Share

CHAPTER 19.1: BEFORE I LET YOU GO

Nagising siya dahil sa mabigat na nakadagan sa may hita niya. Napakurap-kurap pa siya nang dahan-dahan niyang idilat ang mga mata. Namulatan niya ang mukha ni Brent na mahimbing pa ring natutulog habang yakap siya. Muntik pa siyang bumalikwas ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. Nang tingnan niya ang ibabang bahagi ng katawan nila ay nakita niya ang hita ni Brent na nakadantay sa kanya. Iyon pala iyong bagay na mabigat na nakadagan sa kanya. Nalilis na nang konti ang kumot sa ibaba kaya't kitang-kita niya ang isang hita nito na nasa gitna ng mga hita niya. Biglang namula ang mukha niya nang makitang pareho silang walang saplot sa katawan.

Hindi pa sumisikat ang araw. Maingat na inalis niya ang braso nitong nakapulupot sa kanya para huwag itong magising. Gumalaw ito konti kaya't tumigil muna siya. Nang makitang mahimbing pa rin itong natutulog ay inalis niya naman ang hita nito sa kanya. Muntik pa siyang mapasinghap nang makita ang parang handa na namang sandata nito. Tayong-ta
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status