosong tanong nito na hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

Napalis ang ngiti niya. Para kasing may ipinapahiwatig ang klase ng tingin ng kaibigan sa kanya. Napalunok siya.

Hindi siya nakakilos nang hawakan nito ang mukha niya. Hinahaplos nito ang pisngi niya hanggang sa bumaba ang tingin nito sa mga labi niya.

Dahan-dahang inilapit ng lalaki ang mukha sa kanya.

" B-brent..." mahinang sambit niya ng pangalan nito nang sa tingin niya ay hahalikan siya nito.

Gusto niyang pigilan ito sa pagtawag niyang iyon pero parang naging encouragement ang dating ng tunog ng pagkakasabi niya.

Hindi na siya nakaiwas nang tuluyan nitong inilapat ang mga labi sa kanya. Kusang pumikit ang mga mata niya sa pagkakalapit ng mga labi nilang iyon. Lumipat ang kamay nito sa batok niya at hinila na siya papalapit.

Umawang ang bibig nito para sakupin nang tuluyan ang mga labi niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kumibot-kibot lang ang mga labi niya nang s******n nito ang pang-ibabang parte nu'n. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya habang hinahalikan siya nito.

Awtomatikong napakapit na rin ang isang kamay niya sa leeg ng kaibigan. Uminit ang pakiramdam niya nang maramdaman ang dila nitong dumuduldol sa nakatikom niyang bibig. Para bang gusto nitong buksan niya ang bibig niya.

Iniawang niya ang mga labi nang bahagya. Agad namang nagsusumiksik ang dila nito sa maliit na butas na bumukas. Binitiwan nito saglit ang bibig niya saka bumulong.

" Open your mouth, Zy," paanas na sabi nito.

" Huh?" wala sa sariling sagot niya.

Inilapit uli nito ang bibig sa kanya at sinamantala ang pagkakabuka ng bibig niya nang magsalita siya. Nagulat na lang siya nang biglang kantiin ng dila nito ang nananahimik niyang dila.

Shit! Ano ba'ng ginagawa nila? Patiling tanong ng utak niya.

Napaungol pa siya nang s******n nito ang dila niya. Hinayaan niya ito. Napapapikit na siya nang mariin at hindi na namamalayan na napapasabunot na siya sa buhok ng lalaki.

" Hmmmm... B-brent..." napapaungol siya habang lumalalim ang halik nito.

Sinubukan niyang gayahin ang galaw ng dila ng lalaki. S******p din niya ang dila nito nang biglang marahas na napaungol ang kaibigan. Tinigilan niya agad ang ginagawa at inilayo ang mukha dito saka tumingin sa lalaki.

" N-nasaktan ba kita?" mahinang tanong niya nang inakala niyang napaungol ito sa sakit.

" Silly," napapangiting sagot nito saka ito na ang kusang naglapit uli ng mga labi sa kanya.

Pakiramdam niya ay mabubuhol na yata ang mga dila nila sa isa't-isa. Saka parang namamaga na ang lower lip niya sa kakasipsip nito. Hindi niya alam kung gaano katagal silang naghahalikan pero parang ayaw din niyang tumigil ito.

Minsan ay napapasinghap na siya dahil parang mauubusan na siya ng hangin. Nang sa wakas ay binitiwan na nito ang mga labi niya at parehong habol nila ang paghinga.

Hindi siya makatingin nang diretso sa kaibigan kaya't agad na isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at mariin na pumikit. Dinig na dinig niya ang mabilis na tibok ng puso nito kagaya ng nararamdaman niya pagkatapos ng mainit nilang halikan.

Matagal na walang nagsalita kahit isa sa kanila. Dinadama niya ang parang namamagang labi at binabasa ng laway habang nananatiling nakasubsob sa dibdib ni Brent. Ayaw niya itong harapin. Nahihiya siya sa binata.

Maya-maya ay tinawag nito ang pangalan niya.

" Zy..." paanas na tawag nito.

Hindi siya sumagot at mas lalong ipinikit nang mariin ang mga mata. Hindi na ito nagsalita pang muli. Naramdaman na lang niyang hinalikan nito ang buhok niya saka siya niyakap nang mahigpit.

Parang mangangalay na siya sa posisyon niya dahil natatakot siyang gumalaw. Unti-unti nang bumalik sa normal ang tibok ng puso ng lalaki at naging mabini na rin ang paghinga nito.

Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin at nakikita niyang nakapikit na si Brent at mukhang nakatulog na nga. Umayos siya ng higa at sinubukang alisin ang pagkakayakap nito sa kanya pero lalo lang siya nitong hinapit.

Hinayaan na lang din muna niya ito hanggang sa unti-unti na rin siyang dalawin ng antok habang yakap pa rin ng lalaki.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • He Loves Me, He Loves Me Not   FINALE: HE LOVES ME (I DO!)

    Linggo.Umaga pa lang ay nasa inuupahan na ng pinsan niya si Joe. Para itong hindi mapakali na ewan. Mabuti na lang din at may damit ang pinsan niya na may pagka-gold kaya't hindi na ito bumili pa ng maisusuot. Ang sa mga lalaki naman daw ay black and white lang.Hapon pa lang ay pinabihis na siya ni Joe. Magaling itong mag-ayos ng buhok at mag-make up dahil sa trabaho nito kaya't ito na ang nag-ayos sa kanya. Itinali nito ang buhok niya paitaas at nag-iwan lang ng mumunting hibla. May inipit itong hair pin na malaki na korteng bulaklak na kulay gold din. Napangiti siya nang tingnan ang sarili sa salamin." Baka naman matalbugan ko pa si Katrina nito," pabirong sabi niya." Ay, hayaan mo na. Wala naman iyong paki dahil secured na ang lovelife nu'n," nakatawang sabi ni Joe habang inaayos pa ang buhok niya.Nawala ang ngiti niya dahil naalala niya si Brent." Oh, bakit ka naman nalungkot bigla? Sigurado ako sa ganda mong iyan, magiging secured na rin ang lovelife mo ngayong gabi," saka

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 20: INVITED

    Agad na isinara ni Brent ang pinto ng kwarto gamit ang isang paa. Kinarga siya nito habang hindi naghihiwalay ang mga labi nila. Maingat na ibinaba siya nito sa kama habang nakatitig sa kanya. Napalunok pa siya nang simulan na nitong hubarin ang suot nito. Basta na lang nito itinapon sa sahig ang mga iyon. Ang tanging iniwan nitong suot ay ang white brief nito na hindi maitatago ang nakaumbok du'n. Ngumiti ito nang mapansing titig na titig siya sa namumukol na pagkalalaki nito." You can stare all you want. Now, we'll be doing it with the lights on. I want to see all of you," kitang-kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito.Hinubad muna nito ang mga sapatos na suot niya. Yumuko ito habang sumampa na sa kama at hinahalikan ang mga binti niya kahit may nakatabing pa ring tela doon. Nangilabot siya sa ginagawa nito. Muntik pa ngang sumipa ang mga paa niya. Umakyat ang mga halik nito sa hita niya. Inilipat nito ang bibig sa isa pa nyang hita at hinahalikan siya doon paakyat. Tumigil ito a

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 19.2: BEFORE I LET YOU GO

    Tinawag na sila ni Joe para kumain. Nakita niya si Brent na nakaupo sa sulok at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Naiilang tuloy siyang kumilos. Tumabi siya uli kina Katrina at Eunice. Nang makakuha na ang lahat ay saka tumayo si Brent para kumuha ng pagkain nito.Buti na lang at wala ni isang nagtanong uli ng tungkol sa kanila ni Brent. Napupuno na naman ng tawanan habang kumakain sila dahil sa mga pinagkukwento ni Joe. Sila lang ni Brent ang parehong tahimik. Kapag nagsasalubong ang mga tingin nila ay agad siyang umiiwas.Pagkakain ay nagkanya-kanya na sila ng ligpit ng mga gamit nila. Pupunta na sana siya sa kotse ni Joe nang magsalita si Brent." Sumabay ka sa akin, Zy, wala akong kasama. Baka makatulog ako sa biyahe," parang walang anumang sabi nito.Hindi iyon tunog pakiusap kundi pautos ang pagkakasabi nu'n. Kita niya ang nanunudyong tinginan ng lahat kahit wala ni isang nagsalita. Nang lumingon siya rito ay nakabukas na ang passenger's seat nito at hinihintay siyang pumasok s

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 19.1: BEFORE I LET YOU GO

    Nagising siya dahil sa mabigat na nakadagan sa may hita niya. Napakurap-kurap pa siya nang dahan-dahan niyang idilat ang mga mata. Namulatan niya ang mukha ni Brent na mahimbing pa ring natutulog habang yakap siya. Muntik pa siyang bumalikwas ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. Nang tingnan niya ang ibabang bahagi ng katawan nila ay nakita niya ang hita ni Brent na nakadantay sa kanya. Iyon pala iyong bagay na mabigat na nakadagan sa kanya. Nalilis na nang konti ang kumot sa ibaba kaya't kitang-kita niya ang isang hita nito na nasa gitna ng mga hita niya. Biglang namula ang mukha niya nang makitang pareho silang walang saplot sa katawan. Hindi pa sumisikat ang araw. Maingat na inalis niya ang braso nitong nakapulupot sa kanya para huwag itong magising. Gumalaw ito konti kaya't tumigil muna siya. Nang makitang mahimbing pa rin itong natutulog ay inalis niya naman ang hita nito sa kanya. Muntik pa siyang mapasinghap nang makita ang parang handa na namang sandata nito. Tayong-ta

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 18: ONE SPECIAL NIGHT

    Natapos na nitong ayusin ang tent nila. Panay ang himas niya sa braso niya dahil parang naiilang siya. Kita niya sa di kalayuan ang dalawang tents ng mga kaibigan nila. " Zy," tawag ni Brent sa kanya.Ibinaling na niya ang tingin sa lalaki. " Let's get inside," sabi nito na inilahad pa ang isang kamay sa kanya. Napalunok na lumapit na rin siya dito. Yumuko siya para pumasok habang nasa may bukana pa rin ito ng tent. Saka lang ito pumasok nang nasa loob na siya. Umupo na siya at tiningnan ito nang isara nito ang zipper ng tent. Muli ay napalunok siya. Parang nahihirapan siyang huminga sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.Tumingin si Brent sa kanya at umupo na rin sa tabi niya. Wala silang imikan noong una. Pareho lang silang nagpapakiramdaman.***********************" B-bakit hindi mo na pala kasama si Hannah?" siya na ang nagbukas ng topic para hindi sila masyadong magka-ilangan." Kailangan niyang umuwi muna ng Manila dahil naaksidente ang kapatid niya. Okay naman daw na at k

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 17: THE CONFESSION

    Nalaman niya kay Joli na nasa Manila si Brent at busy daw sa pinapatayo nitong condo at rentpad. Kasama na nitong lumuwas si Hannah nu'ng isang araw pa. Nalungkot siya sa nalaman dahil parang dumaan nga lang uli sa buhay niya si Brent para pukawin lang ang pahilom na niyang sugat. Ilang araw na din niyang kinakausap si William, ang boss ng pinsan niya sa Dubai. Lagi itong nagvi-video call sa kanya. Mabait naman ang lalaki kaya't binibigyan na niya ito ng pagkakataong mapalapit sa kanya. Hindi naman ito mahirap mahalin dahil kahit nasa malayo ito ay naipaparamdam pa rin nito sa kanya ang interes nito sa kanya. Walang araw na hindi ito tumatawag o nagcha-chat sa kanya. May mga natatanggap pa nga siyang mga bulaklak na pinapa-deliver nito sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang Mama niya.Dalawang linggo na mula nang huli niyang makita si Brent. Tumawag si Joe at sinabing babalik daw silang magbabarkada sa resort na pinuntahan nila dati. Pumayag na raw sina Katrina at Eunice pero hindi makakasa

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 16: UNDYING HOPE

    Balik na uli sa dati ang lahat. Parang dumaan lang naman si Brent sa buhay niya dahil after nu'ng araw na iyon ay hindi na niya nakikita ang kotse nitong nakaparada sa labas ng bahay ng Tita nito. Ni hindi nga nito hiningi ang number niya. Mas nagiging malungkot siya kumpara nu'ng hindi pa ito umuwi, siguro dahil umaasang muli ang puso niya.Mas maganda pa nga 'ata na di na lang ito nagparamdam uli. Bumalik kasi siya sa panahong hirap na naman siyang alisin ito sa isip niya.Nasa pwesto niya siya nang araw na iyon at nakapangalumbabang tinitingnan ang page ni Joe. Nakita na niya ang mga pictures nila ni Brent. Isa-isa niya iyong sinave sa phone niya. Napapangiti siya habang nakatitig sa picture ng halikan nila. True Love's kiss pa talaga ang nilagay na caption ni Joe doon. Naka-tag siya at si Brent. Sa wakas ay may account na rin si Brent. Ini-stalk pa nga niya ito. Nahihiya siyang mag-send ng request dito.Nakita niya ang mga pictures nito na sa tingin niya ay sa building ng condo na

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 15.2: MEET HANNAH

    Dahan-dahan ngang inilapit ni Brent ang mukha sa kanya. Ang lakas-lakas naman ng tibok ng puso niya habang hinihintay ang paglapat ng mga labi nito.Nang malapit na ang mga labi nito ay napapikit na siya. Dumikit lang ang mga labi ni Brent at hindi na kumilos pa. Narinig na lang niya ang ingay ng camera ni Joe. Nananatiling nakapikit lang siya habang kinukunan sila ng pictures ni Joe.Pigil na pigil niya ang hininga niya. Maya-maya'y nararamdaman niya ang bahagyang pagsipsip ni Brent ng lower lip niya. Bigla siyang napadilat at inilayo ang mukha dito. Baka kasi mahalata ni Joe. Nang tingnan niya si Joe ay nakatutok na naman ang tingin nito sa screen ng camera." Great! Alright, we're done. Okay lang din if ipagpapatuloy ninyo ang halikan ninyo. Just don't mind me," nagbibirong sabi ni Joe na tumingin na sa kanila.Mabuti na lang at hindi nito nakita ang ginawa ni Brent. Mabilis na lumayo siya sa binata.*******************************Saka naman dumating sina Eunice, Katrina at Nick.

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 15.1: MEET HANNAH

    Nang sumunod na araw ay napag-usapan nilang magkikita sa paboritong tambayan nila dati for old time's sake. Ilang oras din ang ginugol niya para sa pagbibihis. Nakailang palit na rin siya ng damit. Kung tutuusin ay pwde na ang short at shirt pero ewan ba niya kung bakit naisipan niyang magsuot ng matingkad na orange na damit na hanggang tuhod. Iyong parang pang-summer na damit. Mukha siyang naliligaw na highschool sa suot niya.Dinaanan siya ni Joe. Hindi nito kasama ang boyfriend nito dahil may trabaho saka usapan din nilang silang magbabarkada lang ang pupunta para hindi na maa-out of place ang mga partners ng kaibigan niya. Hindi na pumasok pa si Joe at hinihintay na lang siya sa labas ng gate.Nagulat pa ito sa ayos niya at tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa." Wow, ha! Magmumukha naman akong tatay mo niyan," reklamo nito.Naka-sando na puti at cargo pants lang kasi ito. Hindi na ito nagdala ng sasakyan dahil malalakad lang naman ang tambayan nila mula doon.Napatawang k

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status