Share

CHAPTER 6: YOUR HOTNESS IS MY WEAKNESS

Magkatabi pa rin sila ni Brent sa loob ng van nila Nick. Si Eunice ay katabi ni Katrina sa likod. Si Joe ay nasa harap pero nakikita niya ang panaka-nakang tingin nito sa kanilang dalawa ni Brent. Kunyari na lang ay hindi niya iyon napapansin.

Maya-maya ay nag-concert na naman ang baklang kaibigan. Agad na nakahinga siya nang maluwag dahil hindi na nito inuubos ang oras sa kakaobserba sa kanila ni Brent.

Biglang kinuha ni Brent ang isang kamay niya at hinawakan iyon nang mahigpit. Hindi siya lumingon dito. Sa halip ay ay itinuon niya ang mga mata sa labas ng bintana. Pinipisil-pisil ng lalaki ang kamay niya.

" Hays, antok na antok pa ako," narinig na lang niyang sabi ni Brent pero hindi niya ito nilingon.

Umakbay ito sa kanya at bigla pa siyang nanigas nang sumandal ang ulo nito sa balikat niya. Dati naman nitong ginagawa iyon pero ngayon lang siya parang naiilang kasi pakiramdam niya ay mahahalata ng lahat na may kakaiba sa kanilang dalawa.

" Relax," bulong ni Brent habang nakasandal sa balikat niya.

Napansin din kasi nito ang reaksiyon niya. Huminga siya nang malalim para ma-relax konti. Hawak pa rin nito ang isang kamay niya nang pumikit ito para matulog.

Hindi man lang siya nakaidlip sa haba ng byahe. Paminsan-minsan ay tinitingnan niya si Brent na mahimbing nang natutulog sa kandungan niya. Inilipat na niya ang pagkakasandal ng ulo nito at pinahiga sa kandungan niya dahil parang hirap ito sa posisyon na iyon. Tulog din naman sina Eunice at Katrina sa likod nila.

Hinahaplos niya ang buhok ng binata pero hindi tumitingin dito para hindi siya mahahalata ng dalawang kaibigan sa harap. Bigla ay napapangiti na lang siya kahit walang dahilan. Ibinabaling niya agad ang tingin sa labas ng bintana para itago ang mga ngiti.

Muntik pa siyang mapasigaw nang biglang kunin ni Brent ang kamay niyang nasa buhok nito. Dinala nito iyon sa bibig nito at hinalikan. Muli ay dumaloy ang tila kuryente sa buong katawan niya. Babawiin niya sana ang kamay niya pero mahigpit ang hawak du'n ni Brent kaya't hinayaan niya na lang.

Una silang tumigil sa bahay ni Joe.

" Okay, bye muna, guys. Magbu-beauty rest na muna ako. Text-text na lang tayo later," paalam ni Joe saka bumaba.

" Bye!" sabay na sabi nila.

Nakaupo na nang maayos si Brent sa tabi niya. Sunod nilang hinatid ay sina Eunice at Katrina.

Nang sila na lang ang naiwan ni Brent ay tumingin sa rear view mirror si Nick.

" Ikaw ang sunod, Brent," sabi nito na ang tinutukoy ay sa bahay ng Tita ni Brent ang next nitong paghahatiran.

" Nah, kina Zy mo na ako ibaba. Malapit lang naman ang sa amin para diretso na," sagot ni Brent dito.

Hindi na sumagot si Nick pero tumingin ito sa kanya. Pinaandar na uli nito ang sasakyan.

Agad na binuksan ni Brent ang pinto ng van nang tumigil na sa tapat ng bahay nila.

" Salamat, bro. Uwi ka na rin diretso sa inyo. Baka mangtsi-chicks ka pa," nakangiting sabi ni Brent bago bumaba.

Tumawa lang si Nick.

" Pinapalabas ninyo talagang playboy ako, ha? One-woman man ito, uy!" sagot pa nito na tumingin uli sa kanya.

Ngumiti siya nang tipid sa kaibigan.

" Salamat uli, Nick," bitbit na niya ang isang maliit na bag dahil halos dala na lahat ni Brent ang mga gamit nila nang bumaba ito.

Tumango lang si Nick sa kanya nang nakangiti. Inalalayan siya ni Brent habang palabas siya ng kotse. Naibaba na kasi nito ang mga gamit nila.

" Bye, Nick," paalam uli niya sa lalaki.

Kumaway lang ito sa kanila at saka umalis na rin.

" H-hindi ka ba uuwi na sa inyo?" tanong niya kay Brent dahil parang naaasiwa na uli siya na sila na lang dalawa.

Parang hindi pa rin kasi siya makapaniwala na boyfriend na niya ito nang palihim.

" Gusto mo na ba akong umuwi?" hindi ngumingiting tanong nito pero nanunudyo ang mga mata.

Kumibot-kibot lang ang mga labi niya saka umingos bilang sagot.

" Ewan ko sa iyo," tumalikod na siya para buksan ang gate nila.

" You keep doing that and I might just kiss you in public," nagwa-warning na sabi nito habang nakatalikod siya sa lalaki.

Napaharap agad siya rito sa narinig.

" Ang alin?" nagtatakang tanong niya.

Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya bago sumagot.

" That thing with your lips," mahinang saad nito.

Parang nahihipnotismong napatitig din siya rito. Mabilis na ipinilig niya ang ulo at binuksan na ang gate para makapasok sila.

Tinulungan na niya ito sa pagbitbit ng mga gamit. Nang makapasok sa loob ng bahay ay agad na ibinaba niya ang mga dala sa sahig at pabagsak na humiga sa malaking sofa sa sala na nakataas pa ang dalawang kamay.

Tumigil sa harap niya si Brent at maingat na ibinaba rin nito ang mga dala. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Nagulat na lang siya nang akmang maghuhubad ito ng tshirt.

Namimilog ang mga mata niya at bigla siyang napabangon.

" Hoy, ba't ka naghuhubad diyan?" nagpa-panic na tanong niya.

Napatigil ito saglit at tumawa nang mahina.

" Bakit ba? Huhubarin ko lang naman itong shirt ko dahil may malaking mantsa. Hindi ko alam kung saan ko ito nakuha," tiningnan pa nito ang malaking brown na korteng mapa sa may dibdib nito.

Saka nito hinubad nang tuluyan ang suot. May dobleng sando pala ito sa loob ng shirt nito. Parang napapahiyang tumayo na rin siya para pumuntang kusina.

Bago pa man siya nakaalis nang tuluyan ay nahila na nito ang kamay niya nang malakas. Napasubsob pa siya sa matigas na dibdib nito sa paghila nitong iyon.

" Ano ka ba?" agad na hinampas niya ang dibdib nito.

Agad na hinapit nito ang beywang niya kaya't magkadikit na magkadikit na ang katawan nila. Nakayuko ito sa kanya at napapatingala siya rito.

" B-brent..." sambit niya sa pangalan nito bago nito sakupin uli ang mg labi niya.

Ipinikit na niya agad ang mga mata at iniawang ang mga labi. Awtomatikong ikinawit niya ang dalawang braso sa leeg nito.

Nagiging mainit uli ang halikang namagitan sa kanila. Tinutukso-tukso ng mga dila nito ang bibig niya para tuluyang pasukin iyon sa loob. Pinagbigyan niya ito sa gusto nitong mangyari at agad ngang ginalugad ng dila nito ang loob ng bibig niya.

Sinalubong naman agad iyon ng dila niya at muli ay parang hindi na naman nila mapaghihiwalay ang mga iyon. Iginiya siya paupo ni Brent sa sofa habang patuloy ang paghahalikan nila.

Maya-maya pa ay nararamdaman niyang inihiga na siya nito sa sofa. Nasa ibabaw na niya ito nang tuluyan siyang mapahiga. Binitiwan na nito ang mg labi niya at biglang hinahalikan na ang leeg niya. Nasa likod na ng ulo nito ang dalawang kamay niya at hinahaplos ang buhok nito habang nakapikit.

Ang kanina'y humahalik na mga labi nito sa leeg niya ay s********p na ngayon. Napaungol siya nang mahina sa ginagawa nito. Biglang pumalit ang dila nito at damang-dama niya ang init ng dila nito habang dinidilaan siya nito sa leeg papunta sa isang tenga niya.

" Unggghhh..." napapadiin ang pagpikit ng mga mata niya habang sumasabunot na sa buhok nito ang mga kamay niya.

Nagsisimula na ring maglakbay ang mga kamay nito. Napapitlag siya nang dumako ang isang kamay nito sa dibdib niya. Pumipisil-pisil na iyon sa kaumbukan niya. Napapaliyad na siya sa ginagawa ng lalaki.

Bumaba pa ang halik nito. Hindi niya namalayan na naipasok na pala nito ang isang kamay sa loob ng damit niya. Nalaman niya na lang iyon nang bigla nitong ipinasok pa iyon sa ilalim ng bra niya. Dinakma nito agad ang dibdib niya sa loob. Damang-dama niya ang init ng palad nito.

Bigla siyang naalarma at napadilat. Napahawak siya sa kamay nitong nasa loob ng bra niya.

" Brent..."

Tumigil ito sa ginagawa at napatingin sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. Kitang-kita niya ang parehong pagnanasa sa mga mata nito.

Agad na nakita nito ang pag-aatubili niya kaya't binasa nito ng dila ang mga labi nito saka napasuklay sa buhok gamit ang mga daliri.

" I'm sorry. I got carried away," hinging paumanhin nito saka umalis sa pagkakadagan sa kanya. Tinulungan siya nitong bumangon.

Nakaupo siya at nag-iinit ang mga pisngi habang inaayos ang bra sa loob ng damit.

" Magpahinga ka na muna sa taas at uuwi na rin muna ako sa amin," paalam ni Brent saka siya hinalikan sa noo.

Bago pa siya makasagot ay mabilis na kinuha nito ang gamit nito at lumabas. Nananatiling nakatingin lang siya sa pinto nila nang makalabas ito.

Maya-maya ay tumunog ang phone niya. Si Brent ang tumatawag.

" H-hello," nahihiyang sagot niya.

" Umakyat ka na sa taas at matulog. Maliligo na muna ako para... maalis ang init," marahang tumawa pa ito sa huling sinabi.

Lalong hindi siya makapagsalita dahil biglang uminit na naman ang mukha niya sa sinabi nito.

" Zy?" maya-maya'y sabi nito nang hindi siya umimik.

" Hmmm?" iyon lang ang kaya niyang isagot dito.

" I'm so happy now," dama niya ang sinseridad sa boses nito.

" A-ako rin," bigla na lang iyong lumabas sa bibig niya.

Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang napangiti ito.

" I'm glad. Hindi muna ako pupunta diyan ngayon baka kasi..." hindi nito itinuloy ang sasabihin.

Gusto niyang tumutol. Gusto niyang puntahan siya nito pero nakahiyaan na niyang sabihin. Alam niyang umiiwas lang itong matukso sila uli.

Nagpaalam na ito agad nang marinig niya nang tawagin ito ng Tita nito. Nang maibaba na ang phone ay napapangiting humiga siya uli sa sofa at hinawakan ang mga labi.

Nagulat na lang siya nang biglang tumunog uli ang phone. Nakangiting sinagot niya agad iyon.

" May nakalimutan ka bang sabihin?" nakangiting bungad niya nang sagutin ang tawag.

Iniisip niyang baka nagbago ang isip nito at sasabihing pupuntahan siya nito sa bahay.

" Ha? Wala naman akong nakalimutang sabihin, Zy. Gusto ko lang itanong baka wala kang gagawin ngayon at gusto mong lumabas tayo mamaya," boses ni Nick.

Napabangon siya sa pagkakahiga sa sofa at napatingin sa phone. Si Nick nga ang tumatawag!

Nagtanggal muna siya ng bara sa lalamunan bago sumagot.

" Ahm, m-may pinapagawa kasi si Mama kaya't hindi ako pwede ngayon," sagot niya sa lalaki.

" Ah ganun ba? Sige, aayain ko na lang kung sino ang pwede," parang malungkot ang boses na sagot ni Nick.

Nagpaalam na agad ito sa kanya. Hindi siya makapaniwala dahil iyon ang unang beses na inimbitahan siya ni Nick.

Kaytagal nyang hinintay na marinig iyon sa binata pero bakit wala na iyong excitement? At tinanggihan pa talaga niya!

Kasi nga kayo na ni Brent, di ba? Alangan namang makikipag-date ka sa ibang lalaki habang boyfriend mo si Brent?

Pero kaibigan naman nila si Nick, hindi naman siguro mamasamain iyon ni Brent?

Ah, ewan! Inis na bumangon siya at umakyat na ng kwarto na bitbit ang mga gamit. Naligo na rin muna siya pero habang naliligo ay mukha ni Brent ang nakikita niya.

Biglang uminit ang pakiramdam niya kahit nasa ilalim ng cold shower nang maalala ang kapangahasan ng kamay nito kanina.

Kung hindi niya napigilan iyon baka naisuko na niya ang sarili sa binata. Kailangan nila ng dobleng ingat lalo't hindi pa naman talaga sila sigurado tungkol sa kanilang dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status