Hindi na sila nagkikita araw-araw nang magkolehiyo sila dahil nagkahiwa-hiwalay na sila ng school. Sinisiguro naman nilang nagba-bonding pa rin sila isang beses isang linggo kung hindi sila gaanong busy.
Sila ni Brent lang ang nagkikita pa rin araw-araw dahil isang bahay lang ang pagitan nila. Lagi nga itong tumatambay sa kanila kapag ginugulo ito ng mga pinsan nito sa bahay ng Tita nito.
Pabor sa kanya iyon dahil lagi namang wala ang Mama niya dahil negosyante ito at kung saan-saan napapadpad para magbenta. Ang ama niya ay matagal nang pumanaw. Isa lang din siyang anak kaya't wala talaga siyang nakakasama lagi sa bahay kapag umaalis ang ina. Buti na lang at andiyan lagi si Brent.
Nakilala din niya ang dalawang naging girlfriends ng binata dati. Hindi niya alam kung bakit nagkahiwalay ang mga ito pero parehong tumagal ang mga iyon ng dalawang taon.
Halos isang taon na rin mula nang nagbreak ito at ang pinakahuli nitong girlfriend.
Siya? As usual, umaasa pa rin na mapapansin ni Nick na kabi-kabila ang mga babae.
Nasa loob sila ng kwarto niya, sina Eunice, Katrina at Joe. Sinadya talaga nilang huwag isali si Brent dahil "it's a girl thing" kumbaga ang pagba-bonding nilang iyon.
Semestral break kasi kaya't may time na naman silang magtipon-tipon.
" Talaga lang, Zyline? Hindi ka nag-boyfriend dahil hinihintay mo pa ring ligawan ka ni Nick? My God, girl! Sa ganda mong iyan dapat nakailang palit ka na ngayon," exaggerated na sabi ni Joe.
Natatawa siya sa mukha ng kaibigan. Naka-silk na nighties kasi ito habang silang mga babae ay naka-pajama. Hindi pa naman gabi nu'n. In fact, tanghali pa lang at katatapos lang nilang kumain. Nasa kama niya sila habang kumakain na naman ng mga chichirya.
" Oo nga, mag-move on ka na kay Nick," sabi naman ni Eunice habang pumapapak ng Chippy.
" Girls, wala siyang girlfriend ngayon," nakangiting sabi niya.
Nagkatinginan pa ang tatlo.
" Pero bukas makalawa may bago na naman," sabi naman ni Katrina.
" Akala ko nga may something sa inyo ni Brent, eh," sabat naman ng bakla.
" Ngeee," napangiwing sabi nya.
" Hoy! Kung maka "ngee" ka akala mo ampangit ni Brent. Siya lang naman ang campus hottie ng school nila, hindi mo ba alam iyon? Kita mo iyong mga babaeng bumibili-bili kuno sa tindahan namin? Iyon pala ay magtatanong lang tungkol kay Brent. Naku! Inaamin ko din na minsan pinagpantasyahan ko na rin iyong kaibigan nating iyon," tumingin pa ito sa kisame habang napapakagat-lagi.
Nagkatawanan lang silang tatlo sa mukha nito.
" Hindi kami talo, noh! Anyways, balik tayo kay Nick. Di ba, magka-camping tayo bukas? Mag-truth and dare tayo tapos kunyari ay dare niyo akong matulog sa tent malayo sa tent ng iba tapos bubunot kayo ng name na makakasama ko sa tent tapos siyempre ang mabubunot niyo ay name ni Nick!" excited na suhestiyon niya.
" Nge, girl, parang pipikutin mo na niyan si Nick. Baka naman mabuntis ka nang wala sa oras niyan, lagot kami kay Tita," hindi sang-ayon na sabi ni Joe.
" Girls, hindi naman siguro kami mag-aano du'n, noh! Lalo't nasa malapit lang kayo. Naman!" pangungumbinsi niya sa mga ito.
Muli ay natahimik ang tatlo at patuloy lang sa pagkain saka nagkatinginan uli.
" Please.... Support me naman," pinagdikit pa niya ang mga palad na parang nagdarasal na tiningnan isa-isa ang mga ito.
Umirap si Joe saka kumuha ng maraming chips at nilagay sa bibig.
" Please?" ulit niya.
" Oo na! Hay naku, kung di ka lang namin friend..." parang napipilitang sang-ayon na rin ni Joe.
Lumuwang ang ngiti niya at niyakap ito.
" Eww, girl! Dumikit ang boobs mo sa akin. Kadiri!" maarteng sabi nito.
Nagkatawanan naman silang lahat sa kwarto. Maya-maya'y may kumatok sa pinto ng kwarto saka bumukas iyon.
" Zy, pumasok na ako at... Oops! Am I interrupting something? " si Brent ang nasa pinto at akmang isasara nito uli iyon nang pigilan ni Joe.
" Ay, pumasok ka na Brent. Nahiya ka pa. Hindi mo pala na-inform itong boyfriend mo, Zy, na today is For girls only? " baling ni Joe sa kanya.
Boyfriend niya ang laging tukoy ni Joe kay Brent dahil sanggang-dikit nga sila.
Tumawa lang siya bilang sagot. Binigyan niya din kasi ng susi ng bahay nila si Brent dahil labas-pasok na rin naman ito sa bahay nila.
Tuluyan na ngang pumasok ang binata at dumaklot din ng chips saka umupo na rin sa kama.
Tinititigan nito ang suot na sexy na damit ni Joe.
" Kailangan ko rin ba'ng magsuot ng ganyan para makasali?" tanong nito na ikinatawa nilang lahat.
" Yes! Kaya't mag-pretend kang babae para hindi ka namin palayasin, " sabi ni Joe.
Tumayo ang bakla at naghalungkat ng damit sa loob ng bag nito. May nakita ito at ibinigay kay Brent.
Namilog ang mga mata ng binata nang makita ang isang pink na nighties na hanggang tuhod lang siguro nito na may kasama pang bra.
" If ayaw mo, pwede ka nang lumabas," pormal na sabi ni Joe.
Napapahagikgik na lang silang tatlong babae. Napakamot sa ulo si Brent pero tumayo na rin at pumasok sa loob ng banyo niya.
Sabay pa silang napasipol nang lumabas ito kahit natatawa. Umaawra pa ito sa dingding saka itinaas ang binti at hinampas ang puwet.
Para na silang mababaliw sa kakatawa nang tingnan ito. Kitang-kita ang bra na suot nito sa manipis na tela. Naka-shorts ito sa loob dahil sa sobrang nipis ng damit.
In fairness, ang mga muscles ng katawan nito ay hindi nito maitatago. Biglang hinagisan ito ni Joe ng wig na kulay violet at agad na isinuot nito iyon.
" Teka, may kulang. Lagyan kita ng make-up," sabi niya kahit maluha-luha na sa kakatawa.
Lumapit naman ito at umupo sa kama. Kinuha niya ang make-up kit at sumalampak na rin sa kama paharap dito. Tutulong sana ang dalawa pa niyang kaibigan pero pinigilan ni Joe.
" Hayaan niyo na si Zy sa pagmi-make up ng boyfriend niya," sabi pa ni Joe.
Napatawang tumingin siya uli sa bakla.
" Tigilan niyo na nga iyan. Kaya wala akong nabo-boyfriend, eh, dahil baka akala nila boyfriend ko talaga itong si Brent," saway niya sa mga kaibigan.
" Sino naman ang mag-aakalang boyfriend mo ako? Sa ganda kong twuuu? " sabat ni Brent na umawra uli.
Hinampas niya ito nang mahina sa braso.
" Umayos ka na at mimake-up an na kita," baling niya dito.
Hindi na nga ito kumikilos at tumingin na sa kanya. Bigla ay napalunok siya nang magtama ang mga mata nila. Agad na ipiniksi niya iyong kakaibang pakiramdam at sinimulan na ngang lagyan ng kolorete ang mukha nito.
Hindi niya alam pero parang naaasiwa siya dahil hindi nito inaalis ang tingin sa mukha niya habang busy siya sa ginagawa. Nang lalagyan na niya ito ng lipstick ay bigla nitong iniawang ang mga labi. Bigla siyang napalunok nang mapatingin sa mga labi nito. Sa tinagal-tagal na nilang naging magkaibigan ay hindi pa niya ito natitigan nang ganu'n sa lips.
Bakit parang nanghahalina ang mga labi nito?
Nagulat na lang siya nang biglang parang may kumidlat.
" Perfect!" nasisiyahang sabi ni Joe habang nakatitig sa phone nito.
Kinunan pala sila nito ng picture habang busy siya sa kakatitig sa lips ni Brent.
" Look, girls! Ang cute, di ba?" nakangiting sabi ni Joe.
" Patingin," agad na lumapit si Eunice kay Joe at nakitingin na rin sa pbone nito.
Bigla itong napasinghap at napatingin pa sa kanila ni Brent.
" Ako din patingin," lumapit na rin si Katrina at tiningnan ang picture.
Natahimik din ito at napatakip ng bibig at napatingin din sa kanila ni Brent. Nagtatakang nagkatinginan sila ni Brent.
" Ang OA niyo, ha?" sabi niya at akmang ipagpapatuloy na sana ang pagmi-make up sa kaibigan nang walang imik na inabot ni Joe ang cellphone nito sa kanya.
Naiintrigang kinuha niya ang phone nito at tiningnan ang picture nila ni Brent. Maging siya ay muntik nang mapasinghap nang makita iyon.
Pareho silang nakatitig sa mga labi ng isa't-isa na kung titingnang mabuti ay para silang magsiyotang nagtitigan muna bago m********n.
Biglang uminit ang mukha niya sa nakita.
" Let me see," kinuha ni Brent ang phone na hawak nya.
Bago pa niya makita ang reaksiyon ng binata ay niligpit na niya ang mga gamit saka bumaba ng kama.
" Punta muna ako ng kusina at magluluto," parang wala sa sariling sabi niya at palabas na ng pinto.
" Kakakain lang natin, ah," sabi ni Eunice.
Natigilan siya. Oo nga pla. Awtomatikong napatingin siya kay Brent at nakita niyang titig na titig ito sa picture nila. Nakita pa nga niya nang supilin nito ang ngiti.
Why is he smiling? Bigla ay nakita din nyang pumindot ito sa phone ni Joe at maya-maya ay tumunog ang sarili nitong phone.
Did he just send the picture to his phone?
Hindi makapaniwalang inalis na niya ang tingin sa lalaki saka itinuloy na ang paglabas ng kwarto.
Magluluto na siya ng memeryendahin nila, bahala na.
Excited na excited na siya sa araw na iyon. Pupunta silang magbabarkada sa isang resort. Hindi pwdeng dalhin ang mga jowa. Tanging silang anim lang talaga. Mga ilang linggo na rin kasi mula nang huli nyang nakita si Nick. Nalaman niyang kakahiwalay lang nito sa girlfriend nito through social media. Kinumusta niya ito sa chat at mula nu'n ay gabi-gabi na silang nag-uusap sa chat. Kaya't malakas ang loob niyang isakatuparan ang plano nila.Kailangan na talaga niyang gumawa ng paraan para mapansin ng lalaki. Hindi naman kasi siya pangit kaya't alam nyang malaki ang pag-asa niya. Kailangan lang talagang siya ang gumawa ng paraan.Gamit nila ang van na pag-aari ng pamilya ni Nick at ito ang nagmamaneho. Katabi niya si Brent na nakanganga pang natutulog habang nakasandal ang ulo nito sa balikat niya. Panay ang tingin niya sa salamin para lang makita ang mukha ni Nick. Minsan ay nahuli siya nitong nakatingin at hindi niya iniiwas ang mga mata at imbes ay ngumiti pa siya dito. Ngumiti din sa
Matapos nilang kumain ay nagkantahan muna sila sa videoke na nasa loob ng cottage. Parang may sariling concert si Joe dahil halos ito na ang nagpi-perform sa gitna. Tawa lang sila nang tawa. Maya-maya pa ay nagkanya-kanya na sila ng ayos ng tent. Magkasama sa isang tent sina Eunice at Katrina. Si Joe at Nick naman ang sa isa pa. Nagpaalam na rin sila ni Brent dahil doon nga sila magsi-set up sa puno na malayo sa tent ng mga kaibigan. Kanina pa nya napapansin na hindi masyadong umiimik si Brent kaya't naninibago siya.Bitbit nito ang tent nila at siya naman ang may bitbit ng iba pa nilang gamit habang naglalakad papunta sa puno." Lasing ka na ba, Brent?" tanong niya.Narinig niya ang mahinang pagtawa nito." Kung lasing na ako baka kanina pa ako humilata," natawa ito sa tanong niya." Ang tahimik mo kasi," dugtong niya.Tumingin ito sa kanya habang patuloy pa rin sila sa paglalakad." Ayaw mo nu'n? Makakatulog ka nang mahimbing ngayong gabi dahil hindi ako masyadong madaldal?" pabiron
Ibinaon pa niya ang mukha sa mainit na katawan na hinihigaan niya. Ang sarap sa pakiramdam ng katawan nito na parang ginagawa niyang unan. Wait... What?! Katawan? Unan? Bigla siyang napadilat at napatingin sa dibdib na hinihigaan. Saka lang niya naaalala ang nangyari kagabi na tuluyang nagpagising ng kanyang diwa. Parang nanonood ng pelikula na nagri-replay sa utak niya ang halikan nila ni Brent. God! Si Brent ang first kiss niya! At hindi lang basta-basta kiss kundi torrid kiss! Ang matindi pa ay pakiramdam niya ay para na siyang expert sa tindi ng halikan nila ni Brent kagabi. Nag-init agad ang pisngi niya. Paano ba niya haharapin ang kaibigan na parang walang nangyari? Kailangan niyang bumangon na at umalis sa tent bago pa ito magising. Madaling araw pa lang sa tingin niya dahil wala pa namang lumalabas na araw. Dahan-dahang inilayo niya ang mukha sa dibdib ng binata at iniangat ang tingin para tingnan kung natutulog pa ito. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang masalubo
Magkatabi pa rin sila ni Brent sa loob ng van nila Nick. Si Eunice ay katabi ni Katrina sa likod. Si Joe ay nasa harap pero nakikita niya ang panaka-nakang tingin nito sa kanilang dalawa ni Brent. Kunyari na lang ay hindi niya iyon napapansin.Maya-maya ay nag-concert na naman ang baklang kaibigan. Agad na nakahinga siya nang maluwag dahil hindi na nito inuubos ang oras sa kakaobserba sa kanila ni Brent.Biglang kinuha ni Brent ang isang kamay niya at hinawakan iyon nang mahigpit. Hindi siya lumingon dito. Sa halip ay ay itinuon niya ang mga mata sa labas ng bintana. Pinipisil-pisil ng lalaki ang kamay niya." Hays, antok na antok pa ako," narinig na lang niyang sabi ni Brent pero hindi niya ito nilingon.Umakbay ito sa kanya at bigla pa siyang nanigas nang sumandal ang ulo nito sa balikat niya. Dati naman nitong ginagawa iyon pero ngayon lang siya parang naiilang kasi pakiramdam niya ay mahahalata ng lahat na may kakaiba sa kanilang dalawa." Relax," bulong ni Brent habang nakasandal
Nasa kusina sila ng bahay nila habang nagluluto si Joe. Favorite tambayan na nila ngayon ang bahay nila dahil lagi namang wala ang Mama niya.Kasama niya sina Eunice at Katrina na nagdadaldalan habang pinapapak nang paunti-unti ang niluluto ni Joe. Natahimik lang sila nang biglang pumasok si Brent na may dalang malaking bouquet ng bulaklak. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa dala nito.Mabibisto pa yata sila nang wala sa oras!" Wow! Ang ganda naman niyan! Para kanino ba iyan? May bago ka bang nililigawan?" excited na tanong ni Katrina.Napalingon si Joe at napatingin din sa hawak ni Brent." Afatay na!" biglang sigaw ng baklang kaibigan at ibinalik na ang atensiyon sa niluluto.Napakamot sa ulo si Brent." Ahm, pinabili ni Zy. Ipapalagay daw niya sa altar ni Tita," pagsisinungaling ni Brent na agad lumapit sa kanya at ibinigay ang bulaklak." Akin na iyong sukli, ha?" dugtong pa nito kunyari.Makahulugan ang palitan nila ng tingin nang kunin niya ang bulaklak na inabot ni
Excited na pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin. Hindi siya mahilig magsuot ng dress. Mas sanay siyang naka-shorts or jeans saka blouse or shirt. Special ngayong araw kaya't nakasuot siya ng dress na hanggang tuhod at kulay beige. Nilagyan pa niya ng clip ang buhok sa may gilid ng tenga. Hanggang balikat lang ang haba ng maitim niyang buhok.Naglagay siya ng manipis na lipstick. Susunduin siya ni Brent dahil manonood sila ng sine. Actually, hindi na bago sa kanila ang panonood ng sine na sila lang pero iba ngayon dahil lalabas sila bilang magsiyota.Nang masiyahan sa mukha ay agad na lumabas ng kwarto. Nagulat pa siya nang makita itong nakaupo sa sala at hinihintay siya. Napangiti siya dahil ang gwapo nito sa suot nito na sky blue na polo shirt at maong na pantalon. Maayos pang nakasuklay ang buhok nito. Lumingon ito sa kanya at nakita niya ang pagluwang ng ngiti nito habang tinitingnan ang kabuuan niya.Tumayo si Brent at lumapit sa kanya." Pinaghandaan mo nga 'ata ang date nati
Kinabukasan pagkagising niya ay agad niyang tinawagan si Brent. Akala niya ay hindi nito sasagutin iyon pero nakaisang ring palang ay may sumagot agad." Hello," dinig niya agad ang buong boses nito.Lumunok muna siya." B-brent... I, ah..." magso-sorry na sana siya." I'm sorry. I'm so sorry, Love. Maliligo na sana ako para mapuntahan na kita diyan," biglang singit nito sa sasabihin niya.Love? Sa lahat ng sinabi ng lalaki ay isang salita lang ang tumatak sa utak niya. Hindi pa naman kasi ito nag- I love you sa kanya.Parang gusto niyang maiyak sa tuwa. Kagabi pa kasi niya nasigurado na wala na siyang nararamdaman kay Nick. Si Brent na ang tuluyang umuukopa ng puso niya. Sa katunayan, sa first monthsary nila ay siya mismo ang buong pusong mag-aannounce sa buong barakada ng tungkol sa kanila ni Brent. Surprise gift niya iyon sa boyfriend." Zy?" narinig niya uling tawag ni Brent.Nakalimutan niyang nasa kabilang linya pa pala ito." Na-miss kita," bigla niyang nasabi na parang maiiyak
Buong araw siyang hindi mapakali. OA na kung OA pero gusto na niyang makita uli si Brent kahit isang araw pa lang naman niya itong hindi nakita. Tumawag ito kanina at babiyahe na nga raw ito at ang Tita nito pauwi sa kanila.Naglinis siya ng bahay. Takang-taka pa nga ang Mama niya kung bakit para siyang kiti-kiting di mapakali. As usual, maaga na namang umalis ang Mama niya dala ang binibenta nito. May sinuswelduhan itong driver para sa pagbibenta kung saan-saan. Sinabi nitong bukas pa ito makakauwi. Sanay naman siya na hindi ito umuuwi minsan lalo't malayo ang pinupuntahan nitong lugar. Dumadayo kasi ito sa lugar na may piyesta dahil maraming tao.Sabi ni Brent ay siguradong gagabihin ang mga ito dahil tanghali na sila bumiyahe. Nagluto siya ng dinner nila. Sinabi niyang doon na kumain ng hapunan.Mag-aalas sais na at kanina pa siya nakapagluto. Naligo siya at kahit nasa bahay lang ay isinuot niya iyong pinakabago niyang blouse saka paldang hanggang tuhod na isang beses pa lang niyan