Beranda / Romance / He Loves Me, He Loves Me Not / CHAPTER 3: TRUTH OR DARE

Share

CHAPTER 3: TRUTH OR DARE

Penulis: Jewiljen
last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-20 15:13:29

Excited na excited na siya sa araw na iyon. Pupunta silang magbabarkada sa isang resort. Hindi pwdeng dalhin ang mga jowa. Tanging silang anim lang talaga. Mga ilang linggo na rin kasi mula nang huli nyang nakita si Nick. Nalaman niyang kakahiwalay lang nito sa girlfriend nito through social media. Kinumusta niya ito sa chat at mula nu'n ay gabi-gabi na silang nag-uusap sa chat. Kaya't malakas ang loob niyang isakatuparan ang plano nila.

Kailangan na talaga niyang gumawa ng paraan para mapansin ng lalaki. Hindi naman kasi siya pangit kaya't alam nyang malaki ang pag-asa niya. Kailangan lang talagang siya ang gumawa ng paraan.

Gamit nila ang van na pag-aari ng pamilya ni Nick at ito ang nagmamaneho. Katabi niya si Brent na nakanganga pang natutulog habang nakasandal ang ulo nito sa balikat niya. Panay ang tingin niya sa salamin para lang makita ang mukha ni Nick. Minsan ay nahuli siya nitong nakatingin at hindi niya iniiwas ang mga mata at imbes ay ngumiti pa siya dito. Ngumiti din sa kanya ang lalaki.

Si Joe naman ay panay ang kanta habang nasa byahe, ang ingay nito. Kahit babae na itong manamit ay malaki pa rin ang boses nito. Sina Katrina at Eunice naman ay busy sa pakikipag-usap sa mga boyfriends nila sa phone.

Napatingin siya uli sa katabing si Brent at wala sa loob na napatingin uli sa mga labi nito. Inis na itinikom nya ang nakabuka nitong bibig. Bigla naman itong nagising sa ginawa niya.

" Are we there yet?" naaalimpungatang tanong nito.

" Mga isang oras na lang, bro," sagot ni Nick na tumingin pa sa rear view mirror para tingnan si Brent.

" Okay, bro. Do you want me to drive now? " tanong nito.

" It's okay. Malapit na rin naman tayo," nakangiting sagot ni Nick.

" Umayos ka nga ng upo. Ambigat-bigat mo kaya," reklamo niya rito.

Ngumiti lang ito saka umayos ng upo at inakbayan siya.

Nang makarating na sila sa resort ay agad na inayos nila ang mga dalang gamit. Mag-aalas kwatro na ng hapon nang dumating sila.

Pagkaayos ay kumain muna sila at nagpahinga. Nang mag-alas singko ay sabay-sabay silang naligo sa dagat. Sila lang ang mga tao doon dahil alanganing araw iyon ng linggo. Kaya't pwede silang mag-ingay nang todo nang walang magrireklamo. Nang mapagod ay umupo sila sa buhanginan. Malapit nang gumabi nu'n kaya't sinimulan na nilang gumawa ng bonfire.

Sinimulan na rin siyang kabahan dahil gagawin na nila ang plano. Nagkatinginan pa silang apat nang kumuha si Joe ng bote para sa truth or dare nila.

" Okay, guys, maglalaro tayo ng truth or dare. Alam niyo naman siguro ang rules nito so hindi na ako mag-eexplain," masiglang sabi ng kaibigan.

Umupo sila ng pabilog sa harap ng bonfire. Napapagitnaan siya nina Brent at Nick. Hindi siya mapakali lalo't nasa tabi lang niya si Nick.

" Okay, simulan na natin," agad na pinaikot ni Joe ang bote.

Tumigil ang dulo nu'n kay Katrina.

" Truth or dare?" tanong ni Joe.

" Truth!" nakangiting pili ni Katrina.

" Oh, sige. Ilang taon ka nu'ng first kiss mo?" tanong pa rin ni Joe.

" T-thirteen," namumulang amin ni Katrina.

Maingay na nagkantiyawan ang mga lalaki. Hindi makapaniwalang napatingin din siya sa kaibigan na nangingiti.

" Kanino?" tanong naman ni Eunice.

" Kay D-dennis," saka ito humalakhak.

" Really?!" sabay-sabay nilang tanong.

Si Dennis kasi ay ang pinaka-bully nilang kaklase sa elementary noon at ang paborito nitong i-bully ay si Katrina.

" Hindi naman iyon sinadya, guys. Iinisin niya naman kasi sana ako uli nu'n nang bigla akong napalingon, eh, anlapit pala ng mukha niya sa akin dahil lalagyan niya sana ng something ang buhok ko. Ayun! Paglingon ko nagdikit agad ang mga lips namin. Eww! Ayaw ko nang pag-usapan," nakatawa pa ring sabi nito na parang tuwang-tuwa naman imbes na diring-diri.

" Kaya pala hindi ka na binu-bully nu'n," biglang sabi ni Nick.

Tumawa lang lalo si Katrina.

" Actually, naging kami for one month tapos nabisto ni Mama kaya't piningot niya ang tenga ni Dennis at hindi na talaga lumapit sa akin ang loko. Umiyak ako nu'n ng ilang araw," tatawa-tawa pa ring amin nito.

Nagkatawanan na rin silang lahat dahil alam nila kung gaano ka-terror ang Mama ni Katrina.

" Okay, next," sabi uli ni Joe nang humupa na ang tawanan.

Umikot uli ang bote at tumigil naman kay Eunice.

" Truth or dare?" tanong ni Joe.

" Dare!" nakangiting sabi ni Eunice.

" Okay, hmmm..." nag-iisip na sabi ni Joe.

" Halikan mo si Joe sa lips!" biglang sabi ni Nick at tumawa.

Anlakas ng tawa ng lahat. Nag-apir pa ito at si Brent.

" Hoy! Parang andaya. Dare ni Eunice yan, ba't ako nasali?" reklamo ni Joe.

Ansakit na ng tiyan niya sa kakatawa.

" Tahimik! Hahalikan ko na si Joe!" sigaw ni Eunice.

Biglang tinakpan ni Joe ang bibig niya.

" Noohhh!" sigaw nito na parang diring-diri talaga.

Lalo silang nagtawanan sa reaksiyon ng baklang kaibigan. Nakatawang lumapit si Eunice dito at pilit na inalis ang dalawang kamay ni Joe sa bibig.

" Huwag po. Huwag po!" ang OA ng sigaw nito na parang gagahasain.

" Sige na. Mabilis lang 'to. Huwag ka nang pumalag," pinalaki pa ni Eunice ang boses nito na parang sa lalaki na mang-aabuso ng babae.

Tumahimik silang lahat nang matanggal na ni Eunice ang kamay sa bibig ni Joe. Nakita pa nila nang nanlaki ang mga mata ni Joe. Agad na hinalikan ito ni Eunice sa labi nang mabilis.

Nang matapos ay tumili si Joe at agad kumuha ng isang bote ng alak at tinungga iyon.

Tawanan na naman silang lahat. Ang sumunod ay si Nick at ang pinili nito ay Truth. Hindi niya inaalis ang tingin sa binata.

" May nagustuhan o nagugustuhan ka ba sa ating magbabarkada?" tanong ni Joe.

Tumahip ang dibdib nya sa tanong lalo pa't matagal bago nakasagot si Nick. Tumawa pa ito na parang kinakabahan.

" M-meron," maya-maya'y sagot nito.

Nagkatinginan ang mga kaibigan niyang nakakaalam ng sikreto nya.

" Sino?" boses ni Brent.

Biglang tumahimik ang lahat dahil napakaseryoso ng boses ni Brent. Nakita pa nila nang magtitigan ang dalawa. Parang nagkaroon ng tensiyon na tanging ang dalawa lang ang nakakaalam.

Pigil ang hininga nilang hinihintay ang sagot ni Nick. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya.

Sumeryoso din ang mukha ni Nick bago sumagot. Nang sa wakas ay sumagot na ito ay pinakatitigan pa muna nito si Brent.

" Ikaw," hindi ngumingiting sagot nito na nakatingin pa rin kay Brent.

Maya-maya ay tumawa ito.

" Bwisit ka, Nick! " natatawang sigaw ni Joe saka nito sinabuyan ng alak ang lalaki.

Tumawa na rin ang lahat maliban kay Brent at sa kanya. Akala pa naman niya ay sasabihin nito ang pangalan niya.

Ewan niya pero umasa talaga siya nang malaki. Ngumiti na lang din siya nang matipid. Nakita rin niya nang kumuha ng isang bote ng alak si Brent at tinungga iyon.

Ang sumunod na ikot ng bote ay napunta na kay Brent. Kapag nauulit kasi ang turo ng bote sa taong tapos na ay iniikot nila uli ito hanggang dumako sa taong hindi pa nakakalaro.

Parang handang-handa naman si Brent sa turn niya.

" Truth!" agad na sagot nito kahit hindi pa man tinatanong.

" Uy, excited!" sabi pa ni Joe.

" Okay, sige... Hmmm?" nag-iisip uli ng itatanong si Joe.

" Kung may nagustuhan din ba ako na isa sa barkada natin?" si Brent uli ang nagboluntaryo ng tanong.

" Ay, hindi. Bawal ang inuulit-ulit," sagot ni Eunice.

" Bakit bawal?" reklamo ni Brent.

" Naku, Brent, hindi na kailangang tanungin, alam na namin," biglang sumabat si Joe.

Nakita niya nang mahinang tumawa si Nick at tumingin sa kanya at kumuha na rin ng alak at tinungga iyon.

Napatitig na lang siya sa bonfire dahil dismayado pa rin siya sa sagot ni Nick kanina.

" Okay, ito na lang... Kailan mo liligawan iyong taong gusto mo?" tanong ni Joe kay Brent.

Napatingin siya sa kaibigan. Diyata't sila ang malapit pero siya ang pinakahuli sa balita.

" Mamaya," sagot ni Brent at agad na tinungga ang natitirang laman ng bote.

" Ayiiiieee," kinikilig naman na sigaw ng baklang kaibigan.

Paano namang maging mamaya, eh, bukas pa ang uwi nila? Du'n sila magpapalipas ng gabi.

Agad na nawala sa isip niya ang tanong dahil alam niyang siya na ang susunod at mangyayari na ang pinaplano nila. Makahulugang nagkatinginan pa silang apat na nakakaalam ng plano nila.

Hindi na sila nag-ikot pa ng bote dahil siya na rin naman ang hindi pa nakakalaro. Considered tapos na kasi si Joe dahil sa dare kanina ni Eunice na kasali ito.

" So, Zy, truth or dare?" tanong ni Joe.

" Dare," mahinang sagot niya dahil kinakabahan siya.

Palihim na nagngingitian pa sina Eunice at Katrina.

" Okay, Zyline, nakikita mo iyong malaking punong iyon sa di kalayuan?" itinuro pa ni Joe ang puno na nakatayong mag-isa.

Tumingin din du'n ang lahat. Madilim na rin kasi at ang ilaw lang sa bonfire ang nagsisilbing liwanag nila kaya't hindi rin masyadong naaaninag ang puno doon.

" Yah," sagot niya.

" Du'n ka magsi-set up ng tent at matutulog pero... huwag mag-alala dahil bubunot tayo ng taong makakasama mo doon," sabi pa ni Joe.

Siyempre, kailangan niyang umakto na parang nagulat kahit alam na niya ang dare nito dahil siya naman ang nag-isip nu'n.

" What? Paano?" hindi niya alam kung overacting ang pagkakatanong niya.

" May ni-ready na akong names natin. Ito, oh! " ipinakita pa nito isa-isa ang mga pangalan na nakasulat sa papel.

" Okay, game!" sagot niya.

Sure na sure siya na pangalan ni Nick ang mabubunot dahil may ibang naka-ready na papel si Joe na nakalagay ang pangalan ni Nick na kunyari ay nabunot nito.

" Alright!" masayang sabi ni Joe.

Hinalo-halo pa nito ang pangalan. Nakita niya nang ipasok ni Joe ang kamay sa bulsa nito bago bumunot. Nakita niya nang parang nagtagal ang kamay nito sa loob. Tumingin ito sa kanya na parang worried. Nag-uusap ang mga mata nila. Umiling-iling ito. Nagkatinginan na rin sina Eunice at Katrina na may alam din sa plano nila.

Parang sinasabi ng mga tingin ni Joe na nawawala ang nakareserbang papel nito na may pangalan ni Nick.

" Ano ba iyan? Ang tagal, excited na kami," nakatawang sabi ni Nick.

Walang imik naman si Brent na panay lang ang tungga sa ikalawang bote ng alak nito.

Nakita niya na walang laman ang kamay ni Joe nang ilabas nito sa bulsa nito.

Parang humihingi ng paumanhin ang mga tingin nito sa kanya nang bumunot na ito sa bowl na may laman ng mga pangalan nila.

Napalunok siya. Mapupurnada pa yata ang plano nila.

Please, Lord, sana pangalan ni Nick ang mabunot, piping panalangin niya.

Parang pa-suspense pa talaga ang pagbukas ng papel ng baklang kaibigan. Lahat sila ay nakatutok dito maliban kay Brent na panay lang ang tungga ng beer.

Nakita niya nang basahin ni Joe ang pangalan sa papel ng mga mata nito. Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis at tumingin sa kanya. Napangiti na rin siya sa reaksiyon ng kaibigan.

Yes! Thank you, Lord! Kulang na lang ay tumingala siya sa langit.

" Ang makakasama mo sa tent ay walang iba kundi si..." pambibitin pa ni Joe.

Muli ay pinigilan niya ang paghinga habang nakatitig sa baklang kaibigan.

" Si Brent!" malakas na sigaw nito at itinuro pa ng nakabukas na palad ang kaibigang kasalukuyang tumutungga ng beer.

Napatingin si Brent sa kanya habang tumutungga pa rin. Muntik nang mapalis ang ngiti sa mukha niya sa pagkakadismaya sa ikalawang pagkakataon. Pero pinapanatili niya ang ngiti lalo na't nakatingin sa kanya ang lalaki.

" Y-yey!" itinaas pa niya ang isang kamay na kunyari ay masayang-masaya.

Hindi niya alam baka mas nagmumukha lang siyang engot. Wala siyang nakitang ngiti sa mukha ni Brent.

" Hoy! Bakit parang hindi ka masaya, ha?" kunyari ay nanunumbat niyang tanong sa kaibigan.

Ibinaba nito ang boteng hawak at saka tumayo at lumapit sa kanya. Nabigla pa siya nang patayuin siya nito at biglang niyakap nang pakarga at iniikot sa ere.

" Yey! Ang saya-saya ko at makakatabi kong matulog ang pinakamalikot sa kama!" sigaw nito habang umikot-ikot sila.

" Ibaba mo nga ako, Brent! Nahihilo na ako. Sira! " hinampas pa niya ang braso nito.

Tawang-tawa naman ang iba pa nilang kaibigan habang nakatingin sa kanila. Nang ibaba siya nito ay sinuntok niya ito nang mahina sa dibdib.

" Sira ka talaga!" inis na sabi niya.

Tumawa lang ito.

" Okay, kumain muna tayo du'n sa cottage, guys. Kanina pa nag-aalburoto ang mga alaga ko sa tiyan," sabi ni Joe.

Agad na pumunta sila sa cottage. Inakbayan na siya ni Brent at sabay na silang pumunta doon. Nakita niyang nagpahuli ng lakad si Nick habang umiinom pa rin ng beer.

Wala na. Napurnada ngang talaga ang plano nila.

Better luck next time, Zyline!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • He Loves Me, He Loves Me Not   FINALE: HE LOVES ME (I DO!)

    Linggo.Umaga pa lang ay nasa inuupahan na ng pinsan niya si Joe. Para itong hindi mapakali na ewan. Mabuti na lang din at may damit ang pinsan niya na may pagka-gold kaya't hindi na ito bumili pa ng maisusuot. Ang sa mga lalaki naman daw ay black and white lang.Hapon pa lang ay pinabihis na siya ni Joe. Magaling itong mag-ayos ng buhok at mag-make up dahil sa trabaho nito kaya't ito na ang nag-ayos sa kanya. Itinali nito ang buhok niya paitaas at nag-iwan lang ng mumunting hibla. May inipit itong hair pin na malaki na korteng bulaklak na kulay gold din. Napangiti siya nang tingnan ang sarili sa salamin." Baka naman matalbugan ko pa si Katrina nito," pabirong sabi niya." Ay, hayaan mo na. Wala naman iyong paki dahil secured na ang lovelife nu'n," nakatawang sabi ni Joe habang inaayos pa ang buhok niya.Nawala ang ngiti niya dahil naalala niya si Brent." Oh, bakit ka naman nalungkot bigla? Sigurado ako sa ganda mong iyan, magiging secured na rin ang lovelife mo ngayong gabi," saka

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 20: INVITED

    Agad na isinara ni Brent ang pinto ng kwarto gamit ang isang paa. Kinarga siya nito habang hindi naghihiwalay ang mga labi nila. Maingat na ibinaba siya nito sa kama habang nakatitig sa kanya. Napalunok pa siya nang simulan na nitong hubarin ang suot nito. Basta na lang nito itinapon sa sahig ang mga iyon. Ang tanging iniwan nitong suot ay ang white brief nito na hindi maitatago ang nakaumbok du'n. Ngumiti ito nang mapansing titig na titig siya sa namumukol na pagkalalaki nito." You can stare all you want. Now, we'll be doing it with the lights on. I want to see all of you," kitang-kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito.Hinubad muna nito ang mga sapatos na suot niya. Yumuko ito habang sumampa na sa kama at hinahalikan ang mga binti niya kahit may nakatabing pa ring tela doon. Nangilabot siya sa ginagawa nito. Muntik pa ngang sumipa ang mga paa niya. Umakyat ang mga halik nito sa hita niya. Inilipat nito ang bibig sa isa pa nyang hita at hinahalikan siya doon paakyat. Tumigil ito a

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 19.2: BEFORE I LET YOU GO

    Tinawag na sila ni Joe para kumain. Nakita niya si Brent na nakaupo sa sulok at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Naiilang tuloy siyang kumilos. Tumabi siya uli kina Katrina at Eunice. Nang makakuha na ang lahat ay saka tumayo si Brent para kumuha ng pagkain nito.Buti na lang at wala ni isang nagtanong uli ng tungkol sa kanila ni Brent. Napupuno na naman ng tawanan habang kumakain sila dahil sa mga pinagkukwento ni Joe. Sila lang ni Brent ang parehong tahimik. Kapag nagsasalubong ang mga tingin nila ay agad siyang umiiwas.Pagkakain ay nagkanya-kanya na sila ng ligpit ng mga gamit nila. Pupunta na sana siya sa kotse ni Joe nang magsalita si Brent." Sumabay ka sa akin, Zy, wala akong kasama. Baka makatulog ako sa biyahe," parang walang anumang sabi nito.Hindi iyon tunog pakiusap kundi pautos ang pagkakasabi nu'n. Kita niya ang nanunudyong tinginan ng lahat kahit wala ni isang nagsalita. Nang lumingon siya rito ay nakabukas na ang passenger's seat nito at hinihintay siyang pumasok s

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 19.1: BEFORE I LET YOU GO

    Nagising siya dahil sa mabigat na nakadagan sa may hita niya. Napakurap-kurap pa siya nang dahan-dahan niyang idilat ang mga mata. Namulatan niya ang mukha ni Brent na mahimbing pa ring natutulog habang yakap siya. Muntik pa siyang bumalikwas ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. Nang tingnan niya ang ibabang bahagi ng katawan nila ay nakita niya ang hita ni Brent na nakadantay sa kanya. Iyon pala iyong bagay na mabigat na nakadagan sa kanya. Nalilis na nang konti ang kumot sa ibaba kaya't kitang-kita niya ang isang hita nito na nasa gitna ng mga hita niya. Biglang namula ang mukha niya nang makitang pareho silang walang saplot sa katawan. Hindi pa sumisikat ang araw. Maingat na inalis niya ang braso nitong nakapulupot sa kanya para huwag itong magising. Gumalaw ito konti kaya't tumigil muna siya. Nang makitang mahimbing pa rin itong natutulog ay inalis niya naman ang hita nito sa kanya. Muntik pa siyang mapasinghap nang makita ang parang handa na namang sandata nito. Tayong-ta

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 18: ONE SPECIAL NIGHT

    Natapos na nitong ayusin ang tent nila. Panay ang himas niya sa braso niya dahil parang naiilang siya. Kita niya sa di kalayuan ang dalawang tents ng mga kaibigan nila. " Zy," tawag ni Brent sa kanya.Ibinaling na niya ang tingin sa lalaki. " Let's get inside," sabi nito na inilahad pa ang isang kamay sa kanya. Napalunok na lumapit na rin siya dito. Yumuko siya para pumasok habang nasa may bukana pa rin ito ng tent. Saka lang ito pumasok nang nasa loob na siya. Umupo na siya at tiningnan ito nang isara nito ang zipper ng tent. Muli ay napalunok siya. Parang nahihirapan siyang huminga sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.Tumingin si Brent sa kanya at umupo na rin sa tabi niya. Wala silang imikan noong una. Pareho lang silang nagpapakiramdaman.***********************" B-bakit hindi mo na pala kasama si Hannah?" siya na ang nagbukas ng topic para hindi sila masyadong magka-ilangan." Kailangan niyang umuwi muna ng Manila dahil naaksidente ang kapatid niya. Okay naman daw na at k

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 17: THE CONFESSION

    Nalaman niya kay Joli na nasa Manila si Brent at busy daw sa pinapatayo nitong condo at rentpad. Kasama na nitong lumuwas si Hannah nu'ng isang araw pa. Nalungkot siya sa nalaman dahil parang dumaan nga lang uli sa buhay niya si Brent para pukawin lang ang pahilom na niyang sugat. Ilang araw na din niyang kinakausap si William, ang boss ng pinsan niya sa Dubai. Lagi itong nagvi-video call sa kanya. Mabait naman ang lalaki kaya't binibigyan na niya ito ng pagkakataong mapalapit sa kanya. Hindi naman ito mahirap mahalin dahil kahit nasa malayo ito ay naipaparamdam pa rin nito sa kanya ang interes nito sa kanya. Walang araw na hindi ito tumatawag o nagcha-chat sa kanya. May mga natatanggap pa nga siyang mga bulaklak na pinapa-deliver nito sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang Mama niya.Dalawang linggo na mula nang huli niyang makita si Brent. Tumawag si Joe at sinabing babalik daw silang magbabarkada sa resort na pinuntahan nila dati. Pumayag na raw sina Katrina at Eunice pero hindi makakasa

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 16: UNDYING HOPE

    Balik na uli sa dati ang lahat. Parang dumaan lang naman si Brent sa buhay niya dahil after nu'ng araw na iyon ay hindi na niya nakikita ang kotse nitong nakaparada sa labas ng bahay ng Tita nito. Ni hindi nga nito hiningi ang number niya. Mas nagiging malungkot siya kumpara nu'ng hindi pa ito umuwi, siguro dahil umaasang muli ang puso niya.Mas maganda pa nga 'ata na di na lang ito nagparamdam uli. Bumalik kasi siya sa panahong hirap na naman siyang alisin ito sa isip niya.Nasa pwesto niya siya nang araw na iyon at nakapangalumbabang tinitingnan ang page ni Joe. Nakita na niya ang mga pictures nila ni Brent. Isa-isa niya iyong sinave sa phone niya. Napapangiti siya habang nakatitig sa picture ng halikan nila. True Love's kiss pa talaga ang nilagay na caption ni Joe doon. Naka-tag siya at si Brent. Sa wakas ay may account na rin si Brent. Ini-stalk pa nga niya ito. Nahihiya siyang mag-send ng request dito.Nakita niya ang mga pictures nito na sa tingin niya ay sa building ng condo na

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 15.2: MEET HANNAH

    Dahan-dahan ngang inilapit ni Brent ang mukha sa kanya. Ang lakas-lakas naman ng tibok ng puso niya habang hinihintay ang paglapat ng mga labi nito.Nang malapit na ang mga labi nito ay napapikit na siya. Dumikit lang ang mga labi ni Brent at hindi na kumilos pa. Narinig na lang niya ang ingay ng camera ni Joe. Nananatiling nakapikit lang siya habang kinukunan sila ng pictures ni Joe.Pigil na pigil niya ang hininga niya. Maya-maya'y nararamdaman niya ang bahagyang pagsipsip ni Brent ng lower lip niya. Bigla siyang napadilat at inilayo ang mukha dito. Baka kasi mahalata ni Joe. Nang tingnan niya si Joe ay nakatutok na naman ang tingin nito sa screen ng camera." Great! Alright, we're done. Okay lang din if ipagpapatuloy ninyo ang halikan ninyo. Just don't mind me," nagbibirong sabi ni Joe na tumingin na sa kanila.Mabuti na lang at hindi nito nakita ang ginawa ni Brent. Mabilis na lumayo siya sa binata.*******************************Saka naman dumating sina Eunice, Katrina at Nick.

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 15.1: MEET HANNAH

    Nang sumunod na araw ay napag-usapan nilang magkikita sa paboritong tambayan nila dati for old time's sake. Ilang oras din ang ginugol niya para sa pagbibihis. Nakailang palit na rin siya ng damit. Kung tutuusin ay pwde na ang short at shirt pero ewan ba niya kung bakit naisipan niyang magsuot ng matingkad na orange na damit na hanggang tuhod. Iyong parang pang-summer na damit. Mukha siyang naliligaw na highschool sa suot niya.Dinaanan siya ni Joe. Hindi nito kasama ang boyfriend nito dahil may trabaho saka usapan din nilang silang magbabarkada lang ang pupunta para hindi na maa-out of place ang mga partners ng kaibigan niya. Hindi na pumasok pa si Joe at hinihintay na lang siya sa labas ng gate.Nagulat pa ito sa ayos niya at tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa." Wow, ha! Magmumukha naman akong tatay mo niyan," reklamo nito.Naka-sando na puti at cargo pants lang kasi ito. Hindi na ito nagdala ng sasakyan dahil malalakad lang naman ang tambayan nila mula doon.Napatawang k

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status