Nakangiting lumapit sa kanya sina Katrina at Eunice. Mukhang kinikilig pa nga ang mga ito para sa kanya.
" Parating na ang my loves mo," pabulong na sabi ni Eunice dahil nasa malapit lang si Brent na nagbabasa ng komiks.
Andu'n na silang apat sa ilalim ng malaking kahoy sa bakanteng lote. Doon sila nagkikita-kitang magkakabarkada. Anim silang magkababata at magkakalapit lang ng mga bahay. Hinihintay na lang nila ang dalawa pa na sina Nick at si Joe.
Tatlo silang mga babae at dalawang lalaki. Oo, dalawang lalaki lang dahil si Joe ay bakla at ang pinakamaingay sa kanila.
Mabilis na kinuha niya ang suklay at salamin at nagsuklay uli ng hindi naman nagulong buhok. Pare-pareho silang highschool students sa parehong school. Sila ni Brent ang magkaklase lang at iyong iba ay nasa ibang section din.
Ibinalik niya agad ang salamin at suklay sa maliit na shoulder bag at hinintay na dumating na sina Joe at Nick. Nakaupo silang mga babae sa natumbang malaking puno ng kahoy habang si Brent ay nasa itaas ng puno habang busy sa binabasa nitong komiks.
Nakita na nila ang dalawang kaibigan na papalapit sakay ang mga bisikleta ng mga ito. Nagkatinginan pa silang tatlong mga babae at nagngitian. Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang malapit na ang dalawang bisikleta dahil nakita niyang may nakaangkas na babae sa bisikleta ni Nick.
Mabilis na lumapit sina Nick at Joe sa kanila at itinabi ang mga bisikleta. Inakbayan ni Nick ang babaeng kasama nito.
" Kanina pa ba kayo mga girlalu at isang unggoy?" malakas na tanong ni Joe na tiningala pa sa itaas ng puno si Brent.
Biglang tumalon galing sa puno si Brent para lumapit na rin. Walang umimik sa kanila at nakatingin lang sa babaeng inaakbayan ni Nick.
" Oh, si Fay pala, girlfriend ko," nakangiting pagpapakilala ni Nick sa babaeng kasama.
Biglang kumirot ang musmos niyang puso. Gusto niyang umiyak pero pinipigilan lang niya. Tinititigan niya ang ipinakilala nito. Maganda ang babae pero mukha pa lang alam na niyang maharot.
" Hi! " masiglang sabi ng babae.
" Hi, I'm Brent," paunang pakilala ni Brent nang walang sumagot sa mga babae.
Inabot ni Brent ang kamay sa girlfriend ni Nick. Mapupungay ang mga matang bumaling ang tingin nito sa lalaki. Hindi niya alam pero sa tingin niya ay may pagkamalandi ang pagkakangiti ng babae.
Actually, mas gwapo si Brent kesa kay Nick pero si Nick ang nagbibilang ng nobya. Siguro dahil mas magaling itong mambola. Si Brent kasi minsan ay may pagkasuplado at siya lang ang nakakaintindi ng topak nito dahil sila ang mas malapit sa isa't-isa.
Napakunot-noo pa siya nang tila nagpapa-cute ang babae kay Brent kahit katabi nito ng boyfriend nito. Nakita rin niya ang disgusto sa mukha ng dalawa pa nyang kaibigan na sina Katrina at Eunice.
" Ola! Ito naman ang mga magaganda naming besties. Si Katrina, si Eunice at siyempre ang pinakamaganda sa balat ng lupa si Zyline!" nagulat pa silang lahat sa malakas na boses ng bakla nilang kaibigan na si Joe.
Napilitang inabot na din nila ang kamay sa bagong girlfriend ni Nick. Ikalimang girlfriend na yata ito na naipakilala sa kanila ng kaibigan.
" Oh, girls, tulungan ninyo akong ilatag itong sapin du'n para may picnic feeling tayo. May dala na rin kaming pagkain," biglang sabi ni Joe na nagpauna nang pumunta sa tabi ng puno.
Sumunod naman agad sina Eunice at Katrina. Siya ay hindi pa rin kumikilos sa kinatatayuan. Magpapaalam na lang sana siya na uuwi at magdadahilang sumakit ang ulo lalo't nakita nyang sweet na sweet ang lalaking itinatangi niya at ang girlfriend nito. Pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Brent.
" Joe, pahiram muna ng bike mo, ha? Magpapahangin lang kami ni Zy," paalam nito at hinawakan na siya sa kamay para puntahan ang bike ni Joe.
Hindi siya nakaimik na sumunod na rin sa paghakbang nito.
" Uy, kayo, ha? Baka kayo na at hindi niyo lang sinasabi," nanunuksong sabi ng bakla na tumigil pa muna sa ginagawa nito.
Napatingin sina Nick at ang girlfriend nito sa kanila.
" Oo nga. Sabihin niyo na kasi para happy-happy!" biglang sabat ni Nick.
Biglang napangiwi ang mukha niya sa mga narinig.
" Mga sira!" nakatawang sabi ni Brent saka pinasakay na siya sa bike.
Hindi umimik ang dalawang babaeng kaibigan nila dahil alam naman talaga ng mga ito kung sino talaga ang gusto nya.
Sumakay na rin siya sa harapan ni Brent. Hindi pa rin siya kumikibo. Sinimulan na nito ang pag-pedal ng bike. Hindi niya alam kung saan sila pupunta pero wala siyang pakialam. Kahit saan siya dalhin ni Brent ay sasama siya. Baka kasi bumunghalit na lang siya ng iyak kapag andu'n siya.
" Okay ka lang?" biglang tanong ni Brent.
" Yep," maikling sagot nya.
Ipinikit niya ang mga mata para damhin ang dampi ng hangin sa mukha habang iniikot nila ang buong subdivision.
Alam niya na kahit hindi niya sinasabi dito ang malaking pagkakagusto niya kay Nick ay alam na alam ito ng lalaki. Alam nyang sinadya nitong isama siya sa pagbibisikleta dahil nakita siguro nitong maiiyak na siya kanina.
Kahit wala pa siyang sinasabi sa kaibigan niya na ito ay alam nito ang lahat ng nararamdaman niya.
Tumingala siya sa mukha ng kaibigan na nakatuon ang pansin sa daan.
Bakit kasi hindi na lang siya dito nagkagusto? Ang gwapo naman talaga nito. Katunayan si Nick ay maputi lang pero hindi talaga kagwapuhan pero si Brent ay mestiso ang mukha dahil may lahing banyaga ang ama nitong naninirahan na sa ibang bansa kasama ang pamilya nito.
Hindi kasi kasal ang mga magulang ng lalaki hanggang sa naghiwalay. Kalaunan ay nakapag-asawa na ang ama ng binata habang ang ina nito ay nagtatrabaho abroad. Naiwan ito sa pangangalaga ng Tita nito na may sariling pamilya na rin.
" Tapos ka na ba?" maya-maya'y tanong nito na nasa kalsada pa rin nakatingin.
" Huh?" nagtatakang tanong niya na nananatiling nakatingala sa mukha nito.
" Tapos ka na bang kilatisin ang kgwapuhan ko? "saka ito yumuko sa kanya nang nanunukso ang mga mata.
Umirap lang siya sa lalaki.
" Kapal," mahinang sabi nya.
Tumawa lang ito at tumingin uli sa daan. Maya-maya'y narinig na lang niyang kumakanta ito nang mahina. Kinakanta nito ang kanta ni Bituin Escalante na Kung ako na lang sana ang iyong minahal.
Napangiti na siya at sumabay na rin sa pagkanta nito. Nasundan pa iyon ng iba pang kanta hanggang sa nagtatawanan na sila dahil pareho silang sintunado.
Nakangiti na siya nang bumalik sila ni Brent sa tambayan nilang magbabarkada. Magkahawak-kamay pa silang lumapit sa mga kaibigan na nakatingin sa kanila. Nakita nya ang pagtaas ng kilay ni Fay.
" Ay, iba! Talagang matagal na akong nagdududa sa dalawang ito, eh!" pumapalakpak pa na sabi ni Joe.
Nakita din niya na seryosong nakatingin si Nick sa kamay nila ni Brent na magkahawak. Nagkatinginan lang silang dalawa ni Brent saka sabay na nagtawanan. Umupo na rin silang dalawa sa tabi ng mga ito. Kumuha si Brent ng pagkain nila at pinagsaluhan nila iyon.
Nakatingin lang sa kanila ang lahat at para mas lalong asarin ang mga ito ay sinubuan pa siya ni Brent. Nakangiting ibinuka nya rin ang bibig para kainin ang isinusubo nito saka sila nagtatawanan na namang dalawa.
Linggo.Umaga pa lang ay nasa inuupahan na ng pinsan niya si Joe. Para itong hindi mapakali na ewan. Mabuti na lang din at may damit ang pinsan niya na may pagka-gold kaya't hindi na ito bumili pa ng maisusuot. Ang sa mga lalaki naman daw ay black and white lang.Hapon pa lang ay pinabihis na siya ni Joe. Magaling itong mag-ayos ng buhok at mag-make up dahil sa trabaho nito kaya't ito na ang nag-ayos sa kanya. Itinali nito ang buhok niya paitaas at nag-iwan lang ng mumunting hibla. May inipit itong hair pin na malaki na korteng bulaklak na kulay gold din. Napangiti siya nang tingnan ang sarili sa salamin." Baka naman matalbugan ko pa si Katrina nito," pabirong sabi niya." Ay, hayaan mo na. Wala naman iyong paki dahil secured na ang lovelife nu'n," nakatawang sabi ni Joe habang inaayos pa ang buhok niya.Nawala ang ngiti niya dahil naalala niya si Brent." Oh, bakit ka naman nalungkot bigla? Sigurado ako sa ganda mong iyan, magiging secured na rin ang lovelife mo ngayong gabi," saka
Agad na isinara ni Brent ang pinto ng kwarto gamit ang isang paa. Kinarga siya nito habang hindi naghihiwalay ang mga labi nila. Maingat na ibinaba siya nito sa kama habang nakatitig sa kanya. Napalunok pa siya nang simulan na nitong hubarin ang suot nito. Basta na lang nito itinapon sa sahig ang mga iyon. Ang tanging iniwan nitong suot ay ang white brief nito na hindi maitatago ang nakaumbok du'n. Ngumiti ito nang mapansing titig na titig siya sa namumukol na pagkalalaki nito." You can stare all you want. Now, we'll be doing it with the lights on. I want to see all of you," kitang-kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito.Hinubad muna nito ang mga sapatos na suot niya. Yumuko ito habang sumampa na sa kama at hinahalikan ang mga binti niya kahit may nakatabing pa ring tela doon. Nangilabot siya sa ginagawa nito. Muntik pa ngang sumipa ang mga paa niya. Umakyat ang mga halik nito sa hita niya. Inilipat nito ang bibig sa isa pa nyang hita at hinahalikan siya doon paakyat. Tumigil ito a
Tinawag na sila ni Joe para kumain. Nakita niya si Brent na nakaupo sa sulok at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Naiilang tuloy siyang kumilos. Tumabi siya uli kina Katrina at Eunice. Nang makakuha na ang lahat ay saka tumayo si Brent para kumuha ng pagkain nito.Buti na lang at wala ni isang nagtanong uli ng tungkol sa kanila ni Brent. Napupuno na naman ng tawanan habang kumakain sila dahil sa mga pinagkukwento ni Joe. Sila lang ni Brent ang parehong tahimik. Kapag nagsasalubong ang mga tingin nila ay agad siyang umiiwas.Pagkakain ay nagkanya-kanya na sila ng ligpit ng mga gamit nila. Pupunta na sana siya sa kotse ni Joe nang magsalita si Brent." Sumabay ka sa akin, Zy, wala akong kasama. Baka makatulog ako sa biyahe," parang walang anumang sabi nito.Hindi iyon tunog pakiusap kundi pautos ang pagkakasabi nu'n. Kita niya ang nanunudyong tinginan ng lahat kahit wala ni isang nagsalita. Nang lumingon siya rito ay nakabukas na ang passenger's seat nito at hinihintay siyang pumasok s
Nagising siya dahil sa mabigat na nakadagan sa may hita niya. Napakurap-kurap pa siya nang dahan-dahan niyang idilat ang mga mata. Namulatan niya ang mukha ni Brent na mahimbing pa ring natutulog habang yakap siya. Muntik pa siyang bumalikwas ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. Nang tingnan niya ang ibabang bahagi ng katawan nila ay nakita niya ang hita ni Brent na nakadantay sa kanya. Iyon pala iyong bagay na mabigat na nakadagan sa kanya. Nalilis na nang konti ang kumot sa ibaba kaya't kitang-kita niya ang isang hita nito na nasa gitna ng mga hita niya. Biglang namula ang mukha niya nang makitang pareho silang walang saplot sa katawan. Hindi pa sumisikat ang araw. Maingat na inalis niya ang braso nitong nakapulupot sa kanya para huwag itong magising. Gumalaw ito konti kaya't tumigil muna siya. Nang makitang mahimbing pa rin itong natutulog ay inalis niya naman ang hita nito sa kanya. Muntik pa siyang mapasinghap nang makita ang parang handa na namang sandata nito. Tayong-ta
Natapos na nitong ayusin ang tent nila. Panay ang himas niya sa braso niya dahil parang naiilang siya. Kita niya sa di kalayuan ang dalawang tents ng mga kaibigan nila. " Zy," tawag ni Brent sa kanya.Ibinaling na niya ang tingin sa lalaki. " Let's get inside," sabi nito na inilahad pa ang isang kamay sa kanya. Napalunok na lumapit na rin siya dito. Yumuko siya para pumasok habang nasa may bukana pa rin ito ng tent. Saka lang ito pumasok nang nasa loob na siya. Umupo na siya at tiningnan ito nang isara nito ang zipper ng tent. Muli ay napalunok siya. Parang nahihirapan siyang huminga sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.Tumingin si Brent sa kanya at umupo na rin sa tabi niya. Wala silang imikan noong una. Pareho lang silang nagpapakiramdaman.***********************" B-bakit hindi mo na pala kasama si Hannah?" siya na ang nagbukas ng topic para hindi sila masyadong magka-ilangan." Kailangan niyang umuwi muna ng Manila dahil naaksidente ang kapatid niya. Okay naman daw na at k
Nalaman niya kay Joli na nasa Manila si Brent at busy daw sa pinapatayo nitong condo at rentpad. Kasama na nitong lumuwas si Hannah nu'ng isang araw pa. Nalungkot siya sa nalaman dahil parang dumaan nga lang uli sa buhay niya si Brent para pukawin lang ang pahilom na niyang sugat. Ilang araw na din niyang kinakausap si William, ang boss ng pinsan niya sa Dubai. Lagi itong nagvi-video call sa kanya. Mabait naman ang lalaki kaya't binibigyan na niya ito ng pagkakataong mapalapit sa kanya. Hindi naman ito mahirap mahalin dahil kahit nasa malayo ito ay naipaparamdam pa rin nito sa kanya ang interes nito sa kanya. Walang araw na hindi ito tumatawag o nagcha-chat sa kanya. May mga natatanggap pa nga siyang mga bulaklak na pinapa-deliver nito sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang Mama niya.Dalawang linggo na mula nang huli niyang makita si Brent. Tumawag si Joe at sinabing babalik daw silang magbabarkada sa resort na pinuntahan nila dati. Pumayag na raw sina Katrina at Eunice pero hindi makakasa