Home / Romance / He Loves Me, He Loves Me Not / CHAPTER 5: TWO HEARTS, ONE SECRET

Share

CHAPTER 5: TWO HEARTS, ONE SECRET

Author: Jewiljen
last update Last Updated: 2022-10-20 15:14:35

Ibinaon pa niya ang mukha sa mainit na katawan na hinihigaan niya. Ang sarap sa pakiramdam ng katawan nito na parang ginagawa niyang unan.

Wait... What?!

Katawan? Unan?

Bigla siyang napadilat at napatingin sa dibdib na hinihigaan. Saka lang niya naaalala ang nangyari kagabi na tuluyang nagpagising ng kanyang diwa.

Parang nanonood ng pelikula na nagri-replay sa utak niya ang halikan nila ni Brent.

God! Si Brent ang first kiss niya! At hindi lang basta-basta kiss kundi torrid kiss!

Ang matindi pa ay pakiramdam niya ay para na siyang expert sa tindi ng halikan nila ni Brent kagabi. Nag-init agad ang pisngi niya.

Paano ba niya haharapin ang kaibigan na parang walang nangyari? Kailangan niyang bumangon na at umalis sa tent bago pa ito magising.

Madaling araw pa lang sa tingin niya dahil wala pa namang lumalabas na araw. Dahan-dahang inilayo niya ang mukha sa dibdib ng binata at iniangat ang tingin para tingnan kung natutulog pa ito.

Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang masalubong ang seryosong mga tingin nito na parang kanina pa din ito gising.

Agad na ibinaon niya uli ang mukha sa dibdib ng lalaki saka pumikit na naman nang mariin.

Magtutulog-tulugan ba siya uli? Ah, basta! Hindi pa siya ready na humarap dito.

" Zy, I know hindi ka na makakabalik ng tulog niyan. Hinayaan na kita kagabi. We really need to talk, Zy," pati tono ng kaibigan ay seryosong-seryoso.

Huminga siya nang malalim. Tama nga ito. Hindi niya naman pwedeng iwasan ito forever.

" Pagkatapos nating mag-usap ay pwede ka nang humiga uli sa dibdib ko kahit maghapon pa," parang nanunukso nang sabi nito.

Mabilis na umalis siya sa pagkakahiga dito. Babangon sana siya pero hinila lang siya nito para mapahiga sa braso nito nang nakatagilid. Agad na nagtama ang mga mata nila. Iiwas sana siya ng tingin nang hawakan nito ang mukha niya para pigilan siya.

Hinuhuli nito ang mga mata niya kaya't wala siyang nagawa kundi tumingin na rin dito kahit naaasiwa siya. Nakatagilid din ito sa kanya paharap.

" There was this spark between us when we kissed last night. We can't deny that," panimula nito.

Hindi siya makasagot dahil totoo ang sinasabi nito. Sa katunayan ay gulung-gulo ang utak at puso niya pagkatapos ng namagitang halik sa kanilang dalawa.

" Zy?" patanong na sambit nito ng pangalan niya.

" Y-yah?" halos ayaw pang lumabas ng boses niya.

Tiningnan nito ang kabuuan ng mukha niya habang nananatili ang kamay nito sa pisngi niya.

" Can we atleast try it?" seryosong tanong nito.

" T-try w-what?" tanong pa rin niya kahit alam niya ang ibig nitong sabihin.

Humigit muna ito ng hininga bago nagsalita uli.

" Maging tayo?" walang gatol na sabi nito.

Napatitig siya nang matagal sa kaibigan. Alam niyang may kakaibang damdaming napukaw ang halik nito sa kanya. Gusto rin niyang malaman kung ano'ng klaseng damdamin iyon.

" O-okay," mahinang sang-ayon niya.

Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito sa sagot niya.

" But..." maagap na dugtong niya.

Parang biglang kinabahan ang mukha nito sa sinabi niya.

" But what?" agad na tanong ni Brent.

Lumunok muna siya at naghagilap ng tamang salita sa susunod na pakiusap.

" P-pwedeng huwag muna nating sabihin sa kanila? This should be between us muna," request niya sa lalaki.

" Why?" parang ayaw nito sa pakiusap niya.

" Since trial and error pa naman ang sa atin, pwedeng saka na natin sabihin kung sure na talaga tayo? Let's say... two months or three months from now. I-if... if magtutuluy-tuloy na nga tayo," nahihirapang sabi niya.

Matagal na di ito umimik pero maya-maya ay tumango-tango na rin ito.

" Okay," sagot nito saka siya hinalikan sa noo.

Napapikit siya sa pagdampi ng labi nito sa noo niya. Hinawi nito ang buhok niya at inipit sa gilid ng tenga niya. Akmang hahalikan na naman sana siya nito nang biglang may tumatawag sa labas ng tent.

" Yohoo! Kumusta naman kayo diyan? Baka mamaya niyan, ha, ay magiging Ninang na ako nine months from now," narinig nila ang malakas na boses ni Joe at tumawa pa ito sa huling sinabi.

Agad na inilayo niya ang mukha kay Brent at mabilis na bumangon lalo't nakita na nila ang kamay ni Joe na parang kumakatok sa tela ng tent.

" Knock, knock! Magdududa na ako kung matatagalan ang pagbukas ninyo ng tent," ayaw pa rin nitong tumigil sa kakaintriga sa kanila.

Mabilis na binuksan na ni Brent ang zipper ng tent. Bumulaga agad sa kanila ang mukha ng bakla nilang kaibigan. Agad na tiningnan sila nito.

" Ay, nakadamit pa naman pala sila," at humahagikhik pa ito pagkasabi nu'n.

" Sira!" sabay pa nilang sabi ni Brent.

Lumabas na din siya ng tent para tumigil na ang baklang kaibigan. Sa tuwing tinutukso kasi sila ni Brent ngayon ay panay na ang sikdo ng dibdib niya. Baka mapaghahalata na sila.

Lumabas na rin si Brent at sinimulan nang ligpitin ang tent. Iniiwasan niyang mapatingin sa binata dahil pakiramdam niya ay mamumula ang pisngi niya at magtataka na naman si Joe.

" Bilisan niyo na dahil papasikat na ang araw. Gusto kong sabay nating hintayin ang pagsikat ng araw!" kinumpas-kumpas pa ng bading ang kamay nito sa itaas.

Binitbit na niya ang mga gamit nila ni Brent at hinihintay itong matapos sa pagliligpit ng tent.

Tumingin ito sa kanya.

" Mauna na kayo du'n para makapag-ayos ka muna. Susunod na ako pagkatapos," sabi ni Brent sa kanya.

Parang naging masuyo sa pandinig niya ang boses nito. Biglang nagpalipat-lipat ang tingin ng bakla sa kanilang dalawa.

" Hmmm..." iyon lang ang sinabi nito na kumunot pa ang noo.

Bago pa ito mang-intriga uli ay umabrisyete na siya sa baklang kaibigan.

" Tayo na nga nang makapaghilamos at suklay muna ako. Una na kami, Brent," paalam niya sa lalaki na di na ito tiningnan pa baka kasi mahuli na talaga sila ng intrigero nilang kaibigan.

Hindi na rin sumagot pa si Brent nang umalis na sila ni Joe. Habang naglalakad sila ni Joe papuntang cottage ay hindi niya namamalayan na napapangiti na pala siya.

" Zy, ano'ng mahiwagang nangyari kagabi at parang iba ang aura niyong dalawa ni Brent?" hindi pa rin pala ito tapos sa kanila.

" Huh? Mahiwaga ba kamo? Paano magiging hiwaga iyong biglang umutot si Brent habang nakasara iyong tent? Muntik na talaga akong mahimatay sa baho. I think nahimatay nga ako at nadiretso na ng tulog," nag-imbento na siya ng kwento para maalis ang pagdududa ni Joe.

Effective naman dahil napakalakas ng tawa nito. Hindi ito tumigil sa kakatawa hanggang sa nakarating sila ng cottage.

" Good Morning!" nakangiting bati ni Nick na umiinom na ng kape.

" Good Morning din sa inyong lahat!" masiglang bati niya sa mga kaibigan at ngumiti din kay Nick.

Bakit parang hindi na siya kinikilig sa ngiti nito? Bakit ang isip niya ay naiwan kay Brent na nagliligpit pa rin ng tent?

Pinipigilan pa nga niya ang sarili na balikan ito. Kakaiba din ang saya na nararamdaman niya sa ngayon.

Nakangiting ipinilig niya lang ang ulo.

" Mukhang ang ganda ng gising mo, ah?" pansin ni Nick na hindi pala inaalis ang tingin sa kanya kaya't nakita nito ang kakaibang ngiti sa mga labi niya.

" Ay, maganda talaga dahil maganda ang tulog niya. Salamat sa mahiwagang utot ni Brent!" biglang sabat ni Joe at ikinuwento pa nito ang inimbento niyang kwento kanina.

Nagtawanan ang lahat maliban kay Nick na hindi inaalis ang tingin sa kanya habang umiinom ng kape.

Umalis na lang siya sa harap nito dahil parang pinag-aaralan nito ang ekspresyon ng mukha niya.

" Parang narinig ko ang pangalan kong ipinagsisigawan ni Joe, ah!" mabilis na lumingon siya nang marinig niya ang boses ni Brent.

Nagtama agad ang mga mata nila. Ilang segundo din iyong naghinang bago nag-iwasan ng tingin para walang makahalata sa mga kaibigan nila.

Muli ay ikinuwento ni Joe ang sinabi niya rito tungkol kay Brent.

" Ano?!" takang-takang tanong ni Brent.

Hindi na niya napigilan ang sarili at napalakas na ang tawa niya sa nakitang ekspresyon ng lalaki.

" Ah, ganun? Ginagawan mo ako ng kwento, ha!" nagbabantang sabi ni Brent na akmang lalapit sa kanya.

Agad na tumakbo siya palayo rito.

" Ay naku! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa iyan sila magsyota," parang walang anumang sabi ni Joe na ni-ready na ang camera para sa sunrise pictorial nila.

Sa kakatakbo niya ay napalayo na pala sila konti sa cottage.

" Tama na, Brent! Hinihingal na ako," suko niya.

Sumandal pa siya sa puno ng niyog habang habol ang hininga. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya sa beywang.

" May makakakita sa atin," hinampas niya nang mahina ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya.

" Hindi na nila tayo makikita," pabulong na sabi nito at inilapit ang mukha sa kanya.

Hindi na rin siya kumibo pa at napatingin na rin sa mukha nitong ilang dipa na lang ang layo.

Ipinikit niya ang mga mata nang dumampi na ang mga labi nito sa kanya. Mga damping halik lang ang ibinigay nito. Saka siya hinawakan sa kamay para bumalik sa cottage.

Sinaway niya ang sarili nang parang nadismaya siya sa klase ng pagkakahalik nito. Tamang-tama naman ang pagbalik nila dahil naka-ready na si Joe para sa photoshoot nila at saktong papalabas na rin ang araw.

Kanya-kanyang awrahan na ang lahat. Pero ang pinakahuling picture ay silang dalawa ni Brent. Kailangan daw kasi nito ng models na couple kunyari para sa latest project nito. Sila raw kasi ang bagay sa theme ng project.

Si Joe ang nagdi-decide kung ano ang gagawin nila. Walang imik na sinunod na rin nila ito dahil papasikat na talaga ang araw.

Pinahawak ni Joe si Brent sa beywang niya habang nakahawak ang isang kamay nya sa leeg nito. Kunyari raw ay hahalikan siya ni Brent. Parehong natigilan sila ni Brent pero hindi na rin nagreklamo pa.

Malapit na malapit nga ang mukha nila habang panay ang kuha ng pictures ni Joe. Panay hiyawan naman ang mga kaibigan nilang babae na sina Eunice at Katrina. Si Nick ay nagpaalam nang mauna muna sa cottage.

" Baka mahahalikan talaga kita kapag hindi ako nakapagpigil," bulong ni Brent habang busy pa rin si Joe sa pagkuha ng pictures nila.

" Subukan mo at break na agad tayo," mahina ang boses ng pagbabanta niya.

Nakita niya uli ang pagkislap ng mga mata nito.

" Hoy! Mga love birds, kanina ko pa sinabing tapos na. Parang gustung-gusto niyo naman ang ginagawa niyo. Totohanin niyo na kaya iyan nang makuhanan ko kayo ng picture na naghahalikan talaga," narinig na lang nilang sigaw ni Joe.

Mabilis na inalis niya ang kamay sa leeg ni Brent at lumayo dito saka patakbong pinuntahan si Joe.

" Patingin nga ng pictures," hindi na niya pinansin ang sinabi ng baklang kaibigan kanina.

Ang ganda ng mga kuha ng kaibigan nila. May talent kasi talaga ito sa photography. Muntik pa siyang manghingi ng mga kopya pero nahihiya siya kasi baka makahalata na nga ang mga ito.

Mukha silang in love na in love na magnobyo ni Brent sa pictures.

Mukha lang ba? Or totohanan na? Pangungulit ng isang bahagi ng utak niya.

Napatingin siya kay Brent sa tanong na iyon. Nakatingin din pala ito sa kanya. Agad na ngumiti ito sa kanya at nagpapapungay pa ng mga mata.

Natatawang inirapan niya lang ito. Nakita pala iyon lahat ni Joe at tumaas lang ang kilay nito na napapangiti nang palihim. Parang nakuha na nito ang kumpirmasyon sa pagdududa nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
J.L
ang cute ... nakakakilig ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • He Loves Me, He Loves Me Not   FINALE: HE LOVES ME (I DO!)

    Linggo.Umaga pa lang ay nasa inuupahan na ng pinsan niya si Joe. Para itong hindi mapakali na ewan. Mabuti na lang din at may damit ang pinsan niya na may pagka-gold kaya't hindi na ito bumili pa ng maisusuot. Ang sa mga lalaki naman daw ay black and white lang.Hapon pa lang ay pinabihis na siya ni Joe. Magaling itong mag-ayos ng buhok at mag-make up dahil sa trabaho nito kaya't ito na ang nag-ayos sa kanya. Itinali nito ang buhok niya paitaas at nag-iwan lang ng mumunting hibla. May inipit itong hair pin na malaki na korteng bulaklak na kulay gold din. Napangiti siya nang tingnan ang sarili sa salamin." Baka naman matalbugan ko pa si Katrina nito," pabirong sabi niya." Ay, hayaan mo na. Wala naman iyong paki dahil secured na ang lovelife nu'n," nakatawang sabi ni Joe habang inaayos pa ang buhok niya.Nawala ang ngiti niya dahil naalala niya si Brent." Oh, bakit ka naman nalungkot bigla? Sigurado ako sa ganda mong iyan, magiging secured na rin ang lovelife mo ngayong gabi," saka

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 20: INVITED

    Agad na isinara ni Brent ang pinto ng kwarto gamit ang isang paa. Kinarga siya nito habang hindi naghihiwalay ang mga labi nila. Maingat na ibinaba siya nito sa kama habang nakatitig sa kanya. Napalunok pa siya nang simulan na nitong hubarin ang suot nito. Basta na lang nito itinapon sa sahig ang mga iyon. Ang tanging iniwan nitong suot ay ang white brief nito na hindi maitatago ang nakaumbok du'n. Ngumiti ito nang mapansing titig na titig siya sa namumukol na pagkalalaki nito." You can stare all you want. Now, we'll be doing it with the lights on. I want to see all of you," kitang-kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito.Hinubad muna nito ang mga sapatos na suot niya. Yumuko ito habang sumampa na sa kama at hinahalikan ang mga binti niya kahit may nakatabing pa ring tela doon. Nangilabot siya sa ginagawa nito. Muntik pa ngang sumipa ang mga paa niya. Umakyat ang mga halik nito sa hita niya. Inilipat nito ang bibig sa isa pa nyang hita at hinahalikan siya doon paakyat. Tumigil ito a

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 19.2: BEFORE I LET YOU GO

    Tinawag na sila ni Joe para kumain. Nakita niya si Brent na nakaupo sa sulok at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Naiilang tuloy siyang kumilos. Tumabi siya uli kina Katrina at Eunice. Nang makakuha na ang lahat ay saka tumayo si Brent para kumuha ng pagkain nito.Buti na lang at wala ni isang nagtanong uli ng tungkol sa kanila ni Brent. Napupuno na naman ng tawanan habang kumakain sila dahil sa mga pinagkukwento ni Joe. Sila lang ni Brent ang parehong tahimik. Kapag nagsasalubong ang mga tingin nila ay agad siyang umiiwas.Pagkakain ay nagkanya-kanya na sila ng ligpit ng mga gamit nila. Pupunta na sana siya sa kotse ni Joe nang magsalita si Brent." Sumabay ka sa akin, Zy, wala akong kasama. Baka makatulog ako sa biyahe," parang walang anumang sabi nito.Hindi iyon tunog pakiusap kundi pautos ang pagkakasabi nu'n. Kita niya ang nanunudyong tinginan ng lahat kahit wala ni isang nagsalita. Nang lumingon siya rito ay nakabukas na ang passenger's seat nito at hinihintay siyang pumasok s

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 19.1: BEFORE I LET YOU GO

    Nagising siya dahil sa mabigat na nakadagan sa may hita niya. Napakurap-kurap pa siya nang dahan-dahan niyang idilat ang mga mata. Namulatan niya ang mukha ni Brent na mahimbing pa ring natutulog habang yakap siya. Muntik pa siyang bumalikwas ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. Nang tingnan niya ang ibabang bahagi ng katawan nila ay nakita niya ang hita ni Brent na nakadantay sa kanya. Iyon pala iyong bagay na mabigat na nakadagan sa kanya. Nalilis na nang konti ang kumot sa ibaba kaya't kitang-kita niya ang isang hita nito na nasa gitna ng mga hita niya. Biglang namula ang mukha niya nang makitang pareho silang walang saplot sa katawan. Hindi pa sumisikat ang araw. Maingat na inalis niya ang braso nitong nakapulupot sa kanya para huwag itong magising. Gumalaw ito konti kaya't tumigil muna siya. Nang makitang mahimbing pa rin itong natutulog ay inalis niya naman ang hita nito sa kanya. Muntik pa siyang mapasinghap nang makita ang parang handa na namang sandata nito. Tayong-ta

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 18: ONE SPECIAL NIGHT

    Natapos na nitong ayusin ang tent nila. Panay ang himas niya sa braso niya dahil parang naiilang siya. Kita niya sa di kalayuan ang dalawang tents ng mga kaibigan nila. " Zy," tawag ni Brent sa kanya.Ibinaling na niya ang tingin sa lalaki. " Let's get inside," sabi nito na inilahad pa ang isang kamay sa kanya. Napalunok na lumapit na rin siya dito. Yumuko siya para pumasok habang nasa may bukana pa rin ito ng tent. Saka lang ito pumasok nang nasa loob na siya. Umupo na siya at tiningnan ito nang isara nito ang zipper ng tent. Muli ay napalunok siya. Parang nahihirapan siyang huminga sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya.Tumingin si Brent sa kanya at umupo na rin sa tabi niya. Wala silang imikan noong una. Pareho lang silang nagpapakiramdaman.***********************" B-bakit hindi mo na pala kasama si Hannah?" siya na ang nagbukas ng topic para hindi sila masyadong magka-ilangan." Kailangan niyang umuwi muna ng Manila dahil naaksidente ang kapatid niya. Okay naman daw na at k

  • He Loves Me, He Loves Me Not   CHAPTER 17: THE CONFESSION

    Nalaman niya kay Joli na nasa Manila si Brent at busy daw sa pinapatayo nitong condo at rentpad. Kasama na nitong lumuwas si Hannah nu'ng isang araw pa. Nalungkot siya sa nalaman dahil parang dumaan nga lang uli sa buhay niya si Brent para pukawin lang ang pahilom na niyang sugat. Ilang araw na din niyang kinakausap si William, ang boss ng pinsan niya sa Dubai. Lagi itong nagvi-video call sa kanya. Mabait naman ang lalaki kaya't binibigyan na niya ito ng pagkakataong mapalapit sa kanya. Hindi naman ito mahirap mahalin dahil kahit nasa malayo ito ay naipaparamdam pa rin nito sa kanya ang interes nito sa kanya. Walang araw na hindi ito tumatawag o nagcha-chat sa kanya. May mga natatanggap pa nga siyang mga bulaklak na pinapa-deliver nito sa kanya. Tuwang-tuwa naman ang Mama niya.Dalawang linggo na mula nang huli niyang makita si Brent. Tumawag si Joe at sinabing babalik daw silang magbabarkada sa resort na pinuntahan nila dati. Pumayag na raw sina Katrina at Eunice pero hindi makakasa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status